KABANATA 5

1122 Words
VINCE Kanina pa pabalik-balik sa paglakad si mom pagkatapos kong sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni lolo Winderson. Hindi siya makapaniwala na sa lalong madaling panahon ay ikakasal na ako. Unang-una, hindi ko kailanman itinanggi na isa akong Arguelles. Umalis lang kami sa mansiyon noon nang matuklasan ni mom ang pambababae ni dad. Hindi lang isang beses…marami. Bagama’t hindi pa sila tuluyang hiwalay sa papel ay wala na rin silang kaugnayan pa bukod doon. “Are you sure about this, Vincent? B-bakit ka pumayag sa alok ng lolo mo? Sa tingin mo ba sinabi niya lang sa iyo upang bumalik ka sa mansiyon o para sa kapakanan ng TAC? Paano pala kung pain lang ‘yon ng lolo mo para bumalik ang dad mo roon at pilitin din akong manirahan doon? Sinasabi ko s aiyo, kahit anong mangyayari, hindi na ako babalik pa roon upang makisama lang sa ama mong babaero!” “Mom, calm down.” Iginiya ko siyang maupo. “Walang sinabing ganoon si lolo, okay? Ang tanging inaalala niya lang ay ang TAC. Totoo naman na tumatanda na siya at wala pa siyang ibang napipisil na magiging kapalit niya sa pamamahala niyon. He didn’t even choose dad dahil ako ang gusto niyang maging tagapagmana ng kompanyang minana pa niya sa great grandfather ko. Ayaw niyang may ibang makinabang niyon except me lalo na’t lantarang nagpapahiwatig ang mga pinsan ko sa cousin side niya.” “And you believed him?” Bakas pa rin sa mukha ang pagkadisgusto. “Mom, alam nating pareho na lolo is far different from dad. All his life, inilaan niya sa pagtatrabaho sa TAC. Namatay na lang si lola ay subsob pa rin siya sa loob ng opisina niya. “Nasaksihan natin iyon, mom. Ang gusto lang ni lolo is to retire and live peacefully. That’s why he needed me.” “Do you think you can handle TAC? It’s not just a business, a huge company. Hindi ko pinagdududahan ang kakayahan mo, anak subalit nangangamba akong maging katulad ka rin ng lolo mo. Please, don’t be like him na buong buhay na lang ay ang negosyo ng kanilang pamilya ang kanyang pinagsilbihan.” She held my hands and gently caressed it. “Ayaw ko rin na matulad ka sa nangyari sa amin ng dad mo. Sa kabila ng malaking responsibilidad na hahawakan mo, gusto kong maging masaya ka, anak,” emosyonal niyang wika. Tumayo ako at tumabi sa kanya. I hugged her tightly. Alam ko kung ano ang pinagdaanan niya sa dad kong walang ibang inisip kung hindi ang magpakasarap sa buhay. Kung minsan ay inaanalisa ko kung bakit nagawang saktan ng sarili kong dad ang mom ko na tunay na nag-alay ng tunay na pagmamahal. “Don’t worry, mom. Sisiguruduhin kong magiging masaya ako sa magiging buhay ko. Hahanap ako ng babaeng katulad ninyo na handa akong mahalin ng walang hanggan. Hinding-hindi ako tutulad kay dad, that I can promise you.” “How can you even say that? Ni hindi mo nga kilala ang babaeng pakakasalan mo,” her voice became lively. “Let’s have faith in lolo. Alam kong hindi niya ako ipapakasal sa kung sinu-sino at basta-bastang babae lang.” “Sana nga, anak.” My mobile phone vibrated inside my pocket. Bumitiw si mom sa akin saka pinagmasdan akong kunin iyon hanggang sa basahin ko ang mensaheng natanggap ko. “Pinapapunta ako ni lolo sa office niya bukas at exactly –” “Mam, Sir! Si Sir Vicente po – “ malakas na sigaw ng isa sa maid. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng direksiyon saka sabay din kaming napatayo ni mom nang papalapit na sa amin ang nakangisi kong ama. “Sinubukan po namin siyang pigilan ngunit mapilit po siya,” dagdag pa na sabi ng maid. “Leave us, please,” mahinang wika ko. “Mom, maupo ka na. Don’t worry, I’m here.” Ramdam ko ang panginginig ng kamay niyang nakakapit sa braso ko. Inalalayan ko siya at saka muling hinarap ang nakangiti kong ama na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. “Hello, wife,” Akma itong lalapit kay mom ngunit mabilis kong hinarang. “Hanggang diyan ka lang.” “Oh,” sabay na itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsang-ayon. “Gusto ko lang naman kumustahin ang mommy mo, Vince. She’s still my wife after all.” “Really?” Pagak akong tumawa kasunod ng pamimilog ng mga mata nito. “May kailangan ka na naman ba kaya naisipan mo na namang guluhin ang buhay namin?” “What are you talking about? Pumunta ako rito to make amends with your mom.“ “Cut that bullshit, Dad! Wala ng kailangan pang ayusin about your marriage dahil hindi na maaayos pa. If I were you, aalis na ako right at this moment dahil wala ring mangyayari sa mga nais mong sabihin.” “Matapang ka na ngayon, Vince? Ako pa rin ang ama mo baka nakakalimutan mo – “ “A father I’ll never wanted to have.” Mabilis kong dugtong. Kuyom ang mga kamao kong humakbang hanggang sa isang metro na lang ang layo namin sa isa’t isa. “Umalis ka na at ayaw ka na naming pang makita kahit kailan.” Kitang-kita ko kung paano sunud-sunod siyang napalunok ng laway niya. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Vincent ngunti hindi mo maikakailang nananalaytay sa mga ugat mo ang dugo ko. Alam kong hindi ako nagging perpektong ama at asawa sa mom mo subalit hindi ako nagging pabaya sa inyo. I provided you all your needs,” turan nito na halos lumabas na ang ugat sa leeg. “Provided us? Are you sure? Hindi ba’t si lolo lang naman ang nagbibigay sa iyo ng pera? Kaya nga hindi ikaw ang napili niyang humalili sa pamamalakad ng TAC. Because you are an incompetent, ill-mannered son!” “You’re son of a b***h!” Pasugod na ito sa akin nang iharang ni mom ang katawan sa akin. “Sige Vicente! Subukan mo lang nasaktan ang anak mo! Ako ang makakalaban mo! Kung dati ay hinahayaan lang kita puwes, hindi na ngayon!” Nanggagalaiti sa galit ang boses ni mom. “Mag-ina nga kayo.” Umatras ito saka pumalatak. “Gusto ko lang ipaalam sa inyo na pumunta ako rito dahil gusto kong asikasuhin na ang annulment. Wala akong balak na guluhin pa ang buhay ninyo. Ngayon, kung gusto ninyong hindi na tayo magkita pang muli, makikipagtulungan kayo upang mapabilis ang proseso.” Kasunod niyon ay tumalikod na ito at humakbang na palabas. “Mom,” Maagap kong inalalayan si mom na muntik ng mabuwal. Tuluyan ng humagulhol ito sa labis na sama ng loob. Damn you Vicente! You’ll pay for this!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD