Trinity's POV
It's Saturday at dahil nakakaistress ang mga nangyari sa akin kagabi ay mamamasyal ako ngayon kasama ang aking magandang pamangkin na si Valerie sa Mall. Remember? Siya ang anak ni Kuya Troy.
Pinakiusapan ako ni Kuya na ipasyal ko daw muna si Val dahil may kailangan pa silang asikasuhin ni ate Vanessa (Kuya's wife na mommy ni Val) sa office kaya pumayag na rin ako. Minsan ko lang kasi makasama ang pamangkin ko.
*Mall*
"Val, Where do you wanna go? Do you want in Playroom Studio?" Tanong ko kay Val habang hawak ko ang kamay niya at nag iikot-ikot sa loob ng mall. She is 5 years old palang.
"Hmp! No! I want ice cream tita!" Huminto siya sa paglalakad namin at biglaang nagpuppy eyes sa harap ko.
Ang cute!
Manang-mana talaga siya sa akin. Haha.
Kunwaring nag-isip pa ako at saka pumayag na rin. "Okay, but be sure na iinom ka kaagad ng water after you eat ice cream. Okay?" Napangiti siya at napatalon.
"Yes tita! I will."
Then we head to the ice cream parlor inside this mall. She wants strawberry ice cream daw kaya 'yon na inorder niya at ako'y isang dakilang chocolate addict kaya ang inorder ko naman ay chocolate ice cream.
Habang kumakain kami ni Val ay bigla itong nagsalita.
"Tita, Why don't you have a boyfriend? You are pretty naman." Tanong niya habang busy pa rin siya sa pagkain.
Aba! Saan 'to natutunan ni Val?
Intrigera na ang pamangkin ko?
Hays! Nagmana talaga siya kay kuya Troy na Interrogator.
"Ahm, I'm studying pa kasi Valerie, priority ko muna ang pag-aaral ko." Sagot ko at pininch ang cheeks niya.
Nagulat naman ako nang ngumiti siya ng nakakaloko sabay alis niya sa inuupuan niya kaya napatayo ako.
"Val, what are-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may hinatak siyang guy na napadaan lang sa ice cream parlor na 'to at iniharap sa akin.
Nagulat yung guy sa ginawa ni Val at napatingin ito sa akin.
"I'm the cupid Val, and I want you to meet tita, your boyfriend."
What? Boyfriend ko daw?
Napatingin ako dun sa guy. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya at mukhang mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon. Mukha siyang napapanood ko sa mga Kpop boy group sa Korea dahil sa dating niya. Kung anu-ano talaga ang ginagawang kalokohan ni Val! Manghatak daw ba ng lalakeng napadaan lang at gagawin pang boyfriend ko? Tsk.
Nang nasa pag-iisip na ako ay agad kong nilapitan si Val at hinatak ang kamay niya.
"Ikaw bata ka! Kung anu-ano na lang ang naiisip mo! Halika na umuwi na tayo."
"But tita, I don't want to!" Pagmamaktol niya.
Lumapit ako dun sa guy at humingi ng paumanhin.
"Sorry ha? Kung anu-ano na kasing naiisip nitong pamangkin ko, naistorbo ka pa tuloy." He smiled.
Oh no! Nakakatunaw ang ngiti niya. Ehem! Hormones umayos ka!
"No, It's okay. Sadyang makukulit lang talaga ang mga bata ngayon." Pati ba naman boses niya ay napakaganda rin? May pagkamanly pa.
"I don't want to go home! Let's bond together with your boyfriend, tita!" Sigaw ni Val.
Aish! Nakakahiya! Nag-eeskandalo na 'tong si Val. Kapag hindi talaga niya nakukuha ang gusto niya ay magwawala at iiyak siya. Hays.
"Quiet!" Hahatakin ko na sana siya ulit nang pinigilan kami ni guy.
"Why don't you command her wish? I'm willing to be your boyfriend for this day, kawawa naman ang pamangkin mo." Tiningnan ko siya ng are-you-crazy-look pero nginisian lang niya ako.
Bumitaw sa akin si Val at nagulat na lang ako nang bigla siyang maglupasay sa sahig at umiyak ng umiyak. Napapatingin na tuloy sa kanya ang mga taong dumadaan sa mall. Ang pasaway talaga ng batang 'to kahit na kailan! Napalaki kasing spoiled nina kuya Troy at ate Vanessa.
Lumapit ako kay Val at binuhat siya. "Oh, sige para manahimik kang bata ka." Pinunasan ko ang mukha nito dahil sa pag-iyak niya.
"Yeeyyy! with my tito?" Bumaba siya sa pagkakabuhat ko sa kanya at nilapitan 'yong guy. Kailan pa niya naging tito 'yan?
"You are now my tita's boyfriend, right? So you are now my tito?" Tanong ni Val sa guy. Lumevel naman ito kapantay ni Val at saka ginulo ang buhok nito.
"Of course, you can call me tito Kevin." At binuhat niya sa Val.
Close na sila kaagad?
Lumapit ako sa kanila at saka inirapan si Val. Dinilaan ba naman niya ako? Kainis!
**
Dinaan muna namin si Val sa Playroom Studio dahil gusto daw muna niyang maglaro doon kasama ang mga friends niya kaya lumabas muna kami ni.. Kevin ba? At naupo sa labas ng studio.
Ang tahimik naman ng Kevin na 'to, nagmamasid-masid lang siya sa mga taong dumadaan sa harapan namin.
"I'm melting." Sagot niya nang nakangisi habang hindi pa rin niya ako nililingon.
Napaayos naman ako ng pwesto ko. I'm melting daw? Pwew!
"Hindi kaya kita tinititigan." Sagot ko saka nilingon si Val sa loob ng studio.
Buking ka na Trinity, Indenial ka pa!
Narinig ko ang pag chuckle niya. "By the way, I'm Kevin Jae but you can call me Kevin nalang." Sabay offer ng isang kamay niya sa akin as a sign for shakehands.
"I'm Trinity." Nilingon ko siya at saka ito tinanggap.
'Kevin Jae'
Naks! Magandang pangalan.
Napansin ko naman na hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang unang kumalas.
"S-sorry." Aniya at umiwas ng tingin sa akin.
Bakit ba ayaw niya akong tingnan? Panget ba ang itsura ko ngayon? Hindi naman ah?
Silence..
"Kevin, sorry kung naistorbo ka pa-" Bigla agad siyang nagsalita. Okay hindi niya muna ako pinatapos magsalita.
"Okay nga lang, wala rin naman akong ginagawa at napadaan lang ako dito sa mall para magpahangin." And thank god at tumingin na rin siya sa akin.
Bakit parang parami na ng parami ang mga nakikita kong gwapo ngayon? Nung una ay 'yong playboy na guy na ififlirt sana ako sa may bar tapos ngayon naman ay itong hinatak ni Val dito sa loob ng mall para maging boyfriend kuno ko daw? Bakit parang ngayon lang sila nagsusulputan? Mga gwapo naman ang mga taga YGA pero MAS gwapo pa 'tong mga 'to.
Wait! Did I saw him blushed? o namalik-mata lang ako?
"H-hehe, w-wala 'yon. Tara iwan na muna natin si Val dito, may nagbabantay naman sa kanila e, kaya let's go." Tumayo siya at hinatak ako mula sa pagkakaupo ko kaya napatayo na rin ako at nakaladkad na rin niya ako. How nice!
"Teka? Saan ba tayo pupunta?" Naiirita kong tanong.
"Basta."
After a few minutes ay nandito na kami sa harap ng.. Bowling Center?
"Magbobowling ka?" Tanong ko dito sa kasama ko na wagas kung makahila na akala naman niya'y close na kami kaagad.
He formed a small smile from his lips. "Hindi lang ako, kundi tayong dalawa."
"Are you kidding me?" Nagulat na lang ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Geez! Mas gwapo pa pala siya kapag malapitan. His pointed nose, pinkish lips, brownish eyes, white complexion, chinito eyes and all over of his features is perfectly perfect.
"I'm not kidding you, Ms. Trinity." Then he wink at me.
Napatulala ako sa ginawa niya. OMG! I think crush ko na siya. Hoy! 'wag kayo! Crush lang ah? Nothing more, nothing less. E, sino ba naman kasing hindi magkakacrush sa nilalang na 'to e, kegwapo-gwapo at mabait pa. Biruin mo nga naman, ang galing manghila ni Val ng guy. Ang gwapo pa ang nahila. Haha.
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Kevin, nag-enjoy naman ako at natuto na ring magbowling nang dahil sa kanya. Favorite sport daw niya kasi ito since bata pa lang daw siya.
Pagkatapos naming magbowling ay nagdecide na kami na balikan na si Val sa Playroom Studio.
"T-thanks for this day." Biglang sabi ni Kevin sa gitna ng paglalakad namin.
"Ako dapat ang magthank you sayo kasi pinagbigyan mo si Val sa kalokohan niya." I smiled at him.
"Sana maulit pa 'to. So, friends?" He's insisting for a shakehands again.
Tinanggap ko naman ito. "Yeah, friends."
And this day is very memorable for me. I met a new friend named Kevin and I think that he is my first crush. I'm kinda attracted to him because he's nice and cool but I know my limits at alam ko na hindi ako maiinlove sa kanya kasi si Jojo pa rin ang hinihintay ko kahit hindi ako sigurado kung may hihintayin pa ako. Ganon talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, ni hindi mo magawang kalimutan siya kahit matagal mo na siyang hindi nakikita o nalalalapitan, Ano ba 'yan umiiyak na naman ako, Peste!