KENNETH'S POV
"Allison, mahal kita. Please, let me court you,"
Sa sinabi kong iyon ay napahinto si Allison at bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan ang pag-amin ko pero sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para malaman niyang mahal ko siya. Matagal ko rin itinago itong nararamdaman ko at ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para umamin na sa kanya.
"Kenneth..." Tanging nasabi niya at para pa rin itong naguguluhan dahil sa sinabi ko.
"Alam kong nabigla ka dahil sa pag-amin ko ng nararamadan ko para sa'yo pero kasi, hindi ko na kaya pang itago 'to lalo na kung palagi tayong magkasama at nagkakausap. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako kaagad e, ang sa akin lang gusto kong patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal." May determinasyon kong sabi at hinawakan ko ang isang kamay niya.
Nakita ko naman ang unti-unti niyang pagluha na ikinaalarma at ikinagulat ko.
"Hey, why are you crying?" Natataranta kong tanong at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi gamit ang isang palad ko.
Umiling naman siya at ngumiti pagkatapos. "I didn't expect na after all, may gusto ka rin pala sa akin." Sabi niya na ikinahinto ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
Allison smiled again. "I like you, too. Kenneth. Noon pa man ay crush na kita."
Halos hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Allison likes me too? Hindi ko maintindihan pero sobrang natuwa ang puso ko nang dahil do'n. Hindi ko maintindihan kung paano na sa isang katulad kong bully, nerd at lampa pa siya nagkagusto pero masaya ako at pareho lang pala kami ng nararamdaman.
"Really? I-Im just, speechless..." Nakangiti kong sabi kasabay ng pagtakip ko ng palad sa mukha ko.
Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang buong mukha ko nang dahil kay Allison. Lalake ako pero ngayon ay para akong nagbablush at nakakahiya lang!
"Hindi mo ba ine-expect? Aaminin ko na nga dapat sa'yo na crush kita kaso naunahan mo na pala ako." Nagtatampong sabi niya at nagpout pa.
She's very cute and at the same time, pretty.
Inakbayan ko naman siya dahilan para siya naman ang mamula ang buong mukha. I like how she affected by my gestures on her. I can see that she really likes me too and I'm glad that we have the mutual feelings for each other.
Mas madali nalang para sa akin ang ligawan siya.
"You're such a cutie right now." Sabi ko at pinisil ng mahina ang pisngi niya.
Allison is such a beautiful and natural born look girl. She doesn't need to wear heavy make-ups para lang gumanda. She was naturally beautiful and I really like her dark brown hair. It really suits to her pale skin. Also, Her lips. Kanina lang ay hinalikan ko siya and I want more pero baka kung halikan ko ulit siya ay tuluyan na siyang mabigla sa akin. I will take this easy right now.
She will be mine after all.
"Yeah, Mr. Kenneth Natividad! Ibang-iba ka talaga ngayon kumpara sa Kenneth na palaging nauutal at hindi makatingin ng diretso sa akin sa school. Look at you now, sobrang nag-iba ang ayos mo pati na rin ang pakikitungo mo ngayon sa akin." Sabi niya at nagcross-arms pa.
I look at her with admiration. "Sa'yo lang naman ako ganito e, lalo na't alam kong gusto mo rin pala ako." Seryoso kong sabi dahilan para mapatitig siya sa akin.
I like this. Gusto kong ako lang ang tinititigan niya ng ganito. Gusto kong sa akin lang ang buong atensyon niya at gusto kong palagi ko siyang nakakasama at nakakausap. Hindi ko yata kakayanin na makuha pa siya sa akin ng ibang lalake lalong-lalo na ni CJ. Handa akong makipagpatayan sa kanya para lang kay Allison. Mas lamang ako sa kanya dahil sa akin may gusto si Allison at hindi sa kanya. I smirk mentally.
Dahil hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin ko ay akmang hahalikan ko na sana si Allison nang may kumatok mula sa pintuan ng kwarto ko. Napatigil naman ako habang napayuko nalang si Allison sa hiya. Wala naman akong ibang nagawa kundi buksan ang pintuan.
Pagkabukas ko ay bumungad naman sa akin si Kendrick na walang suot na pang-itaas at nakasuot lang ito ng boxer shorts. Nang makita niya ako ay tinaasan niya ako ng kilay hanggang sa mapadako ang tingin niya sa nakaupong si Allison na tila naiilang dahil sa itsura niya.
I clench my jaw.
"Ayos ah, nagdadala kana rin pala ng babae dito at si Allison pa na kaibigan ng mga dati kong katropa. Himala yata at kahit papaano ay may lumapit sa'yong babae kahit napakabaduy at pangit mo!" Tumatawa niyang sabi at amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya.
Kendrick is my older brother. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Siya ang paboritong anak nina Mom at Dad dahil gwapo ito at maraming kayang ipagmalaki. Noong mga bata palang kami ay hindi na talaga kami magkasundo at mismong siya pa ang nagpapahiya sa akin sa harap ng maraming tao noon. Halos lahat rin ng nagiging crush ko noon sa huli ay nagkakagusto sa kanya at nagiging girlfriend pa niya dahil nga sa mas gwapo siya at maporma kaysa sa akin. Alam kong sinasadya niyang gawin iyon dahil sa galit niya sa akin. He doesn't treat me as his brother at palagi pa siyang pinapaburan ng mga magulang namin.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko habang nakatitig na ng masama sa kanya.
Ngumisi naman siya sa akin saka muling pinasadahan ng tingin si Allison mula ulo hanggang paa.
I clenched my fist.
"You know what, Kenneth? Kahit may magkagusto pang babae sa'yo sa huli ay magkakagusto rin sila sa akin. Your girl is the prettiest and sexiest girl I've ever seen. Sa tingin mo ba ay nababagay ka sa isang tulad niya? Believe me, she will end up liking me dahil mas lamang na lamang pa rin ako sa'yo." Bulong niya sa akin.
Hindi ko alam pero nang dahil sa sinabi niya ay may kung anong emosyon ang namuo sa dibdib ko. Kendrick gets everything from me since our childhood at pinalampas ko iyon dahil kapatid ko siya. Hindi ko na rin inintindi pa kung mas paborito siya nina Mom at Dad at nagfocus nalang ako sa sarili ko pero ngayon, sinasabi niya sa aking makukuha niya rin si Allison katulad nang mga babaeng nagustuhan ko noong mga bata palang kami ay bigla nalang uminit at kumulo ang dugo ko nang dahil do'n.
Pinalampas ko ang ginawa niya sa akin noon pero ngayon, ang kunin niya sa akin ang kaisang-isang babaeng nagmamahal at nagmamalasakit sa akin?
He can't do that. Mapapatay ko siya.
I can't control my emotions anymore kaya kaagad kong sinuntok sa mukha si Kendrick dahilan para mapaupo siya sa sahig. Nagulat naman si Allison sa ginawa ko kaya kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang isang braso ko.
Bakas naman sa mukha ni Kendrick ang pagkabigla dahil sa ginawa ko sa kanya. Ngayon ko lang siya nasaktan dahil nalimitahan na rin niya ang pasensya ko katulad ni CJ. Hindi niya inaakalang kaya ko siyang labanan mula sa matagal kong pananahimik sa pang-iinsulto at pag-agaw niya ng lahat sa akin.
I don't know but I notice something in myself right now. Para bang madali na akong magalit at kayang makapanakit ng isang tao pagdating sa kaisipang aagawin nila sa akin si Allison.
"Don't you ever lay your hands to her! Kahit kapatid pa kita ay malalagot ka sa akin kapag ginawa mo 'yon!" Sigaw ko sa kanya.
Kitang-kita ko naman sa mukha ni Kendrick ang takot dahil sa sinabi ko pero kaagad rin iyon napawi nang ngumisi siya ng nakakaloko saka ito unti-unting tumayo.
"Ang tapang mo na ngayon, Kenneth? I will tell this to Mom and Dad at tignan nalang natin kung hanggang saan 'yang tapang mo!" Sabi niya pagkatapos ay padabog na siyang umalis sa kwarto ko.
Nang makaalis na si Kendrick ay napabuntong-hininga nalang ako at ginulo ang buhok ko habang si Allison naman ay hinahagod-hagod ang likod ko at pagkatapos ay inaya akong maupo ulit sa couch.
"It looks like na hindi kayo magkasundo ng kapatid mo. He can't treat you well." Nag-aalalang sabi ni Allison.
Tumango naman ako. "He was like that ever since. Sanay na sanay na rin ako sa ugali ni Kendrick. Allison, can I ask a favor?" Tanong ko.
She nodded. "Ano 'yon?"
I held her both hands and I look straight to her eyes again.
"Sa akin ka lang please. Now, that I'm courting you, pwede bang ipangako mo sa akin na ako lang ang lalakeng magugustuhan at mamahalin mo? Ayoko rin'g may ibang lalake ang kumakausap at lumalapit sa'yo at gusto ko na sa akin lang ang atensyon mo. Can you promise me that?" Malambing kong tanong at nginitian siya.
Unti-unti naman siyang tumango at ngumiti rin pagkatapos. "I promise." Sabi niya.
Niyakap ko naman siya and I smell her sweet and mild scent.
"Sa akin ka lang, Allison. You're only belong to me..."