"What should I do?" Napasabunot ako sa 'king buhok habang nakahiga sa malambot kong kama.
My freakin' card!
Saka lang nag-sink-in sa utak ko ang ginawa ko kanina sa mall nang nakauwi na ako ng bahay. Halos sampung minuto na akong nakakarating at ito pa rin ako, paulit-ulit na binabalikan ang maling desisyon na ginawa.
I groaned and stamped my feet in the air. "Katangahan kasi palagi ang pinapairal, Khrystal," paninisi ko sa aking sarili.
What if i-reach ng lalaking 'yon ang limit ng card ko? Damn, lagot ako kay Daddy!
Wala pa man ay naiiyak na ako kung sakaling magkatotoo ang iniisip ko. Kaya kong harapin ang galit nina Mommy Francheska pero ayaw kong binibigo o ginagalit si Daddy.
Tatlong katok mula sa pinto ang kumuha ng atensyon ko. Mayamaya pa bumukas iyon, mabilis akong bumangon nang natanawan si Mommy Francheska na papasok ng silid ko.
"Mom," usal ko.
"Prepare your things," bungad niya sa akin. "You're leaving tomorrow," she added.
Hindi naman ako agad nakakilos at prinoseso ang sinabi niya.
She smirked when she saw my reaction. Maarte niyang pinagkrus ang braso niya at tamad na tumingin sa akin.
"Nasa labas ng Vista Querencia ang kumpanya natin, Khrystal. Gugustuhin mong bum'yahe ng isang oras araw-araw papuntang trabaho?" she pointed.
Slowly, I understand her point. Mom's correct. Masyadong hassle kung mananatili ako rito sa bahay habang nagtatrabaho sa labas ng lalawigan namin.
But... Is this real? She's really letting me go.
"Pero hindi pa po tapos ang huli kong project sa firm," saad ko.
"I will handle that. Magpapadala ako ng kapalit mo doon. Mag-focus ka sa gagawin mo. Besides, you want this right? Living apart from us," aniya.
I bit my lip and lowered my gaze. "Hindi naman po sa gano'n, Mom," mahinang wika ko.
She smirked and walked into my window area. Nakatanaw siya labas habang nanatiling nakakrus ang braso niya.
"Gawin mo ang lahat para makuha si Mr. Revelar para sa kumpanya natin, Khrystal," seryoso niyang sambit.
Doon ay muli kong naalala ang pinag-usapan namin ni Nexus. Natatakot man ay nilakasan ko pa rin ang loob ko na magsalita.
"Bakit ako?" I asked lowly, enough for her to hear.
She slowly glanced at me, then raised her eyebrow.
I took a deep breath and carefully looked at her. "I found out that he's not a simple businessman nor an investor. He's a magnate tycoon. I am confused, why did you pick me—a newbie, for this project?" I asked.
"Because I want you out of our lives," she answered directly.
Pain shot through me. Inaasahan ko na iyon, alam kong hindi nila ako gusto pero masakit pa rin pala na marinig mismo mula sa kinikilala kong ina.
"Pinili kita para mapalayo sa amin. Kung hindi dahil sa asawa ko, matagal na sana kitang hinayaan na mawala sa landas namin. You are a sore in my eyes, in everyone's sight. Kapag pumalya ka sa pinagagawa ko, magkakaroon ako ng rason para lalo kang kamuhian ng mga tao. At kung sakali naman na magtagumpay ka..." She smirked as if it was really impossible to happen. "May rason pa rin ako para mapaalis ka. I will just say that we already agreed on a deal. Na pinagbigyan lang kita sa bagay na matagal mo nang gusto."
Napayuko na lamang ako at pinigilan ang luha kong nagbabadya.
"Kaya pilitin mo na magtagumpay sa pakikipagnegosasyon kay Mr. Revelar. It's better to leave quietly, right?" punto niya at tuluyan nang naglakad palabas ng k'warto ko.
The moment she closed the door, my tears streamed down on my cheeks. Kagat-labi akong lumuha habang inaalala ang bawat salita niya.
How did I... become this worthless?
***
I BREATHE in and out for countless times while standing outside my family's business—the PIP Inc. Alas syete pa lang ng umaga ay nakatayo na ako rito sa labas ng kumpanya kahit alas otso pa ang oras ng opisina.
Today is the day, Khrystal.
I cheered myself. May mangilan-ngilan nang nakakakita sa akin na tauhan, naroon ang pagtataka sa kanilang mga mata marahil ay hindi ako pamilyar sa kanila.
For sure, they will also be disgusted once they find out.
Mapait akong ngumiti sa isip ko at bumuntonghininga. Asta akong lalakad nang may isang pamilyar na sasakyan ang pumarada sa harapan ng kumpanya. Agad na tumambol ang dibdib ko sa kaba.
Slowly, a man in his 50s went outside the car. Nagtama ang paningin naming dalawa. Isang seryosong tingin ang ibinigay niya sa akin at saka munting tumango bilang pagpansin sa presensya ko.
"G-Good morning, D-Dad," I stuttered and slightly bowed my head.
"Come with me," he said and took his steps into the company.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya. Ramdam ko ang tingin ng ilang tauhan na nadadaanan namin habang naglalakad ako sa likuran ni Daddy. Somehow, I realized how powerful he is. Watching him walked with confidence made me admire him more.
Dahil sa pagiging abala ni Daddy sa trabaho. Dalawang beses sa loob ng isang buwan lamang siya nakakauwi sa bahay. Sa mga pagkakataong iyon ay umiiwas ako na mapalapit sa kanila. I felt like it was their family time, and I am not belong to it.
Pagkatapos ng ilang pasilyo na nadaanan at pagsakay ng elevator. We finally entered his office. Alam kong kay Daddy iyon dahil ng label ng pangalan niya sa lamesa. Parang tuta naman akong tumayo sa kanyang harapan nang tuluyan na siyang nakaupo sa swivel chair niya. He looked at me seriously while scanning my whole presence.
"Do you really want to pursue this project?" he asked while intently looking into my eyes.
Napalunok ako at palihim na pinaglaruan ang aking daliri. "Y-yes," tugon ko.
He hummed and tapped his fingers on his table. "Mr. Revelar is an important client, Khrystal," he said. "We need him in our company."
Sa tono pa lang ni Daddy ay alam kong ipinaaalam niya sa akin ang kahalagahan ng kinuha kong transaksyon. Na tila isang malaking kawalan kapag hindi ko nakumbinsi ang tinutukoy niyang tao.
"I will do my best to win him, Dad," puno ng kumpyansa kong wika.
He then stared at me. Mayamaya pa ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi na na labis kong ikinagulat.
"I will trust you with this, Khrystal."
Pitong salita lang iyon pero milyung-milyon ang idinulot na emosyon sa akin. Pinigilan ko mapaiyak kahit ramdam na ramdam ko na ang nalalapit na pagpatak ng luha ko.
"Welcome in our company. Now, prepare yourself because 20 minutes from now. We will meet Mr. Revelar in the conference room," Dad informed.
Tumango ako saka yumukod ng sandali bilang paggalang at pamamaalam. Pinindot niya naman ang kanyang intercom at tinawag ang assistant para maihatid ako sa aking working space. Sandali pa naming nginitian ang isa't isa bago ako tuluyang lumabas ng kanyang opisina.
I will make you proud, Dad.
ALL my hopes and earned confidence faded when I met a familiar pair of eyes while entering the meeting room. The guy at I met at the mall! Ang nakaagawan ko sa bag.
Ano'ng ginagawa niya rito?
Wearing a black business suit, he's sitting next to my Dad's seat. Agad akong kinain ng kaba nang naalala ang nakaraan naming pagkikita. Nangangatal ang tuhod ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. His eyes never leave mine. Malamig siyang nakamasid sa akin na para bang sa gano'ng paraan ipinararamdam sa akin na hindi niya ako nakakalimutan.
"Mr. Revelar," my Dad greeted.
I almost fell on my stand when I heard it.
He's that magnate tycoon!
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya nang nakita ang reaksyon ko. "Mr. Dagsinal," he said and shook hands with my dad. "I didn't know you have a beautiful secretary," he added while staring at me.
My dad chuckled and gently hold me to get closer to them. Pakiramdam ko ay sandali akong nawalan ng hininga habang kaharap siya.
"She's my daughter, Khrystal Dagsinal. She's the one in charge on this project," Dad stated.
A sly smile appeared on his lips. "Oh, interesting," malaman na wika niya.
I could feel my sweat forming on my head as my heart pounded loudly. Nanigas ako sa aking pagkakatayo nang hawakan niya ang kamay ko at dalahin sa labi niya.
"Nice meeting you, Miss," he uttered and planted a kiss on my hand. "Should I marry you now?"
The way he looked at me, I know... I will fail this deal.