MI Amor Bar
“Kilala mo na ba ang babaeng pakakasalan mo, Vince?” tanong ni Zane matapos lagukin ang laman ng boteng hawak nito. “Ikaw, ha? Kung ‘di pa kami inimbitahan ni lolo Winderson ay hindi naming malalaman na mamamanhikan ka na pala bukas. So, handa ka na ba?”
Matiim nila akong tinitigan. “What do you think? Hindi naman ako katulad ni Lionel.”
Malakas na nagtawanan ang apat.
“Sinasabi mo lang ‘yan kasi wala si Lionel dito ngayon,” wika ni Marcus. “Alam ninyo naman ‘yon, dead na dead kay Mrs. San Miguel kahit noong hindi pa sila nakakasal.”
“Ang ibig sabihin ni Vince ay hindi sila pareho ng tadhana ni Lionel,” Andrei said. “Si Lionel minahal na niya si Miya este Mrs. San Miguel bago pa man sila ikasal samantalang si Vince wala man lang siyang idea kung sino ang babaeng napili ni Mr. Arguelles na maging kabiyak niya.” Ngumisi ito. “That means, bukas sa araw ng pamamanhikan niya pa lang masisilayan ang mapapangasawa niya.”
Biglang tumayo si Brent. “Mauna na ako sa inyo. May kailangan pa akong puntahan.” Nilapitan niya ako. “Congrats, Vince. Sisikapin kong makasama sa inyo sa pamamahikan ninyo bukas.”
“Thanks, Brent.”
“Sabay na rin ako,” singit ni Marcus.
“Ako rin,” ani naman ni Zane. “Naalala kong may kailangan pala akong daanan sa office.”
“So, only the two of us will be left here” sabad na naman ni Andrei na ganadong-ganadong uminom. “Sasamahan kita hangga’t gusto mo, Vince.”
Umalis na ang tatlo habang nakatitig lang ako kay Andrei. May sinasabi siya tungkol sa isang bar ngunit hindi ko maintindihan. Mas nangingibabaw sa isipan ko ang pagdating ng bukas. Though my mother was aware of my situation, tiyak na hindi niya ako pipigilan sa desisyon kong pagpayag na maging CEO ng TAC at ang magpakasal sa babaeng itinakda sa akin ni lolo. Malalim akong bumuntong-hininga.
“What’s that for? Why are you thinking so deep? May problema ba?” sunud-sunod na tanong niya.
“I think I need to go, Andrei.” Hindi ako mapakali na tila gusto ng kumilos ng kusa ng dalawa kong paa. “Magkita na lang tayo bukas.”
“Vince, iniisip mo ba siya? I mean, your soon to be wife. K-kasi…ako mandin ay iyon ang laman ng isip ko.” Kinuha nito ang bote saka tumungga ng laman.
Sa narinig ko ay muli akong napaupo. “What are you talking about, Andrei? Pinagnanasaan mo ang babaeng mapapangasawa ko?” Umakyat yata ng dugo ko sa ulo. Ramdam ko ang pagngangalit ng panga ko. Kung may bagay man na pinaka-ayoko sa lahat, ‘yon ang kinukuha sa akin ang mga bagay na pag-aari ko!
“How could you say that? Hindi ka ba nakikinig sa mga sinasabi ko sa iyo kanina? I saw this young girl in a bar and I think I already fall in love with her,” biglang humina ang boses niya. “I think I want to marry her,”
“What?! Lasing ka na ba, neat freak? Kung anu-ano na ang sinasabi mo, e.”
Malakas itong humalakhak. “What? Are you mad? You think I’m going to snatch your soon to be wife from you?” Tumabi siya sa akin. “I’m in love, Vince. I’m being honest.”
“You’re drunk, Andrei and I’m being honest too.” Luminga ako sa paligid. “Nasaan ang EA mo? Naka-leave?” tukoy ko sa executive assistant na madalas nitong kasama.
“Yeah, until tomorrow. Bakit mo ba hinahanap?”
“Sino maghahatid sa iyo? Don’t tell me, sasabay ka sa akin?” My phone vibrated kaya kinuha ko iyon. May mensahe mula kay Marcus.
Marcus : May chick sa baba nagtatrabaho sa TAC, baka kilala mo. She’s all alone there. Men eyeing on her.
Ako : What is it for me?
“Vince, sino ‘yan ha?” pang-aagaw ng pansin ni Andrei.
“Marcus,” tipid kong sagot. “I think I should go. Where’s your phone?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Kinapa ko ang bulsa ng suot niyang pantalon saka kinuha iyon. Mabuti na lang at walang password. Andrei’s wasted. Hindi siya maaaring umuwi mag-isa. Mabilis kong hinanap sa contacts niya ang numero ni Lucas saka tinawagan.
“Hello, Sir? May kailangan po ba kayo?” tanong nito na tila inaasahan na ang kanyang pagtwag.
“Hi, Lucas. It’s Vince. Sorry to call you this late but Andrei’s drunk. Can you pick him up? Hindi ko na siya maisasabay pauwi. Nasa Mi Amor Bar siya ngayon. Thank you.” Pinutol ko na ang linya. Kahit na naka-leave si Lucas ay agad na dumarating ito sa oras na kailanganin ni Andrei. His friend can work alone subalit sa rami ng pinagkakaabalahan nito ay kinailangan na ng isang tulad ni Lucas na itinadhanang maging loyal sa amo.
“Lucas is coming. I have to go.” Tinapik ko siya sa balikat saka tumayo na ako. Hindi na niya ako pinigilan pa at tumango na lang. He knew me well. Tinawag ko ang isa sa staff ng bar at saglit kong kinausap. Pagkatapos niyon ay tinungo ko na ang elevator.
The Mi Amor Bar is actually mine. Dito kami madalas na nag-iinom ng mga kaibigan ko. May dalawang palapag ito. The first floor is for the customers while the 2nd floor is exclusive only for me and for my friends. Walang iba ang maaaring umukopa ng pangalawang palapag kung hindi kami lang.
Nabuo ang bar dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ko: Lionel, Marcus, Zane, Andrei at Brent. May mga negosyo kaming mina-manage at pare-pareho kaming natututo at nagtutulungan sa lahat ng bagay. But starting tomorrow, magbabago na ang buhay ko.
Tumunog na ang elevator hudyat na ng paglabas ko. Malikot ang mga mata kong hinanap ang tinutukoy ni Marcus na nagtatrabaho sa TAC. Babae raw, ayon sa kaibigan kong hindi naman babaero pero may kakaibang karisma sa babae. Alam kong may tinatangi na ito kaya hindi na tumitingin pa sa ibang babae. Hinihintay na lang yata gumradweyt.
Isang babae lang ang natanaw ko na nasa front bar. Nag-iisang babae to be exact dahil puro kalalakihan na ang nasa paligid. Kausap nito si Timothy na isa sa bartender saka nilingon ang mga lalaking hayok na hayok itong titigan. Kulang na lang ay sakmalin na parang mga gutom na lobo. Nang kumaway ito ay tuluyan ng naputol ang pisi ng pasensiya ng mga lalaki saka sabay-sabay na umahon sa kani-kanilang kinauupuan. Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kinaroroonan ng babae. She looked familiar to me at nang mapagmasdan ko siya ay doon ko napagtanto na siya ang nakita ko sa rooftop kanina. Mayamaya pa ay bigla itong tumayo kasabay ng pagbukas ng dalang bag at may kinukuha na kung ano. Sinapo nito ang ulo na tila nahihilo. Dali-dali akong kumilos upang alalayan siya. She’s drunk. Tama nga ang sinabi ni Marcus at kung nahuli pa ako ng ilang segundo ay baka ano pa ang nangyari.
Maagap ko siyang iniwas sa mga lalaking hindi pa rin nagbabago ang tingin sa kanya. Binilinan ko si Timothy at nang paalis na kami ng bar ay saka naman nawalan ng malay ang babae. s**t!