Chapter 29

2142 Words
ALLISON'S POV Nasa mansyon kami ngayon nila Kenneth at nasa harapan naman namin sila Mama, Kuya Robin at ang Mom at Dad ni Kenneth. Sinabi na namin ni Kenneth na nagdadalang-tao ako. Sa una ay nagulat sila sa ibinalita namin pero sa huli ay natanggap rin naman nila iyon gaya nga ng sinasabi ni Kenneth sa akin. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay galit pa ba sa akin si Kuya Robin o hindi dahil hindi niya pa ako kinakausap at tahimik lang talaga siya samantalang si Mama naman ay kanina pa salita ng salita para mawala ang awkwardness sa kapaligiran namin. Kung hindi lang mas mayaman ang pamilya nila Kenneth kaysa sa pamilya nila CJ ay alam kong hindi niya matatanggap ang relasyon namin pero dahil kilala ko si Mama na mas gusto pang magpayaman lalo kahit mayaman na rin ang pamilya namin ay wala naman akong magawa doon. Sana balang araw ay matanggap niya pa rin para sa akin si Kenneth kahit anuman ang katayuan sa buhay nito. "Kailan niyo ba balak magpakasal, Kenneth? Hindi naman pwedeng ikakasal kayo ni Allison na malaki na ang tiyan niya. Siguro next month ay mas maganda nang pakasalan mo siya?" Sabi ng Dad ni Kenneth na si Tito Kristof. "Your Dad is right, Kenneth. Hindi maganda sa isang buntis na magpakasal na malaki na ang tiyan." Sabi naman ng Mom niya na si Tita Lea. Lumingon naman sa akin si Kenneth at ngumiti nalang ako bilang sagot. Willing na willing naman akong pakasalan siya as soon as possible dahil sigurado na talaga akong si Kenneth ang gusto kong mapangasawa at makasama ng habangbuhay. Kung hindi lang rin naman siya ang makakatuluyan ko ay mas mabuti pang maging single mother nalang ako forever. "Okay, next month will be our wedding. Is that fine with you, Tita Maddi?" Tanong naman ni Kenneth kay Mama. Ngumiti naman si Mama at tumango pagkatapos habang si Kuya Robin naman ay nakatingin lang ng mariin sa amin ni Kenneth. "Of course, hijo. Mas mabilis ang kasal mas less hassle." Sagot niya. "Hindi ba parang masyado naman yatang mabilis na magpakasal kaagad sila? Hindi ba pwedeng pagkatapos nalang manganak ni Allison ay saka na sila ikasal?" Ang kanina pang tahimik na si Kuya Robin ay nagsalita na rin. Natahimik si Kenneth sa sinabi ni kuya at umiwas nalang ito ng tingin. "Bakit pa patatagalin kung pwede naman silang ikasal kaagad? Gusto ko na rin malipat ang apelyido namin sa magiging anak nila ni Allison kaya hindi na dapat pinapatagal pa ang ganoong mga klaseng bagay." Sabi naman ni Tito Kristof na sinang-ayunan nilang lahat. Napailing nalang si Kuya Robin at pagkatapos nun ay hindi na siya muling nagsalita pa. Natutuwa ako na kahit papaano ay unti-unti nang natatanggap ng kapatid ko si Kenneth para sa akin at hindi na siya tumututol sa relasyon namin. Siguro ay kailangan ko rin humingi ng tawad sa kanya dahil sa pag-iwan ko bigla sa kanila ni Mama na ikinalungkot niya. Doon ko lang napagtanto na talagang mahal na mahal ako ni Kuya Robin bilang isang kapatid niya at ayaw niyang mawala ako sa kanila. Ilang oras rin nag-usap ang pamilya ko at ang pamilya ni Kenneth sa kasal na gaganapin next month hanggang sa matapos na ito at nagpaalam na sina Mama at Kuya Robin na aalis na. Sinabi rin nila sa akin na pwede na akong bumalik sa bahay kung gugustuhin ko at sinabi ko nalang na kapag ready na ako ay babalik na ako sa kanila. Sa ngayon ay mas gusto ko munang nasa poder ako ni Kenneth at kasama ko siya para na rin daw matignan niya palagi ang kalagayan ko at ang magiging baby namin. Every month daw ay kailangan rin naming magpacheck-up para sa kalagayan ko. Hinila ako ni Kenneth papunta sa loob ng kwarto niya at pagkatapos ay inupo niya ako sa kama at tinitigan sa mga mata ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko habang nakatayo pa rin siya. "Are you sure that you're going to marry me, baby? Wala ka bang pag-aalinlangan sa akin? Kasi ako, siguradong-sigurado na ako na ikaw ang gusto kong pakasalan, e." Tanong niya sa akin. Tumango naman ako dahilan para makahinga siya ng maluwag. "Oo naman. Ikaw lang naman ang kaisa-isang lalakeng minahal ko kaya magpapakasal ako sa'yo. Alang-alang na rin sa baby natin." Sagot ko dahilan para mapangiti siya at nagulat nalang ako nang bigla itong napaluha at ngumiti ito sa akin. "I didn't expect na mangyayari ang lahat ng 'to. Noong mga bata palang tayo ay tinatanaw at ini-istalk lang kita sa malayo pero ngayon, hindi ko aakalaing magiging girlfriend na kita at magiging asawa mo na rin ako." He said. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Iniistalk? Noong mga bata palang tayo ay iniistalk mo na ako?" Gulat kong tanong. Nagpunas naman siya ng luha saka ito tumango. "When I first saw you na kumakain ng noodles sa loob ng Convenience Store that night ay na-love at first sight na talaga ako sa'yo. Remember nung nabangga ka ng bisikleta ng isang matandang lalakeng nagbebenta ng binatog? That was my plan para mapansin mo ako and its worth it." Sabi niya na ikinagulat ko. So, it means na ginawa niya ang bagay na iyon dahil sa akin? at mas nauna niya pa pala akong nakilala? "Nabangga ka ng bisikleta pero hindi naman gaanong masakit 'yon, right? Binayaran ko nun si Manong para gawin 'yon sa'yo at palabasing ako ang nagligtas sa'yo. I know that its a little bit dangerous pero sinigurado ko namang magiging safe ka sa ginawa ko. I know I'm such a crazy guy to do that kind of things pero wala e, I'm so addictive to you to the point na naobsess na ako sa'yo." He said while still smiling. Hindi ko aakalaing magagawa ni Kenneth ang bagay na iyon. Ang akala ko ay ako lang ang in love sa kanya noong mga bata palang kami pero hindi ko alam na pati siya ay ganon rin at mas mukhang malalim pa ang nararamdaman niya kaysa sa akin. "That's kinda creepy." Nangingiwi kong sabi pagkatapos ay napatawa nalang. Ganoon rin siya saka nito ginulo ang buhok ko. "Ngayong alam mo nang baliw na baliw ako sa'yo ay hindi ka na pwedeng magback-out sa kasal natin. Hindi ko na rin hahayaang makalapit pa si CJ o ang mga bestfriends mo sa'yo dahil alam kong gagawin nila ang lahat para maagaw ka lang nila sa akin. Sa akin ka lang, Allison." Seryosong sabi niya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. I'm really in love with Kenneth at alam kong hindi ko na kaya pang magmahal ng iba kung hindi lang rin siya ang makakatuluyan ko. Tumango naman ako bilang sagot. Bigla ay hinalikan niya ako sa labi ng mabilis at nagpaalam muna itong magpapaluto ng pagkain para sa lunch namin mamaya kaya bumaba na muna ito mula sa kwarto niya at iniwan ako. Nilibot ko nalang ng paningin ang buong kwarto ni Kenneth hanggang sa bumukas ang pintuan nito. Nagulat nalang ako nang makita ko si Kendrick na nakangisi sa akin saka ito lumapit at umupo sa tabi ko. Kinabahan akong bigla nang makita siya. Idagdag pang hindi ito kasundo ni Kenneth. "I heard na buntis ka raw. Akalain mo 'yon? Binuntis ka kaagad ng kapatid ko para hindi ka na makawala pa sa kanya? Talaga ngang magkapatid kami." Natatawa niyang sabi at mas lalo pa itong lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako ng kaunti. Nasaan ka na ba, Kenneth? Hindi nalang ako nagsalita at hindi siya pinansin. Tumawa na naman siya at nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang legs ko at hinaplos-haplos ito. "You know what, Allison? Nung unang makita palang kita na kasama mo 'yung mga kaibigan ko noon na sila Jude, Karl, Rowan at Jace ay talagang nagandahan at nasexyhan na ako sa'yo. Hindi lang ako makalapit sa'yo since alam kong type ka rin ng mga kaibigan mo. Hindi ko naman sila masisisi, napakaganda mo at napakasexy pa." Bulong niya sa akin at inamoy-amoy nito ang leeg ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako at halos hindi na makapagsalita. Dala ba ito ng pagbubuntis ko? "Type na type talaga kita, Allison at okay lang sa akin kahit dalawa kami ni Kenneth sa buhay mo. Pwede naman kitang paligayahin kung sakaling magsawa ka na kay Kenneth. Hindi ko nga alam kung bakit mas type mo siya kaysa sa akin, e. Halata namang mas lamang na lamang ako sa kanya-" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita nang sinampal ko siya. Napahinto naman siya sa ginawa ko at napahawak nalang sa pisngi niyang sinampal ko. Tumayo naman ako sa pwesto ko saka hinarap si Kendrick. "Ang akala mo ba ay hindi ko alam ang ginagawa mo, Kendrick? Kung ang ibang babaeng nagugustuhan ni Kenneth ay nagagawa mong akitin dahil sa ginagamit mo 'yang kagwapuhan mo pwes ibahin mo ako. Kahit anong gawin mo, si Kenneth at si Kenneth pa rin ang magugustuhan ko kaya itigil mo na 'yang plano mo!" Singhal ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko saka ito sumandal sa kama. Pinasadahan niya muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya muling nagsalita. "Ang tapang mo pala, ha? Kaya mas lalo tuloy akong nagkakainteres sa'yo, e. Hindi naman ako papayag na ngayon ay mas nalamangan na ako ni Kenneth dahil nagkaroon siya ng isang girlfriend na ubod ng ganda at sexy. Alam kong bibigay at bibigay ka rin sa akin." Nakangising sabi niya. Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit sa akin saka ako nito isinandal sa pader at pilit hinahalikan. "Kenneth!" Naisigaw ko na ang pangalan ni Kenneth dahil sa sobrang tindi ng takot at kabang nararamdaman ko ngayon. Ilang segundo pa ay nakita ko nalang si Kendrick na nakahandusay sa sahig habang pinagsusuntok siya ni Kenneth na nasa itaas niya. "Walanghiya ka!" Galit na galit na sabi ni Kenneth habang sinusuntok pa rin niya si Kendrick na halos hindi na makagalaw dahil sa ginagawa niya. Tuluyan na akong nataranta at pilit inilalayo si Kenneth kay Kendrick pero hindi pa rin siya nagpatinag at patuloy pa rin sa ginagawa niya. Bigla namang dumating sina Tito Kristof at Tita Lea at nagulat sila sa eksena na nangyayari ngayon. Lumapit si Tito Kristof sa magkapatid at nakahinga ako ng maluwag nang mailayo na nito si Kenneth na sobrang sama ng tingin kay Kendrick na halos bugbog sarado na. "What's happening to the both of you? Bakit sinasaktan mo 'tong kapatid mo, Kenneth?" Galit na tanong ni Tito Kristof at inalalayan nitong makatayo si Kendrick na sobrang sama rin ng tingin kay Kenneth. "He deserves that. Hindi ko naman siya sasaktan kung wala siyang ginawang masama sa girlfriend ko." May diin na pagkakasabi ni Kenneth. Napatingin naman sa akin sina Tito Kristof at Tita Lea. "Anong ginawa ni Kendrick sa'yo, Allison?" Tanong ni Tita Lea. Napayuko nalang ako. "H-he force to kissed me." Nanginginig kong sabi. Naramdaman ko nalang na lumapit sa akin si Kenneth at niyakap ako. Napailing nalang sina Tita Lea at Tito Kristof sa sinabi ko saka sila bumaling kay Kendrick. "Kendrick, tigilan mo na 'yang ginagawa mo. Magiging asawa na ni Kenneth si Allison and you need to know that. Marami ka naman sigurong babae kaya tigilan mo na 'yang girlfriend ni Kenneth." Pagbabanta na sabi ni Tita Lea. Ngumisi lang si Kendrick at inis itong kumalas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Tito Kristof. "The hell I care? Whatever! Makatulog na nga lang. Mga panira kayo ng araw!" Sabi niya at pagkatapos nun ay padabog itong lumabas mula sa kwarto ni Kenneth. "Are you okay? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Kenneth sa akin. Tumango naman ako. "I'm okay." "I'm sorry, baby. Dapat pala hindi na kita iniwan dito. Hindi ko alam na nandito pala si Kendrick." Nagsisising sabi ni Kenneth pagkatapos nun ay napahawi nalang ito sa buhok niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya para kumalma siya. "Okay na ako, Kenneth. Don't worry about me." Nakangiting sabi ko. Napailing nalang siya at niyakap ulit ako. Nang mapalingon naman ako kila Tito Kristof at Tita Lea ay nakangiti sila sa amin ni Kenneth. "Allison, sorry sa ginawa ni Kendrick sa'yo. Sisiguraduhin naming hindi na mauulit pa 'yon." Sabi ni Tito Kristof bilang paumanhin. "Okay lang po 'yon." Sagot ko naman. Nang masigurado na nilang maayos na ako ay umalis na rin sina Tito Kristof at Tita Lea at kaming dalawa nalang ni Kenneth ang naiwan. Hiniga akong bigla ni Kenneth sa kama at hinalikan ako nito nang pauit-ulit habang tumutugon naman ako sa mga halik niya. "Mababaliw talaga ako ng sobra kapag nakuha ka pa ng ibang lalake sa akin. Mahal na mahal kita, baby." Sabi niya sa gitna ng paghahalikan namin. Napangiti naman ako. "Mahal na mahal din kita, Kenneth..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD