HE gently kissed me. Pwede palang mangyari iyon? ‘Tipong tinrato niya akong parang isang babasaging bagay na kapag hindi siya nag-ingat ay bigla na lang ako mababasag at magkakapira-piraso. Ipinikit ko ang mga mata ko kaya damang-dama ko ang malambot niyang labi na marahang gumagalaw sa labi ko. I automatically reached for his neck. Bahagya pa siyang gumalaw upang hindi ako mahirapan na abutin siya. Ramdam kong napangiti siya kaya bigla akong nagmulat upang masilayan ko ang mga mata niyang walang kasing kinang na parang gintong nasinagan ng araw. “What?” tanong niya. “Anak ka ba ng araw? You’re shining like a star.” I bit my lip. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na sabihin iyon. I’m just telling the truth of how I see him now. He’s glowing. Mahina siyang natawa. “Iyan ba an