HALOS hindi ako makakilos ng maayos dahil sa katatapos lang naming magniig ni Vince. Hihirit pa sana siya ng isang round ngunit may biglang kumatok sa pinto ng silid namin. Si Manang. Ipinapatawag daw kami ni Lolo Winderson kaya dli-dali naming inayos ang mga sarili namin. Tinulungan pa ako ni Vince na suotin ang palda ko. Pagktapos ay sinuklay niya ang buhok ko. Bago kami lumabas ng silid ay isang marubdob na halik pa ang pinagsaluhan naming dalawa. Magkhawak-kamay kaming bumaba ng hagdan. Nasa dining ang lahat at pawang hinihintay kami. Nang makitang papalapit na kami ay bigla na lang sila nagpalakpakan. Tumayo si Lolo Winderson nang makaupo na kaming mag-asawa. “Mabuti naman at narito na kayo, mga apo,” May hawak pa itong mikropono. “Akala namin ay tutulugan ninyo na lang kami.” Nagk