08 – No Backing Out Nakatitig lang ako sa kawalan habang bumabiyahe pauwi sa bahay. Hindi ko alintana ang hampas ng buhok ng babaeng nasa unahan ko dahil lumilipad kung saan ang isipan ko. Up until now, I still couldn’t believe that I agreed to his offer. I agreed to be his pretend girlfriend for the sake of money. I am sure by now, mukhang pera na ang tingin niya sa akin, which is true. Mukhang pera naman talaga ako, pero hindi dahil sa luho, kundi dahil sa responsibilidad na kailangan kong gampanan; pangangailangan na kailangan kong ibigay; at mga bayaring kailangan kong bayaran. At bilang isang single mom, money is everything. Napabuga na lang ako ng hangin dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na magsimula ang pagpapanggap namin ni Thadeus, at kung anong klaseng babae a