03 – Do It or Leave
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa muling pagtatagpo namin ni Thadeus. I couldn’t help but reminisce the day I found out I was pregnant. Halos gumuho ang mundo ko nang mga panahong ‘yon. Pakiramdam ko’y ayaw ng tadhana na makaramdam ako ng ginhawa. Mas pinabigat pa nito ang problema ko.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin nang mga panahong ‘yon. I even thought of abórting the child inside me, but I am not that heartless. Papatayin ako ng konsensya ko kapag ginawa ko ‘yon. So I decided to give birth to our child, to our son. The first few months were hell to me. Hindi ko alam kung paano ko itataguyod ang sarili ko; kung paano ko bubuhayin ang anak ko. I was just a fresh graduate that time. I didn’t even have the opportunity to look for a job. Mabuti na lang talaga at naroon si Jen. She was the one who stood by me and took care of me. She was and is the purest friend I ever had. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya kaya pangako ko talaga sa sarili ko na babawi ako sa kanya.
Hindi kagaya sa ama ng anak ko.
Well, I totally understand that I am also at fault for my unplanned pregnancy. I was naive. I got way too careless that night. I didn’t actually think I would get pregnant. Pero may responsibilidad din naman siya. He shot his load inside me. He probably knows I’d get pregnant by that, pero itinuloy pa rin siya. He could have at least provided support to our son, pero anong ginawa niya? He ghosted me. May pasabi-sabi pa siyang i-contact ko siya, pero nang gawin ko ay hindi na ulit nagparamdam at mukhang nag-iba pa ng numerong ginagamit!
“Done?” Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses niya. At nang tumingin ako sa direksyon niya ay sinalubong ako ng malamig niyang mga titig at magkatagpong kilay.
“A-Almost, sir,” sabi ko sa kanya at binilisan ang ginagawa ko.
“Ang bagal,” matigas niyang sabi bago naiiling na ibinalik ang atensyon sa laptop niya. “You’re supposed to help me do my work faster,” maktol niya bago ko narinig ang malulutong na tunog ng keyboard na malakas niyang pinipindot. “Anong kwenta ng gaya mong secretary kung hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo?!”
Napapitlag ako sa biglaang pagsigaw niya. He looked at me with his flaring eyes. “Stupida!”
Hindi ako nakapagsalita. My jaw dropped in disbelief. Did he just call me stúpid?
Naikuyom ko ang kamay ko bago ko piniling yumuko na lang at ituloy ang trabaho ko. “Tatapusin ko po ‘to in five minutes,” walang emosyon kong tugon sabay mariing kagat ng labi ko. Gusto ko siyang sugurin. Gusto ko siyang sampalin at singhalan. Pero alam kong ‘di ‘yon pwede. Sisirain ko lang ang buhay ko.
“Dapat lang,” pahabol niya pang sabi kaya mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.
Ayokong masesante sa unang araw pa lang ng trabaho ko kaya pinili ko na lang na kimkimin ang galit ko at inis ko. At nang matapos ko ang ginagawa ko ay agad ko na itong ibinigay sa kanya, “Heto na po, sir.”
“Okay. Now, get out,” madiin niyang sabi. “Pumasok ka lang dito kapag tinawag kita sa intercom.”
“Okay, sir,” mabilis kong sagot at walang pagdadalawang-isip na lumabas ng opisina niya dahil baka hindi na ako makapagpigil.
Sinamantala ko ang pagkakataon para tawagan si Jen at ipaalam sa kanya na hindi ako makakauwi. Nakailang calls pa ako bago siya sumagot, “Sis, kumusta?” bungad niya.
“Hired na ako,” diretsong sabi ko, pero hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak. “Ngayon mismo start ng duty ko kaya hindi ako makakauwi agad.”
“Huy, seryoso?!”
“Oo, sis.”
“OMG! Congrats, Ulan! Sabi ko naman sa ‘yo, eh. I’m so happy for you!” maligalig niyang tugon. “Mag-celebrate tayo pag-uwi mo. Hindi pwedeng hindi, okay? Gagawa kami ni Eros ng special cake for you. ”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. “Salamat, Jen. O sige na, mamaya na lang tayo mag-usap, ha? Kailangan ko nang magtrabaho,” sabi ko, “si Eros pala?”
“Tulog, sis.”
“Pakibantayan muna, sis, ha? Salamat talaga,” sabi ko sa kanya at ibinaba na ang tawag. Pagkatapos ay minabuti ko na lang na lumabas para silipin kung naroon ba si Ashley at nang may makausap naman ako.
Napangiti ako nang makita siya. “Hi...” bati ko nang makalapit ako.
“Hi. Congrats nga pala,” aniya at matamis na ngumiti sa akin. “Kumusta ang trabaho mo so far?”
Hilaw akong napangiti sa kanya. “Okay lang naman. Kaya lang. Gulat nga ako na ngayon pala ako magsisimula agad,” tugon ko.
“Mabuti nga at may na-hire na,” sabi niya sabay buga ng hangin. “May kahati na ako sa inis ni Sir,” dagdag niya.
“Gano’n ba talaga siya? Unang araw ko pa lang nainsulto na ako’t nasigawan,” pagtatapat ko.
“Oo, dumaan din ako riyan, kaya super thankful ako na naisipan nilang mag-hire ng isa pang secretary ni Sir,” kwento niya. “Kaso, mukhang mas mahirap ang trabaho mo. Kasi ikaw ang isasama niya palagi.”
“Nabasa ko nga rin sa kontrata.”
“Tatagan mo lang ang loob mo...”
“Lorraine,” pagpapakilala ko.
“Bawing-bawi naman sa sweldo at benefits ang kasungitan ni Sir Thadeus,” bawi niya at ngumisi. “Sayang talaga, ang gwapo pa naman.”
“Pumapangit talaga ang tao kapag masama ang ugali,” mahinang sabi ko at natawa na lang siya.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan at napag-alaman ko na tatlong buwan pa lang pala mula nang maupo bilang CEO ng kompanya si Thadeus. At mula raw nang maupo ito ay wala na itong ibang ginawa kundi ang magsungit sa sinumang lumapit sa kanyang empleyado.
“Ms. Buenaventura, come to my office now.”
Natigil kami sa kwentuhan nang marinig namin sa intercom ang striktong boses ng boss namin. Nagpaalam na ako kay Ashley at dali-daling pumunta sa opisina niya. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay ramdam ko na ang matalim niyang titig.
“What took you so long?”
“Nasa labas po kasi ako at kausap ko si Ashley. Nagpapaturo po ako ng mga gagawin s—”
“Hindi mo alam ang gagawin mo?” putol niya sa sinasabi ko. He scoffed in disbelief. “You’re really stúpid, aren’t you?”
Nakagat ko ang labi ko nang insultuhin na naman niya ako.
“Nag-apply ka for this job, and you don’t know what to do?”
“I...I was just—”
“I didn’t ask you to respond, so shut up.”
Huminga ako nang malalim nang mabilis na kumulo ang dugo ko. Gusto ko siyang sugurin. Gusto ko siyang bugbúgin five-years worth!
“Now, I want you to go to Attorney Winston and get the file I asked him,” aniya na para bang wala siyang sinabing nakakasakit ng damdamin. “I am giving you a job that will determine kung magpapatuloy ka ba sa trabaho mo rito o hindi,” matigas niyang sabi bago ako tinitigan. Kita ko kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa. “So you better give it your all.”
“Anong trabaho po pala?” tanong ko sa kanya. Kahit naman galit ako sa kanya ay nanghihinayang pa rin ako na mawalan ng trabaho, lalo na’t tingin ko’y ito na ang sagot sa financial problems ko. At isa pa, mukhang hindi niya naman na ako nakikilala.
“I want you to find a certain person,” tugon niya bago siya tumayo at lumapit sa akin. Bawat hakbang niya palapit sa akin ay napapagtanto ko kung gaano kalayo ang tangkad namin sa isa’t isa. I had to raise my head just to look at his face.
Yumuko siya palapit sa akin kaya napaatras ako.
“I want you to do this job in three months. If you fail, then say goodbye to your job,” aniya bago ako nilagpasan. Ang tanging naiwan na lang ay ang maskuladong halimuyak ng pabango niya. “I’ll pay you extra.”
“Po? Bakit ako pa po?” tanong ko sa kanya bago siya binalingan. “Pwede naman pong sa police na lang or private investigators.”
“Good suggestion,” aniya bago siya muling lumapit sa akin at sinamaan ako ng tingin. “Do you think hindi ko naisip ‘yan, ha? Do you think I didn’t hire people to find that woman?”
“Woman?” tanong ko.
“Yes. I want you to look for a woman I met five years ago,” pagkumpirma niya bago siya lumayo sa akin. “I’ll send you a file containing the information I have about her. Use that to find her in three months, or at least find a clue about her whereabouts. If you do, you’ll get to keep this job,” paliwanag niya.
Bigla akong kinutuban na baka ako ang hinahanap niya. “S-Sir, okay lang po ba na malaman ang rason?” Napalunok ako. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Kung ano-anong ideya ang naglalaro sa isipan ko.
“Yes, but you have to sign a non-disclosure agreement first,” aniya bago siya mabilis na bumalik sa table niya at may pr-in-int na document. “Come here and sign this one.”
Dahil gusto ko ring malaman ang dahilan niya ay walang pagdadalawang-isip akong pumirma. As if naman may magbabago kung pumirma ako o hindi.
“Okay...” aniya sabay kuha ng papel sa akin. “I’ll have this notarized. So bear in mind that you’ll be penalized once you leak any information I’m about to tell you,” matigas niyang sabi habang naniningkit ang mga mata.
“Okay, sir.”
“I met a woman five years ago, in a bar,” panimula niya. “We fúcked and she got pregnant. But I didn’t believe her since she’s probably just after my money,” dugtong niya bago siya prenteng sumandal sa swivel chair niya. “But my father did. And he wants me to find my son from that woman or else I won’t get to inherit this company and his other riches.”
Habang nakikinig ako sa kanya ay hindi ko mapigilang maikuyom ang kamay ko sa inis. Mas lalong tumindi ang galit ko sa kanya. He’s unbelievable. Iniisip niya talagang pera lang ang habol ko sa kanya. Well, totoo naman. I needed his money to support our son. Pero ang abandonahin niya kami kahit na nakarating naman pala sa kanya ang balita? Iyon ang hindi ko mapapalagpas.
“If you manage to find that woman yourself, you get to keep your job and I’ll pay a million as reward,” aniya.
“Ano pong gagawin n’yo sa mag-ina n’yo, sir?”
“Mag-ina?” Natawa siya at napailing sa sinabi ko. “I don’t need that woman. I only need her son. I need that kid to claim my father’s wealth.”
Her son?
Mariin kong ikinuyom ang kamay ko. He didn’t even call Eros his son. Maiintindihan ko pa kung ayaw niya na sa akin, pero ang sabihin na parang hindi niya inaakong anak niya rin ang anak ko? That’s just pure bullshít! He’s the worst!
“Now that you’ve heard everything. It’s up to you to do it or lose this job.”