KABANATA 35

1621 Words

UNANG beses kong makarating sa Arguelles Mansion at manghang-mangha ako sa kabuuan niyon. Napakalaki! Baka maligaw ako kapag tumira na ako sa magiging tahanan ko dahil sa dami ng silid at daang pasikut-sikot. Kaya pala malungkot si Lolo Winderson. Mag-isa lang siya sa napakalaking mansion. Paano kaya siya gumigising sa umaga? Kakain ng almusal, tanghalian at hapunan? Pati sa pagtulog ay nag-iisa pa rin siya? Ang sad naman n’on. Maingat akong inilapag ni Vince sa isang mahabang sofa. Ipinalibot ko agad ang tingin ko sa buong paligid. Malinis, mabango at tahimik. Pakiwari ko ay napunta ako sa isang lugar na hindi basta-basta mapapasok ng sinuman. Tumayo si Vince at may kinuhang ano sa center table. Remote pala iyon ng tv. In-on niya iyon at naghanap ng mapapanood. Napakaraming list of movie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD