NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim nang dumating kami sa isla. Hindi ko namalayan na nakalapag na pala ang chopper na sinakyan namin dahil nakatulog ako. Ang huling naalala ko ay hinalikan ako ni Vince at pagkatapos niyon ay nagising na lang ulit ako sa mabibini niyang halik. Inalalayan niya akong bumaba ng chopper saka niya saglit na kinausap ang piloto at nagpaalam. Puno ng liwanag ang paligid kaya hindi alintana ang papadilim na langit. Welcome, Isla Paraiso. Iyon ang una kong nabasa na bumungad sa akin. May isang malaking bahay ang nakatayo roon na napapalibutan ng iba’t ibang kulay ng ilaw. Nang humangin ng malakas ay nasa tabi ko na si Vince. Nakita kong kumaway siya sa piloto at sumaludo nama ito sa kanya pati na rin sa akin. Inakbayan naman ako ni Vince saka tinuro sa akin ang mal