CHAPTER 1

1088 Words
I secretly bit my lower lip when a loud slap landed on my cheek. "Wala ka talagang kahihiyan!" my mother shouted, or should I say stepmom. Napayuko na lamang ako at hindi na tiningnan ang galit niyang mga mata. Kadarating ko lang at ito agad ang ibinungad niya sa akin dito sa malaking salas ng bahay namin. Nakakatawang isipin na isa ito sa mga pagkakataon kung saan hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali. "Hindi ka na nahiya sa kapatid mo, pati na rin sa ibang tao na makakaalam! Gano'n ka ba kadesperada at boyfriend ni Mary France ang sinulot mo!" Wala sa sarili kong naiangat ang aking ulo kasabay nang pag-awang ng bibig ko. "P-po?" nalilito kong sambit. From her side, my sister smirked and gave me a disgusting look as she crossed her arms. "Painosenta ka pa. Sinadya mong landiin si Harry para makipaghiwalay sa akin, 'di ba?" paratang niya. Harry? 'Yong isa sa mga nakakasama kong architect? Agad akong umiling bilang pagtanggi. I will never do that! I didn't even know that they are in a relationship. Nakita ko ang pagsiklab ng galit sa mga mata niya at mabilis na tinahak ang distansya naming dalawa. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at marahas na sinabunutan. "Sinungaling!" aniya habang nanatiling nakakapit sa buhok ko. Napapikit ako sa sakit at maluha-luhang napahawak sa kamay niya para pumigil. "Mary, let me go. Wala akong ginawa, wala akong alam," pakiusap ko. Lalong humigpit ang hawak niya sa buhok ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking anit dahil doon. "Liar! You flirted with him on the site! Kitang-kita ko kung paano kayo nag-usap at nagtawanang dalawa!" puno ng panggigigil niyang sigaw. "We are working on a project. It's normal that we talk or occasionally joke around, Mary France. Walang ibang kahulugan iyon," pilit kong paliwanag. I shut my eyes tight when her nails dug into my chin. "Isa ka talagang sinungaling, Khrystal. Manang-mana ka sa nanay mong malandi!" And there, I could not fight anymore. I just held back my tears and let her hurt me. Ganito naman palagi. Every time something bad happens, it will always lead to my biological mother. Ang nanay ko na hindi ko naman nakilala mula pagkabata ko. "Jusko!" pamilyar na boses ni Manang Luisa at agad kong naramdaman ang pagtulong niya sa akin na makawala sa kapatid ko. "Ano bang kaguluhan ito? Bakit hindi niyo pag-usapan nang maayos?" dagdag niyang sambit nang tuluyan na akong naialis at nailayo kay Mary France. My stepsister just raised her eyebrow at Manang. Gano'n din naman ang ginawa ni Mommy Francheska. "Pagsabihan mo 'yang alaga mo, Manang," Mary emphasized the last word. Tila ipinaparamdam ang lugar niya sa bahay na kanyang pinagsisilbihan. Hindi naman sumagot si Manang at nag-aalala na lamang na inayos ang buhok ko. "Ayos ka lang ba, hija?" usisa niya sa akin. Pilit na lamang ako na ngumiti kahit bahagyang nakakaramdam ng liyo. "Ayos lang po ako. Huwag niyo po akong intindihin," ani ko saka tumingin sa kapatid ko. "Pasensya ka na, Mary. Hayaan mo mula ngayon hindi na ako makikipag-usap kay Harry," paumanhin ko. Mommy Francheska smirked. "Sa dating ng salita mo ay parang ang anak ko pa ang gagawan mo ng pabor, Khrystal." I shook my head. "Hindi po sa gano'n. Ayaw ko na lang po ng gulo kaya sinasabi ko kay Mary ang plano kong gawin," I tried hard to explain. "Wala na akong pakialam sa gagawin mo, Khrystal. Sa 'yo na si Harry kung gusto mo, tutal gawain mo naman talaga 'yan. Ang mangolekta ng lalaki," Mary spatted then took her leave. Gusto kong matawa sa mga oras na ito. Para saan ang mga natanggap kong sampal at sabunot? Galit sila dahil sa pag-aakalang nang-agaw ako, pero ayaw rin nila tanggapin kung anuman ang plano kong gawin sa lalaking idinidikit nila sa akin? "Tapusin mo ang proyektong inaayos mo ngayon sa madaling panahon," ani Mommy na nakakuha ng atensyon ko. Hindi naman ako nagsalita at hinihintay na lamang ang idudugtong niya. "Tutal magaling ka namang lumandi. Ikaw ang mag-asikaso kay Mr. Revelar kapag dumating siya rito sa Vista Querencia. Make sure na makukuha mo siya para sa kumpanya natin, Khrystal," mariin na wika niya. Magkahalong gulat at pagtataka ang bumalatay sa mukha ko. This is the first time that they will let me handle a family business or transaction. In my whole life, I was working apart from them. Nagtatrabaho ako bilang architect sa ibang firm. Hindi iyon gano'n kasikat katulad ng sa family business namin pero nagagawa pa rin naman niyon makipagsabayan sa mga middle class na negosyo. "B-Bakit po ako?" wala sa sariling tanong ko. Mommy Francheska crossed her arms. "Bingi ka ba? Nasabi ko na, 'di ba? Landiin mo si Mr. Revelar para sa kumpanya natin. Are you that dumb to understand?" she hissed. Napalunok na lamang ako at hindi alam kung ano ang mararamdaman. Dapat ba akong maging masaya dahil may gagawin akong trabaho para sa kumpanya namin o masasaktan dahil sa tingin nila na kaya kong gawin? "I will let you leave." Natigilan ako at marahan na naituon ang paningin sa tumatayo kong ina. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "I'll let you live in America when you get and finish the project," she said clearly. Tuluyan nang napaawang ang labi ko at ilang beses na napakurap. Simula nang nakapagtapos ako ay hiniling ko nang bumukod at lumayo pero hindi nila ako hinahayaan. Ngayon ay sila ang kusang nagbibigay sa akin ng pagkakataon na umalis. I slowly balled my fist and took a deep breath. "Give me the project information," I uttered. *** "SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, hija?" Manang Luisa asked. Nandito na kami sa silid ko. Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror habang pinupunasan niya ako ng tuwalya sa buhok. Nakasanayan na niya itong gawin sa tuwing natatapos akong maligo. I looked at her on the reflection and forced a smile. "This is my chance, Manang," I answered indirectly. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago ipinatong sa gilid ang kanyang hawak na tuwalya. "Gusto mo ba talagang umalis dito?" mahinahon niyang tanong sa akin. I slowly nodded. "Vista Querencia is a good place, Manang." Once again, I faked a smile. "But the people were not," I continued. Pity flickered in Manang's eyes as she stared at me. "No matter how good nor successful I am, isa pa rin akong bastarda sa mga mata nila. Isang surot sa magandang pamilya nina Daddy. A good-for-nothing daughter of the Dagsinal clan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD