ALLISON'S POV
Abot langit ang ngiti ko pagkahatid sa akin ni Kenneth mula sa labas ng subdivision ng bahay namin. Gusto pa nga sana niya akong ihatid hanggang sa tapat ng bahay namin pero tumanggi ako dahil baka makita pa siya ni Kuya Robin at mapagbuntunan ng galit. Hindi ko akalain na may gusto rin pala siya sa akin at ngayon nga ay nililigawan na niya ako. I can't hide my happiness right now, Kenneth loves me.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit sa kanya at hindi sila magkasundo ng kapatid niyang si Kendrick. Mabait si Kenneth pero kabaligtaran naman nun si Kendrick. Kanina ay nakita ko kung paano magalit si Kenneth nang may ibinulong sa kanya si Kendrick na hindi ko alam kung para saan iyon. Naalala ko lang ang sinabi nitong "Don't you ever lay your hands to her! Kahit kapatid pa kita ay malalagot ka sa akin kapag ginawa mo 'yon!" Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila pero may ideya na akong ako iyon.
Kahit kailan ay hindi ko nakitang magalit si Kenneth sa kahit na sinumang tao at aaminin kong medyo natakot ako sa kanya nang suntukin niya ang kapatid niya at sumigaw siya pero mas pinili ko nalang intindihin na talagang nalimitahan na ang pasensya niya at tao lang rin siya na nasasaktan at nagagalit sa mga sinasabi sa kanyang pangmamaliit at pang-iinsulto.
Pagkarating ko sa loob ng bahay namin ay naabutan kong kumakain sa dining area sila Mama at Kuya Robin kasama ang girlfriend niyang si Ate Miracle. Ngumiti naman sa akin si Ate Miracle nang makita niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik.
Ate Miracle is CJ's first cousin at since high school palang sila ni Kuya Robin ay magkarelasyon na sila. My Mom really likes Ate Miracle dahil mayaman rin ang pamilya nito at pinsan pa ni CJ. I like Ate Miracle too dahil mabait at mabuting tao siya.
"Allison, join us at kumain ka na rin." Paanyaya sa akin ni Mama nang makita niya ako.
Tumango naman ako at tumabi sa bakanteng upuan na nasa tabi lang ni Mama habang nasa harap ko naman si Kuya Robin na masama ang tingin sa akin. I knew it, siguro ay nagsumbong na naman si CJ sa kanya sa paglapit ko ulit kay Kenneth sa school.
"So, how are you and CJ?" Nakangiting tanong ni Mama habang kumakain.
Hinanda ko muna ang pagkain ko bago ko siya sinagot. "Okay lang naman po." Sabi ko nalang.
Gusto ko sanang sabihin kay Mama na nililigawan na ako ni Kenneth pero sigurado akong tututol siya do'n dahil botong-boto siya na maging kami ng CJ na iyon. Sorry Mom but I can't love CJ dahil si Kenneth lang ang gusto ko.
"That's good. Gusto ko na magkaroon tayo ng dinner party kasama ang Mom at Dad niya. I want CJ for you, Allison kaya kapag may ginawa kang kalokohan ay grounded ka dito sa bahay." Pagbabanta ni Mama at mukhang alam na niya ang iniisip ko.
Napahigpit naman ang hawak ko sa kubyertos at napansin iyon ni Ate Miracle at nag-aalala siyang napatingin sa akin.
"Dont worry, Ma. Walang gagawing kalokohan si Allison dahil babantayan ko siya lalo na do'n sa nerd na gusto niya yatang ipagpalit kay CJ." Kuya Robin chuckle and he raised his eyebrows on me.
Kumunot naman ang noo ni Mama sa sinabi ni Kuya Robin saka ito muling bumaling sa akin. "Really? Sino naman ang nerd na gusto mong ipagpalit kay CJ? CJ is a fine guy and their family is very wealthy, too. He can provide all your needs na kakailangan mo sa future mo, Allison." Sabi niya.
Ganyan naman si Mama. Pilit niya akong pinagtutulakan kay CJ kahit ayaw ko dito. Puro business at pera nalang ang palagi nilang iniisip ni Kuya Robin kaya paano naman ako? Bakit kailangan ko pang maipit sa ganitong sitwasyon? Mahal ba talaga nila ako bilang pamilya ko?
Hindi nalang ako sumagot at baka kung ano pa ang masabi ko. Kahit ano namang explanation ang sabihin ko na ayaw kong maging kami ni CJ at higit sa lahat ay ayaw ko siyang pakasalan ay parang baliwala lang sa kanila iyon at ipipilit pa rin nila ang gusto nila. In my whole life, I lived with my uncontrollable mother and older brother and I'm so sick of this!
Binilisan ko nalang ang pagkain ko at nang matapos na ako ay kaagad akong umalis mula sa dining area. Narinig ko pang tinawag ni Mama ang pangalan ko pero hindi ko nalang iyon pinansin. Nagpunta ako sa Garden area ng bahay namin saka umupo sa isang bench at doon ko na ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Pagod na pagod na ako. Palagi nalang may kumukontrol sa buhay ko. Kailan ba ako magiging masaya? Kailan ba ako magiging malaya? Tama sila Jude, Jace, Karl at Rowan, I need to separate myself from my mother and older brother. Kahit mahal na mahal ko sila at ayaw ko silang iwan ay kailangan ko munang lumayo sa kanila para na rin sa sarili ko. I'm such a selfless girl at lahat ng gusto nina Mama at Kuya Robin ay ginagawa ko dahil mahal ko sila but I don't think they love me dahil kung mahal nila ako ay rerespetuhin at iintindihin nila ang gusto ko.
Habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak ay naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko si Ate Miracle na nakatingin sa akin nang may pag-aalala. Kaagad naman akong umayos ng tuwid at pinunasan ang mga luha ko.
"Ate Miracle, ikaw pala." Pilit na ngiti kong sabi.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at bumuntong-hininga pagkatapos. "Alam mo, hindi ko rin magets sina Tita Maddi at Robin kung bakit nila ginagawa 'yan sa'yo, e. Kahit kinukumbinsi ko ang kuya mo na 'wag kanang ipilit kay CJ ay hindi pa rin siya nakikinig sa akin. They are hard headed." Umiiling na sabi niya.
I sighed. "Ako nga rin po. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sina Mom at Kuya Robin sa akin. Bakit nila ako pinipilit kay CJ? Alam naman nilang hindi ko siya gusto." Mahinang sabi ko at napatitig nalang sa malayo.
"May ikwinento sa akin ang kuya mo noon, Allison." Sabi ni Ate Miracle kaya napaharap naman ako sa kanya. She's very pretty and had an angelic face.
"Ano po 'yon?" Tanong ko.
Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ko.
"Noong hindi ka pa pinapanganak ay sobrang nalubog sa utang sina Tita Maddi at Tito Danh at 'yon ang naging dahilan kaya nagkahiwalay sila. Hindi sanay si Tita Maddi na maghirap dahil lumaki talagang mayaman ang Mama mo samantalang ang Vietnamese mo namang Papa ay average lang ang pamumuhay at dito na lumaki sa Pilipinas. CJ's parents help your Mom na makabangon kayo ulit mula sa kahirapan at saksi doon si Robin kaya tinanaw niya na malaking utang na loob ang lahat sa pamilya nila CJ kung bakit nakaangat ulit kayo ng Mama mo mula sa kahirapan." She said.
Sa sinabi ni Ate Miracle ay tila naliwanagan na ako sa lahat. Kaya pala ganon nalang kung ipilit nila ako kay CJ dahil malaki ang utang na loob nila sa pamilya nito. Ayaw nilang maghirap ulit kami at bumalik noon na walang-wala.
Unti-unti naman akong napatango. "Ganon po pala." Ate Miracle nodded.
"Pero hindi pa rin valid na reason 'yon para ipagkanulo ka nila kay CJ. They should also respect your decision, Allison at 'wag kang papayag na palagi kana lang diktahan ng Mama at kuya mo. You're already 20 years old at may sariling desisyon at pangarap ka sa buhay mo. If you need help ay nandito lang ako bilang magiging future sister-in-law mo." She wink at me and she embraced me.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate Miracle.
"You know what ate, may gusto na kasi talaga akong guy, e." Pag-amin ko dahilan para humarap ulit siya sa akin na may malaking ngiti sa labi.
"Sino? 'Yung nerd ba na tinutukoy ng Kuya Robin mo na ipagpapalit mo daw kay CJ?" Tanong niya at tumawa pagkatapos.
Tumango naman ako. "Siya nga po."
Ngumisi naman siya ng nakakaloko sa akin. "Iba rin pala ang gusto mo sa isang guy, Allison pero I'm sure nagustuhan mo 'yung lalakeng 'yon dahil sa personality niya. Am I right?"
Tumango ulit ako at napangiti nalang. "Yes, he's such a sweet, genius and caring guy, Ate Miracle. Hindi man siya magandang pumorma or kung baduy man siya ay hindi 'yon naging dahilan para hindi ko siya magustuhan. Sa katunayan nga po ay nililigawan na niya ako." Pag-amin ko na ikinagulat niya.
I trust Ate Miracle dahil alam kong mabuti itong tao at mapagkakatiwalaan rin kaya sinasabi ko na sa kanya ang sikreto namin ni Kenneth sa ngayon.
"Talaga? I'm so happy for you, Allison at hindi ka nagpadaig sa takot diyan sa Mama at Kuya Robin mo. Ang payo ko lang sa'yo ay 'wag mong pigilan ang puso mong mahalin ang taong sa tingin mo ay karapat-dapat para sa'yo. This is the right time na ikaw naman ang lumigaya. Just do what do you want habang bata ka pa dahil kapag tumanda kana ay pagsisisihan mo lahat ng mga hindi mo nagawa." She held my hand and she tapped my shoulder.
Ate Miracle is right, I need to focus on myself right now dahil baka pagsisihan ko sa huli ang mga bagay na gusto ko nang gawin ngayon. Kenneth is my happiness at hinding-hindi ko hahayaan na diktahan ako ulit nina Mama at Kuya Robin sa kung sinuman ang lalakeng mamahalin ko. I like Kenneth and I know that I'm slowly loving him.
"You're right, ate. Sa ngayon ay susundin ko na kung ano ang gusto ng puso ko." Sabi ko.
Nagthumbs-up naman siya sa akin bilang sagot at ginulo ang buhok ko.
"Napakaswerte naman nung nerd na nagugustuhan mo. Maganda at sexy ka na nga, hindi ka pa tumitingin sa panlabas na itsura ng isang tao. He's so lucky to have you." Sabi nito.
I smiled too. "Maswerte rin po ako dahil alam kong mahal na mahal niya ako."
Kenneth is in love with me and I'm sure that he won't let me go.