Chapter 9

1739 Words
ALLISON'S POV Dumating na rin ang Saturday at ngayon ang first date namin ni Kenneth. Napag-isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Miracle at tama nga siya, I need to fight my rights against from my mother and older brother. Hindi pwedeng habangbuhay nalang nila akong diktahan at kontrolin and I hope na sa desisyon kong ito ay balang araw na matanggap rin nila iyon. Kung kinakailangan na ay hindi na ako mag-aatubiling umalis mula sa poder nila para na rin sa sarili ko. Mga 1pm nang umalis ako ng bahay. Mabuti at wala si Kuya Robin dahil nasa trabaho pa ito at ganoon rin si Mama. Ang usapan namin ni Kenneth ay magkita nalang sa Ayala mall. Nagtaxi nalang rin ako papunta doon at hindi na nagpahatid pa sa driver namin dahil delikado at baka malaman pa ni Kuya Robin na makikipagkita ako ngayon kay Kenneth. Gusto nga sana ni Kenneth na sunduin ako mula sa bahay namin pero hindi ako pumayag. Nang makarating na ako sa mall ay kaagad akong nagpunta sa 2nd floor kung saan tinext sa akin ni Kenneth na nandoon na raw siya. Natanaw ko naman siya kaagad mula sa malayo at nagulat ako sa itsura niya ngayon. He's still wearing his eyeglasses pero hindi na malalaki ang lenses nito. Nakabagsak naman ang itim niyang buhok samantalang nakasuot siya ng green polo shirt na hapit na hapit sa katawan niya at jeans naman na pang-ibaba. This Kenneth is not the nerdy guy that I used to know, sobrang gwapo at hot niyang tignan ngayon kaya hindi ko siya masisisi kung may mga babaeng napapalingon sa kanya ngayon dito sa loob ng mall. I'm wearing an off shoulder dress with black sock and black and white sneakers at dala ko rin ang sling bag ko. Lumapit na ako sa kinaroroonan ni Kenneth at tila natulala pa siya pagkakita sa akin. Namula naman ang buong mukha ko nang makita ko na siya ng malapitan. Sabi na nga ba at ubod ng gwapo itong si Kenneth kapag nag-ayos sa sarili. Pwede na nga siyang maging model dahil matangkad rin ito at may magandang pangangatawan. "A-ang ganda mo naman ngayon." Namamangha niyang sabi habang nakatitig sa akin saka nito biglang hinawakan ang isang kamay ko. "Ang gwapo mo rin ngayon. Hindi ko alam na mag-aayos ka ng todo para lang sa date natin." Nahihiyang sabi ko. Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko at biglang hinalikan ang kamay ko na ikinapula pa lalo ng buong mukha ko. "Syempre, ayoko namang mapahiya ka sa ibang tao dahil may kasama kang nerd at baduy. Nagpatulong ako kay Manang Loida sa susuotin ko ngayon para sa date natin. PInapalitan ko na rin 'tong eyeglasses ko dahil hindi daw talaga bagay sa akin 'yung eyeglasses ko noon. Gumwapo na ba ako sa paningin mo ngayon, Allison? Bagay na ba tayo?" Nakangiti niyang tanong. I nodded. "Oo naman. Kahit magsuot kapa ng usual mong itsura ay tinanggap ko na 'yon noon pa. Gwapo ka naman para sa akin e," Napakagat naman ako ng labi sa sinabi ko dahilan para mapatitig siya doon. "You really love me for who I am. I'm glad that you like me." Seryosong sabi niya at ngumiti ulit pagkatapos. Napangiti rin naman ako hanggang sa niyaya niya akong kumain muna kami sa isang restaurant dahil hindi pa raw siya kumakain ng lunch. Napagpasyahan nalang namin na kumain sa isang filipino restaurant. Pagkapasok namin sa loob ay ramdam ko ang titig ng mga taong kumakain sa aming dalawa ni Kenneth. Hindi nalang namin pinansin iyon at nagtungo na sa isang bakanteng seats. Kaagad namang may lumapit sa aming isang waiter at titig na titig ito sa akin habang iniabot niya ang menu. Nakita ko naman na biglang sumama ang tingin ni Kenneth sa kanya. "Here's the menu, Ma'am and Sir." Nakangiting sabi ng waiter habang nakatingin sa akin. "Salamat-" "May rules ba dito sa restaurant niyo na pwede kayong tumitig sa kadate ng customer niyo?" Biglang pag-imik ni Kenneth na ikinagulat ko. Tila napahiya naman ang waiter sa sinabi ni Kenneth at yumuko ito bilang paumanhin. "S-Sorry, sir. Ang ganda lang kasi talaga ni Ma'am kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Kukunin ko na po ang order niyo. Pasensya na po talaga." Pagpapaumanhin nito. Humalukipkip naman si Kenneth at tinaasan siya ng kilay. "So, kapag nagandahan ka sa isang babae ay tititigan mo nalang siya kahit kaharap mo pa 'yung boyfriend niya? That's rude and unprofessional." Balewalang sabi nito at kaagad nang pumili ng order sa menu. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko at pumili na lang rin ng order ko nang tanungin ako ni Kenneth. Hindi na nagsalita ang waiter na mukhang napahiya na hanggang sa kinuha na niya ang inorder namin at umalis na rin pagkatapos. Napailing ako. "Kenneth, hindi mo na dapat ginawa 'yon. Parang napahiya pa kasi siya." Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin ng seryoso. "He's staring at you, Allison. Nakakabastos 'yon para sa akin dahil magkasama tayo at nililigawan kita. I know that you're too beautiful at hindi mapipigilang may hindi tumingin sa'yo pero hangga't kasama mo ako ay ayoko ng ganon." Matigas niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya. Pati ang pananalita at behavior ni Kenneth ay medyo nag-iiba na. Hindi ko alam kung normal lang bang nagkakaganito siya dahil nililigawan niya ako pero pilit ko nalang siyang inintindi para hindi masira ang unang date namin. Pagkarating ng inorder namin ay kaagad na kaming kumain at nag-usap ng kung anu-ano. Masayang kasama si Kenneth at marami siyang kwento tungkol sa sarili niya at sa buhay niya. Sa graduation day daw namin ay gusto niya akong isama sa speech niya bilang Suma c*m Laude ng St. Claire. Medyo kinilig naman ako sa sinabi niya at ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang makasama ko siya ng matagal at kahit nanliligaw palang siya ay wala naman akong balak patagalin pa na sagutin siya. "Ate Alli?" Habang nag-uusap kami ni Kenneth ay may tumawag sa pangalan ko at nagulat nalang ako nang makita ko ang half brother kong si Enzo na nakalapit na pala sa pwesto namin ni Kenneth. May kasama itong dalawang lalake na may mga itsura rin at nakasuot ng varsity jacket ng school nila. "Enzo, ikaw pala." Nakangiti kong sabi at tumayo para halikan siya sa pisngi. Nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Kenneth nang dahil sa ginawa ko. Hindi pa pala niya alam na kapatid ko itong si Enzo at baka kung ano na ang iniisip niya ngayaon. "Nandito kami ngayon para kumain ng mga kateammates ko. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball, e. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong niya at napalingon ito kay Kenneth. "Ah. Enzo, si Kenneth pala, manliligaw ko. Kenneth, si Enzo pala, half brother ko." Pagpapakilala ko sa kanila. Tumango naman si Enzo at ngumiti ito kay Kenneth. "It's nice to meet you, Kuya Kenneth. Ako nga pala si Enzo. Kapatid ni Ate Allison sa father side." Nakipagkamay naman ito kay Kenneth. Tumango lang si Kenneth at ngumiti ng tipid. "It's nice to meet you, too." Sabi niya at kaagad binawi ang kamay niya mula kay Enzo. Medyo nagulat pa si Enzo sa ginawa ni Kenneth pero hindi nalang niya iyon pinansin instead ay bumaling nalang ulit siya sa akin nang nakangiti. "Sige, Ate Alli. Mukhang nakakaistorbo na yata ako sa date niyo. Pinapasabi nga pala nila Papa at Mama na dumalaw ka minsan sa bahay namin. Namimiss ka na raw nila." Sabi niya. "Sure, makakaasa sila Papa at tita." Sabi ko naman. Tumango lang si Enzo bilang sagot hanggang sa umalis na sila kasama ang dalawang lalakeng kasama niya at umupo sa ibang bakanteng upuan ng restaurant. "Are you sure na kapatid mo talaga 'yon?" Tanong ni Kenneth pagkaalis nila Enzo. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Yes. Anak siya ng Papa ko sa ibang babae. Why are you asking that?" Naguguluhan kong tanong. He shrugged. "Nakikita ko lang kasi sa mga mata niya ang admiration niya sa'yo not only you're his sister. Pati 'yung mga kasama niya ay grabe kung makatitig sa'yo." Natatawa niyang sabi at sumubo ng kinakain niya. I sighed. What did he mean by that? Nagseselos ba siya kahit sa kapatid ko? Nung una ay pinalampas ko 'yung pagpapahiya niya sa waiter tapos ngayon naman ay pati rin sa kapatid ko? Hindi na ako nakapagpigil pa. "Ano bang problema mo, Kenneth? Kahit ba kapatid ko ay pagseselosan mo rin? Nanliligaw ka palang sa akin but why are you acting this way?" I hissed. Bagot naman siyang tumingin sa akin at uminom ng tubig pagkatapos. "You can't blame me, Allison kung pati ang kapatid mo ay pinagseselosan ko. Matagal akong nanahimik sa nararamdaman ko para sa'yo at ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataon na makilala ng lubusan ang isa't-isa. I really love you at hindi ko hahayaang madivert ang atensyon mo sa ibang lalake. I know na dapat hindi ako umakto ng ganito pero hindi mo ako masisisi dahil ayaw kong mawala ka sa akin kaagad." Mariin niyang sabi. Napahinto naman ako sa sinabi niya at hindi na nakapagsalita pa. He had a point and I understand him pero hindi pa rin tama na kahit ang kapatid ko ay pagselosan niya. "But, he's too young, Kenneth. He's only 17 at-" "I don't care. Gusto kong sa akin lang ang atensyon mo at hindi sa ibang lalake. Wala akong pakialam kung kapatid mo man siya o hindi. You're my girlfriend now and that's final." Sabi niya. "Girlfriend?" Gulat na gulat kong sabi. Tumango naman siya at ngumiti sa akin. "Yes. Girlfriend na kita dahil doon rin naman ang punta nun. Now, that you're my girlfriend, sa akin ka na at gusto kong sa akin mo lang ibubuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal mo. Understand?" Tila nahipnotismo naman ako sa ganda ng mga mata niyang nakatitig sa akin at napatango nalang nang wala sa sarili. Kenneth, why are you doing this to me? Bakit pakiramdam ko ay kinokontrol mo ako pero hindi kita magawang pigilan dahil lamang pa rin ang pagkagusto ko sa'yo? Gusto pa nga ba kita o mahal na kita? He smirk. "Good girl." He patted my head dahilan para bumalik na ako mula sa katinuan ko. "Eat," Sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ituloy ang kinakain ko. What was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD