Kabanata 4

1671 Words
Trinity's POV Nandito na ako sa tapat ng bahay na titirhan ko. The house is too big and beautiful, hindi ko talaga maimagine na titira ako dito with those 13 unknown guys. Nakalagay na rin lahat ng mga gamit ko sa mga maletang dala-dala ko. Kanina sa bahay ay napaiyak ako dahil malalayo na ako kila mommy at sa mga kuya ko. In my 18 years of existence kasi ay nasanay na ako sa sila parati ang kasama ko at dahil kuya Tristan's girl ako ay mamimiss ko talaga ang pinakamamahal kong kuya pero ngayon.. sabi ni mommy ay kailangan ko na din maging independent at para maisalba na rin ang kompanyang pinaghirapan nila kasama si daddy. So here it is, new sorroundings and new people. Pagkadoorbell ng driver namin sa gate ng bahay na titirhan ko ay mga maids agad na nagsilabasan at kinuha ang mga maletang dala-dala namin at ipinasok 'yon sa loob ng bahay. Pinapasok na nila ako sa loob at naiwan ang driver namin sa labas. "Mam Trinity, hinihintay na po kayo nila sir sa may living room, excited na kayong makita." Sabi ng katulong na katabi ko habang tinutungo namin ang living room. "Talaga? Mababait po ba sila?" "Hindi lang mababait, mga gwapo at matutulungin rin katulad nalang ni sir Jaden." Nakangiting sagot ng katulong. Matanda na ito pero mukhang malakas pa naman. "Jaden?" Isa rin kaya siya sa makakasama ko sa loob ng bahay na 'to? "Opo mam, sa katunayan nga po ay pinag-aaral niya ang aking bunsong anak, gusto daw niya akong matulungan kaya malaki ang utang na loob ko kay sir Jaden dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi gagraduate ang anak ko sa kolehiyo." Ang bait naman pala nung Jaden, pinag-aaral pa niya ang anak ni manang. Napangiti ako dahil may ganun pa palang klaseng lalake. "Mabait nga siya, manang." "Sana mam Trinity ay si sir Jaden ang makatuluyan niyo, bagay na bagay kayo." Hinawakan nito ang kamay ko bilang assurance sa sinabi niya. "P-po?" Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay nginitian niya lang ako. "Nandito na po tayo," Hindi ko namalayan na narating na namin ang living room. "Sir, nandito na po si mam Trinity." Napalingon ako sa harap ko at.. O.O - mga mukha nila Bakit natulala sila nang makita ako? At bakit parang namumula pa sila? Mukha ba akong multo? "Nagandahan siguro sila sayo, mam." Bulong ni manang sa akin. Tinignan ko sila isa-isa at hindi ko nga maipagkakaila na gwapo silang lahat. Nakatulala pa rin sila kaya nagsalita na ako, nakakaconcious kasi ang pagtitig nila sa akin. Iniwan na kami ni manang at umalis na siya. "May problema ba?" Bigla ay mukhang natauhan na din sila at umayos sa kani-kanilang mga ulirat. Nilapitan naman ako nung isang lalake. "E-ehem.. Welcome Trinity, I'm Daniel at ipapakilala namin ang sarili namin sayo isa-isa." Grabe naman 'to kung makatitig sa akin, para kasing kakainin niya ako ng buhay kung tumitig siya. "Wala pa yung tatlo mong makakasama rin dito pero mamaya ay makikita mo na sila, may pinuntahan lang." Nakatitig pa din ang Daniel na 'to sa akin. Tumango na lang ulit ako. Pwede bang tusukin ko nalang ang mata niya? Sa lahat yata ng gwapo ay siya ang pinakacreepy. "Ako nga pala ulit si Daniel." "Hi Ganda! Ako nga pala si John and welcome!" Sabi nung lalakeng may matabang cheeks. Ang cute-cute niya kaya nginitian ko siya. Bigla naman siyang namula sa hindi ko malamang dahilan. Bakit kaya? "Sam here." "I'm Mason." "Kyle nga pala." "Ako si Jun." "Ben." "My name is Justin." "Arthur Flores." "David at your service!" I'm living with these 10 handsome and gorgeous men? Tama nga si Bonnie! Ang haba ng hair ko. Lahat sila ay tinanguan at nginitian ko na ikinamula na naman nilang lahat. May mga sakit ba sila at namumula sila? Nasaan na kaya yung Jaden na tinutukoy ni manang? Nakakatuwa dahil nakakatulong siya sa ibang tao na hindi naman niya kaano-ano. Hindi ko alam pero kahit hindi ko pa siya nakikita ay gusto ko na siyang maging kaibigan. "Take a sit." Ginuide ako ni Daniel para maupo sa tabi niya. Nag-aalangan pa akong umupo dahil medyo may pagkacreepy siya pero bigla nalang niyang hinatak ang kamay ko kaya napaupo na rin ako. Binigyan naman si Daniel ng masasamang titig ng siyam na lalakeng kasama ko. "Tama nga ang sinabi nila kuya Daniel tungkol sayo, napakaganda mo nga." Nakangiting sabi ni John habang nakahalumbaba na nakatitig sa akin. Natawa ako bigla nang binatukan siya ni Justin. "Stop staring at her, mukha kang asong ulol." Nagpout nalang si John sa sinapit niya kay Justin. These guys are funny. "Pagpasensiyahan mo na na lang sila, talagang ganyan lang ang mga 'yan." Ani David at inabutan ako ng orange juice and bowl of cookies. "Thanks, Okay lang. Nakakatuwa nga kayo e, lalo na si John." Napatingin ang lahat sa nakangising si John at sinamaan nila ito ng tingin. "Salamat, Trinity." John na kinindatan pa ako. Ang cute niya. "Your mom said that you're only 18 years old kaya para mo na rin kaming mga kuya, treat us as your real brothers." Sam said. Tumango ako. "Thank you." He introduced me to their other friends na wala pa. Ang dami nila pero I think na makakabisado ko na rin naman sila dahil magkakaiba sila ng personality and looks pero hindi ko pa pala nakikita ang tatlo nilang kasamahan and that Jaden.. I want to see him, now. Jaden's POV Pinapunta ako ni ate sa bahay namin dahil gusto daw ako makita ng pamangkin ko na si Joshua. Wala kasi 'yong makalaro dahil wala siyang kapatid at nag-iisang anak lang siya nila ate. He is the only grandson of my mother and father. Matapos kong makipaglaro ng basketball kay Joshua ay nakatulog na ito at nasa loob na ng kanyang kwarto kaya lumabas muna kami ni ate Sara at nag-usap. "Nahanap mo na siya, di'ba?" Tumango ako. "I am happy for you, Jaden, nakakasama mo na rin ang taong gusto mo." Tinapik niya ang balikat ko. Pagkatapos namin mag-usap ni ate ay umuwi na ako sa TREASURE house at alam ko na hinihintay na nila ako.. pati na rin siya. As I enter the house ay siya agad ang nakita ng mga mata ko. After so many years ay napakaganda pa rin niya at mas lalo na siyang naging anghel sa paningin ko. Maalala pa kaya niya ako? Nagalit kaya siya sa akin dahil hindi ko kaagad natupad ang ipinangako ko sa kanya noong mga bata pa lang kami? Lahat ng mga mata nila ay sa akin nakatuon pero ako naman ay sa kanya lang nakatuon ang mga mata ko. She is the same Rin-rin that i've used to know. She is always wearing her best and cute innocent look. "Nandito ka na pala." Jun na nilapitan ako at ginuide papalapit sa kanila. Habang papalapit ako ng papalapit ay nagkatagpo ang mga mata namin. Nauna siyang umiwas ng tingin sa akin pero ako ay nakatuon pa rin sa mga mata niya. Bakit parang hindi na niya ako maalala? Kung sa bagay ay lumaki na rin kasi kami at iba ang itsura ko noon kumpara sa ngayon pero siya.. wala pa ring ipinagbago, kung maganda siya noon ay mas napakaganda na niya ngayon. She is a Goddess. "Ehem." Natauhan ako sa inaya ni John kaya napaayos ako ng wisyo. "Ah. Trinity, siya si Jaden at Jaden, siya naman si Trinity." Pakilala sa amin ni Kyle. Matagal ko na siyang kilala kesa sa pagkakakilala ninyo sa kanya. Tumango siya at nginitian ako. "Nice to meet you, Jaden." Napangiti rin ako at nakipagkamay sa kanya. "Nice to meet you too, Trinity." Mukhang nagulat sila dahil sa inasta ko kay Trinity. "Ngumiti ka, Jaden?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arthur. Bawal na ba akong ngumiti? At hindi ba ako ngumingiti? "Obvious ba?" Sagot ni Daniel at sinamaan ako ng tingin. Anong problema nito? Lumapit sa amin si David at tinanggal ang kamay namin ni Trinity na magkahawak pa rin. "E, tutal na magkakilala na kayo at sina Kevin at Travis nalang ang wala pa ay kumain na muna tayo. Ikaw din Trinity dahil alam kong gutom ka na." Bigla ay hinawakan ni David ang braso ni Trinity at nauna na silang nagtungo sa dining area. Nagsinghapan ang lahat sa ginawa ni David. "Dumadamoves na kaagad si David. Tsk." sam na napailing. "Ngayon ko lang nakitang mag-approach ng babae si David, kadalasan naman kasi ay hindi siya namamansin ng mga babae na may gusto sa kanya kaya nakakapagtaka." Ani Mason at tila nag-iisip ng malalim. "Type niya yata si Trinity." Sagot naman ni John. Kitang-kita ko ang pagkainis ng mga mukha nila sa ginawa ni David at pati ako ay nainis din pero 'wag nilang sabihin na lahat sila ay may gusto kaagad kay Trinity? Ni wala pa nga sila sa pagkagusto ko kay Trinity noong mga bata palang kami. "Let's eat guys." Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Daniel at nagtungo agad ito sa dining area. "Anong problema ni Daniel? Bakit parang nagalit siya?" Maang na tanong ni Justin. "Malamang ay nainis rin siya sa pasimpleng damoves ni David." Napacross-arms si Jun. "Magpunta na tayo sa dining area at baka kung ano na ang ginagawa ni David kay Trinity." Napatango ang lahat sa sinabi ni John kaya nagmamadali naman silang nagtungo sa dining area. Naiwan kaming dalawa ni Sam at tinititigan niya ako ng mariin habang nakakunot-noo. "Problema mo?" "Kilala mo na ba si Trinity noon pa?" Nang-uusisa niyang tanong. I sighed. "Yeah, kababata ko siya but she doesn't recognize me dahil sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita o baka kinalimutan na niya talaga ako dahil sa ipinangako ko sa kanya na hindi ko natupad." Mapagkakatiwalaan ko naman si Sam kaya nasasabi ko ang mga bagay na 'to sa kanya. Inakbayan niya ako at tinapik-tapik ang balikat ko. "So, siya si Rinrin?" Tumango ako. "Finally at nakita na rin ni Jojo si Rin-rin." And I smiled secretly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD