Chapter 10

1671 Words
KARL'S POV Tinext kami ni Allison at sinabing may ipapakilala raw siya sa amin. May ideya na kaming baka 'yung mga kaibigan niyang sina Hannah at Paula iyon dahil sinabi niya noon na gusto raw kaming makita at makilala ng mga kaibigan niya sa school. Napangiti naman ako dahil saktong aaminin ko na rin kay Allison ang nararamdaman ko para sa kanya. I'm waiting for this right moment at hinding-hindi ko na ito sasayangin pa. Sobra akong nasaktan nung inamin niya sa amin nung malasing siya na may iba na siyang lalakeng nagugustuhan pero hindi ako papayag do'n. Hindi ko hahayaang may ibang lalakeng magmamahal at magpapasaya kay Allison bukod sa akin. I love her very much and I won't let her go. Nagsama-sama ulit kami nila Jude at Rowan sa condo ni Jace. I know that they also like Allison too pero hindi ko alam kung hanggang kailan nila balak itago ang nararamdaman nila para dito pero alam kong hindi rin sila madaling kalaban. Allison texted us na parating na daw sila ng kasama niya. Napaayos naman ako mula sa pagkakaupo and I check myself kung gwapo na ba ako o kung maayos lang ba ang suot ko. Nakita naman iyon ni Jace dahilan para tumawa siya. "You always look good, bro. Don't worry, hindi ka naman pangit para takbuhan pa ni babe Allison." Nakangising sabi niya. "Gago!" Sabi ko nalang at natawa rin pagkatapos. Ilang minuto lang ay narinig na namin na may nagdoorbell sa condo ni Jace. Allison knows the passcode of Jace's condo dahil madalas kaming nagpupunta dito kaya alam namin na mabubuksan niya iyon. We waited for her na makapasok hanggang sa makapasok na nga siya pati na rin ang kasama niya. Nagulat kaming tatlo nang makita si Allison na kaholding-hands ang isang lalakeng matangkad na maputi at naka salamin habang papalapit sila sa pwesto namin. Awtomatikong napakuyom naman ang kamao ko dahil sa nakikita ko ngayon at may kung anong sakit na naman ang nararamdaman ko sa loob ko. "Guys, I want you to meet my boyfriend, Kenneth." Nakangiting pagpapakilala ni Allison do'n sa lalakeng kasama niya na nakatingin lang sa amin. Wala ni isa sa aming nakaimik nila Jude, Jace at Rowan dahil gulat na gulat pa rin kami sa nangyayari. Kenneth? Siya ba 'yung baduy at nerd na Kenneth na tinutukoy ni Allison na gusto niya at kapatid rin ni Kendrick? I greeted my teeth. "Sa wakas at nakilala ko na rin ang mga bestfriends ni Allison. I'm Kenneth Natividad. Allison's boyfriend." Biglang pag-imik nung Kenneth at ngumiti ito sa amin. The way he smiles, nakikita ko na peke lang 'yon. Tumikhim naman ang kanina pang tahimik na si Rowan at tumayo ito para makipagkamay sa Kenneth na 'yon. "Nice to meet you, Kenneth. I'm Rowan, one of Allison's closest bestfriend." Nakangiting sabi niya. Tumango naman si Kenneth bilang sagot. Tumayo rin mula sa pagkakaupo si Jude at nakipagkamay rin kay Kenneth. "I'm Jude." Tumango ulit si Kenneth at ngumiti. Nang tumingin naman siya kay Jace ay tahimik lang ito at mukhang ayaw gawin ang pagpapakilalang ginawa nila Rowan at Jude. Kung tanggap nila na may iba nang lalakeng magmamahal kay Allison. Pwes, ibahin nila ako. "Maupo na kayo, Allison." Paanyaya ni Rowan kaya umupo na sina Allison at Kenneth sa couch na kaharap lang namin. "Kapatid mo si Kendrick, 'di ba?" Biglang tanong ni Jace kay Kenneth habang nakangisi. "Oo. Bakit?" Tanong naman ni Kenneth. Jace chuckled. "You didn't know? Kaibigan namin siya noon pero trinaydor niya rin ako sa huli dahil pati 'yung first girlfriend ko ay pinatulan pa niya at 'yung first girlfriend ko naman ay pinatulan rin siya." Nakita ko naman na bakas sa mukha ni Allison ang pagkabigla dahil sa sinabi ni Jace. Totoo iyon, first girlfriend ni Jace si Pamela at sobrang in love na in love siya dito pero simula nung makilala kami ni Pamela kasama na doon si Kendrick na dati naming kaibigan ay medyo nag-iba na ang ihip ng hangin. Isang araw, nalaman nalang namin na magkarelasyon na sina Pamela at Kendrick at nahuli sila ni Jace na naghahalikan doon pa mismo sa loob ng condo unit ni Pamela. Dahil sa ginawang iyon ni Kendrick na pagtraydor kay Jace ay hindi na namin siya itinuring ulit na kaibigan pa habang si Jace naman na sobrang nasaktan sa ginawa ni Pamela ay nagtangkang magpakamatay noon at ngayon nga ay naging playboy na rin siya at kahit sinong babae nalang ang nakakarelasyon nito. Sa ginawa nina Pamela at Kendrick ay sobrang nasaktan si Jace noon pero ngayon ay mukhang naka move-on na rin naman siya sa nakaraan dahil si Allison na ang mahal niya. "Really? I didn't know that." Sabi nalang ni Allison at bumuntong-hininga ito. Nakita ko naman ang paghawak ni Kenneth sa kamay ni Allison at pinagsalop pa ito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong hatakin palayo si Allison sa lalakeng ito at aminin na ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko magawa. Alam kong katulad nila Jude, Jace at Rowan ay nagseselos rin sila sa nakikita nila ngayon pero pilit lang nilang nilalabanan ang emosyon nila. Gusto ko nang sumabog sa selos at galit pero mas minabuti kong pakalmahin ang sarili ko. Ilang minutong katahimikan ulit ang bumalot sa amin hanggang sa nagsalita na si Kenneth at ngumiti ito pagkatapos. "Hindi na ako magtataka kung bakit nagawa 'yon ni Kendrick sa'yo. Mahilig siya sa atensyon at mahilig rin siyang mang-agaw ng bagay na pag-aari na ng iba. Kapatid ko siya at kilalang-kilala ko na siya. Kaya ako, hindi ko hahayaang makuha niya sa akin ang isang bagay na iniingatan ko ngayon." Sabi niya at tinignan si Allison na nakatingin rin sa kanya. Sa sinabi ni Kenneth ay mas lalo pang nadagdagan ang matinding emosyon ko. Mukhang hindi niya kayang mawala sa kanya si Allison. Nakikita ko rin sa Kenneth na 'to na katulad ko ay hindi rin siya magpapatalo para kay Allison. Alam kong katulad rin siya ng kapatid niyang si Kendrick na tuso at mapagpanggap. Para bang planado na niya ang lahat ng ito. "So, kailan lang naging kayo?" Tanong naman ng kanina pang tahimik na si Jude. Nagkatitigan muna sina Allison at Kenneth bago sumagot. "Kanina lang." Sabi ni Allison at yumuko ito na parang nahihiya. "Allison, magbestfriends tayo, 'di ba? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na may manliligaw kana pala at ngayon ay kayo na nga? Hindi ka ba nagtitiwala sa amin?" Tanong naman ni Rowan na mukhang may tampo rin kay Allison. "Sorry, Rowan." Malungkot na banggit ni Allison. Umiling nalang si Rowan at tumingin sa ibang direksyon. Tumawa naman si Kenneth na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Rowan. "What's wrong about that? Gusto ako ni Allison at gusto ko rin siya kaya nga naging kami na. Hindi niyo na rin kailangan pang mag-alala dahil aalagaan at mamahalin ko siya nang mas higit pa sa ginagawa niyo para sa kanya." Sabi nito. Sa sinabi niya ay hindi na ako nakapagtimpi pa at nagsalita na. "What do you mean by that? Ipinapamukha mo bang kulang ang pagmamahal at pag-aalaga namin kay Allison? Ipinapamukha mo ba sa aming dahil boyfriend ka na niya ay baliwala na kami ngayon sa kanya? Ganon ba ang gusto mong iparating?" Sigaw ko habang nakatitig ng masama kay Kenneth dahilan para mabigla sila. Pilit naman akong pinapakalma nila Jude at Rowan na nasa tabi ko lang. Katulad nga lang ni Kendrick ang kapatid nitong si Kenneth at mas malala pa ito kaysa sa kanya. Umiling naman si Kenneth. "I didn't mean that. Ang sa akin lang na ngayon ay girlfriend ko na si Allison ay hindi niyo na kailangang bantayan siya palagi at alagaan dahil kayang-kaya kong gawin 'yon. Alam mo naman ang boyfriend's duties, right? Hindi niyo rin maiaalis sa akin na pagselosan kayo minsan dahil nga mga lalake kayo at mas malapit kayo kay Allison." Nakangising sabi niya at humalukipkip. Bigla namang lumapit sa kanya si Jace at kwinelyuhan si Kenneth dahilan para mapatayo kaming lahat. "Ang yabang mo, ha? Kung ganito naman pala kayabang at kabastos ang boyfriend mo, Allison mas mabuti pang hiwalayan mo na 'to!" Galit na galit na sabi ni Jace habang nakatitig rin ito ng masama kay Kenneth. "At sino ka para sabihin sa aking hiwalayan ako ni Allison? Bestfriend ka lang niya eh ako? Boyfriend niya!" Sigaw ni Kenneth pabalik. Lumapit naman si Allison sa kanila na umiiyak na at pilit inilalayo sina Jace at Kenneth. "Jace, please bitawan mo na si Kenneth..." Naluluhang pakiusap ni Allison kay Jace. Kaagad namang binitawan ni Jace si Kenneth at saka ito humarap kay Allison. "Ano, Allison? Ipagpapalit mo lang ba kami diyan sa mayabang at hambog mong boyfriend? Ipagtatanggol mo pa siya sa amin?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jace at napasabunot na ito sa buhok niya. Umiling naman si Allison. "Its not like that, Jace. Boyfriend ko na si Kenneth kaya sana ay tanggapin niyo siya para sa akin. He's just like that dahil tama siya, mga lalake rin kayo at baka pagselosan pa niya kayo kung palagi ko pa rin kayong makakasama. All I need is for you to understand me. I really love Kenneth so much." Seryosong sabi niya kay Jace. Niyakap naman siya ni Kenneth bigla at hinagod-hagod ang likod nito habang nakatingin ito sa amin ng masama. Napabuga nalang ng hangin si Jace. "Mas pinipili mo na ngayon 'yang lalakeng 'yan kaysa sa amin, Allison? Fine! Kung dyan ka masaya edi sa kanya ka na pero don't expect na ituturing pa rin kitang bestfriend ko!" Huling sabi nito at kaagad nang umalis si Jace palabas ng condo niya. Napangisi nalang ako at saka tinignan si Kenneth. "Tandaan mo 'to, Kenneth Natividad, hinding-hindi ko matatanggap ang relasyon niyo ni Allison. Maaaring nakuha mo siya sa amin ngayon pero hindi rin magtatagal at mababawi namin siya sa'yo." Mariin kong sabi at lumabas na rin ng condo ni Jace. Hinding-hindi mo makukuha si Allison sa akin, Kenneth. She's only mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD