24 - Hints Hindi ko maiwasan ang labis na pag-init ng batok at mga tainga ko dahil sa magkahalong kaba at takot. Pero wala na akong magagawa pa, dahil nasa harapan na ni Eros ang ama niya. Kitang-kita ko kung paano matuon sa anak ko ang atensyon ni Thadeus. He’s staring at my son way too much that it’s starting to bother me. “Is this your son, Lorraine?” nanlalaking mata na tanong ni Alexander habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa anak ko. Tumitig siya kay Eros. Hindi pa siya nakontento at nilapitan niya pa ito. Kita ko kung paano maningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang anak ko. Dahil doon ay hindi napigilan ni Eros ang matakot at magtago sa likod ko. Mabilis na lumapit si Thadeus at hinawakan ang buhok ng kaibigan saka ito hinila palayo. “You’re scaring the kid!”