BAGO bumaba ng sasakyan niya ay muli niya pang sinakop ang labi ko. Kahit na no’ng makalabas na ako ay hinawakan pa niya ang kamay ko upang hilahin papasok sa loob subalit ako na mismo ang humalik sa labi niya. Isang mabilis at matunog na halik iyon at nang humiwalay na ako ay nakita ko kung paano kumislap ang dalawa niyang mata. Sa huli ay napapayag ko rin siyang bitiwan ako dahil magtatagal ay darami na ang tao sa parking lot. Napangiti ako nang makatanggap ng tawag mula sa kanya. Kapapasok ko lang ng elevator n’on at hindi pa rin siya tumigil. Kesyo miss niya na raw ako agad samantalang kakahiwalay lang namin. Ang totoo ay cute niya maging clingy. Super sweet. Nakakaadik din. Sino ba namang hindi? He’s good in kissing. Mas masarap humalik ang tamang term. Actually, kagabi ko lang na