Someone's POV
Nakatitig lamang ako sa litrato ng babaeng gusto kong makasama habambuhay. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya lalo na't nalaman ko na makakasama ko siya kasama ang labindalawa ko pang mga kaibigan. Hinding-hindi ako papayag na hindi ako ang magiging fiancé niya. Dapat ako at ako lang!
Papatayin ko lahat ng mga hahadlang sa amin ng aking iniirog. Ayaw na ayaw ko na sinisira at aagawin ang pag-aari ko. Pag-aari ko si Trinity at sa akin siya ng buong buo.
"Trinity Li Hernandez, 18 years old, 4th year college student in YG Academy. The Campus Heartthrob Princess, only daughter of Mrs. Isabella Hernandez and Jorge Hernandez. She have a two brother named Troy and Tristan Hernandez and this georgeous and young lady has N-O B-O-Y-F-R-I-E-N-D." Pagkatapos kong mabasa ang isang folder na naglalaman ng lahat ng background tungkol kay Trinity Hernandez ay ininom ko ang baso ko na may lamang wine at sumandal sa aking swivel chair.
"Sir, nandiyan na po ang lahat ng background ni Ms. Hernandez." Sabi ng private investigator ko.
"You're fired." Sabi ko habang nagsasalin ng wine sa aking baso.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "S-sir? B-bakit po?"
"May kulang sa background na binigay mo." Tumayo ako at inihagis sa mukha niya ang folder na naglalaman ng lahat ng background tungkol kay Trinity.
"P-pero sir, sinigurado ko po na kumple-"
"Nakalimutan mo yata ang background niya na.. She's now a property of mine and mine, and yes, she is mine.. now." I smiled devilishly to this idiot and stupid private investigator.
"Sir-"
"You're fired." I said calmy. Kanina pa niya inuubos ang pasensiya ko.
Lumuhod siya sa akin at hinalikan ang sapatos ko. "Maawa na po kayo sa akin sir, ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko. May sakit pong cancer ang anak ko at-"
Bang!
He lost my temper so I bang him with my beautiful gun.
"Inubos mo ang pasensiya ko Mr. Reyes kaya ayan tuloy, mapupunta ka na sa impiyerno." I smirk again at pinunasan ang damit kong natalsikan ng dugo ng bobong private investigator na 'to gamit ang tissue na nakapatong sa table ko.
"Nadumihan pa tuloy 'tong maganda kong tshirt na favorite brand pa naman Trinity. Tsk tsk!"
Travis' POV
"Travis, bakit tulala ka na naman diyan? Ilang araw ka nang ganyan."
"Oo nga tol, siguro nakakakita si Travis ng multo."
"Baka minumulto na siya ng mga nagiging girlfriend niya. Hahaha!"
Pak!
Binatukan ko lang naman si John. Panira kasi.
"Aray naman Travs, masakit 'yon ha?" John na hinihimas-himas 'yong leeg niyang binatukan ko.
Tinignan ko siya ng masama saka ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa kawalan. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan 'yong pagpapahiya na ginawa sa akin nung babae sa may bar. Ang swerte nga niya dahil ako pa ang unang lumapit sa kanya, kadalasan kasi ay ako ang unang nilalapitan ng mga babae tapos ang babae na 'yon ay inisnob lang ako? Sa gwapo kong 'to? Hindi matanggap ng ego ko ang mga pangyayaring 'yon. She don't want to talk to the strangers like me daw? Magkikita't-magkikita pa rin kami at sisiguraduhin kong makukuha ko rin siya.
"I think it's a girl." Napatingin ako sa nagsalitang si Arthur. He's right. Babae nga ang iniisip ko.. Babaeng ipinahiya ako sa bar.
"Haha! Babae nga pala talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Travis. Ang Cassanova ba ng TREASURE ay nakahanap na ng katapat niya? Kwentuhan mo naman kami." Inakbayan ako ni Jun.
"Tss! Wala na kayo dun." Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Jun at tumayo na para magpahangin sa labas. Alam ko kasi na iintrigahin lang nila ako kapag nagstay pa ako dito sa loob ng bahay kaya minabuti ko na munang lumabas.
Naupo ako sa may swing at napabuntong-hininga ng sobrang bilis. Tsk! Naaalala ko na naman ang babaeng 'yon, pati kasi ang mukha niya ay hindi ko na rin makalimutan. Sige, aamin ko na napakaganda niya, mukha siyang anghel sa sobrang ganda niya. She is the most beautiful woman I've ever seen in my life. Marami naman akong magagandang girlfriend and ex-es pero kasi siya.. Ibang-iba, may kung ano sa kanya na hindi mo makalimutan. She had a capable to attract guys and make them fall in love with her, kahit napakasimple lang niya ay i'm the one who's attracted to her kahit unang beses pa lang kaming nagkita.
"I don't know her name yet." For the 'nth time at napabuntong-hininga ako ng sobrang bilis.
"Hoy!"
"Ay! Putangina!" Muntik na akong mahulog sa swing dahil sa biglaang pagsigaw ng malakas ni David sa tenga ko.
"Gago ka ba, David? Bakit bigla-bigla ka na lang sumisigaw diyan? Gusto mo bang mabingi ang tenga ko?" Tinitigan ko siya ng masama dahil sa sobrang pagkainis ko sa kanya.
"Pfft. Sorry na dude, ikaw naman kasi ang seryoso masyado ng itsura mo ngayon." Umupo siya sa swing na katabi ng swing na inuupuan ko.
Mukhang kakarating lang niya galing sa trabaho niya dahil nakasuot pa siya ng pang-nurse na uniform na kulay puti na para sa lalake at may dala rin siyang backpack. Ewan ko ba dito sa lalakeng 'to, mayaman naman sila at may-ari rin ng ospital na pinagtatrabahuhan niya pero hindi ko alam kung anong meron sa utak nito at gusto pang magtrabaho bilang nurse sa sarili nilang ospital. Ang weird niya. Psh.
"Palibhasa kasi hindi mo sineseryoso ang ibang mga bagay." He sigh.
"Nagseseryoso din naman ako paminsan-minsan. Ayoko lang na makita niyo na mahina ako sa paningin niyo." Tiningnan ko siya nang nakakunot-noo. Sumeryoso din ang itsura niya at nakatingin sa malayo.
"Alam mo Travis, matagal na tayong magkakaibigang labingtatlo kaya nga tumira tayo sa iisang bahay lang. Kilala na natin ang bawat isa at lahat tayo ay may iba't-ibang personalidad pero hindi ba't sa kabila ng mga personalidad natin ay may itinatago tayong sikreto?" I nodded.
"At ang sikretong 'yon ay hindi natin masabi-sabi sa isa't-isa."
Ang weird nitong si David. Why is he saying this?
"Ang weird mo." Tanging nasabi ko.
Nagkibit-balikat na lamang siya at kinalikot ang iphone5 na hawak niya.
"Para ka din si Jaden, ayaw niyong magshare ng problema niyo at sinasarili niyo lang. Ah sige na Travis, mauna na ako sa loob." Tumayo siya at pumasok na sa loob ng bahay.
"Sikreto." Mahinang bigkas ko.
Tama si David, lahat kami ay may itinatagong sikreto and I'm one of them.
**
We're all here in the living room dahil pag-uusapan namin 'yong babaeng sinasabi na magiging fiance ng isa sa amin. I already know that, let me scratch it, WE already know that dahil 'yon daw ay isang tradisyon. Kung sino daw ang magustuhan ng babaeng 'yon na isa sa amin ay yun daw ang pakakasalan niya. She's living with us. Tanggap na namin ang kapalaran namin dahil mana at mga ari-arian rin ang nakataya dito. Siguro naman ay maganda 'yong babae? Dahil kapag hindi ay hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya.
Inaantay na lang namin ang dalawang paimportante na sila Ben at Kevin.
"Ang tagal naman nila." Naiinip na tanong ni Kyle na patingin-tingin kada segundo sa suot niyang wrist watch.
"Padating na daw sila." Aniya Sam habang nag-aayos ng itsura niya sa harap ng salamin.
Sa wakas ay dumating na rin ang mga bida na paimportante.
"Sorry. Late ba kami?" Kevin na naghahabol ng hininga at obvious na tumakbo siya papunta dito.
Tumingin si Kyle sa wrist watch niya. "Late lang naman kayo ng isang oras." At napailing ito.
"Ngayon lang kasi ako inout ng photographer ko kaya pasensiya na mga bro." Ben
"That's okay, shall we start?" Sabi ng leader-leaderan na si Daniel.
"Yes." They all said except me and Jaden.
Lahat kami ay nakaupo sa may sofa at hinihintay ang sasabihin nila sa amin.
"Alam niyo naman siguro na may titirang babae dito at alam niyo rin na siya ang mapapangasawa ng isa sa atin?" Panimula ni Daniel.
"Alam na namin 'yan." Nabobore na sagot ni Justin at napahikab ito. Kulang pa ba ang tulog niyang mahigit isang araw at inaantok pa rin siya?
"Sabi ni dad ay maganda daw siya kaya wala ka nang problema, Travis." Tiningnan ako ni Jun at nginisian. Mabuti naman pala at maganda siya, sexy din kaya?
"She's only 18 years old kaya huwag na huwag niyo siyang gagawan ng masama." Litanya ni Sam habang dinuduro-duro niya kami ng hawak niyang ruler.
"Hahahaha! Mukha kang teacher sa ginagawa mo kuya Sam, Hahahaha!" John na kung makatawa ay parang wala nang bukas.
"Shut up." Tiningnan ni Sam si John ng masama kaya tumigil na din ito sa kakatawa.
"Saan na nga ba tayo? Ayon nga, her name is Trinity Hernandez, anak siya ni Mrs. Isabella Hernandez."
Nanlaki bigla ang mga mata nila Jaden at Kevin. Problema nila?
"What's wrong?" Tanong ni Mason sa kanilang dalawa.
Umiling si Kevin. "Nothing." At nakangiti ito.
Bigla namang napatayo si Jaden at akmang papaalis na nang mapigilan siya ng bestfriend niyang si Sam.
"Saan ka pupunta?"
Napabuntong hininga muna siya bago sumagot. "Magpapahangin lang." Hindi na napigilan ni Sam si Jaden at umalis na nga ito.
"Ang hilig niyo talagang magwalk-out ni Jaden, no Travis?" Nang-aasar na tanong ni David.
"Tss." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng weirdo na 'to.
"And Trinity Hernandez, tomorrow, she will living here." Daniel na pinaikutan pa kami. Feel na feel talaga niya ang pagleleader-leaderan niya. Psh.
"Baka maarte yan, tapos spoiled brat, tapos matapobre, tapos-"
"Over react ka naman Arthur, base sa sinabi ni Mrs. Hernandez sa aming tatlo ay mabait na anak daw si Trinity at NBSB pa." Nakangising sagot ni Daniel.
"NBSB? I'm sure na ako ang magiging first boyfriend niya." John
"As you wish." Inirapan ni Justin si John.
"May the best man win." Kevin said with a jolly tone of voice.
Hindi ko alam pero hindi ba napapansin ng mga kasamahan ko dito na sa tinagal-tagal naming magkakakilala ay parang may iba kay Kevin? Para kasing hindi maganda ang kutob ko sa kanya simula noon pa. Mabait at palangiti siya pero.. may mali talaga.
"I guess." Ben na nagkibit-balikat na lamang.
Pagkatapos ng pagpupulong 'daw' namin ay nagkanya-kanya na kaming akyat sa mga kwarto namin. Pagod na rin kasi kaming lahat kaya matutulog nalang kami. Pinaayos na nila Daniel sa mga katulong dito ang magiging kwarto nung Trinity at kung sa minamalas ka nga naman ay malapit pa 'yon sa kwarto ni Daniel. Halatang plinano niya na magkapalapit lang sila ng kwarto nung babae. Tss.
Bumaba muna ako sandali para uminom ng gatas, hindi kasi ako makatulog sa hindi ko malamang dahilan. Nang nasa may kitchen na ako ay nakita ko na nakaupo si Daniel sa may table malapit sa kitchen. Kumuha muna ako ng fresh milk sa may ref at isinalin sa baso saka ko siya nilapitan at umupo sa tabi niya.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ni Daniel na ngayon lang yata napansin ang presensiya ko.
"Hindi ako makatulog e, ikaw bakit gising ka pa?" Ininom ko ang baso ko na may lamang gatas.
Napansin ko ang bote ng alak at isang baso na nakapatong sa may table. Anong problema nito at bakit siya naglalasing?
"Nakipagbreak na sa akin si Naomi." Bigla siyang napayuko. Broken hearted pala siya!
"E, di humanap ka ng iba." Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko na namumula ang mga mata niya na mukhang kakagaling lang sa pag-iyak.
Si Daniel ay umiiyak? Nang dahil lang sa isang babae?
"Mahal na mahal ko 'yong pinsan mo Travis pero mukhang ayaw na talaga niya sa akin kaya ibabaling ko nalang ang pagmamahal ko dun sa babaeng pakakasalan ko." Biglang nagbago ang itsura ni Daniel na nakakaawa sa Daniel na nakakainis.
"Who? to that Trinity? Remember, hindi mo lang fiance si Trinity kundi nating LAHAT kaya you should play fair." hindi ko alam kung bakit ganito ako e, babae lang naman ang pinag-uusapin namin dito pero nakakainis kasi 'tong si Daniel, akala niya sa kanya na ang lahat.
"I know, Travis" He sighed at naging kalmado na rin ang mukha niya at saka ito umubob sa may lamesa.
"You look pathetic, kalalake mong tao ay umiiyak ka. Makaalis na nga." Pagkatapos kong maubos ang gatas na iniinom ko ay iniwan ko na si Daniel sa kusina. Nakakaawa ang itsura niya, he looks so wasted nang dahil lang nakipagbreak sa kanya si Naomi e, alam naman niyang matagal na siyang niloloko nito pero nagbubulag-bulagan lang ang dakilang martyr dahil mahal na mahal daw niya.
Kaya ayokong mainlove e, sakit sa ulo lang at gastos ang mapapala ko, mabuti pa na marami akong babae atleast napapaligaya nila ako at hindi pa sila mga demanding sa oras at pera ko.
Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
Calling..
Leozon Aragon
Tsk! Ano naman kaya ang kailangan ni Leo at sa ganitong oras ay tinatawagan ako?
"Bakit?" Walang gana kong tanong. Dinadalaw na rin kasi ako ng antok.
(Hindi mo naman sinabi sa akin na si Trinity pala ang titira sa inyo, she's my friend)
I frozed.
(And bro, my friend is fuckingly georgeous and hot so goodluck!)