02 – Know Me Not
“Jen, dito na muna ulit si Eros, ha?” sambit ko sa matalik kong kaibigan. Nandito kami ngayon sa maliit niyang cake shop. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview.”
“No problem, sis. Akong bahala kay Eros,” nakangiting tugon niya. “Huwag mo munang isipin ‘tong batang ‘to. Focus ka muna sa interview,” dagdag niya bago inilahad ang kamay sa bata.
Bumaling ako sa anak ko at matamis siyang nginitian. “Stay ka muna with Tita Jen, ha? Mama’s going to find a good job so I can buy you the toys we saw last week,” malambing kong sabi sa kanya at hinaplos ang pisngi.
“Okay, mama,” antok niyang tugon. Maaga ko kasi siyang ginising dahil kailangan kong agahan ang pag-alis, lalo na’t medyo may kalayuan ang main office ng RISE Corporations.
Matamis akong ngumiti at hinalikan siya sa pisngi. “Okay. Help Tita Jen sell her cakes,” habilin ko bago binalingan ang kaibigan ko. “Ikaw na ang bahala sa kanya, ha? Promise, kapag nakuha ko ang trabahong ‘to, babawi talaga ako sa lahat ng kabaitang ginawa mo para sa amin.”
“Ano ka ba, sis? Hindi mo kailangang bumawi. Kusang loob ko ‘yong ginawa,” tugon niya. “Sige na, go ka na para hindi maabutan ng traffic.”
Tumango lang ako at ngumiti saka nagpaalam na sa kanilang dalawa. Dala-dala ko ang pangmalakasang ukay na shoulder bag ko at brown envelope na naglalaman ng additional requirements na hinihingi ng kompanya sa mga aplikanteng pumasa sa initial interview last week. Mabuti na lang talaga at sinabihan ako agad ni Jen na may job posting sa kompanyang ‘yon.
Nang makasakay ako ng jeep ay minabuti kong sumandal muna at pumikit-pikit para kahit papaano ay maibsan ang pagod at antok na nararamdaman ko. Alas tres na kasi ako nakauwi kanina galing sa bar kung saan ako nagtatrabaho bilang waiter. Alas singko naman nang gumising ako para maghanda sa interview.
Pagod na pagod ang katawan ko; nagsusumigaw na magpahinga ako, pero hindi pwede. Hindi muna. Kailangan kong tiisin ang pagod at antok para sa anak ko. Ayokong maranasan niya ang hirap ng buhay sa murang edad niya. He’s too young to see the dark side of life.
Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe. Makailang beses akong napaidlip sa jeep. Antok na antok na talaga ako kaya kinukurot ko na lang ang hita ko para magising ang diwa ko.
Pagkababa ko ng jeep ay saglit muna akong tumigil para tingnan ang ayos ko. Inayos ko ang buhok ko at naglagay rin ako ng powder sa mukha ko para fresh pa rin kahit puyat. Inayos ko rin ang nagusot kong coat at pencil skirt. At nang makontento ay tumuloy na ako.
Halos malula ako sa lapad at tayog ng gusali. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses ko nang nakita ang gusaling ‘to, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako sa laki nito.
Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-apply-an ko. Hindi kasi sinabi sa akin ni Jen. Noong araw lang mismo ng job interview ko nalaman na isa pala sa nangungunang real estate companies ang RISE Corporation.
At kapag malaki ang kompanya, maganda rin ang benefits at malaki ang sweldo.
Huminga ako nang malalim at taimtim na nanalangin na sana ito na ang hinihintay kong blessing; na ito na ang ginhawang matagal ko nang hinahangad. “Lord, ibigay mo na sa akin ‘to, please? Para sa anak ko,” taos-puso kong bulong bago tuluyang pumasok sa loob at dumiretso sa 50th floor dahil doon gaganapin ang interview.
Habang paakyat ang elevator ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Sumisipa na rin ang epekto ng pagod at puyat ko—sumasakit na ang ulo ko at kaybigat ng talukap ng aking mga mata. Pasimple kong kinurot ang sarili ko at pilit na idinilat ang aking mga mata.
Pakonti nang pakonti ang mga tao sa elevator habang pataas ito nang pataas. Hanggang sa ako na lang talaga ang natira. Doon na kumabog nang husto ang dibdib ko. Pati tuhod ko ay nangangatog na rin. Hindi ko tuloy mapigilang mamura ang sarili.
At nang marinig ko ang tunog ng elevator kasunod ng pagtigil at dahan-dahang pagbukas nito ay isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa ko para kahit papaano ay kumalma ako. Lumunok ako ng laway bago tuluyang lumabas.
Pero mabilis ding nanumbalik ang kabang nararamdaman ko nang salubungin ako ng napakatahimik na hallway.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang isang babaeng nakatayo sa isang maliit na cubicle. Agad akong lumapit sa kanya. Tiningnan ko ang nameplate sa desk niya. Ashley Lopez – Assistant Secretary. “Good morning, ma’am. Pwede po bang magtanong?” magalang kong sabi.
Matamis siyang ngumiti sa akin. “Good morning. Ano po ‘yon?”
“Saan po ba ang final interview ng mga secretary applicants?”
“Oh, you must be Ms. Lorraine Buenaventura,” aniya bago may tiningnan sa computer niya. “Excuse me for a second,” dagdag niya bago may tinawagan sa telepono. Pagkatapos ay tumayo na siya at lumabas sa cubicle niya. “Please follow me.”
Tumango lang ako at sinundan siya.
Pumasok kami sa isang malaking pinto at sinalubong ako ng isang malawak na opisina. Puti at itim ang interior ng paligid. Una kong nakita ang malawak na office living room kung saan may nakaupong isang lalaki na sa tingin ko’y nasa mid to late fifty’s.
“Sir, this is Ms. Buenaventura,” pagpapakilala sa akin ni Ashley.
“Okay. Thank you, Ashley. You may leave,” ma-awtoridad na sambit ng lalaki. Mas lalo tuloy tumindi ang kaba ko dahil pakiramdam ko’y strikto ito. Bumaling siya sa akin, “Sit down, Ms. Buenaventura.”
Mabilis akong umupo sa katapat niyang upuan. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pansin ko ang pagsipat niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Did you bring the documents we asked you?”
“Y-Yes, sir,” kabadong sagot ko sabay abot sa kanya ng envelope. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na naitanong ang pangalan niya.
“Good. Can you start working today?” tanong niya sa akin.
Nabingi yata ako sa narinig ko. Ilang beses akong napakurap ng mata. “P-Po?”
“Didn’t you hear me?” masungit niyang sambit. “I said, can you start working today?”
“Ano p—”
“You’re hired,” putol niya sa sinasabi ko. “You’re the first one to arrive so you get the job,” dagdag niya bago siya tumayo at inilahad ang kamay sa akin. “Congratulations.”
Hindi man makapaniwala ay tumayo na rin ako at inabot ang kamay niya. “Thank you, sir,” tugon ko at matamis na ngumiti. “And yes po, I can start right away,” dagdag ko at pilit na pinigilan ang pamumuo ng mga luha ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sobrang saya ko. Mamaya, pagkatapos ng trabaho ay dadaan talaga ako sa simbahan para magpasalamat. Sa wakas, dininig na rin ang matagal ko ng panalangin.
“Good. Let’s proceed with the contract signing,” aniya bago niya ako pinaupo ulit. Pagkatapos ay may tinawagan siya sa cellphone at sinabihan na dalhin ang kontrata. Maya-maya pa ay pumasok ulit si Ashley at matamis na ngumiti sa akin.
“Congratulations,” mahinang sabi niya nang makalapit siya sa akin. At pagkatapos niyang ilapag ang kontrata ay umalis na rin siya.
“Make sure to read the contract, Ms. Buenaventura,” paalala niya sa akin.
Tumango lang ako at binasa nang maayos ang kontrata. Nakasulat doon ang job description ko, sahod ko na siyang nagpabilog ng mga mata ko, at iba pang benefits and terms. Pero ang tumatak talaga sa akin ay ang sahod ko. Sa halagang ‘yon ay magagawa ko nang tustusan ang pangangailangan ng anak ko at makakapag-savings pa ako.
Pagkatapos kong mabasa ang kontrata ay agad ko na itong pinirmahan.
“Again, congratulations, Ms. Buenaventura,” aniya at muling tinawag si Ashley. “Process this immediately,” utos niya.
“Okay po, Sir Winston,” sagot ni Ashley at mabilis na lumabas.
So Winston pala ang pangalan niya.
“Now...” Tumingin siya sa akin. “Let’s go?”
“S-Saan po?” tanong ko.
“To meet your boss,” tugon niya at ngumiti sa akin.
Napatitig na lang ako sa kanya. So hindi pala siya ang boss ko?
“This way,” aniya at naunang maglakad. Doon ko lang din napansin na may isa pa palang pinto sa loob. At pagkabukas niya no’n ay nakita ko ang isa mas malawak pang opisina na itim at puti rin ang interior. Pero agad na dumiretso ang mga mata ko sa lalaking nakaupo sa gitna ng opisina at abala sa ginagawa. Nakayuko ito at mukhang may pinipirmahang mga papel.
‘Thadeus Alistair Demetrioff,’ basa ko sa nameplate na nasa gitna ng mesa.
“Good morning, Mr. Demetrioff,” bati niya rito. “I present to you your new secretary,” aniya bago pumagilid para ipakilala ako.
“G-Good morning po,” magalang kong bati at hinintay na mag-angat siya ng tingin.
At nang gawin niya ‘yon ay natulala na lang ako. Tila tumigil ang lahat. That face. It may have been five years since I last saw that face. It may have just been once, but I will never forget it. Never. Because how can I ever forget the face of the man who didn’t just take my virgínity but also left me with a heavy responsibility?
How can I ever forget the face of the father of my son?
Nanigas ako nang tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. The hatred, the pain, the struggles—everything came to me all at once. Nanginig ang mga kamay ko sa tindi ng emosyong nararamdaman ko.
I clenched my teeth to control the surge of emotions inside me. I can’t afford to make a scene here.
“You,” matigas niyang sambit sa akin habang malamig na nakatingin ang kanyang kulay abong mga mata. “Sort these documents. Start from the oldest to the most recent,” dagdag niya at itinulak ang makapal na mga papel sa mesa niya. “Now!”
Nagising ang diwa ko sa pagsigaw niya.
“Do your best, Ms. Buenaventura. I’ll take my leave now,” sabi ni Sir Winston bago siya nagpaalam kay Thadeus.
“Ano, tatayo ka na lang ba riyan? Do your job!” matigas niyang sabi.
“Y-Yes, sir,” tarantang sabi ko bago kinuha ang mga papel at dinala sa kabilang mesa na tingin ko’y siyang magiging pwesto ko.
Habang inaayos ko ang mga papel ay hindi ko mapigilang mapaisip—nakikilala ba niya ako kaya gano’n ang ugali niya sa akin o hindi na niya ako naaalala at gano’n na talaga ang ugali niya?
But either way, never in my wildest dream that I will see him again. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Should I tell him the truth or just keep acting as if I don’t know him and that I don’t remember everything that happened between us?