THIRD PERSON'S POV
"Manong, pwede bang banggain mo ng bisekleta 'yung magandang batang babaeng papatawid? Hindi mo naman kailangang lakasan 'yung pagbangga sa kanya, ang papalabasin mo lang ay kunwari ako ang tutulong sa kanya." Sabi ng batang si Kenneth sa matandang lalakeng nakabiskleta na naglalako ng binatog sa daan.
Gulat na gulat naman ang matandang lalake sa sinabi ni Kenneth. Anong mayroon sa utak ng batang ito at ganito ang hinihinging pabor nito sa kanya?
"Hijo, okay ka lang ba? Bakit ko naman babanggain 'yang magandang batang 'iyan para lang mapalabas na tutulungan mo siya? Nababaliw ka na yata." Umiiling na sabi ng matanda.
Kaagad namang naglabas ng isang libong piso si Kenneth mula sa bulsa ng suot niyang jumper suit at ipinakita ito sa matanda.
"Kapag sinunod mo 'yung sinabi ko ay ibibigay ko sa'yo 'tong isang libo. Ano, Manong. Deal?" Pangungumbinsi pa ni Kenneth.
Napalunok naman ang matandang lalake at tinitigan ang isang libong piso na hawak ni Kenneth. Naisip niyang makakatulong ito sa pambili ng gamot ng asawa niyang kakapanganak lang at pangkain na rin nila ng pamilya niya sa isang linggo. Matumal ngayon ang benta niya ng binatog kaya napag-isipan niyang sundin nalang ang gusto ng batang nasa harapan niya ngayon. Kung anuman ang gusto nito ay gagawin na lamang niya alang-ala sa pera na para sa pamilya niya.
Bumuntong-hininga ang matandang lalake at tumango nalang bilang pagsuko. "Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ako papayag sa gusto mo pero sige. Basta't hindi ko naman babanggain ng matindi 'yang batang babaeng mukhang mabait pa." Sabi nito.
Napangiti naman si Kenneth at inabot na ang isang libong piso sa matandang lalake.
"Sige, gawin mo na, Manong." Pag-uutos ni Kenneth.
Sumakay naman ang matandang lalake sa kanyang bisekleta at hinintay na makatawid ang batang babaeng si Allison na kakagaling lang mula sa paaralan nila. Nang tumawid na si Allison sa daan ay kaagad pinaandar ng matandang lalake ang bisikleta niya at akmang ibabangga na kay Allison ito nang bigla namang tumakbo si Kenneth papunta sa kinaroroonan nila at sinalag ang bisekletang mabubunggo sana kay Allison at niyakap niya ito.
Sumemplang naman mula sa daan ang matandang lalake at ang bisekleta nito pero hindi naman ito gaanong napuruhan dahil sinigurado niyang magiging ligtas ang gagawin niya. Sumakay na siya ulit sa kanyang bisikleta hanggang sa makaalis na ito.
Napatingala nalang si Allison nang makita niya ang batang lalakeng yumakap at nagligtas sa kanya. Nakasalamin ito ng malalaki ang lenses habang nakasuot naman ito ng jumper suit at mahabang longsleeves polo shirt. Hindi niya maintindihan pero bigla nalang bumilis ang t***k ng puso niya pagkakita sa batang lalakeng sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. May kung ano rin siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman ngayon sa sistema niya dahil tuluyan na rin siyang naakit sa mga magagandang mata nito.
Nang makabawi na si Kenneth mula sa pagkakatitig niya sa magandang mukha ni Allison ay kaagad niyang inalalayang makatayo ito at iniabot ang bag na nahulog nito.
"S-Salamat nga pala sa pagsagip mo sa akin." Nahihiyang pagpapasalamat ni Allison kay Kenneth at napayuko pa ito.
Hindi mapigilan ni Kenneth na hindi mapangiti dahil sa wakas ay napansin na rin siya ni Allison Lim na tinatanaw niya lang palagi mula sa malayo. Hindi alam ng dalaga pero stalker na niya si Kenneth. Bawat galaw at pinupuntahan ni Allison ay alam rin ni Kenneth. Simula kasi nang makita ni Kenneth si Allison mula doon sa convenience store na kumakain ay hindi na niya maialis sa isipan niya si Allison kaya sinundan niya ito hanggang sa umuwi ito sa bahay nila.
Inalam lahat ni Kenneth ang background ng labing isang taong gulang na si Allison maging pati na rin ang mga hilig at paborito nito ay inalam niya rin sa pamamagitan ng pagstalk niya dito sa malayo. Lahat ng pagkain na pinagkainan ni Allison ay itinatabi rin ni Kenneth at kinokolekta sa loob ng kwarto niya. Kahit nga ang mga pinag-inuman nito ay kinukuha rin niya at itinatabi. Para bang ginto ang lahat ng bagay na patungkol kay Allison kaya ganon nalang niya kung ingatan at alagaan ito.
Ganon kalakas ang tama niya kay Allison kahit bata palang siya noon at sa mismong araw rin na nakita niya si Allison ay tuluyan nang nahulog ang loob niya dito. Creepy man ang dating ng ginagawa niya ay hindi naman niya mapigilang hindi alamin ang lahat ng tungkol sa kanya.
"Okay lang 'yon. Basta sa susunod ay mag-iingat ka dahil marami talagang peligro dito sa paligid natin." Nakangiti namang sabi ni Kenneth kay Allison.
Tumango naman si Allison at ngumiti rin. Hindi niya mapigilang mapamulahan ng mukha dahil sa ganda ng ngiti ng batang lalakeng kaharap niya ngayon.
"Salamat sa paalala. Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Allison.
"Kenneth. Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong naman ni Kenneth.
"Allison." Sagot nito.
"Allison? Ang ganda naman ng pangalan mo. Bagay sa'yo." Sabi ni Kenneth habang nakatitig kay Allison at tuluyan na ngang naging kulay kamatis ang buong mukha ni Allison.
"Hehe, Ah, ganon ba? Salamat rin." Nahihiyang sagot ni Allison pero sa loob niya ay gusto na niyang sumigaw dahil sa kilig na nararamdaman niya.
Sa tingin na nga niya ay crush niya na ang batang lalakeng kaharap niya ngayon. Mukha man itong weird at nerd sa paningin ng iba ay baliwala lang sa kanya iyon dahil ito ang lalakeng nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan.
Ito ang kanyang savior at prince charming!
"Pwede ba tayong maging magkaibigan, Allison?" Biglang tanong ni Kenneth na ikinahinto saglit ni Allison pero 'di kalaunan ay tumango nalang rin siya at ngumiti. Mas kinilig pa siya sa narinig mula kay Kenneth.
"Sure, friends na tayo. Shakehands?" Masayang sabi nito at iniabot ang isang kamay niya kay Kenneth.
Tinanggap naman ni Kenneth iyon at nakipagshake hands na rin siya kay Allison.
"Friends."
Napangiti ng malungkot si Kenneth nang maalala niya kung paano niya unang nakausap at nakilala si Allison nang malapitan. Sa sobrang desperado na niya para magpakilala dito ay nakipagsabwatan pa siya doon sa matandang lalakeng nakabisikleta na nagtitinda ng binatog para lang palabasing sinagip niya si Allison mula sa pagkakabangga nito. Ganon siya mainlove sa dalaga at si Allison lang ang nakakagawa nun sa kanya noong bata palang siya.
Adik na nga siya o obsessed kung maituturing dahil alam na alam na niya ang lahat ng impormasyon at background ni Allison na hindi nito alam.
Hinubad ni Kenneth ang t-shirt niya at tinungga ang alak na kanina pa niya iniinom sa loob ng kwarto niya. Ibang-iba na ang imahe at itsura niya ngayon kumpara sa dati at nangyari lamang ito simula nung hiniwalayan siya ni Allison. He feel so frustrated and helpless dahil lang sa sinabi nito noon na ginamit lang siya ni Allison para pagselosin nito si CJ. He loves Allison more than his life dahil ito lang ang kaisa-isang taong nagmalasakit at inunawa ang sitwasyon niya. Hindi rin naging hadlang ang pagiging baduy, jologs o nerdy niya para hindi siya kaibiganin nito.
Kakaiba si Allison sa lahat ng babae dahil kung ano ang ikinaganda ng mukha nito ay ganon rin ang ikinaganda ng ugali niya idagdag pa na ubod ito ng sexy at pantasya ng lahat ng mga kalalakihan. Napakaswerte nga niya at siya ang nagustuhan ng dalaga.
Oo, alam niyang mahal talaga siya ni Allison dahil nakikita niya iyon sa mga ikinikilos nito. Totoo rin ang mga ipinakita nito noong isang linggo silang naging magkasintahan. Hindi niya alam kung bakit si CJ ang pinili nito pero aalamin niya rin iyon.
Nang matapos na niyang inumin ang alak na kanina pa niya iniinom ay nagpunta siya sa kanyang sikretong silid kung saan ay nandoon lahat ang mga kagamitang nakuha niya mula sa pang-iistalk kay Allison. Pati mga pictures nito na kuha mula sa iba't-ibang lugar simula noong mga bata palang sila hanggang ngayon ay mayroon rin siya. His walls are filled with Allison's picture even his cabinets.
Napangiti nalang si Kenneth at tinignan ang lahat ng koleksyon niya.
"This is my everything." Bulong niya at saka nito hinaplos ang isang picture ni Allison na kuha niya noong una niyang makita ang dalaga.
Hindi siya papayag. Hindi siya makakapayag na ganito nalang ang naging sitwasyon nilang dalawa. Pagbabayarin niya si CJ dahil pinaikot siya nito at kinuha ang lahat ng mayroon siya. Nagbago siya dahil ang akala niya ay hindi siya mahal ni Allison pero nagkakamali pala siya.
Tumawa nalang bigla ng malakas si Kenneth pero nang maisip niya ulit na hindi na sila magkasama pang muli ni Allison dahil boyfriend na nito si CJ ay bigla nalang nagbago ang mood niya. Tuluyan na itong humagulgol ng iyak at unti-unting napaluhod sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman niya.
"Allison, please come back to me. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka sa akin!" Umiiyak na sigaw ni Kenneth mula sa loob ng silid.
He's very lonely and sad.
"Mahal na mahal kita, Allison. Babawiin kita mula kay CJ. Gagawin ko ang lahat mabawi lang kita!" Sigaw ulit ni Kenneth at napasabunot na ito sa buhok niya.
Sa tingin niya ay tuluyan na siyang mababaliw hangga't hindi niya pa rin nababawi ang babaeng pinakamamahal niya sa lalakeng walang ibang ginawa kundi ang pagtawanan at insultuhin siya.
"Humanda ka sa akin, CJ. Gaganti ako sa lahat ng pagpapaikot na ginawa mo sa amin. Humanda ka!"