CJ's POV
Ako na nga siguro ang pinakadesperadong lalake sa mundo. I did many stupid things para lang makuha ko si Allison and its worth it. I really love her too much na umabot na sa puntong kaya kong makapanakit o makapatay ng tao huwag lang siyang maagaw ng iba sa akin.
I know that she doesn't love me at alam ko na hanggang ngayon ay si Kenneth pa rin ang mahal niya pero sigurado naman ako na balang araw ay matututunan niya rin akong mahalin pabalik katulad ngayon na okay na kami.
Ngayon ay kakatapos ko lang magpractice ng basketball kasama sina Laurence at Gene. Umupo kami sa isang bench para magpahinga.
"How are you and Allison, bro? Mukhang effective talaga 'yung ginawa mong plano, ah? Ngayon ay nabaliktad na ang mundo niyong dalawa ni Kenneth at ikaw na ang nasa pwesto niya. Kahit si Allison naagaw mo na rin sa kanya." Nakangising sabi ni Laurence habang sinisintas nito ang sapatos niya.
Ngumiti lang naman ako at nagkibit-balikat. "I'm the almighty, CJ at ang sabi mo nga, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Sinadya ko talagang maging angat ngayon para kahit papaano ay magbago na ang tingin ni Allison sa akin-"
"Kahit kailan ay hindi ka na talaga nagbago."
Napalingon naman kami sa nagsalita at nakita ko si Hiro na sobrang sama ng tingin sa akin. Tumayo naman ako saka siya hinarap.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko.
Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Stop making Allison looks like a fool. Alam kong plinano mo ang lahat ng 'to para maagaw mo siya kay Kenneth. Hindi ka na ba naaawa kay Allison? She doesn't even love you pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya." Sabi niya.
Nag-init naman kaagad ang ulo ko dahil sa mga sinabi ni Hiro kaya hindi ko na napigilang kwelyuhan siya at tinitigan ng masama.
"At sino ka para pagsabihan ako sa mga dapat kong gawin? Wala kang pakialam sa kung ano man ang mga pinaplano ko. Sabihin mo nga sa akin, may gusto ka ba kay Allison kaya ganyan ka na lang kung manghimasok sa amin?" Sigaw ko dahil sa galit.
Ngumisi naman siya. "What if I say yes? Anong magagawa mo? Pero ibahin mo ako, CJ. May gusto ako kay Allison pero mas gugustuhin ko pa rin na maging masaya siya sa taong mahal niya. Hindi ko gagawin ang mga ginagawa mo dahil sa totoo lang, sobrang napaka makasarili mo. Hindi mo mahal si Allison kundi obsess ka na sa kanya!" Sigaw niya sa akin pabalik.
Bigla ay natahimik ako sa mga sinabi niya dahil may punto siya do'n. Alam kong ni katiting na pagmamahal ay walang maibigay si Allison para sa akin pero hindi ko nalang pinansin pa iyon dahil mas lamang pa rin ang matinding pagmamahal at pag-aangkin ko sa kanya. She's the only girl that I really loved at alam kong mababaliw ako ng sobra kapag nawala siya sa akin.
Tama nga si Hiro, I'm already obsessed to Allison kaya hindi ako makakapayag na makuha siya sa akin ng ibang lalake.
Tinulak ko naman si Hiro hanggang sa napaupo siya sa sahig ng basketball court. Kaagad ko siyang tinadyakan sa tiyan dahilan para dumaing siya sa sakit. Sinenyasan ko naman sina Laurence at Gene na hawakan si Hiro sa magkabilang braso niya para hindi na siya magpumiglas pa. Mabuti nalang at wala nang katao-tao dito sa loob ng basketball court at kami nalang ang naiwan kaya walang ibang estudyante ang makakakita sa gagawin ko kay Hiro.
"Obsess na kung obsess pero pakialam ko ba? Ang importante lang naman sa akin ay 'yung maangkin ko si Allison. Sinabi mo bang may gusto ka sa kanya? Gago ka pala, e!" Nilapitan ko si Hiro at inangat ang buhok niya pagkatapos ay sinuntok ko siya sa mukha. Napadaing na naman siya sa ginawa ko pero hindi pa rin niya maialis ang masamang titig niya sa akin.
"N-Napakasama mo talaga, CJ. Hindi ka nababagay kay Allison..." Nanghihina niyang sabi dahilan para mag-init pa ulit ang ulo ko.
Sinuntok ko siya ng paulit-ulit sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Nagagalit, naiinis at nagseselos ako sa mga lalakeng nagkakagusto kay Allison kaya nababagay lang kay Hiro 'tong ginagawa ko. Wala siyang karapatang magkagusto kay Allison dahil sa akin lang si Allison.
"Layuan mo si Allison kundi mas matindi pa ang mga kaya kong gawin sa'yo!" Galit kong sabi hanggang sa unti-unti nang nanghina si Hiro sa ginagawa ko sa kanya. Nagdudugo na rin ang ilang parte ng katawan niya dahil sa suntok, sipa at tadyak na ginagawa ko pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang patayin dahil sa tangkang paghamon niya sa akin.
"Bro, hindi na siya gumagalaw. Tama na yan, baka mapatay na natin siya." Pag-awat sa akin ni Gene pero hindi pa rin ako tumitigil sa ginagawa ko.
Lantang gulay na halos si Hiro at hindi na niya magawang makapagsalita o maibuka ang mga mata niya dahil sa dami ng natatamo niya sa akin. Galit na galit ako sa mga sinabi niya at gusto kong mailabas ang lahat ng iyon sa pambubugbog ko sa kanya.
"Tama lang 'to sa kanya. Sino ba siya sa tingin niya? Isa lang naman siyang dakilang mahina at lumpo para hamunin ako ng ganito!" Sigaw ko.
Napailing nalang sina Laurence at Gene at pilit na nila akong inaawat at inilalayo kay Hiro na nakahandusay na sa sahig at halos wala nang malay.
"CJ, that's enough. Hindi pwedeng mapatay mo si Hiro dahil baka makulong ka pa at kamuhian ka ni Allison. Is that what you want?" Bulong naman sa akin ni Laurence dahilan para mapahinto ako.
He's right. Hindi ako pwedeng makulong at ayokong mabahiran ang mga kamay ko ng walang kwentang dugo ni Hiro. I need to control my anger next time dahil kapag hindi na ako nakapagpigil pa ay mas malala pa ang mga kaya kong gawin.
Tumango naman ako saka ulit hinarap si Hiro.
"Siguro naman sa ginawa ko ay hindi muna kakausapin at lalapitan pa ulit si Allison? Tandaan mo 'to, Hiro, kahit kailan ay hinding-hindi mo ako mapapabagsak. Kayang-kaya kong agawin ang lahat ng sa'yo katulad nalang nung inagaw ko ang girlfriend mong nagpaakit sa akin dahil sa gusto ko lang? Ayan siguro ang dahilan kaya hanggang ngayon ay may galit ka pa rin sa akin. Stay away from Allison or else I will kill you immediately." Babala ko hanggang sa umalis na kami nina Laurence at Gene at iniwan ang nakahandusay na si Hiro sa basketball court.
Dumiretso kami ng mga kaibigan ko sa locker room at kaagad akong naligo sa shower room at pinalitan ang jersey shirt kong nabahiran na ng dugo dahil sa pambubugbog na ginawa ko kay Hiro kanina. I look at my body at naisipan kong mag-gym mamaya. Kailangan na maging maganda at fit ang katawan ko para maging kaakit-akit ako sa paningin ni Allison. I really work out for my body para kapag sa oras na naangkin ko na si Allison ay magustuhan niya ang katawan ko at hindi na niya ako magawang iwan dahil nasa akin na ang lahat ng gugustuhin niya sa isang lalake.
Nang matapos na kaming makapag-ayos sa loob ng locker room namin ay kaagad na kaming lumabas nina Laurence at Gene at habang naglalakad kami palabas ng school ay nakasalubong namin sila Kenneth kasama ang mga bagong kaibigan niya na nasa lower class.
What is he doing here?
Napangisi naman si Kenneth nang makita ako at huminto ito sa harapan namin. I glared at him at napakuyom ako sa kamao ko.
"Ang ganda ng eksena niyo kanina sa basketball court, ah? You're beating Hiro dahil hindi mo na naman nakontrol ang inis at galit mo at nalaman mo pang may gusto rin siya kay Allison. Kaya hindi talaga ako naniniwalang nagbago ka na, CJ. Maloloko mo ang mga estudyante dito sa St. Claire pero hindi mo ako maloloko. Sa sobrang halang ng bituka mo ay baka sa impyerno ka na mapunta niyan." Natatawang sabi niya na ikinatawa rin ng mga kaibigan niya.
Nakita pala nila Kenneth ang ginawa namin kanina kay Hiro.
Tumango naman ako at nginisian rin siya. "Nakita mo pala iyon at ganon lang ang gagawin ko sa oras na may lalakeng magkakagusto ulit kay Allison. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patayin sila nang walang kalaban-laban." Malademonyo kong sabi dahilan para mas lalo lang mapangisi si Kenneth.
"Hindi na talaga ako magtataka kung sa impyerno ka na mapunta balang araw dahil diyan sa kasamaan mo. By the way, kumusta nga pala si Allison? Naalala pa kaya niya 'yung ginawa naming paghahalikan na nakita mo mismo sa harapan mo? Hmm?" Sabi ni Kenneth at umakto pa ito na parang nag-iisip.
I greeted my teeth in anger at mas lalo pang nagdilim ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay nagkunwari pa siyang nagulat at nginisian ako pagkatapos. "Napansin ko lang na hindi ka naman talaga mahal ni Allison at alam kong ako talaga ang mahal niya. Nung time na nakipagbreak siya sa akin ay noong una naniwala ako sa sinabi niyang ikaw talaga ang mahal niya but from her actions when she's in front of me? Alam ko, alam kong ako ang mahal ni Allison at hindi ikaw, CJ." Sabi niya na ikinatigil ko.
Tumawa naman siya at tinapik ang balikat ko. "Just watch out, babawiin ko rin ang lahat ng mga inagaw mo sa akin lalong-lalo na si Allison." Sabi niya pagkatapos ay umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya.
Napahawi naman ako sa buhok ko at napamura na dahil sa inis at galit.
"Bwiset!" Sigaw ko at pilit naman akong pinapakalma nina Laurence at Gene.
Hindi pwede.
Hindi pwedeng sirain lahat ni Kenneth ang mga plano ko!