03 - To Fool the Wise
Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad ako sa kalye papasok sa kung nasaan ang bake shop ni Jen. Liban sa pagod ay kaybigat din ng pakiramdam ko lalo na sa nalaman ko. Hindi ko mapigilang manlumo. Gusto kong umiyak, pero walang luhang naiipon sa mga mata ko. I feel utterly disappointed and disgusted by the fact that Thadeus sees me and our son as nothing but tools he can use to get what he wants.
Kung ayaw niya sa akin, matatanggap ko pa ‘yon. Kaya ko pang intindihin ‘yon dahil in the first place, wala namang kahit na anong namagitan sa aming dalawa. What happened between us was nothing but a paid sèx. Ang hindi ko lang kayang sikmurain ay kung paano niya iparamdam sa akin na wala siyang kahit na anong amor sa anak naming dalawa. Eros is his blood and flesh for God’s sake!
Iniisip ko pa lang kung paano niya tatratuhin ang anak namin sa oras na makuha niya ito sa akin ay winawasak na ang puso ko. Sobrang sakit na sa pakiramdam. I don’t even want to imagine it anymore.
Napabuga na lang ako ng hangin sabay iling. Makailang beses akong huminga nang malalim para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ayokong umuwi na bagsak ang mood ko. Ayokong maisip nila na hindi ako masaya sa trabaho ko kahit ‘yon naman talaga ang totoo. Hindi lang kasi ako ang nananalangin na makakuha ako ng permanenteng trabaho, pati na rin si Jen at lalong-lalo na ang anak ko.
Pilit akong ngumiti bago ako tumuloy sa paglalakad. At nang makarating ako sa cake shop ni Jen ay bahagya nang nakababa ang roll up, kaya sumilip ako para tingnan kung nandoon pa ba sila.
“Congratulations!” Nagulat ko sa malakas na pagsigaw ni Jen kasunod ng pagputok ng party popper.
Mabilis niyang itinaas ang roll up at hinila ako papasok. “Congratulations, Ulan!”
Maya-maya pa ay lumabas ang anak ko dala ang isang bento cake. “Congrats, mama!” nakangiting bati niya. “Tita and I baked this.”
Nakagat ko ang labi ko bago ako lumuhod para kahit papaano ay magpantay ang mukha namin. “Thank you, baby,” nakangiting sabi ko bago tinanggap ang cake saka siya hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ay bumaling ako kay Jen, “Thank you rin, sis.”
“Always welcome, sis!”
Tumango lang ako bago tumayo. I tried my best to keep my smile, pero sa tuwing napapatingin ako sa anak ko ay bumibigat lang ang pakiramdam ko at tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inilapag ko ang cake sabay yakap sa anak ko. Niyakap ko siya nang mahigpit kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
There’s no way I’m letting that àsshole know about us. There’s no way I’m gonna let him take away my son. Hinding-hindi ko siya hahayaang gamitin lang ang anak ko para makuha ang putànginang kayamanan niya.
“L-Labas tayo?” alok ko sa kanila at pilit na ngumiti kahit na patuloy na umaagos ang luha ko. “Saan n’yo gustong kumain?”
“Sis, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Jen sa akin.
“Oo naman,” mabilis kong tugon at pekeng ngumisi. “Sobrang saya ko lang talaga, sis, kasi dininig na ang panalangin ko na magkaroon ng stable na trabaho.”
“Kami rin ni Eros, sobrang saya namin para sa ‘yo, kasi ‘di mo na kailangang pagsabayin ang napakaraming part-time jobs at magpuyat araw-araw,” aniya at mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako. Lumapit din sa amin si Eros at nagyakapan kaming tatlo.
“Let’s go? Nagugutom na rin kasi ako,” sabi ko nang kumalas kami sa yakap. Kinuha ko ang cake. “Mag-celebrate tayo sa magandang restaurant ngayong gabi.”
——
“So, ano ba talagang nangyari?” tanong sa akin ni Jen habang binabagtas namin ang kalye pabalik sa amin.
“Ano?” pagmaang-maangan ko. Karga-karga ko si Eros na nakatulog na sa pagod dahil natagalan kaming umuwi. Namasyal pa kasi kami.
“Alam kong may nangyari, Ulan. ‘Yong iyak mo kanina, alam kong ‘di ‘yon dahil sa tuwa,” diretsong sabi niya sa akin bago siya tumigil sa paglalakad. “Ilang taon na tayong magkaibigan, kaya kilalang-kilala na kita.”
Nakagat ko ang labi ko. Bumigat na naman ang pakiramdam ko at nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. “I…I met him again, Jen.”
“Met who?”
May kung anong bumara sa lalamunan ko nang babanggitin ko na sana ang pangalan niya. Lumunok ako at huminga nang malalim. “A-Ang ama ni Eros.”
“H-Ha?!” bulalas niya. “Paano?”
“He’s my boss,” mabilis kong sagot. “Hindi ko aakalaing sa ganoong paraan kami pagtatagpuing muli. And you know what’s worse? Hindi niya ako nakikilala.”
“Wait…” Itinapat niya ang dalawang kamay sa akin. “So, boss mo ang ama ng anak mo? Isn’t that great? E ‘di pwede mo nang sabihin sabihin sa kanya ang totoo! Pwede mo siyang hingan ng sustento sa anak mo,” tugon niya na agad kong inilingan.
“Hindi. Hinding-hindi ko ‘yon gagawin. Hindi,” mariing sabi ko at umiling sa kanya. “That’s the last thing I’d do, Jen. Kaya kong buhayin ang anak ko nang ako lang.”
“Pero mas gaganda ang buhay ng anak mo kapag may suporta sa papa niya,” giit niya.
“Wala siyang pakialam sa anak niya,” matigas kong sabi. Ramdam ko ang muling pagkabuhay ng galit at inis sa sistema ko.
“Paano mo naman nasabi, sis?”
“Dahil narinig ko mismo sa bibig niya,” tugon ko bago huminga nang malalim. Naiiyak na naman ako dahil sa sama ng loob. Ikinuwento ko sa kanya ang naging usapan namin ni Thadeus, pati na ang trabahong pinapagawa niya sa akin.
“Ano? Pinapahanap niya sa ‘yo ang sarili mo?” kunot-noong tanong niya.
“Ang anak ko lang,” paglilinaw ko. “Kailangan niya ang anak ko dahil ‘yon lang ang tanging paraan para makuha niya ang mana niya. Pero hindi ko ‘yon hahayaang mangyari.”
“Pero sinabi mo ‘di ba na matatanggal ka sa trabaho?”
“Oo. Pero sisiguraduhin kong hindi ‘yon mangyayari. I’ll make sure to keep my job and keep our secret,” determinadong sabi ko sa kanya.
“Paano mo ‘yon gagawin, sis?”
“Akong bahala,” paninigurado ko sa kanya. “Paglalaruan ko siya. I’ll give him leads, pero sisiguraduhin kong hindi niya malalaman na ang hinahanap niyang babae ay kausap na niya mismo.”
Tumingin siya sa akin nang ilang segundo. “Delikado ‘yan, sis.“
“Susugal ako,” paninindigan ko. “Kailangan ko lang namang makalusot sa kanya, eh. Kailangan ko lang makapagtrabaho sa kanya nang kahit isang taon or at least six months para makapag-ipon ako, then maghahanap na ako ng ibang trabaho,” paliwanag ko sa kanya.
“Sige, kung ‘yan ang gusto mo, susuportahan kita,” aniya at marahang ngumiti sa akin. “Ako na muna ang bahala kay Eros. Focus ka muna sa trabaho mo.”
Napangiti ako sa sinabi niya. “Salamat, sis. Promise, babawi ako sa ‘yo.”
“Ano ka ba, kahit ‘wag na.”
Muli akong napangiti. Minalas man ako sa ibang aspeto ng buhay ko, swerte naman ako dahil nakatagpo ako ng mabuting kaibigan na masasandalan ko.
——
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda sa trabaho at asikasuhin ang anak ko.
Antok pa si Eros nang umalis kami ng bahay, pero hindi ito nagreklamo at sumama lang sa akin papunta sa cake shop ni Jen. Isa sa pinapasalamat ko ay hindi nagmana si Eros sa ugali ng ama. Nagbunga ang maayos na pagpapalaki ko sa kanya dahil kaybait na bata.
“Mama…” Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako. Tumitig sa akin ang inosente niyang mga mata.
Kung may namana man siya sa ama, iyon ang kulay abo nitong mga mata.
“I love you.”
Nabigla ako sa sinabi niya. Hinaplos ng mainit na sensasyon ang puso ko at naging emosyunal na naman ako.
“I love you, anak. Mahal na mahal ka rin ni Mama,” sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Mama will do everything for you.”
Ngumiti lang siya sa akin saka yumakap sa binti ko.
Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili kong maiyak. Hindi ko hahayaang basta-basta na lang kunin ni Thadeus ang anak ko. Magkakamatayan muna kami bago mangyari ‘yon!
Pagkatapos kong idaan si Eros kay Jen ay dumiretso na ako sa trabaho.
Pagkarating ko sa opisina ay akala ko ako ang mauunang dumating, pero nagulat na lang ako nang makita ko si Thadeus sa mesa niya at abala na sa pagtitipa sa laptop niya.
“Good morning, sir,” bati ko sa kanya.
“Have you made up your mind?“ tugon niya at hindi man lang bumati pabalik. “Kung hindi pa, then consider yourself fired,” walang emosyon niyang sabi at ‘di man lang ako tinapunan ng tingin.
Naikuyom ko ang kamay ko sa inis. “Y-Yes, sir, nakapagdesisyon na po ako,” tugon ko sa kanya at doon lang siya tumingin sa akin. “I’ll do it. I’ll find that woman.”
Tumango lang siya sa akin. “Good. Now, get out at busy ako,” aniya bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Napairap na lang ako sa kanya bago ako tumalikod at lumabas ng opisina niya.
Huminga ako nang malalim bago lumingon sa pinto ng opisina niya, “Simulan na natin ang laro, Thadeus.”