bc

When Our Love Blooms

book_age16+
22
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
opposites attract
goodgirl
brave
police
sweet
bxg
humorous
small town
foodie
like
intro-logo
Blurb

Love is very unexpected. Love moves in mysterious ways. That's what PO1 Alejandro Garcia thought when he first saw the beauty of Passiflora Street—Hera Aguinaldo. Hera Aguinaldo owns an eatery inside Passiflora Street, a famous food street in Bulacan. Hera caught the heart of the mighty police officer, and Alejandro is head over heels with this woman. But what if Hera has a son? Can they break the stigma of loving a single mother?

chap-preview
Free preview
Chapter One: The Arriving of a Goddess
Chapter One: The Arriving of a Goddess                  “Hoy! Bumili na kayo! Bagong luto! Mainit pa!”                  “Milktea! Para sa puso niyong gustong makiliti!”                  “Sana all may mangigiliti!”                  “O puto kamoteng kahoy kayo diyan! Bagong luto! With margarine pa!” Ganito kaingay ang Passiflora Street. Ito ang kalyeng kilala dahil sa pagiging food street. Maraming pagkain mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagkikita sa kalyeng ito para ibahagi ang sarap ng iba’t ibang cuisine. Dinarayo ang lugar na ito sa Bulcan ng mga tourista at mga food critiques. Minsan na din itong nakatanggap ng parangal mula sa lokal na pamahaalaan bilang The Most Visited Places in Bulacan.                  Ang mga tao sa kalyeng ito ay pamilya na ang turingan. Kaya ganoon na lang ang kanilang gulat nang may biglang dumaan na isang truck van sa kalye nila at huminto sa isang abandonadong bahay. “Ano ‘yun?” tanong ni Mrs. Evangeline Villaruel—ang may-ari ng Vangie’s Lugawan ATBP. “Aba, mukhang may uupa sa pwestong iyon ah,” sabi naman ni Mrs. Ramona Hilot—ang may-ari ng Faith and Ivory’s Barbekyuhan. “Ah oo! Nakalimutan ko sabihin sa inyo! May nakakuha pala sa pwestong iyan mula kay Mr. Senen. Mukhang magtatayo ng bagong kainan. Ambag sa kalye natin,” sabi naman ni Mr. Leony Rosal—ang may-ari ng Leony’s Lechong Baboy at Baka. “Ha? Ano sabi mo? Bagong kakompetensya na naman?!” Singhal ni Mrs. Jovy Soriano—ang may-ari ng Samgyup 199. “Aray ko!” reklamo nito ng hampasin ni Mrs. Hilot ng pamaypay na abaniko. “Anong bagong kakompetensya? Eh ikaw lang naman ang nag-iisang may samgyupsal dito sa kalye natin?” sabi nito at ngumuso na lamang. Nakita nila ang pagdating ni Mr. Senen—ang may-ari ng ilang pwesto sa Passiflora. May bumabang isang babae mula sa truck van  at kinausap ang lalaki. Binuksan ni Mr. Senen ang pinto ng abandonadong bahay at mukhang tinutuor ang babae. “Teka, hindi ba’t bodega iyan noon?” tanong ni Mrs. Villaruel. “Oo nga. Ano ‘yan diyan titira o magtatayo ng negosyo?” tanong ni Mrs. Hilot. “Aba’y abangan na lang natin,” sabi ni Mr. Rosal. “Naku Manong Leony, baka samgyupsal din ang itatayo niyan magpoprotesta talaga ako,” sabi naman ni Mrs. Soriano. “Ikaw naman, masyado kang advance mag-isip,” sabi sa kanya ni Mr. Rosal. “O tigilan na iyan! May mga customers na!” sabi ni Mrs. Hilot at nagsipasukan na sila sa kanya-kanyang pwesto.                  “Ayos naman ang lahat dito. Konting linis na nga lang,” sabi sa kanya ni Mr. Senen habang tinitingnan niya ang pwesto na balak niya sanang upahan. Totoo nga naman ang sinasabi ng magiging landlord niya. Maayos naman ang lahat. Wala siyang nakikitang kahit anong butas sa bubong. Nilapitan niya ang lababo at binuksan ang gripo. May tubig naman ito. “Ang kontrata natin ay five years lang ah. Pero renewable naman kung gusto mo pang ipagpatuloy,” sabi nito sa kanya at tumango siya. “Ano bang negosyong itatayo mo dito? Medyo ingat ka lang sa mga kapitbahay mo dito. Mababait naman ‘yan sila, kaya lang minsan mahilig sa tsismis ang mga iyan.” Ngumiti siya. “Balak ko po sana karinderya. Eatery po. Iyon po kasi ang hindi ko nakita dito sa kalye,” sagot niya at tumango sa kanya ang lalaki. “Maganda iyan. Wala pa ngang ganyang negosyo dito. More on Korean kasi dito. Alam mo naman ang mga pinoy, kung ano ang trend iyon ang gusto katulad ng ano ba ‘yung tawag doon? Corndog ba ‘yun. Ah basta! Anyway, gusto mo magpadala ako ng taga-linis? Mukhang ‘di mo kakayanin ito,” sabi sa kanya. “Naku po maraming salamat po. Pwede po ba ngayon para bukas mo maayos ko na po ang dapat ayusin?” tanong niya at ngumiti ang ginoo sa kanya. “Oo naman.” Sumilip ito sa truck van na nakaparada sa harapan. “Sa kabilang kalye lang po ako lilipat,” sagot niya at tumango ang ginoo sa kanya. “Ah okay. O sige na, ‘wag ka masyadong mag-alala dito. Papatawag ko na mga tauhan ko para linisin at ayusin ang dapat ayusin dito,” sabi sa kanya. “Magpipirma na po ba ako ng kontrata?” tanong niya. “Mamaya kapag natapos ang linis dito. Remind ko lang na kailangan ng downpayment at three months advance para ma-secure mo ito ha?” “Opo. Sige po, maraming salamat po,” sabi niya at tumango si Mr. Senen sa kanya. Lumabas na siya at sasakay na sana ng truck van nang biglang humangin ng malakas. Ang kulay itim niyang buhok ay sumabay sa alon ng hangin. Ang sinang ng araw ay dumagdag sa liwanag niyang taglay. “Girl tama na ‘yan. Nakakaabala na ang truck natin,” sabi sa kanya ni Marga na best friend niya at driver ng truck van. “Ito na,” sabi niya at tuluyan ng sumakay sa loob. Pagkatapos ay pinaandar na at nagtungo sa kabilang kalye kung saan nakabili siya ng bahay.                  “Parang nakakita ako ng anghel,” sabi ni Jovy nang makita ang magiging bagong kapitbahay nila sa Passiflora. “Kagandang babae naman pala ang bagong tenant,” sabi ni Mang Leony. “Kuya Senen!” sigaw ni Mrs. Hilot. Kalalabas lang ng landlord at tinawag nila ito. Ngumiti si Mr. Senen at lumapit sa kanila. “Mukhang may uupa diyansa bodega mo ah,” sabi ni Mang Leony. “Oo. Mukhang dalaga pa,” sagot ni Mr. Senen sa kanila. “Anong negosyo niya? Samgyupsal ba?” tanong ni Jovy. Mabilis na umiling si Mr. Senen. “Nako Jovy, relax ka lang. Hindi ihaw-ihaw ang negosyo niya. Eatery ang itatayo daw niya,” sagot sa kanila. Nagkatinginan silang lahat. “Eatery?” tanong ni Mrs. Villaruel at tumango ang landlord. “As in carinderia?” tanong ni Mrs. Hilot at tumango na naman si Mr. Senen. “Hmp! Buti na lang karinderya hindi samgyup. Ayoko ng may kakompetensya sa negosyo ko!” sabi ni Jovy at hinampas na naman siya ng abanikong pamaypay ni Mrs. Hilot. “Nako Jovy! Lahat tayo magkakompetensya dito!” sabi sa kanya. “Manang Vangie! Lugaw with chicharong bulaklak nga po!” sigaw ng isang customer. Mabilis na lumingon si Mrs. Villaruel sa pwesto niya at pumasok doon. “O baka may mga customers kayo. Bawal paghintayin ang mga iyan at baka biglang bumagsak ratings niyo,” sabi ni Mr. Senen at mabilis na bumalik ang mga ito sa pwesto nila. Ganito ang pangkaraniwang araw ng mga tao sa Passiflora Street. Pero ang hindi nila alam ay umpisa lamang ito ng malaking pagbabago sa kanilang kalye.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook