CHAPTER 2

1014 Words
DENIZ P.O.V Napahakhak ako nang makita ko ang balita kinaumagahan. Halos mabaliw ako sa kakatawa habang tinitingnan ang mga headline sa social media at news. Nasa condo ako ngayon, nagkakape sa may veranda pagkatapos kong umalis sa mansion ng mga Abelardo kagabi. Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Annabelle sa mga balita. Kitang-kita ko kung paano pinag-uusapan ng mga tao ang pagtataksil nilang dalawa ni Oliver. Parang isang pelikula na ako mismo ang director, at sila ang mga bida sa isang trahedyang wala silang kawala. Napatingin ako sa screen ng phone ko, nag-scroll ako sa mga comments ng mga tao. Nakakatawang basahin kung paano nila pinupulbos ang reputasyon ni Annabelle. I know she's losing it right now. Wala na siyang kawala, and this time, I'm going to play as the victim. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong napanood ang video na nag-viral. Yung video na kung saan walang habas kong binastos si Annabelle sa harap ng maraming tao. It's all over the internet, and people are taking sides, but the majority, they're on my side. Sino ba naman ang hindi maaawa sa isang misis na niloko at pinagtaksilan? Pilit kong pinipigilan ang tawa ko, pero hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Alam kong maaapektuhan ang career ni Annabelle. Isa siyang public figure, pero ngayon, tingnan mo siya—siya na ang bagong target ng galit ng publiko. And I couldn’t care less. Mas masarap pa nga ito kaysa sa anumang revenge na naisip ko noon. "Look at this," sabi ko sa sarili ko habang binabasa ang isang comment na nagsasabing, "Annabelle, how could you? Such a disgrace!" Naramdaman ko ang muling pamumuo ng tawa sa aking lalamunan. Ang dami-daming nagagalit sa kanya. Ang mga taong minsang humahanga kay Annabelle, ngayon, lahat sila ay galit na galit sa kanya. Her perfect image is crumbling, and I love every second of it. Ininom ko ang kape ko habang iniisip kung ano pa ang susunod kong hakbang. Ngayon na nakita na ng buong mundo kung sino talaga si Annabelle, it's time for me to play the victim even more. Let’s see how far she can go now. Ilang project pa kaya ang makukuha niya after this? Ilang endorsement ang mawawala sa kanya dahil dito? Naiisip ko pa lang ang pagkawasak ng kanyang career, parang gusto ko nang mag-celebrate. Napatingin ako sa labas ng bintana ng condo. Ang taas ng araw, pero parang lalo pang nagiging maliwanag ang umaga ko dahil sa mga nangyayari. This is just the beginning. Kung tutuusin, mas masarap pa ang umaga na 'to kaysa sa kahit anong bagay na natikman ko sa buhay ko. This victory tastes sweeter than any coffee I’ve ever had. Ang nakakatuwa pa, si Oliver, wala ni isang salita. He's probably freaking out right now, trying to do damage control, but it's too late. Sira na ang imahe nila, at ako ang may hawak ng alas. Naiisip ko kung ano kaya ang ginagawa ni Oliver ngayon. Alam kong nagwawala 'yon, nagagalit, nagmamakaawa siguro kay Annabelle na ayusin ang lahat, pero sorry, hindi na ito maaayos. Bumalik ako sa pag-scroll sa phone ko, binasa ko ulit ang mga balita. Ang mga titulo ng balita, nakakaloko: "The Wife Strikes Back!", "Annabelle and Oliver Caught Cheating!" Lahat ng ito, parang music sa tenga ko. Pero hindi lang ito basta kasiyahan para sa akin. This is justice. Ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa nila sa akin. Sa bawat gabi na umiiyak ako dahil sa sakit ng pagtataksil nila, sa bawat araw na nararamdaman kong unti-unti akong nauupos dahil sa mga kasinungalingan ni Oliver, lahat ng iyon ay bayad na ngayon. Bigla akong napangiti. Masarap ang kape ko, pero mas masarap ang pagkapanalo ko. "Now, let’s see what you’re going to do next, Annabelle," bulong ko sa sarili ko habang iniisip kung ano pa ang mga susunod kong plano. Walang hiya, wala na silang kawala. Ang buong mundo, alam na kung anong klaseng tao ang idolo nila. At ngayon, habang unti-unti silang pinupulbos ng media at social networks, nakaupo lang ako dito, watching them burn. Alam kong nag-iisip na si Annabelle ng kung ano-anong paraan para mailigtas ang sarili niya, pero sorry, sweetheart, you dug your own grave. Ang masakit pa doon, hindi lang si Annabelle ang bumabagsak, kundi pati si Oliver. And that thought alone makes me laugh even more. Pareho na silang wasak, at ako ang dahilan. Binalikan ko ang mga mensahe sa phone ko. Maraming nag-message sa akin, mga kaibigan, mga taong dati kong nakasama sa iba't ibang events, mga taong kinakausap ko lang sa oras ng kailangan. Lahat sila, nagpapaabot ng simpatya. Yung iba, natutuwa sa ginawa ko, yung iba naman, gustong makibalita. Isa-isa kong binasa ang mga mensahe nila, at sa bawat mensahe na natatanggap ko, lalo kong nararamdaman ang saya. "Deniz, you did the right thing!" "We’re proud of you!" "Finally, someone stood up against that b***h!" Walang katumbas ang saya na dulot ng mga ito sa akin. Parang ang buong mundo, kasama ko sa laban na ito. And for once, I don't feel alone. For once, I feel like I’m the hero of my own story. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang horizon mula sa aking kinauupuan. Ang daming pwedeng mangyari mula ngayon, pero isa lang ang sigurado: I'm not done yet. Hindi pa tapos ang laban na ito. Kung sa tingin nila na sapat na ang nangyari para magtapos na ang lahat, nagkakamali sila. I still have more to give, and I’m just getting started. Hinawakan ko ang tasa ng kape at dahan-dahang ininom ang natitira pang laman nito. This is just the beginning of their end. Sa bawat araw na dadaan, sa bawat pag-usad ng oras, lalong magiging mahirap para sa kanilang dalawa ang bumangon. At ako? I’ll be watching, enjoying every moment of their downfall. Ngayon, oras na para isapubliko ang susunod kong hakbang. Kaya kong pasikatin ang pangalan ko bilang ang babaeng lumaban, ang babaeng hindi pumayag na apak-apakan. And you know what? I’m going to enjoy every single second of it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD