05 – Sides
Unang beses kong sumama kay Thadeus sa isang seryosong meeting. Doon talaga nasubukan ang kakayahan ko. I had to make sure I wrote down all the important matters discussed. Pero siyempre, nag-record din ako ng usapan nila para makasiguradong wala akong makakaligtaang detalye. Unang beses ko ring makitang seryoso si Thadeus—hindi siya galit at masungit, he’s just serious and professional. And I do admit, nakakabilib siya.
Ang talino ng dating niya. Kahit ako na nakikinig lang sa usapan ay napapatitig talaga sa kanya. He has this charm that will surely get your attention. There’s something captivating in the way he speaks, idagdag mo pa ang appeal ng hitsura niya. I wouldn’t lie—he’s one hell of a handsome man. Ibang-iba ang kagwapuhan niya. Considering all of his traits, hindi na ako magtataka kung bakit siya ang nakaupo sa pinakamataas na silya ng kompanya.
But his competence and looks will never mask his rotten character. Sana ay iniwan na lang niya sa bahay niya ang basura niyang ugali; na sana ay maging professional din siya pagdating sa mga empleyado niya. Sigurado akong mas gaganahan pa silang magtrabaho, pero hindi. Mabuti na lang at kahit papaano ay naco-compensate ng malaking sweldo ang ugali niya.
“Thank you for the time, Mr. Demetrioff. It was a perfect presentation,” komento ng ka-meeting niya at nakipagkamay sa kanya. “With this, alam kong matutuloy na ang partnership ng kompanya natin,” dagdag pa nito. “But for formalities, I’ll have this presentation approved by the board.”
“Thank you, Mr. Gonzales. I’m looking forward for the official announcement of our partnership,” tugon niya rito at ngumiti pa. Pero halata namang pilit ang ngiti niya dahil hindi ito umabot sa mga mata niya. “By the way, why don’t you join me for a lunch as part of our advanced celebration?” alok niya rito. “I made a reservation at a really good restaurant nearby.”
“I’ll gladly accept that.”
“Thank you,” aniya bago siya bumaling sa akin. “Lorraine, please notify the restaurant and reconfirm the reservation,” utos niya sa akin bago sila naunang lumabas.
Habang ako naman ay dali-daling niligpit ang mga ginamit niya sa presentation. Nang matapos ay sumunod na ako sa kanila habang tinatawagan ang restaurant.
“Sir, okay na po,” sabi ko sa kanya nang maabutan ko sila. “Reconfirmed na po ang reservation.”
“Okay,” tipid niyang tugon at hindi man lang ako nilingon. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makalabas ng building.
Mr. Gonzales went to his own car, at ako naman ay sumunod sa boss ko.
“Send the minutes to me before 12:00 MN, got it?” striktong sabi niya sa akin at dire-diretsong pumasok sa sasakyan niya.
Pumasok na rin ako at umupo sa passenger’s seat. Pagkaupo ko pa lang ay inasikaso ko na agad ang outline ng minutes para magawa ko ‘to nang maaga mamaya. Kailangang wala na akong dalahing trabaho sa bahay dahil aasikasuhin ko pa ang anak ko.
Nag-text si Jen na medyo okay na ang pakiramdam ng bata, pero nanghihina pa rin.
“Why do you keep on checking your phone?” puna ni Thadeus sa akin. Nang tingnan ko siya ay sinalubong ako ng matatalim niyang mga mata.
“Chini-check ko po ang anak ko, sir,” tapat na sagot ko. “Pinapabantayan ko lang po kasi siya sa kaibigan ko.”
“Can’t you hire a nanny?” kaswal niyang tanong na para bang kaydali lang ng sinasabi niya. “That way, things will a lot easier for you and your friend.”
“Hin—“
“Hindi mo ba naisip na baka nakakaabala ka na sa kaibigan mo? Do you even compensate them for the trouble you’ve caused?” putol niya sa sinasabi ko.
Naikuyom ko ang kamay ko. Ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo at pagbigat ng nararamdaman ko. “I-It’s not as easy as it sounds, sir,” may diin kong sabi habang pilit na kinokontrol ang emosyon ko.
Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sumbatan; that all these years, halos gumapang at mamalimos ako para lang mabuhay ang anak ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko mapalaki lang nang maayos ang anak namin, but I don’t have the courage to do that.
Takot ako na sa oras na malalan niyang ako ang babaeng hinahanap niya, ay kunin niya sa akin ang anak ko. That would be my death. Having my son taken away from me is worse than death. Mababaliw siguro ako kapag nangyari ‘yon. I’d probably lose the will to live, because all these years, I only survived life because of my son.
“A-After I receive my salary, sir,” kalmadong sagot ko sa kanya habang pasimpleng ikinukuyom ang kamay ko. “I…I plan to compensate my friend.”
“Salary, huh…” aniya at tumingin sa akin. “Better spend your money wisely. Wala pang kasiguraduhang tatagal ka sa kompanya ko,” paalala niya sa akin bago binuhay ang makina ng sasakyan. “But if you do good with your special task, then you might keep your job,” dagdag niya at pinaandar na ang sasakyan.
——
“Jen, nasaan si Eros?” agarang tanong ko nang makarating ako sa cake shop ng kaibigan ko.
“Nasa loob, sis. Kakatapos ko lang painumin ng gamot,” sagot niya at lumapit sa akin.
Bakas sa mukha niya ang pagod. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Thadeus sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagbigat ng pakiramdam ko.
Nakaka-guilty.
“Jen…” tawag ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Salamat, ha? Salamat talaga.”
“H-Ha? Saan?”
“Sa lahat,” bulong ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. “Huwag kang mag-alala, babawi talaga ako. Pangako ‘yan.”
“Ano ka ba…” Kumalas siya sa yakap at ngumiti sa akin. “Parang kapatid na kita, ‘no. At isa pa, ako ang number 1 witness sa paghihirap mo. And as your best of the best friend, ito ang paraan ko ng pagpapakita ko ng suporta sa ‘yo. Tsaka ano ka ba, hindi naman ako masyadong busy today.”
Ngumiti lang ako sa kanya at muling nagpasalamat. Pagkatapos ay pinuntahan ko na ang anak ko. Nang makita ko itong nananamlay ay parang dinurog ang puso ko sa awa. Kung pwede lang na ilipat ko sa akin ang nararamdaman niya.
“Eros, nakauwi na si mommy.” Pilit akong ngumiti sa kanya bago ko siya kinarga. Napangiwi pa ako dahil medyo masakit na ang likod ko sa pagod dahil sobrang busy kanina sa opisina, pero ininda ko ‘yon. “Uwi na tayo, ha? Magluluto si mommy ng special lugaw para sa ‘yo.”
“Really?” aniya at yumakap sa leeg ko.
“Yes po,” nakangiting sagot ko. “Para gumaling na ikaw at hindi na mag-worry si mommy at si Tita Jen.”
Tumango lang siya sa akin at isinubsob ang mukha sa aking balikat. Dinala ko na ang mga gamit niya at isinukbit sa isang braso ko habang sa isang braso ko naman ay ang mga gamit ko.
“Sis, uwi na kami, ha? Maraming salamat talaga sa pag-aalaga kay Eros,” paalam ko sa kaibigan ko na nagsisimula na ring magsara ng shop niya.
“Uuwi na kayo?” Napatingin ako nang may magsalita sa labas ng shop.
“Joseph!” bulalas naming dalawa ni Jen.
Agad na napabangon ang anak ko, “Tito Daddy…” nananamlay niyang sambit.
“Oh, anong nangyari sa baby boy namin?” tanong niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala bago siya lumapit at kinuha sa akin ang bata at siya na ang nagbuhat.
“Nilagnat,” tugon ko at pasimpleng inunat ang mga braso ko. “Pero medyo okay na ang pakiramdam niya,” dagdag ko. “Ikaw, bakit ngayon ka lang nagpakita? Isang linggo kang nawala, ah.”
“Kamuntik na kaming nagpa-blotter sa pulis, akala namin na-salvàge ka na,” pabirong sabat ni Jen.
“Umuwi ako saglit sa probinsya. Nag-leave kasi ako,” sagot niya. “Nga pala, may mga dala akong pasalubong sa inyo. Pero bukas ko na ibibigay.”
“Mag kalamay ba?” sabik na tanong ni Jen. “May tarsier?”
“Ewan ko sa ‘yo, Jen,” naiiling niyang tugon bago tumingin sa akin. “Alam kong hindi pa kayo naghahapunan. Tara, labas tayo? Libre ko.”
“Nako, ‘wag na, Joseph. Alam kong malaki ang nagastos mo sa pag-uwi mo sa Bohol,” tanggi ko.
“Huwag nang tumanggi sa grasya, sis,” ani Jen. “Tulungan mo na akong magsara ng shop ko at nang makaalis na tayo. Gutom na rin ako.”
Napabuga na lang ako ng hangin. Nahihiya na kasi ako kay Joseph, dahil liban kay Jen, isa rin siya sa mga naging sandalan ko noong mga panahong hindi ko na alam kung makakabangon pa ba ako. Kaklase namin siya ni Jen sa college, at kung may iba pa akong matalik na kaibigan bukod kay Jen, siya ‘yon. Kaya nga Tito Daddy ang tawag ni Eros sa kanya dahil siya ang father figure nito.
“Sis, hindi ka ba talaga nakakahalata?” makahulugang tanong ni Jen sa akin at ngumisi pa.
“Na ano?”
“Kay Joseph,” aniya at inginuso ang lalaki na kasalukuyang kakulitan ang anak ko. “Hindi mo ba siya bet?”
“Jen!” saway ko sa kanya at hindi napigilan ang pagkunot ng noo. “Ano ka ba?”
Ngumisi siya sa akin bago ako hinila palapit sa kanya. “Sis, kung ako sa ‘yo, jowain mo na si Joseph. Gwapo, mabait, at responsable. Isa pa, close na close na sa anak mo.”
Naiiling akong lumayo sa kanya. “Kaibigan ang turing ko kay Joseph, Jen, alam mo ‘yan. Sobrang thankful ako sa kanya just as how I am to you.”
“Nagbabakasakali lang naman, Ulan,” paliwanag niya. “Siyempre kailangan mo rin ng katuwang sa buhay.”
“Kaya ko, Jen. Kakayanin ko na ako lang at ang anak ko,” saad ko sa kanya at ngumiti. “Kaya tumigil ka na sa pagtulak kay Joseph sa akin. Nakakahiya; baka isipan niya na nami-misinterpret ko ang kabutihan niya.”
“Ay jusko, ewan ko sa ‘yo, Ulan. Ang talino mo, pero bobò ka rin minsan.”
Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Alam ko ‘yan. Aware ako,” segunda ko. Pero totoo naman. Bobò ako pagdating sa mga desisyon ko sa buhay. Pero kahit marami akong kabobòhang nagawa, pinanindigan ko ang mga ‘yon at natuto ako.
Nang matapos kaming magsara ng shop ay umalis na kami. Si Joseph ang kumarga kay Eros, habang tinulungan naman ako ni Jen sa pagdadala ng mga gamit namin ng anak ko.
“Kumusta naman so far ang trabaho mo, sis?” tanong ni Jen sa akin habang binabagtas namin ang daan palabas ng kalye namin kung nasaan ang mga karinderya.
“Ewan ko,” sagot ko sa kanya at huminga nang malalim. “Malaki ang sweldo, pero leon ang amo. Grabe, hindi ko alam kung matatagalan ko. Ang daming—“ Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil biglang nag-ring ang cellphone ko.
Pagtingin ko sa screen ay rumehistro ang pangalan ni Thadeus.
“Taranthadeus…” basa ni Jen. “Sino ‘yan?”
“Boss ko,” mahinang sagot ko bago siya sinenyasan na manahimik. “Yes po?”
“Lorraine…” Malalim ang boses niya at madiin. “Are you fúcking with me? You call this minutes of the meeting? You fúcking real?!”
Napangiwi ako sa pagtaas ng boses niya at nailayo ang cellphone.
“Sir, maayos naman p—“
“Redo it!” singhal niya sa kabilang linya. “Make sure to submit this before midnight!” dagdag niya at ibinaba na ang tawag.
Napapikit na lang ako kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak ko sa cellphone ko. Huminga ako nang malalim para kontrolin ang inis ko. I can’t let him ruin this night. Hindi ako pwedeng ma-badtrip ngayong gabi nang dahil lang sa kanya.
Pero bwisit talaga!
Inayos ko na nga ‘yon kanina bago ako umuwi, eh. Sinigurado kong tama at detalyado ang ipinasa kong file. Ano ba pang kulang doon? Baka gusto niyang lagyan ko pa ng designs?
Hinayúpak na amo!
Bagay talaga sa kanya ang pangalang Taranthadeus dahil isa siyang walanghiyang tarantadong bwisit na animal!