Niligpit ni Suzzaine ang mga gamit niya. Naisip niyang kailangan niyang i-prepare ang lahat bago siya manganak. Isa-isa niyang inilagay sa maleta ang mga gamit ng baby niya. Lahat ng mga damit nito mula sa medyas hanggang sa gloves ay may nakaburdang pangalang Loraine. Ibababa niya na ang mga bags nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa nun si Arlene. ‘Naku, Suzzaine ako na niyan.’ Inagaw nito ang bag na hawak ng kaibigan. Pinaupo niya si Suzzaine. ‘Ano ka ba, buwanan mo na ngayon hindi ka dapat nagbubuhat ng ganito.’ ‘Kaya ko naman.’ Hinimas nito ang malaking tiyan. ‘Excited na akong mahawakan siya. Ikaw, Arlene, hindi mo ba gustong makita ang anak mo? Tutulungan ka namin.’ Umiling siya. ‘Mahahanap ko rin ang anak ko, Suzzaine. Sa ngayon aayusin ko na muna ang buhay ko. Sak