Chapter 20

1702 Words
ALLISON'S POV Dahil matagal na rin mula nang huling bumisita ako kina Papa at Tita Merly ay napag-isipan kong dalawin sila ngayon. Sa dami kasing nangyari nitong mga nakaraang buwan ay hindi ko na rin masyadong nakakausap sina Papa at alam kong miss na miss na nila ako. Nagpaalam muna ako kay CJ na dadalawin ko sina Papa sa tinitirhan nila at pumayag naman siya. Nagpresinta pa siyang ihahatid niya ako papunta doon pero tumanggi ako at sinabi kong 'yung driver nalang namin ang maghahatid sa akin. Medyo tumutol pa siya nung una pero pumayag rin naman siya kalaunan. Nang makarating na ako sa bahay nila Papa ay kaagad namang sumalubong sa akin si Enzo na mukhang kakarating lang mula sa school nila dahil naka uniform pa siya. "Ate Alli? Mabuti at dumating ka na." Nakangiting bungad niya sa akin at pinagbuksan ako ng gate nila. Napangiwi naman ako dahil kahit 17 years old palang si Enzo ay mas matangkad na ito kaysa sa akin. Namana niya ang height niya kay Papa na isang Vietnamese na dito na sa Pilipinas lumaki samantalang si Mama naman ay isang half-chinese/filipino. "Grabe Enzo, ang tangkad-tangkad mo na talaga. Kaya pala kaagad kang sumali sa basketball team ng school niyo, e!" Sabi ko. Tumawa naman siya. "Napilitan lang talaga akong sumali dahil do'n sa mga kaibigan ko na nakita mo last time. Gusto nilang sumali sa basketball team at naisipan nila akong isali rin. Hindi ko naman alam na pati ako ay makakapasok sa try out namin nun." Sabi niya at nagkamot pa ito ng batok. Inakbayan ko naman siya. "Siguro ay meant to be ka na talaga para maging isang basketball varsity player ng school niyo." Nakangiting sabi ko. Medyo namula naman ang mukha ni Enzo sa sinabi ko at ngumiti nalang. "S-Salamat, ate." Pumasok na rin kami sa loob ng bahay nila at dumiretso kami sa dining area dahil naghihintay na raw doon sina Papa at Tita Merly. Nang makita ko na sila ay kaagad ko naman silang sinalubong at hinalikan sa pisngi. "I'm glad to see you, Allison. Mas lalo ka yatang gumaganda ngayon, ah? Inspired ka ba?" Tita Merly said while she's smiling. Nahihiya naman akong ngumiti. "Salamat po." "Marami kaming nilutong pagkain ngayon dahil sa wakas ay binisita mo na rin kami. Sana ay magustuhan mo yan, anak. Talagang sinarapan ni Tita Merly mo ang mga iniluto niya para sa'yo." Sabi naman ni Papa at tinignan si Tita Merly na kinindatan lang siya. Natawa naman kami ni Enzo sa ginawa nila at pagkatapos ay umupo na kaming lahat. Maraming mga pagkain ang nasa harapan namin ngayon and some of it are my favorite dishes. Talagang alam na alam na nila Papa at Tita Merly ang mga paborito kong pagkain dahil noon palang na kapag bumibisita ako dito sa kanila ay palagi nila akong tinatanong kung ano ba ang paborito kong kainin at kaagad naman nilang iniluluto iyon para sa akin. Wala akong galit kay Papa kung nag-asawa man siya ng iba dahil sa totoo lang ay alam ko namang si Mama talaga ang dahilan kaya parang nawalan na rin ng gana si Papa sa kanya. Masyadong nalulong raw si Mama sa casino noon dahilan para magkautang kami ng malaki at kahit anong pagpigil ang ginagawa sa kanya ni Papa ay hindi naman siya nakikinig. Tuluyan nang nawalan ng gana si Papa sa kanya at naghiwalay na nga sila bago pa ako ipinanganak. Hindi rin naman nawala ang responsibilidad ni Papa bilang ama ko dahil noong bata palang ako ay palagi na talaga niya akong dinadalaw sa bahay at sinusustentuhan sa lahat ng pangangailangan ko. Ipinakilala pa niya sa akin sina Tita Merly at ang anak nilang si Enzo at mabait sila sa akin. Si Mama at Kuya Robin naman ay walang pakialam kung dumalaw man ako kina Papa dahil obligasyon naman daw talaga ako ni Papa para buhayin. Mas itinuring pa akong pamilya nila Papa at Tita Merly kaysa ang nasa poder ako nila Mama at Kuya Robin. They always controlling me at wala akong magawa dahil kahit ganon sa akin sina Mama at Kuya Robin ay mahal na mahal ko pa rin sila at hindi ko sila kayang iwan. Nagsimula na rin kaming kumain at nag-usap sa loob ng dining area. "Kumusta ka naman ba, anak? Pinipilit ka pa rin ba ng Mama mo at ni Robin doon kay CJ?" Tanong ni Papa. Umiling naman ako. "Hindi na po, Papa dahil tanggap ko na si CJ bilang boyfriend ko." Sagot ko. Natigilan naman silang lahat dahil sa sinabi ko lalong-lalo na si Enzo. Nakilala niya nga pala noon sa restaurant si Kenneth bilang boyfriend ko kaya ngayon ay mukhang nagtataka siya kung paano naging kami ni CJ. "Talaga? Paanong naging kayo nung CJ? Hindi ba't ayaw na ayaw mo doon sa arogante at mayabang na batang 'yon?" Tanong naman ni Tita Merly. "Nagbago na po si CJ. Hindi na po siya arogante at mayabang katulad noon. Binigyan ko na po siya ng pagkakataon para maging boyfriend ko at malaki po ang ibinagbago niya simula nang maging kami." Sabi ko at itinuloy na ang pagkain ko. Tumango naman sila sa sinabi ko pero nang tinignan ko si Enzo ay nakatingin lang siya sa akin ng mariin. "Ganon ba, anak? Sigurado ka na bang si CJ na talaga ang gusto mong makasama habangbuhay?" Tanong ni Papa. Sa sinabi ni Papa ay sandali akong natigilan pero 'di kalaunan ay ngumiti nalang ako ng pilit at tumango. "Opo, Papa." Sagot ko. Ngumiti naman siya. "Kung si CJ na talaga ang gusto mo ay wala na kaming magagawa pa do'n. Gaya nga ng sinabi mo ay nagbabago na siya simula nang maging kayo. Naging good influence ka nga siguro para sa kanya, anak." Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa. Nang matapos na kaming kumain ay kaagad naman akong ipinaalam ni Enzo kina Papa at Tita Merly na may pag-uusapan lang kami. SInabi naman nilang kaagad kaming bumalik sa dining area dahil ipagbabalot pa ako ng mga natirang pagkain ni Tita Merly para daw iuwi ko mamaya sa bahay. Dinala ako ni Enzo sa loob ng kwarto niya at pinaupo sa kama niya. Tumabi naman siya sa akin at pinagkrus pa niya ang kanyang mga kamay at tinaasan ako ng kilay. "I-explain mo nga ate, paanong naging kayo ni Kuya CJ?" Kaagad niyang tanong. I sighed. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa kanya ang totoo. Kapatid ko naman si Enzo at alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. "Remember 1 month ago? Nung mag 1 week na kami ni Kenneth bilang magkarelasyon ay nagtangkang magpakamatay noon si CJ nang dahil sa akin. Tinanggap naman niya ang relasyon namin ni Kenneth pero hindi ko aakalain na aabot sa puntong magagawa niyang magpakamatay dahil sobra siyang nasasaktan dahil mahal niya daw ako. Dahil ayoko siyang magtangkang magpakamatay ulit nang dahil sa akin ay binigyan ko siya ng pagkakataon para maging boyfriend ko kapalit nun ay ang hiwalayan ko si Kenneth. Ginawa ko 'yon at ngayon nga ay tuluyan nang nagbago si CJ, maging pati sa academics at sports sa school namin ay nangunguna na siya." Malungkot kong sabi. Natahimik naman si Enzo sa mga sinabi ko. "Pero paano na si Kuya Kenneth?" He asked. Natigilan ako. Umiling lang si Enzo. "Inisip mo nga ang nararamdaman ni Kuya CJ pero inisip mo rin ba ang mararamdaman ni Kuya Kenneth? Sabihin mo nga sa akin, ate. Si Kuya Kenneth naman talaga ang mahal mo, 'di ba?" Tanong niya. Sa sinabi niya ay naramdaman ko nalang na parang maluluha na ako pero pilit ko lang iyong pinipigilan. "Hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko pero wala akong magawa dahil ayoko rin na may mawalang buhay nang dahil lang sa akin." Sabi ko at pinunasan ang luhang lumandas mula sa pisngi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Enzo. "Sa tingin mo ba talaga ay mahal ka ni Kuya CJ? Kung mahal ka niya ay hindi niya magagawang magtangkang magpakamatay dahil lang sa nasaktan siya sa ginawa mo. Kung mahal ka niya ay hahayaan ka niyang maging masaya kay Kuya Kenneth at dapat ay maging masaya rin siya para sa sarili niya. He doesn't love you, Ate Alli, he's such a desperate and obsess guy to have you." He said. Enzo's words hit me at may punto nga siya doon. "And now, pati si Kenneth ay sobra na rin naapektuhan dahil sa ginawa ko. Nagbago na siya at parang hindi na siya ang Kenneth na nakilala ko noon." Naiiyak kong sabi. Niyakap naman ako ni Enzo. "Masyado ka talagang selfless Ate Allison, tiniis mo na ngang kontrolin ka lang ng Mama at Kuya Robin mo ngayon naman ay sinakripisyo mo pa ang relasyon niyo ni Kuya Kenneth nang dahil kay Kuya CJ. Ate naman, kahit minsan naman ay sundin mo kung ano talaga ang gusto mo." Panenermon niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Kung susundin ko kasi ang gusto ng puso ko ay maraming masasaktan at maaapektuhan. Hindi bale nang ako ang masaktan, huwag lang sila." at ngumiti ako ng malungkot. Kumalas naman mula sa pagkakayakap sa akin si Enzo at tinignan ako ng mariin. "Ang sabi nga ni Leonardo Da Vinci, Nothing can be loved or hated unless it is first to understand. Kaya ang ibig sabihin lang nun ay kung talagang mahal ka ng mga taong nasa paligid mo ay maiintindihan at uunawain nila ang gusto mo. Kung hindi nila maunawaan iyon ay hindi mo na sila kailangang pag-aksayahan ng panahon. You need to escape for yourself, Ate Alli." Sa sinabi ni Enzo ay tuluyan na akong napahagulgol ng iyak dahil tama ang lahat ng mga sinabi niya. I'm just tired of being in a situation like this idagdag pang binaboy at pinagsamantalahan ako ng mga bestfriends ko. Kailangan kong maging matapang at matatag para sa sarili ko dahil kung habangbuhay nalang akong magiging sunod-sunuran at nagpapanggap na maayos lang ang lahat ay hindi ko kailanman mararanasan na maging masaya man lang sa buhay ko. I sacrificed my own happiness, I trust too much, and I let go the man that I truly loved. I think I need to follow what my heart telling is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD