04 - Days with Him
If there’s one thing I discovered while being with Thadeus, that’s the fact that he’s indeed an awful, self-centered person. Tatlong araw pa lang akong nagtatrabaho sa kanya pero nakita ko na agad kung paano niya tratuhin ang mga empleyado niya. Kung akala ko’y masungit na siya ng mga nagdaang araw ay mas isusungit pa pala siya.
Halos lahat ng mga empleyadong nakita kong pumasok sa opisina niya ay kung hindi nag-aalangan, ay namumutla. May iba pa ngang nakikisuyo na lang na kung pwede ay iabot na lang namin kay Thadeus ang mga dokumentong dala nila.
Walang empleyadong takot sa mabait na boss. Their reactions say it all—Thadeus is an awful boss, a tyrant one. Wala siyang pakialam sa mga empleyado niya. The only reason I saw why most of his employees are still working under his company is the benefits they will get. And maybe because they have been working here right before he took over.
“Lorraine…”
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses niya sa intercom. Nasa labas ako ng opisina niya. May sariling desk na ako at sa gilid mismo ng desk ko ay naroon ang speaker.
“I sent you my schedule for this week. Fix them. Make sure walang overlapping na mangyayari,” aniya. “Send it before 12:00 PM,” dugtong niya at nawala na ang boses niya.
Agad akong napatingin sa orasan, at namilog na lang ang mga mata ko nang makitang mag-a-alas onse na. Dali-dali kong binuksan ang desktop at tiningnan ang file na ipinasa niya. At napamura na lang ako nang makita kung gaano ito kagulo.
Ako na kasi ang naatasang mag-ayos ng personal schedule niya. Tingin ko nga’y hindi secretary ang trabaho ko kundi personal assistant or in short alalay. I have never been tasked with a corporate tasks. Lahat ng mga trabahong inasikaso ko so far, bukod sa paghahanap sa ‘anak’ niya, ay personal tasks lang.
Wala naman akong complain doon dahil sumasahod naman ako. Ang akin lang, palagi ko siyang nakakasama. Palagi kong naririnig ang boses niya. Nakakarindi. Nakakainis. Nakakaubos ng pasensya. Hindi ko nga alam kung tatagal ba ako sa lagay na ‘to.
But I have to.
Kahit makaipon man lang ako nang sapat na pera para hindi kami magutom habang naghahanap ako ng ibang trabaho.
I have to endure this draining and patient-testing work for at least six months. Diyos ko po. Sana kayanin ko. Sana hindi masagad ang pasensya ko. Pero para sa anak ko ay gagawin ko ang makakaya ko para tiisin ang walanghiya niyang ama. I will never let Thadeus take my son away from me. I will never let him use my son for his personal gain.
Nang matapos ko ang pinapagawa niya ay agad ko itong s-in-end pabalik sa kanya. Five minutes na lang at mag-a-alas dose na. Grabe, dito ko talaga napapatunayang kaya ko pala ang mga bagay na hindi ko inaakalang makakaya ko.
“Get ready in ten minutes. We’ll leave,” rinig kong sabi niya mula sa intercom.
Hindi na ako nagtanong pa kung bakit, basta naghanda na lang ako dahil alam kong ang ten minutes sa kanya ay ten minutes talaga. Walang labis, walang kulang.
Naglagay lang ako ng powder at lipstick para kahit papaano ay hindi halatang stressed ako. Inihanda ko na rin ang notepad at iPad na in-issue sa akin ng kompanya para sa paggawa ng minutes.
At saktong-saktong pagbukas niya ng pinto ay tapos na ako sa ginagawa ko at naghihintay na lang sa kanya.
Naglakad siya at nilagpasan ako. Napatitig lang ako sa likod niya. Mga ilang hakbang mula sa akin ay tumigil siya at lumingon, “Bakit nakatayo ka lang diyan?“
“P-Po?” nalilitong tanong ko. “A-Ano po pala dapat?”
“Didn’t I say na aalis tayo?” matigas niyang tugon. “Follow me, stúpid! Mas matalino pa sa ‘yo ang aso dahil kusang sumusunod.”
Napaawang na lang ang bibig ko kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa iPad at notepad ko. Eh kung ihampas ko kaya sa mukha niya ‘to at nang maramdaman niya ang hampas ng isang stupidang kagaya ko?
“Sorry, sir,” mahinang sabi ko at sumunod na lang sa kanya.
Masama lang siyang tumingin sa akin bago umiling. “What’s for my schedule today?”
“W-Wait, sir. Check k—“
“Ngayon mo pa lang iche-check?” putol niya sa sinasabi ko. Bakas sa tono ng boses niya ang pagkadismaya. “Are you really doing your job?”
Naikuyom ko ang kamay ko bago marahang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. “Sorry, sir. Hindi na po mauulit.”
“Dapat lang. Don’t make me think that this company is wasting money on incompetent employees like you,” tugon niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ihampas ko kaya ‘tong iPad sa batok niya?
Bwisit. Ang sarap batukan!
Huminga na lang ako nang malalim at tahimik na sumunod sa kanya. Kung pwede lang talaga sakalin ‘tong lalaking ‘to ay matagal ko nang ginawa.
Nang makapasok kami ng elevator ay agad akong pumunta sa likuran niya at tiningnan ang schedule niya. Mahirap na baka magtanong siya muli at wala akong maisagot. Ano ba kasing ini-expect niya? Kanina niya lang ibinigay sa akin ang shedule niya tapos inaasahan niyang memoryado ko na agad lahat?
“Call the restaurant and confirm the reservation,” biglang sambit niya.
“Okay, sir,” kaswal kong tugon sa kanya at tiningnan ang details sa iPad ko. Nang makita ang numero ng restaurant ay agad ko na itong tinawagan. Nasa kanya lang ang tingin ko habang kinakausap ko ang staff ng restaurant. Pansin ko kasing nakatingin siya sa akin mula sa repleksyon ng metallic door ng elevator.
Saktong pagkatapos ng tawag ay tumunog na ang elevator at lumabas na kaming dalawa. Pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ay pansin ko na agad ang pagkaalarma ng mga empleyado sa paligid. Kita ko ang iba na nagkunwaring may ginagawa habang ang iba naman ay umalis talaga para lumayo sa impaktong kasama ko.
Dire-diretso lang ang paglalakad niya hanggang sa makapunta kami sa parking lot. Akala ko nga’y may driver siyang naghihintay sa kanya pero nabigla ako nang makitang wala pala. It means siya ang magmamaneho, alangan namang ako? E ‘di diretso langit ang biyahe namin.
Pumasok na siya sa driver’s seat. Ako naman ay pumunta sa backseat dahil ayoko siyang makatabi, pero uupo pa lang sana ako nang magsalita siya, “The heck are you doing?”
“Uupo po?” alanganing tugon ko at kita ko kung paano tumalim ang tingin niya sa akin.
“At the back seat? So, you wanna make me look like your fúcking driver?” malutong niyang sabi. “Labas. Sit here beside me,” dagdag niya at binuhay ang makina ng sasakyan. Kaylakas ng tunog nito na para bang haharurot anumang oras.
“O-Okay po,” nagmamadaling sabi ko at agad na lumipat sa passenger’s seat. Nang makaupo na ako ay agad akong nag-seatbelt bilang depensa kung sakaling humarurot ang sasakyan. Pero bigla akong nailang nang maipit nang husto ang gitna ng mga dibdib. Lumusot ang seatbelt sa gitna kaya bakat na bakat ang malusog kong dibdib.
Nang tingnan ko si Thadeus ay nahuli ko siyang nakatitig doon mismo kaya hindi ko mapigilang mamula. Agad kong inayos ang posisyon ko at humarap nang bahagya pagilid para itago ang harapan ko mula sa kanya.
“Are you trying to seduce me, Ms. Buenaventura?” diretsong tanong niya sa akin.
Mabilis akong tumingin sa kanya habang namimilog ang bibig at nakataas ang dalawang kilay. “Sir? No. Never!” bulalas ko. Pero huli na nang mapagtanto ko ang tonong ginamit ko. “I mean...Hindi po, sir. I...”
“That was offensive,” malamig niyang sabi. “It seems like you’re awfully disgusted to me,” dagdag niya bago iginalaw ang manibela. “But it’s fine. It’s good. Because I don’t want you to end up falling in love with me. Wala kang pag-asa.”
Umawang ang bibig ko sa narinig. Napakapit na lang ako sa seatbelt dahil sa lakas ng hangin niya. At ewan ko ba, sa lahat ng mga masasamang sinabi niya sa akin ay doon ako nainsulto talaga. He made me feel like I am an easy girl; na kagaya ako ng ibang kababaihan na nahuhumaling sa kanya. Siguro kapag tulog siya, oo.
“Don’t worry, sir, hindi ‘yon mangyayari,” tugon ko sa kanya. “You’re not my type,” banat ko. Akala niya, ha.
Kita ko ang pagkislot ng kilay niya. “Really, huh.”
“Yes.”
“Good.” Pinaandar na niya nang tuluyan ang sasakyan.
At habang bumabiyahe kami ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko ay si Jen pala, pero agad ko itong pinatay dahil baka magalit pa si Thadeus. Ngunit nag-ring na naman ito.
“Just pick it up, will you?” masungit niyang turan.
“Okay po. Excuse me,” mahinang sagot ko bago sinagot ang cellphone. “Hello?’
“Sis, mabuti naman at sumagot ka na!” bungad niya sa akin. “Si Eros!”
“H-Ha? Bakit?” Biglang kumabog ang dibdib ko at napalakas ang boses ko kaya napatingin ako kay Thadeus. Mabuti na lang at mukhang abala siya sa pagtingin sa daan. “Anong nangyari kay Eros?”
“Inaapoy ng lagnat,” nag-aalalang sabi niya.
“Sis, makikisuyo na lang ako na painumin mo na muna siya ng gamot, oh.”
“Nako, kanina ko pa pinainom pero hindi pa rin humuhupa. Dalhin ko na lang kaya sa ospital?”
“Paano ang shop mo?” mahinang sabi ko. “Huwag na, sis. Ako na lang magdadala sa kanya mamaya sa ospital pagkatapos ng duty ko. Painumin mo na lang siya ulit ng gamot, please? Baka humupa na rin ‘yan maya-maya.”
“Hindi ka ba pwedeng umuwi?”
“Hindi, eh. Ilang oras na lang din naman,” tugon ko. “Paki-asikaso na muna kay Eros, sis, ha? Babawi lang ako sa ‘yo promise.”
“O sige. Basta, umuwi ka agad. Update lang kita.”
“Oo, sis. Salamat.” Ibinaba ko na ang tawag at nakagat ko na lang ang labi ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto kong ipahinto ngayon din ang sasakyan at puntahan ang anak ko. Pero hindi pwede. May trabaho ako.
“Who was that?” biglang tanong ni Thadeus sa akin.
“Kaibigan ko po, sir. Tumawag lang para i-update ako sa anak ko,” wala sa sariling sagot ko dahil lumilipad ang isip ko.
“Anak?” aniya.
Natigilan ako. Agad akong napatingin sa kanya at napamura na lang sa isipan ko. “Anak? May sinabi po ba akong anak?”
“Eros. Is that his name?”
Hindi ako agad nakasagot. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. “P-Paano n’yo po nalaman?” tanong ko.
“You said it, stupid,” masungit niyang sabi.
“Ahh...” nasabi ko na lang at hilaw na ngumiti sa kanya.
Umismid lang siya sa akin at hindi na nagsalita pa.
Nakahinga ako nang maluwag at napasandal na lang sa upuan. Kailangan kong maging maingat. Baka ako lang mismo ang magpahamak sa sarili ko. Baka sariling bibig ko rin ang maging dahilan para mawala sa piling ko ang pinakamamahal kong anak.