25 – Home Hindi ko napigilan ang pag-awang ng bibig ko nang makita ko ang lugar kung saan kami huminto. It was a hotel—a freaking big hotel! Agad akong napatingin kay Thadeus na kasalukuyang may kausap sa cellphone. “Mommy…” tawag sa akin ni Eros kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. “Dito ba tayo stay?” tanong niya habang nakasilip sa labas ng kotse. “It’s a big house.” “That’s a hotel, anak. It has many rooms and many people stay there,” paliwanag ko sa kanya. “We will only live in one of the rooms.” “Not just an ordinary room,” sabat ni Thadeus sa amin bago siya lumingon at tumingin kay Eros. “You will stay at the highest room,” dagdag niya at ngumisi sa bata. “You can see the sky there and the stars, too.” “R-Really?” manghang tugon ni Eros, pero bakas pa rin na naiilang siya s