ALLISON'S POV
Mukha yatang hindi maganda na ipinakilala ko ngayon si Kenneth sa mga bestfriends ko dahil nag-away at nagkasagutan pa sila. Maging pati sina Jace at Karl ay nagalit na rin sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan kung tama ba itong naging desisyon ko o talagang hindi lang maintindihan ng mga bestfriends ko na may boyfriend na ako at hindi na nila kailangang maging overprotective pa sa akin?
Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Kenneth pauwi ng bahay namin. Nakita ko kung paano niya kausapin ang mga kaibigan ko at aaminin kong medyo nayabangan ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ko naman siya makausap tungkol doon dahil baka maoffend lang siya sa sasabihin ko. Normal lang naman siguro na nagiging ganito si Kenneth dahil girlfriend na niya ako at nagseselos lang siya kila Jude, Jace, Karl at Rowan dahil malapit ako sa kanila.
Tama naman ako, hindi ba?
"Sigurado ka bang bestfriends mo lang 'yung mga 'yon? It looks like na may gusto silang lahat sa'yo lalo na 'yung Jace at Karl na 'yon." Kenneth chuckled while he's still driving.
I massage my temple at isinandal nalang ang ulo ko sa bintana ng kotse. "Yes, they are only my bestfriends. Ganon lang talaga sila sa akin since I'm their only female friend and they are being overprotective." I said.
Kenneth nodded after. "Talaga lang, ha? Okay, if that's what you said." Sarkastikong pagkakasabi niya pero hindi ko nalang iyon pinansin.
Masyado nang sumasakit ang ulo ko sa nangyayari ngayon at sobra rin akong naapektuhan sa sinabi ni Jace na hindi na niya ako ituturing pang bestfriend dahil naging kami na ni Kenneth. Kahit hindi rin sabihin sa akin nina Jude at Rowan ay alam kong galit rin sila sa akin dahil hindi ko kaagad nasabi sa kanila ng maaga na boyfriend ko na si Kenneth pero paano ko masasabi kaagad iyon kung ngayon lang naman naging kami ni Kenneth?
"Bago kita ihatid sa inyo, gusto kong pumunta muna tayo sa bahay namin." Kenneth said kaya napatingin naman ako sa kanya.
"But why? Its already 7pm at baka hinahanap na ako nina Kuya Robin at Ma-"
"I'm your boyfriend, right? Kaya may karapatan na ako sa oras mo at isa pa, iuuwi rin naman kita pabalik sa inyo." Sabi niya saka ito lumingon sa akin at ibinalik rin kaagad ang tingin niya sa daan.
Napabuntong-hininga nalang ako. Why do I feel na unang araw palang na maging kami ni Kenneth ay nasasakal na kaagad ako sa ginagawa niya? Tumango nalang ako dahil ayoko naman siyang tanggihan.
I really love him so much at ayokong madisappoint siya sa akin.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mansyon nila at pumasok na kami sa loob nito. Nakasalubong ulit namin ang mga maids maging pati na rin si Manang Loida na binati at nginitian ako dahilan para ngumiti rin ako pabalik. Kaagad akong hinila ni Kenneth papunta sa living room nila at nakita ko doon ang kapatid niyang si Kendrick na may kasamang nasa mid-40's na edad na babae at lalake. I think they are Kenneth's Mom and Dad.
Nang makita nila kami ay kaagad itinuro ni Kendrick si Kenneth habang nakatitig ito ng masama sa kapatid niya.
"Mom and Dad, 'yang magaling niyong anak ay sinuntok lang naman ako sa mukha sa hindi ko malamang dahilan. Papayag ba kayong saktan niya lang ako ng ganon?" Pagsusumbong ni Kendrick sa parents nila.
Kumunot naman ang noo ng Mom nila at tinignan ng mariin si Kenneth. "At kailan ka pa natutong manakit ng kapatid mo, Kenneth? Pinalaki ka ba naming barumbado? Magsorry ka sa ginawa mo kay Kendrick!" Sigaw ng Mom niya na ikinabigla ko. Tahimik naman ang Dad nila na nakatingin lang sa kanila habang naiiling.
Ngumisi naman si Kenneth. "Bakit naman ako magsosorry sa kanya? Its his fault, too kung bakit sinuntok ko siya. Hanggang kailan ba mawawala 'yang favoritism niyo sa aming magkapatid, Mom?" Sabi nito.
"And now, natuto ka na rin sagot-sagutin ako? Ganyan ba ang natututunan mo sa eskwelahan niyo? Na pati ako na magulang mo ay sasagutin mo lang ng ganyan?" Galit na sabi ng Mom niya.
Umiling lang si Kenneth. "Ever since, hindi mo naman ako kahit kailan itinuring na anak, e. Palagi nalang si Kendrick ang pinapaburan niyo. Dahil ba siya ang mas gwapo, mas maraming maipagmamalaki at mas angat kaysa sa akin na baduy, nerd at puro pag-aaral lang ang inaatupag? I get it, Mom. Si Kendrick lang naman ang mahalaga sa inyo ni Dad." Malungkot na ngumiti si Kenneth at napahawak ito ng mahigpit sa kamay ko.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa sinabi niya at hindi ko siya masisisi kung bakit ngayon lang niya nailabas ang mga hinanakit niya sa magulang niya. Hindi na niya kayang kimkimin pa iyon at parang sumabog na rin ang lahat ng emosyon niya. Kenneth is such a nice and lovable guy and he doesn't deserve to be treated like this.
Natahimik naman ang Mom at Dad ni Kenneth dahil sa sinabi niya habang si Kendrick naman ay tumawa lang ng mapang-asar.
"Ang drama mo naman! Nagpapaawa ka lang ba kina Mom at Dad dahil kasama mo 'yang girlfriend mo?" Nang-aasar nitong sabi.
Kaagad namang napatingin sa akin ang mga magulang ni Kenneth.
"Girlfriend ka ni Kenneth?" Tanong ng Dad niya.
Nahihiya naman akong tumango. "Opo."
Lumapit ito sa akin at ngumiti. Kahit medyo may katandaan na ang Dad ni Kenneth ay gwapo pa rin ito at medyo kamukha rin niya. Same as his mother na maganda pa rin kahit may edad na.
"Hello, hija, ako nga pala si Kristof but you can call me Tito Kristof. I'm Kenneth's Dad. Ano nga palang pangalan mo?" He asked.
"Allison Lim po." Sagot ko naman. He just nodded.
Tinignan naman ako ng Mom ni Kenneth mula ulo hanggang paa saka ito nagcross-arms pero 'di kalaunan ay nginitian niya ako at bineso.
"Ikaw 'yung anak ni Maddison Lim, right hija?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot. Why she knows my mom?
"She's my college friend way back then at kamukhang-kamukha mo siya kaya naassume ko na ikaw ang anak niya. By the way, I'm Lea pero Tita Lea nalang ang itawag mo sa akin and here's Kendrick, Kenneth's brother." Pakilala niya saka nito ipinakilala si Kendrick sa akin na parang huhubaran na ako sa mga klase ng tingin niya. I suddenly look away at him.
I admit that Kendrick is such an attractive and handsome guy pero hindi ko maatim 'yung ginawa niyang pagtraydor kay Jace. Pinatulan niya ang first girlfriend ni Jace na siyang naging dahilan para magpakamatay sana ang bestfriend ko noon. He's not being a real friend to Jace even before.
"Its nice to meet you all po." Sabi ko nalang.
Nang tinignan ko naman si Kenneth ay tahimik lang siyang nakatingin sa amin at napailing nalang.
"Paano kayo nagkakilala nitong anak ko, Allison? I'm sure na magkaklase o magka schoolmate kayo dahil wala namang kaibigan 'tong anak ko dahil sa pagiging baduy at nerd niya. Ngayon nga lang namin siya nakitang mag-ayos ng ganito, actually." Nakataas na kilay na sabi ni Tita Lea habang nakatingin kay Kenneth.
"Tinatanong pa ba 'yan, Mom? Malamang may ginawa siyang potion or gayuma para magkagusto sa kanya 'tong si Allison. Alam mo naman ang mga nerdy, sa sobrang katalinuhan ay makakayang mag-experiment ng mga gamot para lang may kahit isang babaeng magkagusto sa kanila." Natatawang sabi naman ni Kendrick na ikinatawa rin ni Tita Lea at nagkibit-balikat pagkatapos.
Napa 'tsk' naman si Kenneth at natawa ng sarkastiko. "Hanggang ngayon ba ay naniniwala ka pa rin sa gayuma, Kendrick? Hindi ka ba makapaniwala na may isang ubod ng ganda at sexy ang nagkagusto sa akin at hindi 'yon napunta sa'yo? Kung naagaw mo noon 'yung mga babaeng nagustuhan ko pwes, hindi mo na 'yon magagawa ngayon." Nakangising sabi niya dahilan para sumama ang timpla ng mukha ni Kendrick at hindi na ulit nagsalita pa.
"Kenneth, you're so rude to your bro-"
May sasabihin pa sana si Tita Lea nang kaagad na akong hinila ni Kenneth palabas ng mansyon nila. Isinakay na niya ako ulit sa kotse niya saka niya ito pinaandar muli.
"Sorry kung nakita mo pa ang eksena naming 'yon. Dinala kita sa bahay para sana ipakilala ng personal at maayos kina Mom at Dad pero hindi ko alam na nandoon rin pala si Kendrick." Malungkot na sabi ni Kenneth at napabuntong-hininga nalang.
Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at nginitian siya. "Don't worry, naiintindihan ko ang sitwasyon mo at nandito naman ako e, hinding-hindi kita pababayaan." Sabi ko.
Sandali niyang inihinto ang kotse niya sa gilid ng kalsada saka nito sinapo ang buong mukha ko at tinitigan mula sa mga mata ko.
He's very handsome and I really like his eyes.
"I'm such a lucky bastard to have a beautiful girlfriend like you, Allison." Nakatitig niyang sabi sa akin.
Sa sinabi ni Kenneth ay bumilis na naman ang t***k ng puso ko at may kung ano nang nagliliparan sa sistema ko. This guy, he's the only one who makes me feel this way.
And I think that I already fall for him.
I smiled. "Me too, Kenneth." Sabi ko at napakagat-labi nang tinignan ko ang mapupula niyang labi.
Bumaba naman ang tingin niya mula sa labi ko. "Damn, You're such an Innocent Seductress!" Pagmumura niya saka ako nito hinalikan bigla.
I can't help too but I kissed him back. This is the sweetest kissed that I've ever got in my life and I'm glad that I'm doing this to Kenneth, to the man I loved.