VINCE
Bago pa man ako ipatawag ni lolo ay may ideya na ako kung ano ang dahilan. But I replied him again, saying no. Masaya akong kasama ang pamilyang Navarro which is my mother side. Simula nang maghiwalay ang mga magulang ko ay hindi ko na naisip pang bumalik sa mansiyon ng mga Arguelles. My father was the only son of my grandfather; Winderson Arguelles. The mighty chairman of The Arguelles Corporation.
“Anak, Vince, nasa labas ang lolo mo,” boses iyon ni mom.
Mom never entered my room ever since. Kumakatok lang ito at saka sasabihin ang pakay sa pinto. She respects my privacy so much.
“Bumangon ka na riyan at harapin mo ang lolo mo kung hindi ay papasukin kita riyan sa loob at kukurutin kita sa singit, Vincent! Hindi ako nagbibiro!”
“Alright. Magbibihis lang po ako, mom.”
Nilingon ko ang orasan na nasa bedside table. It’s six thirty in the morning.
What the –
I felt the sudden pain in my head. If I’m not mistaken, madaling-araw na ako nakauwi dahil sa dami ng paperworks na ipinaasikaso ni Lionel sa akin. Hindi ko pa gustong bumangon dahil sa mabigat kong nararamdaman sa buo kong katawan. I really need to sleep all day kapalit ng ilang gabing pagpupuyat ko but mom will burst her anger sa oras na hindi ko agad maharap ang lolo ko.
Bumangon ako saka pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo saka nagbihis. Kakatapos ko lang magsuklay ng buhok nang may kumatok na naman sa pinto. I abruptly open it at hindi ko na naiwasan pa ang kamay ni mom na dumapo na sa tainga ko.
“Bakit ba ang tagal-tagal mong bata ka? Nandiyan ang lolo mo sa baba, kanina ka pa hinihintay.”
“Easy, mom. Naligo lang ako. Nakakahiya naman humarap sa may-ari ng TAC na may muta at bad breath pa ako.” Inakbayan ko siya. “Alam ko naman hindi mo gugustuhing gusgusin ako sa harap ng ama ng pinakamamahal mong si Vicente.” Kinindatan ko pa siya saka biglang binitiwan.
“Vincent!” sigaw niya sa akin.
Lalo ko lamang binilisan ang lakad hanggang sa marating ko ang hagdan. Natanaw ko na agad si Lolo na matamang nakaupo sa pang-isahang sofa at nasa likod nito ang dalawang bodyguards. Nalingunan ko ang pinsan ko na kauuwi pa lamang. Naipilig ko ang ulo ko. Kung kapatid ko ito ay matagal ko ng pinagbawalan na lumabas sa gabi at magpapalipas sa bahay ng kaibigan. As if, sa kaibigan talaga. Masyado lang akong abala sa trabaho kaya hindi ko ma-timing-an na hulihin ito sa akto.
“Good morning, Grandpa!” Nilapitan ko siya at niyakap. “Ang aga ng pagbisita mo sa akin, Lo.”
“I prefer you call me lolo,” anito na nakangiti.
Sabay pa kaming umupo, Kahit saan ko siya tingnan ay nakikita ko sa kanya ang imahe ng ama ko but I couldn’t hate him. Magkatulad man ang kanilang mukha, malayo naman ang pag-uugali at prinsipyo ng mga ito sa buhay.
Nagkibit balikat ako. “So, do you want coffee, milk or choco, lo?”
“Don’t bother, iho. Nagkape na ako bago umalis ng mansiyon. Baka gusto mo munang magkape bago tayo mag-usap ng maayos.”
Nagsalubong ang dalawa kong kilay. The way he dropped those three last words mean something. Mahina akong tumikhim. “Is there a need for a close door meeting, ‘lo?”
“If I suggest, maari bang mag-usap tayo kung saan tayo lang dalawa?”
Dinala ko si lolo sa karugtong ng silid ko. Pina-renovate ko ang dating silid ng pinsan ko upang maging opisina ko sa bahay. Lolo Winderson sat properly, larawan ng mayroong mataas na pinag-aralan…kabaligtaran ng kung anong mayroon ang sarili kong ama.
“Dapat na ba akong kabahan, ‘lo? It’s very unlikely of you. Hindi ka pupunta ng ganito kaaga para lang kumustahin ako, right?” I folded my arms and lean back on the swivel chair. “Spill it out, ‘lo. Lalo mo akong pinapakaba.”
“I want you to get married.”
“Sinasabi ko na nga ba, it’s not just a simple thing. Wait – what?” Tama ba ang narinig ko? “Lo, hindi ko yata masyadong naintindihan ang sinabi ninyo. What is it again?”
“Alam kong narinig mo ang sinabi ko, Vincent Arguelles. I want you to get married as soon…as possible. Hindi naman siguro mahirap intindihin iyon. The Argulles Corporation is in need of someone who can replace me at hindi ang anak kong si Vicente ang nais kong pumalit sa akin kung hindi ikaw lang, apo.” His gaze was burning like hell.
Marahas akong napatayo. Sapo ko ang ulo ko na tila pinipilit kong liwanagin sa sarili ko ang narinig kong sinabi ni lolo. “Why? B-bakit, ‘lo? I mean – kung kailangan ninyo ng kapalit sa TAC ay bakit ako at bakit kailangan kong magpakasal? This is so absurd? Simula nang maghiwalay sina mom at dad ay tuluyan na naming iniwan ang lahat ng tungkol sa pamilya ng mga Arguelles. See? We lived here in Navarro’s family home. I know I’m your grandson but you can’t insist me of doing something I don’t even like.”
“Wala na bang natitirang pagmamahal diyan sa puso mo, iho? Para sa Arguelles na pamilya mo rin?” Nagbuga siya ng hangin. “Matanda na ako at maaaring bukas makalawa ay mawala na ako,” may bikig sa lalamunan na sabi niya. “The Arguelles Corporation ay minana ko pa mula sa aking mga magulang na nagpakahirap upang maitaguyod lamang ito. Dugo’t pawis ang nagging puhunan nila upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya natin.” Hinilot-hilot nito ang noo. “I am an only child just like you and your father. Hindi ko lang kayang isipin na hindi ang isang tunay na Arguelles ang magmamana ng lahat-lahat ng pag-aari at kayamanan ng pamilya natin.”
“What are you trying to say, ‘lo? May mga taong nais na makuha ang TAC mula sa inyo?” Bumalik ako sa pagkakaupo.
“Exactly. My cousins nephews expresses their interest to handle our very own company the moment I step down. Maaatim mo bang kunin mula sa akin ng mga di-kilala mong pinsan ang siyang nagbigay ng karangyaan at magandang buhay sa pamilya natin? I know you still have the Navarro family, however, you are also an Arguelles at kahit kailanman ay hindi na mababago iyon. I feel ashamed about your father subalit hindi ko na siya gusto pang guluhin sa tinahak niyang direksiyon. Ikaw na lang ang pag-asa ko, iho. You’re the only grandchild I ever had. Kung minalas ako sa pagkakaroon ng anak na katulad ni Vicente, I know you’re a total opposite of him.”
“Okay, I understand that pero paano napasok doon ang pagpapakasal ko?”
“Gusto kong magkaroon ng pamilyang matatawag sa mansiyon at mangyayari lamang iyon kapag nakasal ka na at magkaroon na rin ng sariling pamilya. Gusto kong habang mina-manage mo ang TAC ay may pamilyang kang uuwian at maghihintay sa iyo sa tahanang nakalaan din para sa magiging pamilya mo.” He reached and held my hand. “Sana ay mapagbigyan mo ang kahilingan ko, apo. Maliit na lamang ang panahon na mayroon ako at – “
“Okay, okay! Payag na ako, ‘lo.” Hindi ko kayang nakikiusap si lolo. Nasasaktan ako sa hitsura niya.
“Great! Ipapaalam ko sa iyo kung kailan kita ipapakilala sa babaeng pakakasalan mo.” Walang babala siyang tumayo. “Tatawagan na lang kita.”
“Sige po, ‘lo.” Sinundan ko ng tingin si lolo, na nagmamadaling lumabas. “Babaeng pakakasalan ko? Wait, lolo!” Marahas akong tumayo at nagmamadaling lumabas. “Lolo Winderson, sandali!” Hindi niya ako nilingon hanggang sa tuluyan ng marating ang gate. Sa bilis kong tumakbo ay hindi ko pa rin siya naabutan.
Shit! Pati ba naman sa babaeng magiging asawa ko, siya na rin ang bahala? Damn it!