"Hindi nga‽ Aalis ka?" gulat na wika ng kaibigan kong si Nexus nang ibalita ko ang plano kong pagre-resign.
Tulad ko ay isa rin siyang architect at pareho kami nang pinagtatrabahuhan na firm. Sa ngayon ay narito kami sa site nang inaayos naming landscape—ang huli kong magiging proyekto sa kumpanya na kinabibilangan naming dalawa. Marahan akong tumango bilang tugon habang sinusuri ang bawat disenyo na ginagawa ng mga tauhan na kinuha namin.
"Why? Where are you going all of a sudden?" usisa niya.
Tumigil ako sa ginagawa kong pagtitingin at saka siya marahan na hinarap. "Sa kumpanya namin. Mommy asked me to run some errands," sagot ko sa kanya.
Ang singkit niyang mga mata ay unti-unting lumaki. "Did I hear it right?" pangungumpirma niya.
Hindi ko naiwasan na mapaismid sa kanyang reaksyon. He reminded me of myself when Mommy dropped that bomb yesterday.
"Yeah. Kahit ako ay hindi makapaniwala," ani ko at tulalang tumingin sa mga nagtatrabahong tauhan. "I need to secure a deal with Mr. Revelar," I added.
I felt Nexus shifted from his place. "You mean Agustine Bhryll?" he asked, catching my attention.
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. "You know him?" balik kong tanong.
His mouth parted. Hindi siya agad sumagot at tila ipinaparamdam sa akin na isang kahibangan ang itinanong ko.
"Jeez! Khrystal, he's a magnate tycoon!" he hissed.
"He's that famous? Akala ko simpleng investor lang," I uttered.
Mas lalong nalaglag ang panga niya. Somehow, it made me realized something. Masyado akong naka-focus sa project proposal dahil sa pressure at hindi nakapag-background check sa target na tao.
Wrong move, Khrystal. It should be balanced.
"Something's strange."
Muling natuon ang atensyon ko kay Nexus nang bigla siyang magseryoso.
"Mr. Revelar is a big fish, Khrystal. He's always been so meticulous when it comes to business. Why did your mom choose you to handle the transaction?" he continued.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Am I a joke to you, Nexus?" maarte kong sambit habang nakaangat ang kaliwang kilay ko. "Parang wala kang tiwala sa akin, ah?" dagdag ko.
Agad naman siyang umiling. "Hindi iyon ang gusto kong ipunto, Khrystal. Just think of it. Ikaw na rin ang nagk'wento sa akin noon na hindi ka hinahayaan ng Mommy mo na makialam o makalapit sa kumpanya niyo. What's with a sudden change? At talagang sa isang importanteng tao ka pa niya itinoka. Yes, you can handle a transaction, but this is a different topic. It's a huge project."
Natahimik naman ako sa sinabi niya at unti-unting napaisip. Nexus' right.
Kung malaking tao si Mr. Revelar, bakit ako ang ipinadala nila para mag-asikaso sa kanya?
Hindi ko iyon naisip kagabi dahil mas itinuon ko ang atensyon sa pag-aayos at pagkakabisa ng proyekto. I am new to it, that's why I am eager to know how to handle things regarding our family business. Ayaw kong magkamali.
Akala ko kaya ako ang kinuha ni Mommy dahil lalaki si Mr. Revelar. That he might be a womanizer or so what, the way Mommy Francheska told me to seduce that man made me think it's the reason why she picked me. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang naisip ang isang negatibong bagay.
"Maybe... she wants me to fail bigtime," I murmured.
"Khrystal," tawag ni Nexus, naroon ang pang-aalo at pagtutol sa kanyang tono.
I lifted my gaze and forced a smile. "It's okay. Aware naman ako na hindi nila ako gusto. Well, sino ba naman ang gagaan ang loob kung makikita mo ang anak ng asawa mo sa ibang babae araw-araw." Tipid akong tumawa.
Nexus heaved a deep sigh and slightly patted my head. "You can do it," he said, talking about the deal.
Pilit na lamang ako na ngumiti.
Can I really make it?
Then the thought of living alone in America flashed through my mind.
I should make it happen, no matter what.
Ngingiti na sana ako kay Nexus at magpapasalamat nang nahagip ng paningin ko ang mga babaeng nag-uusap hindi kalayuan sa amin. Base pa lang sa tingin nila ay alam kong ako ang kanilang pinag-uusapan. The disgust and hate were visible in their eyes.
Of course, it will always be, Khrystal-the-flirtiest-girl-in-town.
"People these days have a lot of spare time. Sana all," ani Nexus nang napansin din siguro ang nakita ko.
I just smiled and shook my head.
"You're still affected?" usisa niya, patukoy sa mga taong ginagawa akong usap-usapan.
"No. Sanay na ako, hindi na bago sa akin 'yan." I chuckled.
Yes, I mean it. Bata pa lang ako, nakatuon na sa akin ang mga mata ng lahat. Lalo lang sumama ang tingin nila sa akin nang nagdalaga na ako dahil puros mga lalaki ang nagiging kaibigan ko. That's the reason why they are disgusted at me. It was as if I flirted with my male friends—including Nexus.
"Nagrereklamo si Harry sa akin kanina. Iniiwasan mo raw siya," singit ni Nexus sa namamaratang na tono na para bang ginawa ko iyon dahil ayaw kong mapag-usapan kaming dalawa.
I rolled my eyes. "He's my sister's boyfriend," I explained. " Ayaw ko lang ng gulo sa parte ng kapatid ko, ibang usapan 'yon," dagdag ko saka siya hinarap nang maayos. "By the way, mauuna na muna akong mag-out sa 'yo, ah."
"Why?"
"I'm going to buy some stuffs. Baka hindi ko na magawang bumili sa mga susunod na araw kaya isisingit ko na siya ngayon," I answered.
Nexus nodded. "Sige, ako na ang bahala rito. Umuna ka na."
"Thank you," nakangiti kong sambit.
Like what he did earlier, he patted my head and signaled me to leave. Ginawa ko naman ang gusto niya.
***
SOMEHOW, the short moment of leaving Vista Querencia has been my peace for over the years. Tulad ngayon na nasa mall ako, kampante akong naglalakad at nagtitingin ng gusto kong bilhin. Walang mga matang nakatingin o nakasubaybay.
Plano kong bumili ng mga bagong damit at iba pang gamit para sa trabaho. Yeah, I am pressured, but excited at the same time.
Una kong pinasok ang kilalang boutique kung saan makakabili ng mga office attire. Agad akong pumili ng mga gusto kong damit at ibinigay sa nakasunod sa akin na taga-assist. Isa, dalawa, tatlo... hanggang sa umabot iyon ng anim. Nang wala nang mapili ay napagdesisyunan ko nang bayaran ang mga kinuha ko.
"Php 56, 600.00, Madame," the cashier informed.
Kinuha ko ang purse ko at inilabas doon ang aking card. Tipid akong ngumiti habang iniaabot iyon sa babae. She swiped it on the machine and the receipt automatically printed after.
Ito lang siguro ang masasabi kong advantage sa pagiging Dagsinal. Mayaman ang pamilya namin kaya naman hindi mahirap sa akin na bumili ng mga bagay na gusto ko. Sunod kong pinuntahan ang store kung saan nandoon ang mga footwear. Bitbit ang naglalakihang paper bag ay pumili ako ng tig-iisang stilettos, kitten heels, at almond-toe pumps.
"Total of Php 72, 000.00, Ma'am."
Like what I did on the clothing store, I paid it using my card—or should I say father's card.
Huli ko namang pinasok ang kilalang shop ng mga bag. I was searching for something good when a certain Hermès bag caught my attention.
"I want this."
"I will take this."
Napatingin ako sa kasunod kong nagsalita. Tulad ko ay nakaturo din siya sa napili kong bag.
Wearing a white vneck tshirt paired with a faded maong short, the man raised his eyebrow at me.
He looks familiar though.
"I'm sorry, Ma'am, Sir. As of now po iyan na lang ang nag-iisang available," sinserong paumanhin ng babae na naka-assist sa akin, sa tono pa lamang niya ay alam ko nang gusto niyang may magparaya sa aming dalawa.
"I will take it," the guy spoke to me.
Maarte ko naman siyang tiningnan. His approached was not nice. Sa maiksing panahon ay nagawa kong suriin ang mukha niya. He has hazel brown hooded eyes, thick eyebrows, and perfectly proportioned lips.
Gwapo pero amoy tarantado.
"Mister whoever you are," I started and took the bag by myself. "Ako ang naunang pumili nitong bag kaya ako ang dapat makakuha nito, right?" I tried to explain as I show him the bag.
His jaw clenched as he gave me a glare. Nagulat ako nang bigla niyang agawin sa akin ang bag at ibigay sa babaeng nag-aasikaso sa kanya. Gulat din naman siya kaya hindi agad nakakilos.
"It's not about who chose it first, Miss. It's about who paid it first," he stated.
My mouth dropped open.
What?
"Miguel, give her a billion," pagkausap niya sa nasa gilid na lalaki na roon ko lang napansin saka kami tinalikuran palayo.
Lakad-takbo namang sumunod ang babaeng nag-aasikaso sa kanya bitbit ang bag na napili naming dalawa. I blinked twice.
What did just happen?
"Ma'am," agaw pansin ng lalaking naiwan at saka iniaabot sa akin ang isang cheque.
I let out a short laugh and shook my head with disbelief. Unti-unti akong kinain ng inis nang tumingin ako sa direksyon ng mister na umagaw sa bag ko.
Tarantado nga.
Wala sa sarili kong kinuha ang purse ko at kinuha ang aking card. Without further ado, I walked towards the man who's now done at his purchase. Tulad nang ginawa niya ay inagaw ko ang hawak niyang paper bag at basta kong inilusot ang card ko sa kanyang bulsa.
"I never once hated a gay before. Ngayon lang, ikaw lang. Inutusan mo pa talaga boyfriend mo sa pagbabayad sa akin!" I hissed.
His eyes slowly widened in shock.
"This bag is mine," I stated and left the shop, leaving him dumbfounded.
He ruined my day!