Epilogue

2477 Words
After 3 years... Innocent Seductress. Ayan ang bansag sa akin ng karamihan dahil daw sa kagandahan at kasexyhan na taglay ko na hindi ko alam na makakapang-akit pala sa mga lalakeng nasa paligid ko. I admit that I'm a woman who really loves to wear sexy and revealing outfits dahil doon ako mas komportable but didn't they know how innocent I am when it comes to men's nature. I never expect that my innocence attracts many men especially my closest friends. Nabuhay ako sa loob ng 20 years mula sa poder ng Mama at nakatatandang kapatid ko and its a hell for me because all they know is how to control my life and pushing me to the guy that I hated the most. But for the fact that I really love them ay pinagtiisan at sinunod ko ang mga kagustuhan nila alang-alang sa pamilya namin but things change unexpectedly when I met Kenneth. Noong unang makita ko palang siya noong mga bata palang kami ay kaagad nang nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi naging hadlang ang nerdy at out of style niyang pananamit para magustuhan ko siya hanggang sa lumaki na kami. I really love him and my most favorite part of his features are his eyes. He had a deep brown eyes that will make you fall for him harder Sa tuwing kaharap ko siya ay hindi ko mapigilang bumilis ang t***k ng puso ko. I didn't know that I already fall for him noong una dahil ang akala ko ay isa lang iyong simpleng paghanga o 'crush' nga na tinatawag. Ayon pala ay mahal ko na talaga siya. Pagkatapos ng halos tatlong taon ay marami na rin nagbago sa buhay namin. Kenneth and I had now a 2 year-old baby girl and her name is Kelli. Like father like daughter nga dahil ang anak naming si Kelly ay isang tahimik na bata na namana niya sa kanyang ama. She resembles a lot to Kenneth at siguro nga ang namana lang sa akin ni baby Kelli ay ang mga mata ko. Pagkatapos naming grumaduate ni Kenneth ay kaagad rin kaming nagpakasal na pinaghandaan talaga ng pamilya ko at pamilya niya. Invited ang lahat ng mga kakilala namin at hindi dun nawala sila Papa, Tita Merly at Enzo na natutuwa para sa akin. Para hindi na ako ulit guluhin pa ni Kendrick ay nagdesisyon sina Tito Kristof at Tita Lea na ipadala na siya sa amerika kasama doon ang grandparents nila ni Kenneth dahil sa hindi inaasahan ay nahulihan pa si Kendrick ng drugs sa loob ng kwarto niya na nakita ni Tito Kristof at pagkatapos nun ay nagpasya silang iparehab si Kendrick sa amerika. Napailing nalang ako nang malaman iyon at hiniling na sana ay magbago na siya. Nagpapasalamat naman ako na kasundo na rin ni Kenneth ang parents niya. Tito Kristof and Tita Lea said sorry to him sa lahat ng mga pagkukulang nila at pagpabor nila palagi kay Kendrick. Kenneth accepted their apology at ngayon ay okay na sila. CJ is very busy doing his business thing right now at hindi ko aakalain na tuluyan na nga siyang nagbago. Inamin niya rin sa akin noon na siya ang may pakana kung bakit ako tinangkang dukutin at dalhin sa malayo ng apat na bestfriends ko. Past is past ika nga at kaagad ko nalang siyang pinatawad dahil doon. He's now more matured and professional at ang kinaiinisan ko nga lang ay masyado niyang ini-ispoil si baby Kelli sa dami ng mga binibili niyang laruan para sa anak ko. Halos mapuno na nga ang room ni Kelli dahil sa mga bigay at regalo ni CJ kaya minsan ay kinausap ko siya at sinabing 'wag siya masyadong bumili ng laruan para kay Kelli. Tinawanan lang niya ako nun at sinabing wala lang daw sa kanya iyon dahil gusto niyang mabigyan palagi ng regalo ang inaanak niya. Wala naman akong nagawa pa dahil iyon ang gusto niyang gawin. Ngayon ay medyo maayos na sila ni Kenneth pero minsan talaga ay hindi maiiwasang magselos ang asawa ko dahil palagi ngang nandito si CJ para dalawin si baby Kelli pero sinabi ko nalang na hayaan na siya dahil gusto lang niyang mapasaya si Kelli sa mga laruan at gamit na ibinibigay niya. Hinayaan nalang rin ni Kenneth si CJ hanggang sa masanay na siya do'n. CJ is still single at sa tingin ko rin ay nakamove-on na siya sa akin dahil parang isang kaibigan nalang talaga ang turingan namin. Hannah and Paula are doing okay right now. Si Hannah ay fiancee na ngayon ang kaibigan ni CJ na si Laurence habang si Paula naman ay masaya ngayon sa lovelife niya kasama si Gene. They are both working in a clothing company at maganda naman raw ang takbo ng trabaho nila. Minsan ay nagpupunta sila sa bahay para bisitahin kami ni baby Kelli at kamustahin ako. Si Kuya Robin ay busy rin sa business namin kasama ang partnership nila ni Mama sa business ng pamilya nila Kenneth. Naging mas sweet at maunawain na siya sa akin pagkatapos kong manganak kumpara sa dati. He's also changing with the help of his fiance, Ate Miracle. Katulad ni CJ ay hindi rin maawat si Kuya Robin sa pagbibigay ng mga laruan at ano pang kakailanganing gamit ni baby Kelli at kapag nakikita ako ni Ate Miracle na ngumingiwi dahil sa dami ng pinapasalubong ni kuya sa anak ko sa tuwing may business trip sila sa iba-t-ibang lugar ay natatawa nalang siya at sinabing hayaan ko nalang daw si Kuya Robin dahil talagang mahal na mahal lang niya ang pamangkin niya. Enzo was doing okay as well at gagraduate na rin ito sa college ngayong taon. We're still talking lalo na kapag bumibisita rin siya dito sa bahay at napanatag naman na ang loob ko nang hindi na siya pinagseselosan pa ni Kenneth. Ang childish lang kasi talaga ng asawa ko dahil kahit kapatid ko ay pinagseselosan pa niya. He said sorry to Enzo dahil sa pag-iisip niya ng kung anu-ano at kaagad namang tinanggap ng kapatid ko ang apology niya. Ganoon rin sina Papa at TIta Merly na hanggang ngayon ay maganda pa rin ang pagsasama. After Hiro graduated ay kaagad rin itong umalis mula sa Pilipinas para doon na magtrabaho sa ibang bansa. He confessed to me that CJ beat him before dahil nga sa nagseselos ito dahil nalaman niyang may gusto sa akin si Hiro. Ako naman ay gulat na gulat nang malaman na may gusto sa akin ang gwapong Student Council President ng buong St. Claire. He said that he really likes me since then pero alam naman niyang wala siyang pag-asa sa akin kaya nanahimik nalang siya sa nararamdaman niya. Nalungkot naman ako nang malaman 'yon but he just tapped my shoulder at sinabing maging masaya nalang daw ako kay Kenneth. After that day na nakausap ko siya noong graduation ay umalis na rin siya kaagad papunta sa ibang bansa. And to my four bestfriends, Jude and Rowan are still my friends pero kahit ano talagang gawin nila ay hindi na maibabalik pa ang dati naming samahan dahil sa ginawa nila sa akin noon. I forgive them but I can't fully trust them. Si Jace naman ay paminsan-minsan ay nakikita ko at kinakausap rin ako habang si Karl naman ay alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang relasyon namin ni Kenneth. Kenneth wants to file a case against them dahil sa ginawa nila sa akin but I refuse him to do that. Kahit papaano ay naging matalik na kaibigan ko rin silang apat at ayaw ko silang makulong. Inintindi ko nalang na kaya nila nagawa sa akin ang bagay na iyon ay dahil sa sobrang tindi ng nararamdaman nila para sa akin. Mahigit isang linggo rin akong hindi inimik ni Kenneth nun dahil sa naging desisyon ko pero kalaunan ay inintindi nalang niya ako at sinabing 'wag na akong lalapit pa ulit sa kanila. Nandito ang lahat ng mga kakilala at pamilya namin sa 2nd birthday party ni Kelli na ginanap lang sa likod ng bahay namin. Talagang pinaghandaan namin ni Kenneth ang party na 'to para sa anak namin. Nag-invite rin kami ng bisitang mga bata sa bahay ampunan sa kabilang subdivision na tinutulungan namin para i-celebrate ang birthday party ni Kelli. Kumuha rin kami ng clowns for entertainment purpose para naman matuwa at maging masaya ang mga bata sa party. Nang matapos ang birthday party ni baby Kelli ay kaagad kaming nagpicture taking kasama ang mga pamilya at kaibigan namin at pagkatapos nun ay inaya namin sila muling kumain bago sila umalis. Sa sobrang dami ng mga handa ngayon ay masasayang naman kung hindi makakain kaagad kaya ipapakain nalang rin namin sa mga bisita lalo na sa mga bata. Ang iba pang matitirang pagkain ay ipapauwi rin namin sa kanila. Habang karga-karga ko si baby Kelli at busy naman sa pakikipag-usap si Kenneth sa parents ko at parents niya ay biglang lumapit sa akin sina Hannah at Paula kasama sina Laurence at Gene habang nakangiti sila sa akin. "Ang cute-cute naman at sobrang ganda nitong inaanak ko, oh!" Baby talk na pagsasalita ni Hannah nang bumaling ito kay baby Kelli na tahimik lang habang nakatingin sa kanya. "Ang behave talaga ng anak mo, Allison. Manang-mana sa tatay!" Natatawang sabi naman ni Paula at hinawakan nito ang kamay ni baby Kelli. Ngumiti nalang ako sa sinabi nila. "May anak ka na, Allison pero hindi pa rin nawawala 'yang alindog mo kaya hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay ma-" Hindi na natapos pa ni Laurence ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ni Gene ang bibig niya. "Ang daldal mo talaga kahit kailan, Laurence! Manahimik ka nga!" Suway sa kanya ni Gene. Alanganin namang ngumiti sa akin si Laurence at nagpeace sign nalang. Napatingin naman ito bigla sa likuran ko at napangisi. "Speaking of the devil, ang devil ay nandito na-" Sabi ni Laurence na narinig naman kaagad ng nasa likuran ko na palang si CJ. Kaagad naman itong lumapit kay Laurence at binatukan siya. "Gago! Manahimik ka nga!" Inis na sabi ni CJ dahilan para mapatawa kaming lahat. "Aray ko naman! Sweetie oh, papayag ka bang sinasaktan lang ako nitong si CJ?" Reklamo naman ni Laurence kay Hannah na tinawanan lang siya. "Mabuti 'yan sayo. Ang ingay mo kasi!" Natatawang sabi nito. Bumaling naman sa akin si CJ at may iniabot itong mga paperbags na Barbie at Disney Princess ang mga designs. "Regalo ko nga pala para kay baby Kelli." Nakangiting sabi niya. "Salamat, CJ." Sabi ko naman. "Ehem! Maiwan muna namin kayo, ha? Mukha kasing pati kami ay mamamatay na rin dahil sa sama ng titig ng isang lalake dito sa direksyon natin." Sarkastikong sabi ni Paula at nginuso nito si Kenneth sa malayo na nakatingin nga ng masama sa direksyon namin at mukhang kay CJ ito naka focus. Kaagad hinila ng mga kaibigan ko ang mga boyfriends nila at nagpunta na sila doon sa table malapit sa may buffet. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni CJ. "Hanggang ngayon talaga ay pinagseselosan pa rin ako niyang asawa mo." Naiiling niyang sabi. "Pagpasensyahan mo na 'yan si Kenneth, kilala mo naman 'yan. Pagdating sa akin ay masyado 'yang possessive at overprotective. Ayaw pa nga niya akong magtrabaho sa kompanya nila dahil mas gusto raw niyang matutukan at maalagaan ko si baby Kelli at baka may makilala pa raw akong mas gwapo at mas hot kaysa sa kanya. Siya nalang daw ang magtatrabaho para sa amin." Tumatawa ko namang sabi. Napangiti naman siya. "Well, I can't blame him, you're only 23 years old at mukhang wala ka pang anak kaya kahit sinong lalake ay magkakainteres pa rin sa'yo." Sabi naman niya. Namula naman ako sa sinabi niya. "Nako! Sa sobrang busy ko sa pag-aalaga nitong anak namin ay hindi ko na iniisip pang magkaroon ng ibang lalakeng pagkakainteresan at masyado ko nang mahal si Kenneth kaya hindi ko na siya kayang iwan pa." Sabi ko dahilan para mapahinto si CJ at mapayuko. "CJ, are you okay? May problema ba?" Tanong ko. Humarap ulit siya sa akin at ngumiti nalang. "Wala naman. Don't mind me." Tumango nalang ako. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin si Kenneth at bigla nitong hinapit ang bewang ko habang buhat-buhat ko pa rin si baby Kelli. "Are you tired?" Bulong niya saka nito hinalikan ang noo ni baby Kelli. Umiling naman ako. "Not yet." I smiled at him. He suddenly kissed me on the lips at medyo nahiya pa ako dahil nasa harapan lang namin si CJ habang nakangiti ito sa amin. "Well, I guess I need to go. My Mom needs me right now for the business proposals. Happy 2nd birthday ulit kay baby Kelli." Nakangiting paalam ni CJ. "Thank you ulit sa pagpunta dito, CJ." Sabi ko naman. Tumango lang siya hanggang sa umalis na rin siya. Nang kami nalang ni Kenneth ang naiwan ay tinitigan ko siya ng masama at hinampas ito ng mahina sa braso dahilan para kumunot ang noo niya. "What did I do?" Tanong niya. "Huwag ka nga basta-bastang manghahalik kapag nasa harapan tayo ng ibang tao!" I glared at him. Ngumisi naman siya sa sinabi ko at kaagad nitong kinuha si baby Kelli sa akin at siya na ang kumarga dito. "He deserved that. If I know may gusto pa rin sa'yo 'yang si CJ." Sabi naman niya. Napailing nalang ako. "Ewan ko sa'yo, Kenneth. Magkaibigan lang kami ni CJ kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano diyan." I warned him. Nagkibit-balikat nalang siya at hinawakan nito ang isang kamay ko. "Let's go inside? Gusto na kitang masolo since tulog na 'tong anak natin." Nakangising sabi niya at nang tinignan ko si baby Kelli ay nakatulog na nga ito sa balikat ni Kenneth. Ngumiti nalang ako kay Kenneth hanggang sa hinila na niya ako kasama si baby Kelli papasok ng bahay namin. I didn't know that there's a happy ending between us for now pero alam ko na sa mga susunod pang mga araw, buwan o taon ay alam kong susubukin ng tadhana ang samahan at pagmamahal namin para sa isa't-isa ni Kenneth but as long na kasama ko sila ni baby Kelli ay kakayanin namin ang lahat ng iyon. --- Author's Note: Basahin niyo ang You're Mine, Little Girl dahil karugtong din nun ang story na 'to at ano ang final na nangyari sa apat na best friend ni Allison. Simula nang sinulat ko ang story na 'to ay marami talagang bashers dito na kahit sa author ay nawawalan na rin ng respeto. Binase ko lang din ang Their Obsession: Ms. Innocent Seductress sa story ng isa sa mga rape victim na naging katrabaho ko noon. If you don't like the outcome of this story and are used to a romance fairytale-like story, please disregard it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD