“YOU may now kiss your wife,” ani ng nagkasal sa amin. Kasabay ng pagsigaw ng mga kaibigan ni Vince ang pagpalakpak ng pamilya naming naging saksi ng pag-iisang dibdib naming dalawa. May kakaibang kiliti ang ang humaplos sa puso ko. Our wedding was so private at malaking bagay na sa akin na tumupad sila sa kanilang pangako. Pakiramdam ko, binigyan nila ako ng malaking pagpapahalaga at pagmamahal. Nang iangat ni Vince ang belo ko ay saka ko pa lamang natitigan ang gwapo niyang mukha na… mamasa-masa ang mga mata. He smiled at me while staring intently. Napalis ang ngiti ko. May kakaibang dagundong sa puso ko. Humakbang siya upang ilapit pa ang mukha sa akin. Hindi ko naman maiwasang kabahan. Ramdam kong may pagkakaiba sa kanya subalit hindi ko mawari. “Paano ba ‘yan, kasal na tayo?” ka