KABANATA 6

1178 Words
“MABUTI naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko, iho. Balita ko ay sinimulan mo ng bigyan ng buhay ang rooftop,” nakangiting bungad ni lolo nang makapasok ako ng opisina niya. “I feel like there will be many changes once you take my position.” Nilinga ko ang paligid. Namamangha kong pinagmasdan ang apat na sulok ng silid. Elegante dahil sa mamahalin disenyo, napakalinis at napakabango. It’s not bad. “What do you think of my office that will eventually become yours? I have a friend of mine who’s best in design kaya kung may nais kang ipabago o idagdag, he can help you.” Sinipat niya ang relo saka tumayo at tumabi sa akin. Patuloy pa rin akong nagmamasid. “Well?” “I like it, ‘lo. Wala ng kailangan pang baguhin.” “Are you sure?” “Yeah. Actually, it’s perfect.” “You truly a real Arguelles, Vince. We have the same taste.” Tinapik-tapik niya ako sa balikat. “Anyway, may mga bisita akong inimbitahan ngayon and I wanted them to see you.” Kunot noo ko siyang tiningnan. “Who are they?” Tatlong sunud-sunod na katok sa pinto ang sabay naming ikinalingon. “Sir Winderson, narito na po ang mga bisita ninyo, Sir,” ani ng babaeng boses na marahil ay sekretarya nito. “Let them in.” Sinundan ko siya ng tingin na humakbang palapit sa pinto. Nanag bumukas iyon ay nakatuon lang ang atensiyon ko sa mga bultong sunud-sunod na pumasok. “What the heck? Anong ginagawa nila rito? “Please come in, gentlemen.” Iginiya pa ni lolo ang mga ito. Nang makaupo ang mga ito ay saka lang nila ako napansin. “Iho, maupo ka na rin.” Sumunod ako. “What are they doing here?” Nakakaloko pa akong tiningnan nina Marcus at Andrei. “I invited them here to formally welcome you as the new CEO and President of The Arguelles Corporation.” Rumehistro ang ngiti nito sa labi. “Alam kong hindi mo gugustuhin na magkaroon ng malaking party upang ipakilala kita so, naisip kong imbitahan ang mga malalapit mong kaibigan mula pa ng bata ka. I hope it’s fine with you, apo.” Muli nitong ibinaling ang tingin sa lima kong kaibigan na ngiting-ngiti na ngayon. “Nasisiyahan akong makilala kayo ngayon mga, iho. Hindi ko sukat akalain na kaibigan kayo ng apo kong si Vince. Noong bata pa lang siya, I knew he was special at hindi nga ako nagkamali.” “Sa tingin naming, may pinagmanahan naman po talaga si Vince,” makahulugan akong sinulyapan ni Lionel. “He’s truly your apo, Mr. Arguelles. He deserved to be the CEO of TAC, no doubt about that.” “I agree,” sabad ni Zane. “Congrats, brother.” Lumapit siya sa akin and gave a brotherly hug. “I’m so proud of you.” Ano ang nakain ng mga ito? “Mr. Arguelles, medyo mahihirapan lang kayo kay Vince dahil for sure lalampasan niya ang expectation ninyo sa kanya,” confident na sabi ni Andrei. “Nakatrabaho ko na siya and I can say that he’s more capable than me.” “Come on, Andrei. Don’t say silly things. Masyado ninyo pinapahanga si lolo.” Umiling ako. “All of these…are new to me. I even doubt myself if it’s really for me but I have an obligation as an Arguelles. Pangangalagaan ko ang TAC sa abot ng makakaya ko. Please do lend me a hand if I needed to. Kung may beterano na sa mga usaping negosyo, kayo ‘yon. Natutunan ko sa inyo ‘yon.” “Don’t be too humble, bro. Hindi ako sanay.” Ngumisi si Marcus. “It’s your talent, bro. Nananalaytay sa mga ugat mo ang pagiging Arguelles kahit ‘di mo man aminin.” “Mr. Arguelles,” singit ni Brent. “You can call me lolo, iho.” Bakas ang kasiyahan sa mukha ni lolo. “Kaibigan kayo ng apo ko kaya apo na rin ang turing ko sa inyo.” “Lolo Winderson, Vince maybe your grandson but he’s really into pretty girls.” Umarko ang dalawa kong kilay. “What? Brent, of all people?” Minsan lang ang ito magsalita pero kung minsan masama ng tabas ng bibig. “Wala nga akong girlfriend.” “Nabanggit na rin ‘yan tutal, wala ako makakasamang ibang pamilya bukas, samahan ninyo kami mamanhikan.” They glared at me. “Mamanhikan?!” sabay-sabay na tanong ng mga ito na akala mo nasabukan ng bomba sa mukha. “Yes, mga apo. Bukas na bukas din ay mamamanhikan tayo sa babaeng pakakasalan at magiging asawa ni Vince.” Sinapo ko ang ulo ko saka umiling. Gulat na gulat ang mga kaibigan kong hindi makapaniwala sa mga pagbabago sa buhay ko. They all accepted immediately my talent and potential to handle my grandfather’s business but not the latter announcement of my marriage. Inaasahan ko na ang expression sa mga mukha nila. Luko-luko ang tingin nila sa akin but the truth is, wala pa akong nagiging karelasyon. “Well, congratulations bro!” they chorusly enunciated. “We’ll make sure to attend Vince pamamanhikan tomorrow.” Sumaludo pa sa akin si Zane. Siraulo. “We will also cancel our engagements tomorrow to make sure to come with you,” dagdag pa na wika ni Andrei. “May mga kailangan po ba kaming dalhin?” “Huwag na kayo mag-abala pa. Kami na ang bahala sa lahat. Ang presensiya ninyo lang ay napakalaking bagay na para sa amin.” “Lolo Winderson, sino po ang maswerteng babae na pakakasalan ng kaibigan namin?” tanong ni Lionel na nakangisi na rin. Ang lakas talaga makahawa ni Marcus. “All I can say is that she’s a perfect woman for my apo.” “I’m so curious but anyway, we’ll find out tomorrow. Papaalalahanan lang po namin ang mapapangasawa ng kaibigan namin dahil si Vince masyadong ma…pagmahal,” hirit ni Zane saka sunod na nakipag-apiran sa iba pa. Natawa lang si lolo. “Kayo na ang bahala kay Vince kung ganoon. Aayusin ko lang ang iba pang mga papeles upang masiguro kong wala ng makakapigil pa sa pamamanhikan bukas. Dito na muna kayo sa magiging opisina niya at ako naman ay tutungo na sa conference room.” “Sige po, lo.” They all hugged him saka nagmano na lalong ikinatuwa ng matanda. Mga sipsip. Nang tuluyan ng makalabas si lolo ay bigla silang sumeryoso. “Vince, ikakasal ka na pala? Kailan mo pa nalaman? Bakit ‘di mo man lang sinabi sa amin?” Andrie sequentially asked. “Kahapon ko lang nalaman. Malay ko ba kung nagbibiro lang si lolo?” “Let’s celebrate!” singit ni Marcus. “Malapit ka na pala sintensiyahan, bro.” “Sige, count me in,” ani nina Brent at Zane. “Susubukan ko,” turan ni Lionel. “I have prior engagement later.” Bahala na ang alak sa akin mamaya. Bukas, makalawa, tiyak na may magbabawal na sa akin. s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD