NAMUMUNGAY ang mga mata na nakatitig sa akin si Vince. Ilang beses niyang kinagat-kagat ang ibabang labi niya habang nakatitig sa akin. May kinukwento si Lolo Winderson tungkol sa kompanya na pinakikinggan ko naman subalit nadi-distract ako sa tuwing napapatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Kulang na lang ay makita ko ang sarili ko sa mata niya dahil sa tutok na tutok niyang pagtitig sa akin. Maya-maya ay tumungo siya. Binalingan ko ulit si Lolo Winderson at nakinig sa sinasabi nito. Ipinapaliwanag niya ang naging resulta ng meeting niya noong nakaraang araw. Naiintindihan ko naman ang dini-discuss ni Lolo Winderson nang bigla nalang may kung anong gumagalaw sa paanan ko. Saglit akong tanungin sa ibaba at natuklasan ko kung ano iyon. Vince foot slowly caressing my lower thigh. s**t.