Chapter Three: When Two Souls Meet

1246 Words
 Chapter Three: When Two Souls Meet                  “Ito ang Passiflora Street?” tanong ni PO1 Alejandro Garcia nang makarating sila bungad ng kalye. Sumalubong sa kanya ang maingay at medyo magulong kalye. Hindi naman sobrang gulo na katulad ng mga tipikal na kalye na puro away. Magulo dahil sa iba’t ibang pagkaing nakahain dito. “Yup! Mas magaan ang trabaho dito. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang mag-patrol,” sabi sa kanya ng kasamahan niyang si PO1 Celso Samonte. Magkaklase sila ng pulis noong criminology students pa sila sa isang unibersidad sa Quezon City. Sabay din silang pumasok sa pagkapulis pero nang makapasa ay sa magkaibang bayan nadestino. “Ilang taon ka na ba sa lugar na ‘to?” tanong niya. “Tatlong taon na. Dito ako naunang nadestino. Mababait ang mga tao dito. Palagi pang may libreng pagkain!” sabi nito sa kanya. “Sir Celso! Nag-almusal ka na ba?” tanong ng isang may edad na babae. Napatingin siya sa pwesto nito at nakitang lugawan pala ito. “Hindi pa nga po eh. Oo nga pala Manang Vangie, ito bagong salta dito sa atin. Bagong magpapatrol sa lugar natin. Si PO1 Alejandro Garcia,” pakilala sa kanya ng kasamahan. Ngumiti ang ginang sa kanya at sinuklian niya din ito. “May bagong mukha na naman dito sa kalye natin. Noong isang linggo lang may bagong tenant doon sa dating bodega. Babae,” sabi nito sa kanya. “Bodega? ‘Yung kay Mr. Senen?” tanong ulit ni Celso. “Oo. Ang sabi ay magtatayo ng eatery. Mukhang magrerenovate pa diyan kasi ‘di pa rin nagbubukas. Pero binibisita ng babae ang pwestong ‘yun. Oo nga pala, anong gusto niyo? Libre na para ganahan kayo sa trabaho,” sabi ng ginang at lumapit na sa estante kung nasaan ang malaking kaldero. “Lugaw with puso po. Ikaw Ale, ano sa ‘yo?” “Lugaw with chicharong bulaklak.” Nagsimula na silang kumain at nagpasalamat ng matapos na sila. Sinamahan siya ni Celso sap ag-iikot sa buong kahabaan ng Passiflora. Masasabi nga niyang food street ito dahil saan man niya ilingon ang ulo ay puro pagkain ang kanyang nakikita. “Hello my honey bunch!” sabi ni Celso sa isang babae na busy magpaypay ng pork barbeque. “Good morning sa napaka-sweet and romantikong lover boy ko!” sabi nito at niyakap ang kasamahan. Pinigilan niyang mapangiwi dahil sa pagiging PDA ng dalawa. Take note, naka-duty pa ‘yan sila. Tinitigan niya maiigi ang babaeng nakalingkis kay Celso. Puting-puti ang mukha nito dahil number one foundation ang ginamit kahit pa dapat pang number three ang skin tone nito. Sobrang taas ng kilay na halos nasa kalahati na ng noo. Asul na asul ang eyeshadow nito at asul na asul din ang lipstick nito. Nakasuot pa ng kulay pulang bestida at may gumamela pa sa kaliwang tainga na aakalin mong si Maria Mercedes. Ganito pala type ni Celso? Hindi ko alam kung babae ba ito o binabae. “Ay daddy! May bagong pasok?” tanong nito kay Celso sabay tingin sa kanya. Lumingon sa kanya si Celso at nginitian ang babae. “Bagong assigned dito sa Passiflora. Mabait ‘yan. Classmates kami noong college. Ale, ito pala ang honey bunch ko na si Heidi,” sabi ni Celso. “Ay talaga? Welcome sa masarap na kalye! Single ka ba?” tanong nito sa kanya. “Ha? Eh… ano… oo,” sagot na lang niya. “Ay nako! Marami akong ipapakilala sa’yong mga naggagandahang chikababes, katulad ko!” sabi nito at ngumiti na lang siya ng alanganin. “Mamaya honey bunch ah. Walang tao sa bahay,” sabi ni Celso at itinaas-baba pa ang kilay. Maharot namang tumawa si Heidi at may pahampas pa sa dibdib ni Celso. Seriously? Kinikilabutan ako sa kanila. “Ikaw talaga lover boy ko. Oo sige na. Pupunta na ako mamaya sa’yo.”                  “Hindi ko akalain na ganoon ang type mong babae,” sabi niya habang naglalakad sila. “Hindi ko naman talaga type si Heidi. Mukha siyang bakla pero babae talaga ‘yun besides ang tagal kong walang girlfriend. Magrereklamo pa ba ako eh palay na ang lumalapit sa akin. Ikaw ba? Ano ba type mo at bakit single ka pa din?” tanong sa kanya ni Celso. “Ako? Ang type ko ay ang babaeng independent. Balingkinitan, mahaba ang buhok, professional, at siyempre single,” sagot niya at bigla na lamang siya hinampas sa likod ni Celso. “Ang taas ng standard mo! Independent! Tapos professional pa? No wonder wala ka pa ring girlfriend. Papaano ka makakatagpo niyan aber? ‘Yung mga ganyang babae mga nasa corporate world ‘yan. Saka kung mayroon man dito, hindi ka papasa sa panlasa nila. Gusto nila ka-level nila,” sabi nito. “Grabe ka naman sa akin. Naniniwala ako na makakatagpo din ako ng ganoong babae. ‘Yung mamahalin ako!” sabi niya at tinawanan lang siya ni Celso. “Sige lang. libre lang naman ang mangarap,” sabi nito sa kanya. Lumiko na sila sa isang kanto nang makarinig sila ng sigaw. “Tulong! Tulong!” sigaw ng isang babae. Hinanap nila ang pinanggalingan at sa likod ng isang tindahan ay nakita nila na nakikipag-agawan ang isang babae sa isang snatcher. Pilit inaagaw ng snatcher ang isang sling bag pero hindi ito pinakakawalan ng babae. Mabilis siyang tumakbo papalapit at sinipa ito sa likod. Sa lakas ay tumalsik ng ilang metro ang snatcher. Tumayo siya at nilapitan ang snatcher. Kinuwelyuhan niya ito at nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ito. Ang snatcher na hinabol niya noon sa Pandi ay nambibiktima naman dito sa kalye ng Passiflora sa bayan ng Marilao. “Ikaw na naman?! Bakit nakalabas ka?! Humanda ka ngayon sa akin!” sabi niya at pinosasan ito at dinala niya sa presinto.                  “Sir, sorry na. kailangan ko lang ng—” “Hep! Itigil mo na ‘yang script mo! Kabisado ko na ‘yan! Bakit nakalabas ka ng kulungan, aber?” tanong niya. “Pinakawalan na ako ni Sir Boyet dahil ‘di naman nagsampa ng reklamo sa akin ang babae,” sagot nito sa kanya. “Pwes, magsasampa ako ng kaso laban sa’yo!” Napalingon siya sa sumigaw at napatulala siya sa babae. Pakiramdam niya ay para bang tumigil ang takbo ng kanyang mundo. Isang babaeng balingkinitan ang katawan at may itim at mahabang buhok. Pawis na pawis ito pero matapang itong nakatingin sa snatcher. “Dapat lumaban ka ng patas! Wala kang karapatang agawin ang pinaghirapan ng ibang tao! ang laki-laki ng katawan mo tapos ayaw mong magtrabaho?! Patawan ka sana ng parusa!” sabi ng babae. “Ma’am kung gusto niyo pong magsampa ng reklamo ay dito po tayo,” sabi ni Celso at iginiya sa isang lamesa ang babae. “’Yung bag ko po? Kailangan ko po muna ang bag ko,” sabi nito. Para naman siyang nagising at napatingin sa hawak niyang puting sling bag. “Ah… miss, ito o,” sabi niya at ibinigay sa babae ang bag. Mabilis na kinuha ng babae ito at agad na tsinek ang laman at nang matiyak na walang nawalang gamit ay tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib. “Thank God! Sige po, saan po tayo?” “Dito po. Gagawan ko po kayo ng report,” sabi ni Celso at sumunod ang babae sa kasama niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at tila ba napakalakas ng kabog nito. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD