"I don't like it," he said directly after my presentation.
Palihim kong naikuyom ang aking palad sa likuran ko. Inaasahan ko na ito. Gano'n pa man, umasa pa rin ako na mababago ang lahat pagkatapos nang paglalatag ko ng mga plano.
Kita ko ang mapaglarong ngisi sa labi niya, pero hindi roon natuon ang mga mata ko. My dad's disappointed look caught my attention at all. Hindi man iyon mukhang naninisi ay alam kong nanghihinayang siya dahil ramdam niya rin na hindi namin makukuha si Mr. Revelar.
Prenteng tumayo ang lalaki at itinipay ang ilang butones ng suit niya. "I'm sorry, but I am going to remove PIP Inc. in my list," imporma niya.
Pilit na ngumiti ang ama ko saka sumunod na tumayo. "It's okay. I understand if we didn't reach your expectation," ani Dad at umastang makikipagkamay.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakamasid kay Daddy na kunwaring hindi nagpapaapekto sa bigong transaksyon.
Mr. Revelar shook a hand with my dad, then glanced at me. I could feel him smirking behind his look.
"Nice to meet you again, Ms. Dagsinal. Pasensya ka na sa biro ko kanina," aniya.
I forced a smile. "It's nothing, Sir Agustine."
I knew what he meant earlier on his joke, it was like he's showing me that he can prove me that he's straight by marrying me in a blink.
It's my fault. I know I'm at fault. I should just let him that day and turned blind eye, but I chose to feed my ego. A small smirk plastered on his lips as if he saw me repenting of what I did. He looked again at my father to bid a goodbye. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay tahimik kaming naiwan ni Daddy sa loob ng silid.
Ramdam ko ang labis niyang panghihinayang. Mayamaya pa ay binalingan niya ako ng tingin at tipid na ngumiti.
"You should go home now," he said.
Natigilan ako sa aking p'westo at hindi nakagalaw.
"It's over. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo sa Vista Querencia," dagdag niya na para bang gano'n lang iyon kadali.
My mother's words automatically lingered in my mind. Babalik ako sa Vista Querencia ng bigo at may dala na namang kahihiyan.
"Are you... disappointed in me, Dad?" maingat kong tanong, natatakot sa kanyang posibleng sagot.
"I am not, Khrystal," he answered quickly.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang nakita sa mga mata ni Daddy ang katotohanan sa sinabi niya.
"This is your first time handling a big client. Kaya naman naroon ang risk na hindi mo ito makukuha. Bukod pa roon ay sadyang metikuloso si Mr. Revelar sa negosyo. Simpleng butas lang na makikita niya sa plano ay aayawan niya iyon tulad nang ginawa niya sa atin," mahabang paliwanag niya.
Mas lalo akong nakaramdam ng pagkalugmok dahil alam kong ako ang butas na nakita ng kliyente. Kung malalaman iyon ni Daddy alam kong magiging disappointed siya sa akin sa mga oras na ito, taliwas sa isinagot niya sa akin.
"I will persuade him," mariin kong usal.
"Khrystal," tawag ni Daddy na para bang wala na akong magagawa pa.
I looked at him with full of determination. "Makukuha natin siya, Dad. Let me handle this."
Saglit akong tinitigan ni Daddy at bumuntonghininga. "If that's what you want then. I will give you a week to change his mind," pagsuko niya sa akin saka lumabas ng silid.
Nanghihina naman akong napaupo at puno ng frustrasyon na napahilamos sa mukha ko.
Ano'ng gagawin ko?
The first thing came into my mind was to ask for forgiveness. Pero base pa lang sa mga aksyon niya kanina ay imposibleng magbago ang kanyang isip sa simpleng paghingi ko ng tawad. Naiiyak kong ginulo ang aking buhok.
Hindi ako p'wedeng umuwi ng ganito. I should win this. I should have this deal.
Nasa gitna ako nang pag-iisip ng mga paraan nang naramdaman ko ang paggalaw ng telepono ko. I took it out from my pocket and saw mom's name on the message notification bar. Binuksan ko naman iyon.
Did you get the deal?
Pang-iintriga niya. Napanguso naman ako at napahilot sa aking sintido.
"Worst first day," I uttered.
Mayamaya pa ay napaayos ako ng upo at napatitig sa telepono. Ang mga linyahan ni Mommy ay paulit-ulit na pumasok sa isip ko.
Landiin mo si Mr. Revelar...
It's wrong. It's definitely wrong. But this is my only chance to live on my own.
I heaved a deep breath and fix my things.
By hook or by crook, I will tie Agustine Bhryll on our company.
Mabilis akong lumabas ng silid at saka nagtungo sa sekretarya ni Daddy. Kita ko ang gulat sa mukha niya sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya.
"Can I have some background details about Mr. Revelar? His place, his favorites, anything about him," ani ko rito.
Napalunok naman siya at marahan na tumango. Kinalkal niya ang ilang papeles sa gilid niya at nang nakita ang hinahanap ay ibinigay niya iyon sa akin.
"Thank you," nakangiti kong sambit saka pumunta sa aking working space.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng ibang empleyado ni Daddy pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Sa halip ay naupo ako sa 'king upuan at binuksan ang laptop ko. Searching some news and rumors about the guy who turned down our offer.
I know, I will put my name at risk from what I am planning to do. Pero ano bang kaibahan niyon? Anuman ang gawin ko, isa na akong putik sa mata ng nakararami. Ang importante sa akin ngayon ay ang matupad ang gusto kong gawin.
And that is...
To seduce Mr. Revelar.
***
MAG-AALAS otso na ng gabi pero nandito pa rin ako sa lobby area ng condominium building na pinag-i-stay-an ni Mr. Revelar. Sa halip na umuwi at mag-ayos sa pagtitigilan kong bahay, nandito ako, naghihintay sa kanya. Base sa mga nakalap kong impormasyon, istrikto siya sa oras ng trabaho. Sinusunod niya ang oras ng cut off ng work niya which is 7:30pm.
Napag-alaman ko rin na hindi gano'n kataas ang alcohol tolerance niya. Rumor lang iyon pero panghahawakan ko pa rin iyon sa plano ko. Napabuntonghininga ako saka tumingin sa hawak kong paper bag kung saan naroon ang mamahaling alak na binili ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng gagawin ko sa akin, pero hindi na iyon ang mahalaga. For now, my goal is to succeed and live quietly in America.
"Good evening, Sir."
Nakuha ng mga nakakalat na staff ang atensyon ko nang narinig ko silang bumati kung kanino. My heart pounded when I saw who it is. Mr. Revelar, the man I am waiting for, walked like a God.
Hindi ko maiwasan na murahin ang sarili ko sa maling pag-aakala sa kanya. How did I think of him as a gay?
Asta siya kikilo sa isang pasilyo nang magtama ang paningin namin. Naroon man ang pagtataka sa mga mata niya ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Alam kong lalampasan niya ako kaya naman ako na ang kusang humarang sa kanya bago niya pa man magawa iyon.
He raised an eyebrow at me. Mula sa gilid niya ay napansin ko rin ang pamilyar na lalaki—ang kasama niya noon sa mall. From what I remembered, he's Miguel.
"Mr. Revelar," I started.
Pilit niya mang itago ay nakikita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na pupuntahan ko siya o magpapakita ako sa kanya.
"I-I..." Kinalma ko ang sarili ko at saka iniaro sa harap niya ang hawak kong paper bag. "Want to drink with you," I continued.
Slowly, his side lip rose. "Do you think this will change my mind?" diretyo niyang tanong, patukoy sa nangyari niyang pag-turn down sa amin.
Marahan akong umiling. "I just want to show my appreciation," ani ko.
Muli namang umangat ang kilay niya.
"You didn't tell my dad about what happened. Besides, I am here to get my... card," I stated.
He stared at me for a while and then licked his lower lip. "Come with me then."