KABANATA 7

1138 Words
OH God! Lulan ako ng bus pauwi sa bahay ngunit hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang sinabi kanina ni lolo Winderson. Wala na ngang atrasan ang pagpapakasal ko sa apo niyang unang beses kong makikita sa araw din ng kanilang pamamanhikan. Wala sa loob na bumaba ako ng bus na hindi ko alam kung nasaan na ako. Pumayag ako sa kasal pero bakit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Tila gusto ko na lang bawiin ang papel na pinapirmahan sa akin ni lolo. Subalit huli na at kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. What am I doing here? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bumaba ako ng bus sa mismong harapan ng i-isang bar? Habang nagmumuni-muni ako kanina ay may isang bagay akong gustong gawin. Gusto kong magpakasaya upang makalimutan muna ang lahat! Pakiramdam ko unti-unti ng lumiliit ang mundo ko. Kakausapin ko si lolo. Kung maaari ko pang pigilan ay gagawin ko. Wala sa loob na pumasok ako sa loob ng bar. Napatakip ako ng ilong ko dahil sa amoy ng alak ngunit nagpatuloy lang ako sa paghakbang. Hindi lang siguro ako sanay sa paligid. Dumiretso ako sa front bar na may disenyong pakurba. May iilang mga nakaupo roon. Pinili ko ang pinakadulo sa kaliwang bahagi. Nang makaupo ko ay saka ko lang napansin na sa akin pala nakatingin ang mga lalaki na nakaupo sa hilerang inupuan ko. Nagkibit-balikat lang ako saka nginitian ang bartender na abot tainga ang pagkakangiti sa akin. “What’s your order, Maam?” Tila itong modelo ng isang brand ng toothpaste dahil sa pantay-pantay na mapuputing ngipin. “May hinihintay po ba kayong kasama?” “Ah, w-wala. Kailangan pa may kasama ako?” Mahina itong natawa kasama ng iba pang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. Sa huli ay nakitawa na lang din ako sa kanila kahit hindi ko sila maintindihan. I actually new to this kind of environment. My first time to be exact. Bahala na. “Ladies drink, please.” “Coming up, Maam!” msiglang tugon ng bartender na kumindat pa sa akin bago tumalikod. Weird. I’m not used to this kind of place. Pakiramdam ko lalo lamang dumarami ang mga matang nakatingin sa akin sa bawat segundong lumilipas. Kinuha ko ang mobile phone ko mula sa aking bag saka mabilis na nag-search sa internet. Pagkatapos kong itipa ang pangalan ng bar ay lumabas agad ang mapa na kinaroroonan niyon. Kailangan ko lang maging handa kung sakaling malasing ako nang hindi ko namamalayan. I copied the link and pasted it on my message drafts. Madali ko na lang iyon maipapadala sa kung sino mang maaaring makatulong sa akin. It’s better to think beforehand. Napalunok ako ng mariin ng lumapag ang isang wineglass na puno ng laman na kulay berde. Kung may natitira pang ignorante sa mundo marahil ay isa na ako roon. Alam ko ang salitang alak; nakakalasing at nakakawala sa katinuan subalit hindi ko pa rin maunanwaan ang sarili ko kung bakit pinili ko pa rin ang bar na ito upang makapag-isip-isip ng mga bagay-bagay sa buhay ko. Inabot ko ang wineglass saka dahan-dahang sumimsim. Humagod iyon sa lalamunan ko. Pinaghalong tamis at asim sa una na sa bandang huli ay medyo mapait. Nagustuhan ko ang lasa kaya nang inumin ko ay dinire-diretso ko na hanggang sa maubos. Sabay-sabay na napa-wow ang mga lalaking nasa paligid ko na mataman palang nakamasid sa akin. “H-hi…” Ngumiti na lang ako saka bumaling sa bartender. “Isa pa nga.” “Masusunod po, Miss Beautiful,” tugon nito na hindi nawawala ang ngiti sa labi. Miss Beautiful daw. Prang gusto kong masuka sa narinig. Kanina lang Maam ang tawag niya sa akin ‘tapos ngayon, Miss Beautiful na? Sinong niloko niya? Kahit ihampas pa niya ang mga ngipin niya sa pader, wala akong pake no! Mahina akong natawa. I maybe just a woman but I have feelings too. Teka, wait lang. Ano ba ‘tong iniisip ko? Shit. Don’t tell me – my God! Isang wineglass pa lang ang nainom ko pero unti-unti na yata akong nawawala sa sarili kong katinuan. Is this why people wanted to drink alcohol? Bumalik na ang bartender na hindi pa rin nagbabago ang hitsura ng mukha. Maingat niyang inilapag ang wineglass saka makahulugan akong sinulayapan. Tila may kung anong inaaninag siya sa mukha ko. “M-may kailangan ka ba?” tanong ko. “Dapat na ba ako magbayad?” Umuling ito. “Maaari po ba akong magtanong?” “Fire away,” Malakas ang boses na sabi ko. Pakiramdam ko ay may kakaibang tapang ako sa dibdib. “Spokening dollar po pala kayo, Miss Beautiful? Mahina po kasi ako sa English, e.” Napakamot pa ito sa ulo. Muntik ko nang maibuga ang nainom ko. “Palabiro ka rin pala no?” Mahina akong napahagikhik. “Ano ba itatanong mo? Heartbroken ba ak, that’s why I’m here?” I shook my head. “Gusto ko lang naman uminom, is it bad?” “H-hindi po! I-tatanong ko lang po sana…” bahagya itong lumapit sa akin, “kung first time po ninyong uminom? Kasi po, delikado po sa inyo ang lugar na ito lalo na kung wala kayong kasama pauwi.” “Why you worry me ha?” Inubos ko ang laman ng wineglass. “I’m not stupid, naïve, ignorant woman, you know? I can take care of myself. Alam mo ba ha? Malapit na akong ikasal kaya gusto ko lang naman mag-enjoy. So, let me enjoy this moment huh?” Muli kong inilapag ang hawak kong baso. “Wala na pala. Another one please,” Pagkatapos kong maubos ang ikatlong baso ay uuwi na ako. Ladies drink lang naman ang ininom ko kaya hindi pa naman siguro ako makakatulog sa bus. Saglit kong sinulyapan ang mga lalaking nakatunghay sa akin. Ewan ko ba at hindi humihiwalay ang mga mata nila sa akin, e wala naman akong ginagawang masama. “Hi, guys!” Kumaway pa ako sa kanila at sa gulat ko ay sabay-sabay silang umahon sa kanilang kinauupuan. Humakbang sila palapit sa akin. What to do? May pakaway-kaway ka pa kasing nalalaman, Aaliyah! Takbo na! Dali-dali na akong kumilos upang lisanin ang lugar. Babayaran ko na lang ang nainom ko kapag wala na akong tama ng alak sa katawan. “Oh, God!” Muntik na akong mabuwal kung hindi lang sa mga bisig na sumalo sa akin. “Sorry, guys. She’s taken,” ani ng isang boses ng lalaki. “Timothy, ‘yong mga nainom niya, please charge it on me.” Humigpit ang hawak niya sa baywang ko. “Let’s go.” Ngunit wala na akong maaninag pa. Kusa ng bumabagsak ang dalawa kong mata. “Damn!” ani pa ng boses ng lalaki saka ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD