ALLISON'S POV
Lumipas ang dalawang buwan at last month lang ay ikinasal na kami ni Kenneth. Hindi naman naging magarbo ang kasal namin kundi ito'y isang simpleng kasalan lang. Hindi rin gaano karami ang mga bisita that time at talagang mga kakilala at piling kamag-anak lang ang dumalo sa kasal namin.
Hindi naman nawala sa kasal sina Hannah at Paula kasama ang mga boyfriend nilang sina Laurence at Gene. Dahil under na under ang dalawang lalakeng iyon sa mga kaibigan ko ay tumigil na rin sila sa pakikipag kaibigan kay CJ. Nung nalaman kasi nina Hannah at Paula na alam ng mga boyfriend nila ang ginawang plano ni CJ para paghiwalayin kami ni Kenneth ay nagbanta ang mga ito na kung kakaibiganin pa nila ulit si CJ ay makikipaghiwalay na sila sa mga ito. Sina Laurence at Gene naman ay nakikita kong sobrang in love na in love sa mga kaibigan ko at ayaw nilang makipaghiwalay sa kanila kaya pumayag nalang sila sa kondisyon nila. Iba nga naman talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Pagkatapos namin grumaduate ni Kenneth ay pinagpaplanuhan nila ulit ng pamilya ko at pamilya niya ang magaganap na 2nd wedding sa amin. Ayon siguro ang mas garbo at mas paghahandaan nila dahil nagpakasal lang naman ako ngayon kay Kenneth dahil gusto na niyang malipat ang apelyido niya sa apelyido ko. Sang-ayon rin naman sila Papa, Tita Merly at Enzo sa planong iyon kaya masaya na ako doon. He's claiming me right now and I have no complain about it.
Dahil hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan ko ay nakakapasok pa rin ako sa school. Alam na rin sa buong St. Claire na kasal na kami ni Kenneth pero hindi nila alam na buntis na ako. Ayoko rin sigurong malaman nila kaagad iyon dahil ayokong pag-usapan kami ng mga tao. Mas makakasama lang kasi sa ipinagbubuntis ko kung mai-istress ako sa mga balita at chismis tungkol sa aming dalawa. Nabansagan na nga akong cheater dahil pagkatapos daw na hiwalayan ko si CJ ay napunta naman daw ako kay Kenneth pero hindi ko nalang iyon pinansin. Hindi ko iyon pagtutuunan ng bagay kung wala namang katotohanan.
Nasa Cafeteria ako ngayon kasama sina Hannah at Paula habang hinihintay namin si Kenneth na nagre-retake ng mga exams na hindi niya nagawa noon. Simula nga daw kasi nung naghiwalay kami ay parang nawalan na siya ng ganang mag-aral kaya ngayon ay bumabawi siya para umangat ulit siya sa academics at matalo niya si CJ.
"Grabe! Ikaw na talaga girl! Akalain mo 'yon? Kahit kapatid ni Kenneth ay type ka rin pala? Pero kahit na gwapo at hot pa siya ay hindi pa rin tama ang ginawa niya sa'yo dahil magiging sister-in-law ka na niya." Sabi ni Hannah at tumango naman dun si Paula bilang pag sang-ayon.
Naikwento ko kasi sa kanila ang ginawa sa aking pagtangkang paghalik noon ni Kendrick at inamin nga nitong type daw niya ako. Nacurious naman ang dalawa kong kaibigan sa itsura ni Kendrick kaya ipinakita ko sa kanila ang profile nito sa f*******:. f*******: friend naman niya si Kenneth kaya nahanap ko kaagad ang account niya. Ayon nga at nagwapuhan sila kay Kendrick pero kung hindi rin naman daw maganda ang ugali nito ay big turn off na 'yon para sa kanila.
"Gwapo at hot nga siya ateng pero mukhang maluho. Puro selfie lang kasama 'yung kotse niya ang nandito. Pati 'yung mamahalin niyang relo at sapatos ay nakapost pa dito. Magkaiba nga sila ni Kenneth na hindi pinagyayabang ang yaman nila." Sabi naman ni Paula habang busy ito sa pag-istalk sa f*******: account ni Kendrick.
Nailing naman ako. Tama si Paula, magkaibang-magkaiba sina Kenneth at Kendrick. Itutuloy ko na sana ang pagkain ko nang bigla kong nakita si CJ na papalapit sa amin. Napatigil rin ang mga kaibigan ko pagkakita nila sa kanya at nang makalapit na siya sa amin ay tinitigan nila ito ng masama.
"Anong ginagawa mo dito? Kung nandito ka lang para guluhin si Allison pwes umalis ka na. Makakasama sa baby niya ang maistress siya kaya kung ako sa'yo ay umalis ka na dito." Galit na sabi ni Paula habang nakatitig ito ng masama kay CJ.
Hindi naman pinansin ni CJ ang sinabi ni Paula at bumaling ito sa akin.
"Allison, I want to talk to you." Seryoso niyang sabi.
"Ano pa ba ang dapat natin pag-usapan? Masyado ka nang maraming atraso sa amin ni Kenneth, CJ kaya 'wag mo nang dagdagan pa 'yon." Mariin ko namang sabi.
Napansin ko naman na nangingitim ang ilalim ng mga mata ni CJ at mukhang kulang ito sa tulog. Idagdag pa na medyo magulo ang buhok niya pero hindi pa rin naman iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Hambog man siya o mayabang but I admit that he's an attractive and handsome guy at alam kong kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya.
"I came here to apologize to you. Please give me a minute, Allison. After nito ay hindi na kita guguluhin pa." Pakiusap naman niya.
Napabuntong-hininga nalang ako at nang tumingin ako kina Hannah at Paula ay umiling lang sila at sinabing 'wag akong makikipag-usap kay CJ pero para na rin sa ikatatahimik naming lahat ay pumayag nalang ako.
"Sandali lang ako, mag-uusap lang kami." Sabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko.
"Pero, Allison-"
"Don't worry, Hannah, pagkatapos naming mag-usap ay babalik kaagad ako dito." Nakangiting sabi ko naman.
Wala nang nagawa si Hannah kundi tumango nalang saka ito muling bumaling kay CJ habang nakatitig pa rin siya dito ng masama.
"Kapag may ginawa ka na naman talagang kalokohan sa kaibigan namin ay malalagot ka!" Banta niya.
Hindi rin pinansin ni CJ ang sinabi ni Hannah at tumingin ito sa akin saka hinila ang kamay ko papuntang field. Nang makarating na kami sa field ay binitawan niya na ang kamay ko at inaya akong maupo sa damuhan malapit sa may puno. Umupo naman ako doon at sumandal sa may puno na sinisilungan namin. Tumabi naman siya sa akin.
Katahimikan ang namayani sa amin at parang wala siyang balak magsalita kaya tumingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa mga estudyanteng naglalaro sa soccer field at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa itsura niya.
He's very handsome. Maamo ang mukha niya at marami ngang nagsasabi na mukhang korean actor si CJ. Sang-ayon naman ako dun dahil ganon rin ang opinyon ko sa tuwing nakikita siya. Pinilig ko nalang ang ulo ko at nagsalita na.
"Ano bang sasabihin mo sa akin, CJ? Hinihintay na ako ni Kenneth sa-"
"Congrats nga pala. Kasal na kayo ni Kenneth." Lumingon siya sa akin at nginitian ako na ikinagulat ko.
May kakaiba sa mga ngiti niya and I can see the sadness on it.
"S-Salamat." Sabi ko naman.
Sumandal rin siya sa puno na sinisilungan namin at humalukipkip siya. "Allison, alam mo naman siguro kung gaano ako kabaliw na baliw sa'yo. 'di ba? I can do everything para lang makuha ang atensyon mo but its all useless dahil dun pa sa Kenneth na 'yon ikaw nagkagusto." Natatawa niyang sabi at napailing nalang ito.
Nanatili naman akong tahimik at hinintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"Nung time na sinugod namin kayo ni Kenneth sa condo niya kasama ang Mama mo ay sobra talaga akong nagulat nung malaman kong binuntis ka ni Kenneth. That moron, he did that para hindi ka na makawala sa kanya." Umiling ulit siya at pinaglaruan ang nakita niyang bato sa damuhan.
"Nung malaman ko 'yon, I feel so helpless and sad. Mahal na mahal kita tapos sa isang iglap lang ay buntis ka na at ikakasal na? Sinong hindi masasaktan sa ganon, 'di ba? Nakakatawa pa na hindi na sa akin boto si Tita Maddi para sa'yo dahil nalaman niyang mas mayaman ang pamilya nila Kenneth kumpara sa amin." He sighed at nakita ko naman na napaiyak na siya.
Si CJ na mapride at mayabang ay umiiyak ngayon sa harapan ko?
"Pero anong magagawa ko, Allison? Kasal ka na at magkakaanak na kayo ni Kenneth. Hindi naman ako ganong kasamang tao para hadlangan ulit ang relasyon niyo dahil makakasama 'yon sa anak mo. I still love you at kahit nasasaktan pa rin ako dahil hindi ako ang pinili mo ay mas pipiliin ko nalang na maging masaya ka." Pinunasan naman niya ang luhang lumandas mula sa pisngi niya at tumingala siya para pigilan ang pagbagsak ng mga luha niya.
Natigilan ako. Hindi ko aakalaing magagawang magparaya ni CJ para lang sa akin. Ang akala ko ay hindi na kami aabot sa ganitong punto. And I can see that he really loves me so much pero nalulungkot lang ako dahil hindi ko kayang maibalik ang nararamdaman niya para sa akin.
"CJ..." Naiiyak ko na rin'g sabi.
"Allison, I'm very sorry. Sa lahat-lahat ng mga naging atraso ko sa'yo at kay Kenneth. Sa pagpilit ko ng sarili ko sa'yo at pati na rin sa pagkontrol namin ni Robin sa buhay mo. I'm just a selfish and stupid guy to do all of those kind of things to you. Hindi ko na inisip pa ang nararamdaman mo and I regret it. Kung naging mabuti lang sana ako sa'yo ay baka mas may chance na mahalin mo rin ako pero hindi e, I choose to be an arrogant and selfish guy kaya ganito ang kinahinatnan ko." Tumawa siya ng mapakla at nagpunas ulit ng mga luha niya.
Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay ni CJ. "Kung anuman ang mga nagawa mo noon ay pinapatawad na kita, CJ. Alam ko namang kaya mo lang nagagawa ang mga bagay na 'yon sa akin ay dahil mahal mo ako. Salamat at naiintindihan mo na ako ngayon." Naluluha kong sabi.
Laking gulat ko nalang nang bigla siyang humagulgol sa harapan ko. I never seen him cry like this. Kahit nung namatay ang lola niya ay tahimik lang siyang umiiyak nun pero ngayon ibang-ibang CJ ang nakikita ko.
Isang CJ na malungkot at nahihirapan.
"Bakit ang bilis mong magpatawad? Mas lalo tuloy akong naguguilty sa mga nagawa ko dahil sa kabila nang lahat ng 'yon ay pinatawad mo pa rin ako," Sabi niya at sandali itong tumigil sa pag-iyak.
"Bakit naman kita hindi patatawarin? Kaibigan kita at kung ang Diyos nga nagpapatawad ako pa kaya na tao lang?" Sabi ko naman.
Umiling naman siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko. "You're such an adorable. Iniisip ko nga kung aagawin ba ulit kita kay Kenneth dahil mas lalo lang tuloy akong naiinlove sa'yo." Seryosong sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Don't you dare to do that again, CJ!" Pag-alma ko.
Tumawa naman siya sa sinabi ko. "I'm just kidding."
"Allison,"
Bigla naman akong napatayo nang makita kong nasa harapan ko na pala si Kenneth na sobrang sama ng tingin kay CJ na nakangisi lang. Kaagad niya akong itinago sa likuran niya saka niya hinarap si CJ.
"Ano na naman bang pinaplano mo? Kunwari ba ay nakikipagbati ka ulit kay Allison at pagkatapos nun ay gagawa ka na naman ng paraan para paghiwalayin kami? She's my wife now so back off!" Galit na sabi ni Kenneth.
Mas lalo pang ngumisi si CJ sa kanya at tumayo na rin ito para harapin si Kenneth.
"Why not? Kung may ginawa kang kalokohan o kung sakaling lokohin mo man si Allison ay hindi nga ako magdadalawang-isip na gawin 'yon kahit kasal pa kayo pero sa ngayon, alang-alang kay Allison at sa magiging anak niya ay hahayaan ko muna kayo but it doesn't mean that I'm giving her up." Sabi ni CJ.
Natahimik naman si Kenneth sa sinabi nito. Magsasalita na sana ulit siya nang bigla namang sumabat si CJ.
"I'm still in love with your wife and you know how devil and cruel I am. Anytime ay kayang-kaya kong bawiin si Allison mula sa'yo but I still respect her decision. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko siya papalayain. Remember this, Kenneth, I have so many ways to get her but you're very lucky because she loves you." Babala ni CJ pagkatapos nun ay ngumiti siya sa akin hanggang sa makaalis na siya.
Nang kaming dalawa nalang ni Kenneth ang naiwan sa field ay bigla niya akong niyakap dahilan para yakapin ko rin siya pabalik.
"Salamat at matatahimik na rin ang buhay natin." Sabi niya na parang nakahinga nang maluwag.
Natawa naman ako sa sinabi niya at hindi nalang nagsalita.
I'm glad CJ accepted that I can't love him back.
Sana balang araw ay mahanap niya rin ang babaeng nakatakda para sa kanya.