Chapter Two: The Unexpected Event of PO1 Alejandro Garcia

1180 Words
Chapter Two: The Unexpected Event of PO1 Alejandro Garcia                  “Another day, another boring life!” sabi ni PO1 Alejandro Garcia habang nakaupo sa isang maliit na sari-sari store. Mataas na ang araw at sobrang init ng panahon at idagdag pa na panahon ng tag-init ngayon. Maaga pa pero pawis na pawis na siya. “O softdrink ka muna, Sir Ale.” Napatingin siya kay Obet—ang may-ari ng maliit na sari=sari store na tinatambayan niya. Ngumiti siya at tinanggap ang softdrink na inilipat sa plastic ng yelo at nilagyan ng straw. “Salamat, Obet,” sabi niya at sinipsip na ang laman nito. Kahit papaano ay napawi ng malamig na inuming iyon ang kanyang uhaw at nararamdamang init. “Wala namang problema doon sa presinto, sir? Balita ko noong isang linggo nagkairingan kayo ni Sir Boyet eh,” sabi nito at mabilis siyang sumimangot. “G*go ‘yun eh! Alaga niya kasi ‘yung isa sa mga preso doon. Pinagalitan ko kasi aba’y nahuli ko kasing may cellphone. Saan ka nakakita, preso may cellphone sa loob ng kulungan? Nang sinita ko ayun nagalit sa akin. Ewan ko kung ano ang trip niyang si Boyet. Sinabi ko kay chief ‘yun kaso mukhang kampi-kampi sila doon,” kuwento niya. “Alam na. Protektor,” sabi ni Obet sa kanya at nagtaas-baba na lang siya ng kanyang balikat. “Ayokong magsalita ng ganyan,” sagot na lamang niya.                  Siya si PO1 Alejandro Garcia o mas kilala bilang si Sir Ale ng mga taga-Pandi. Dalawang taon na din mula ng madistino siya sa bayang ito. Kung tutuusin, bagitong pulis palang siya. Tatlong taon palang siyang pulis at isang taon siyang namalagi sa ibang bayan pagkatapos ay sa Pandi na siya in-assign. “Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw ng isang babae. Napatayo siya nang marinig ang sigaw ng isang babae. Pupuntahan niya sana ang pinaggagalingan ng sigaw pero may biglang bumangga sa kanya. Natumba siya at sisigawan sana ang lalaking nakabangga niya ngunit nagtaka siya nang makita ang hawak nitong shoulder bag. Mabilis na nakatayo ang lalaki at tumakbo palayo. “Magnanakaw! Magnanakaw!” Dito na siya parang sinampal at agad na hinabol ang suspek niya. “Hoy! Tigil!” sigaw niya pero hindi naman talaga niya inaasahan na hihinto ang snatcher. Kinuha niya ang pito sa kanyang bulsa at pinituhan ito pero as usual ay hindi naman ito huminto. Lumiko sa isang kanto ang snatcher at sinundan niya ito. Pilit niyang hindi lubayan ng tingin ito. nakikipagpatentero na sila sa mga sasakyan sa highway. May ilang biglang humintong sasakyan at kasabay nito ang mga nakakabinging busina nito. Pero hindi pa din nagpatinag ang snatcher. May tunatawid na mga tao sa pedestrian lane ngunit binangga ito ng snatcher. Nagkalat ang mga prutas na itinutulak ng isa sa mga tumatawid. “F*ck! Hoy!” sigaw niya. Dito na niya naisipan na radyohan ang mga kasama niya. “May snatcher na tumatakbo. May biniktima siya kanina sa R. Santos Street. Ngayon ay nasa Pandi-Angat Road na siya. Pakiabangan siya sa lahat ng pwede niyang lusutan,” sabi niya. “Copy, Sir Ale!” sagot ng nasa kabilang linya. Patuloy pa din sa pagtakbo ang snatcher hanggang sa lumiko ito sa M.G. Santos Street. Nalagpasan na nila ang Senior Citizen Office at may biglang bumusina sa kanya. Paglingon niya ay ay Obet na nakasakay ng motor. “Sir Ale! Sakay na!” sigaw nito at hindi na siya nagdalawang isip pa at umangkas pa. Mabuti na lamang at sumunod sa kanya si Obet at sa wakas ay naabutan niya ang snatcher. Kahit pa umaandar ang motor ay hindi siya nagdalawang isip na lumundag at talunan ang snatcher. Nagpagulong-gulong silang dalawa hanggang sa mahawakan niya ang kamay nito at pinosasan na niya. “Hayop ka! Pinahirapan mo pa akong loko-loko ka!” sabi niya. “Sir, hindi po ako lalaban,” sabi nito. Binatukan niya ang ulo nito. “Talagang hindi ka makakalaban!” At pinagpapapalo niya ng kanyang kamay ang snatcher. “Sir, kailangan ko lang ng—” “Ay nako! Nako! Huwag mo akong dramahan! Lumang tugtugin na ‘yan! Ilang beses ko ng narinig iyang dahilan mo. Ang mali ay mali! Period!” sigaw niya. Hinatak niya mula sa kwelyo ang snatcher at narinig na nila ang sirena ng police mobile. Hindi nagtagal ay nakita na nila at si PO1 Boyet Dela Cruz ang lulan ng mobile. Mabilis siyang sumimangot ng makita ang kapwa pulis. “Ako ng bahala dito, Garcia,” sabi nito sa kanya. “Hindi. Ako magdadala sa presinto,” sabi niya at mas hinigpitan ang hawak sa snatcher. “Garcia, ‘wag mo naman saktan ang tao. Tao pa din ‘yan,” sabi ni Dela Cruz sa kanya. “Bakit feeling ko iba ang gusto mong sabihin. Napapansin ko sa’yo may special treatment ka sa mga kriminalm” sabi niya at nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito. “Ano ang gusto mong sabihin? Bakit iba ang tabas ng dila mo?” sabi nito sa kanya. “Wala naman. Hindi ko naman iniisip na protector ka ng mga criminal,” sabi niya. “Anong sabi mo?!” sigaw na sa kanya ni PO1 Boyet Dela Cruz. “Wala naman akong sinasabi ah.” “Ulitin mo ang sinabi mo?!” “Ang alin? Ah! ‘Yung protector ka?” sabi niya at mukhang tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ni PO1 Boyet Dela Cruz. Ito ang unang bumitaw ng suntok sa kanya. At dahil hindi siya papayag na hindi makabawi ay inihagi niya sa isa tabi ang snatcher at inundayan din ng suntok ang pulis. All hell broke lose.                  “Mga pulis ba talaga kayo?” tanong sa kanila ni Chief Reagan Echavez—ang kanilang chief sa presinto. “Imbes na kayo ang magpatupad ng kaayusan ay kayo pa ang nagpasimula. Ano na lang ang tingin ng mga mamamayan sa atin?!” Nagkatinginan sila ni PO1 Boyet Dela Cruz at sabay na sinamaan ng tingin ang isa’t isa. Napatingin siya sa kanyang chief nang marinig ang pagbuntong hininga nito. “I will give you both a disciplinary actions. You are both suspended. Three days suspension and—” tumingin sa kanya si Chief Reagan, “—Garcia, idedestino ka ulit sa ibang lugar,” sabi nito sa kanya. Dito na siya napatayo. “What?! Ako? Ia-assign niyo sa ibang luagr? Eh siya?—” sabay turo kay PO1 Dela Cruz “—hindi mo ililipat ng lugar?” “According kay PO1 Dela Cruz, ikaw ang nauna na sumuntok. He even saw you hurting the snatcher,” sabi nito sa kanya. “What the hell?! Bakit naniniwala ka sa kumag na iyan?! Ako itong pulis pero may injustice akong nararansan ngayon!” “Garcia, that’s my decision. Three days suspension at ililipat ka sa ibang bayan,” sabi nito at tinalikuran na siya. Napatingin siya kay Dela Cruz na nakangising aso lang sa kanya at lumabas na din. Sa inis niya ay sinipa niya ang steel stool na inuupan niya kanina. “Kaasar!” sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD