07 - Trouble
“How’s the first day?” tanong sa akin ni Thadeus pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina. Hindi ko inaasahang madadatnan ko siya sa mismong desk ko. Nakaupo sa kanto ng mesa habang magka-krus ang kanyang malalaking mga braso. Kitang-kita ko kung paano mamukol ang suot niyang puting long-sleeves dahil sa pagkakatupi ng mga braso niya.
Imbes na sumagot ay napatitig ako sa kanya. Nakabukas ang unang tatlong butones ng kanyang suot kaya sumilip ang matikas niyang dibdib. Pero ang pinakaagaw pansin talaga ay ang asul niyang mga mata na tila umiilaw dahil sa tumatamang liwanag sa mukha niya.
“Lorraine.”
Napakurap ako’t napatingin sa kanya nang marinig ko ang malalim niyang boses. Naningkit ang mga mata niya kasabay ng pagdidilim ng kanyang ekspresyon.
“P-Po?”
“I asked you a fúcking question,” matigas niyang sambit. His expression got even darker as he stood up and took a step closer to me.
Napaatras ako nang makaramdam ng bahagyang takot. He hasn’t done anything; he just stood there and stared at me with his piercing gaze, pero dama ko ang nag-uumapaw na awtoridad mula sa kanya.
“S-Sorry, sir. May iniisip lang,” tugon ko at yumuko para iwasan ang matalim niyang mga titig. “W-Wala po akong nakuhang panibagong impormasyon, sir. Wala pong sumasagot ng katanungan ko,” paglalahad ko. And I’m telling the truth.
“I knew it. Ano pa bang inaasahan ko,” aniya bago niya ako nilagpasan. “Next time, iwan mo sa bahay n’yo kung ano man ‘yang iniisip mo. You’re here to work. Presence of mind.”
“Opo,” mahinang tugon ko habang nakayuko pa rin, hindi na para iwasan ang mga tingin niya kundi para itago ang pag-irap ko sa kanya. “Pero hindi po ako susuko. I’ll make sure I can find some leads.”
Napatigil siya sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. Lumingon siya sa akin. “Desperate to keep this job, huh?” aniya bago ko nakita ang pag-angat ng sulok ng labi niya. “Better find those ‘leads’ you’re talking about or kiss this job goodbye.”
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero pakiramdam ko’y may halong pang-iinsulto ang sinabi niya sa akin. Ang sarap sabihin sa kanya nang harap-harapan na sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang mag-resign dahil sa kasamaan ng ugali niya.
“Is this your way of getting rid of me, sir?” Nakagat ko na lang ang labi ko nang hindi ko napigilang sumagot sa kanya.
Tuluyan siyang humarap sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “What made you say that?”
Naikuyom ko ang kamay ko. “Because this job is just ridiculous. Hindi nga nagtagumpay ang mga private investigator na mahanap ang mag-ina mo, paano pa kaya ang kagaya ko na walang kahit na anong alam sa pag-iimbestiga?” paliwanag ko sa kanya. At nang makita kong ibuka niya ang bibig niya ay muli akong nagpatuloy, “But just like as you said, I’m desperate to keep this job so I’ll find leads no matter what.”
Tumitig lang siya sa akin. “Think what you want to think. I don’t care. Just show me the results I want,” walang emosyon niyang sambit bago siya tuluyang umalis.
Naiwan lang ako roon na nagtitimpi sa inis. Humanda ka talaga sa akin, Thadeus. I’ll make sure to surprise you with the ‘results’ you want. Tingnan natin kung hindi ka mabigla sa oras na ibigay ko sa ‘yo ang leads na hindi mahanap-hanap ng mga private investigator na kinuha mo.
——
“We’ll leave in five minutes,” dinig kong sabi ni Thadeus sa intercom.
Agad akong naghanda. Kinuha ko na lang ang mga kailangan kong gamit at hinintay siyang lumabas ng opisina niya. Pagkalabas niya ay agad akong sumunod sa kanya at naghintay ng mga ipag-uutos niya.
Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng opisina ay bigla siyang tumigil sa paglalakad dahilan para mabangga ako sa likod niya. “Ay tarantàdo!” naibulalas ko sa pagkabigla.
“What did you just say?” Lumingon siya sa akin na naniningkit ang mga mata. “Tarantàdo?”
“E-Expression lang po, sir. N-Nagulat lang ako kasi biglaan kayong huminto,” paliwanag ko sa kanya.
Akala ko’y magagalit siya sa akin pero ibinalik niya ang atensyon niya sa cellphone niya. Kita ko kung paano mangunot ang kanyang noo bago siya mahinang napamura. Nahagip din ng mga mata ko ang paghigpit ng paghawak niya sa cellphone niya.
“Hey…” matigas niyang tawag sa akin. “How desperate are you to keep this job?” biglaang tanong niya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot dahil baka madulas ako at masabing nagtitiis lang ako dahil sa malaking sahod at may plano nang umalis as soon as makapag-ipon nang sapat na pera.
“D-Desperate enough to do the impossible, sir,” sagot ko. That’s the safest and most desirable answer I could come up at that moment.
“Do the impossible, huh…” aniya bago siya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator. “Then are you willing to be my girlfriend for a month?”
“Ha?!” malakas kong sigaw dahil sa labis na pagkabigla. Kitang-kita ko ang pag-igtad niya, marahil sa gulat. “I mean, ha?” pag-uulit ko pero sa malumanay na tono na. “Seryoso po ba kayo, sir?”
Hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko ang labis na pagkagulat na para bang nakarinig ako ng isang himala. Gusto kong matawa sa narinig ko.
“Yes,” tipid niyang tugon. “I need to get rid of someone who has been pestering me for years about a fúcking arranged marriage,” dagdag niya at dama ko ang gigil sa bawat salitang binitawan niya. “She’s currently living abroad for now. But she’ll be coming back here probably next month after I told her I already got a girlfriend.”
“Bakit ako po?” diretsong tanong ko sa kanya. Naninindig ang balahibo ko sa alok niya. Nakakakilabot. I can’t imagine myself being his girlfriend. “I mean, ang daming babaeng pwedeng alukin n—“
“You’re the safest option,” putol niya sa sinasabi ko. “Of course it comes with some perks. Aside from being able to spend time with me, you’ll also be compensated. I’ll pay you good money for every time you spend with me,” paliwanag niya. “And I’ll pay you extra if I successfully get rid of that woman.”
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig—hindi dahil sa tuwa na makakasama ko siya, kundi sa perang makukuha ko kung sakali. Depende sa laki ng malilikom ko, baka hindi ko na kailangang magbigay ng leads sa kanya tungkol sa amin ng anak ko.
I know this may sound another trouble for me, but this trouble is probably worth the risk and much safer than the first option I had in mind.
“If it’s not too much to ask, can you tell me more about it, sir?” tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. “Seems like you’re in already. You’re really a desperate one, aren’t you?”
Wala na akong pakialam sa tingin niya sa akin. Tama naman siya. I’m desperate for money, pero hindi dahil sa personal kong interes kundi dahil iniisip ko ang magiging kinabukasan ng anak ko. I’ll do everything for my son. Bubuhayin ko siya sa sariling diskarte ko, at wala akong pakialam kahit bumaba man ang tingin ng ibang tao sa akin.
Pride won’t earn us a living. As long as disente at malinis ang trabaho at malaki ang kikitain, susugal ako; kahit pa magpanggap akong girlfriend ng lalaking kinasusuklaman ko.
“I have my reasons, sir,” sabi ko na lang sa kanya.
“Then I guess we have a deal. I’ll fill you in with the details later in the car,” aniya bago may kung anong kinalikot sa cellphone niya.
Tumango lang ako at naghintay na ipaliwanag niya ang sitwasyon.
“So, this woman is the daughter of my father’s closest friend,” panimula niya nang makapasok kami ng sasakyan. “Back when we were kids, our parents had this unofficial agreement to merge our families by getting me and that woman married,” pagpapatuloy niya. “But that agreement was soon voided because I refused to do it. I didn’t want to marry that woman. But she, that dámned woman, didn’t want to void that fúcking agreement and has been pestering me about it for years now.”
Dama ko ang gigil at inis niya habang nagkukwento siya. Umiigting pa ang kanyang panga.
“I tried every possible way to get rid of her. But I guess the only way to do that is to show her that she now stands no chance to get me because someone already did,” aniya bago siya tumingin sa akin. “Act as my girlfriend. Help me get rid of that woman and you’ll be rewarded.”
“How do you want me to act?” diretsong tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagsilay ng ngisi niya.
His villainous smile somewhat suited him. Ayoko mang aminin, pero ang gwapo niya kapag ngumingisi siya nang gano’n. He looked like a beautiful danger.
“I’ll draft something later. For now, let’s focus on our work,” aniya at pinaandar na ang sasakyan. “Keep your line open. I might call you anytime tonight to discuss it with you.”
“Okay, sir.”
Wala nang atrasan ‘to. Isang buwan lang naman.
Kaya ko naman sigurong sikmurain ang presensya niya, ‘di ba?
Well, kakayanin. Para sa pera. Para sa anak ko.