-Paix's Play-
Katulad noong araw na una kong nalamang may sakit si Yara, malakas ang buhos ng ulan. It was like it's competing with my sadness. Para bang hinahamon ako na umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. For I know, she's watching over me and she'll be sad once I tend to look miserable. Magiging malakas ako para sa kanya, kahit na wala na 'kong natitirang dahilan para gawin iyon.
She's literally my life. My only life. How do I expect myself to keep on living? Nagsimula lang ang buhay ko noong nakilala ko siya. And now, it just stopped. Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko. As I look over her inside her coffin, no feelings came across me. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiyak o malungkot man lang. The day she let go of my hands, was also the same day I decided to let my heart die with her.
"Pare, mauna na kami nila mommy." boses 'yon ni Yxel, ang nag-iisang kapatid ni Yara. Ni hindi na nga niya naabutan na buhay ang kapatid niya, bukod sa sarili ko, I can also feel his pain. "Be strong, Paix. She might be gone but life goes on."
Naiwan ako sa gitna ng malakas na ulan. Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang libing. She's precisely six feet below the ground, together with my heart and all the emotions I first felt for her. Goodbye, Yara. Mahal na mahal kita. Please don't worry about me, I'll be fine. Kahit araw-araw kong hahanap-hanapin ang presensya mo, ayos lang. Magiging okay rin ako. Alam kong maiisip ko ring sundan ka kung nasaan ka man - sana pigilan mo ako pag nangyari 'yon. Alam ko namang hindi mo gustong makita akong maging miserable, but you can't blame me. I can try to be fine and pretend like life is back to normal, pero babalik at babalik pa rin sa'kin ang lahat. Masakit kasi, Yara. I'm sorry.
Napaupo ako sa tapat ng puntod niya, yumukod na tila ba kaya ko pa rin siyang yakapin. I don't think I can ever let her go. I feel like I could lose everything just to bring her back to life!
God, I have no reason to be angry with you. At wala akong karapatan. But I came to you. I asked for her, I asked for the first time of my life. Nilapitan kita para sa nagiisang babaeng bumuhay sa pagkatao ko. Pero kinuha mo pa rin siya. Oo. Hiniram ko lang siya sa'yo. But how can you snatch her away this instant?
Hindi ko alam kung kailan ako makakalimot, siguro'y hindi na mangyayari 'yon. Patuloy sa pagikot ang mundo pero nananatili akong nakakulong sagabing 'yon. Sa gabing binitawan ni Yara ang mga kamay ko. Lumipas ang mga araw, dumaan ang mga buwan na nalalapit na maging taon pero sariwa pa din ang lahat. Ngunit siguro'y nasanay na ako sa sakit kaya hanggang ngayon nagawa ko pang magpatuloy na mabuhay.
Nagising ang diwa ko sa kwarto ko. Wala akong maalala kung paano ako nakarating dito. I'm guessing na inakay ako pauwi ni Mang Rudy kagabi matapos kong maglasing sa bar galing sa puntod ni Yara. Or is it? Hindi din ako sigurado kung ilang gabi ko na ginagawa 'to. Agad na sumunod ang kirot na namayani sa ulo ko.
"Putangina." nausal ko na lang. It's not like I'm not used to hang overs. Sumasabay na naman kasi ang mga alaala ni Yara. I can envision her looking at me angrily at the doorstep of my room. Ayaw niyang umiinom ako, kaya matagal na rin mula noong huling inom ko.
I smiled bitterly. Pinilit kong tumayo at mabilis na nag-hilamos. Nang bumalik na ang diwa ko, napalingon ako sa orasan. What time is it? 12 noon? What the heck!
Kumaripas ako sa closet at pinagbabato sa kama ang mga damit ko. Mabilis ko rin kinuha ang maleta at walang anu-ano'y pinagkasya ko ang lahat ng damit ko doon. What am I doing, you asked? I'm flying to Paris today. For weeks or maybe a month? I figured that I won't be able to stop drinking if I kept on being here. Tulad nga ng sabi ni Yxel, life goes on.
Surely, weeks are too short for me to move on. Pero alam kong makakatulong ito ng malaki sa'kin. Mapagiisipan ko ang mga bagay-bagay at kung anong balak kong gawin sa buhay ko ngayong wala na si Yara. Pagiisipan ko na rin kung babalik pa ako dito o hindi na. Life is too cruel, they say. Kahit lumipas pa ang maraming panahon – may isang taong tatatak at tatatak sa puso mo. She can never be replaced.
Kung tutuusin, maaga pa ako para sa flight ko. Magtu-2 o'clock pa lang pero 4:55 pa ang lipad ko, nadala lang siguro ako dahil sobrang tanghali ko nang nagising. Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa isang pasilyo ng airport. Bakit ba kasi kating-kati na kong maka-alis dito? I don't think it's because of Yara, because if it's her – I can stay here forever.
"Nicoleen." sumagi sa utak ko ang pangalan ng babaeng bulag na 'yon. Oopss. Let me correct myself, hindi na pala siya bulag. Yara's eyes were successfully operated on her. Nakakakita na siya. I still couldn't forget the feeling I got the moment I saw her open her eyes. Mga mata ni Yara iyon – nabubuhay sa babaeng iyon ang mga mata niya.
"Look at her. Para siyang sanggol na bagong mulat pa lang sa mundo. She smiles as if the world is hers to own – like how Yara usually does." malungkot na sambit ni Yxel sa'kin habang pinapanood naming si Nicoleen mula sa labas ng pinto. Ilang weeks pa lang ang lumipas mula ng mamatay si Yara noon. Ayoko sanang masaksihan 'yon noon pero gusto kong makitang mabuhay ang mga mata ng taong mahal ko. Kahit masakit, kahit sa ibang tao na ito nakalaaan.
"She can never be like Yara." seryoso kong sambit. "Isn't it too early to give away Yara's eyes? This is too absurd."
"Paix. Yara is dead. Face it." matigas na paninindigan niya. "No matter how long we delay it, hindi na niya magagamit ang mga matang iyon."
"Still.." gusto ko pa sanang kumontra pero tinapik niya ang balikat ko.
"Look at them," tinuro niya sina Mama at Papa, ang mga magulang ni Yara – they are looking so happy. Tuwang-tuwa sila kay Nicoleen. They look at her like she's Yara. "Masaya sila. I'm sure this is what my sister wanted, to let Nicoleen fill the void that she left. Maybe that's what she wants you to feel too."
Siguro siya nga ang dahilan kung bakit gusto kong umalis sa lugar na 'to. I don't want her to fill the void that Yara has left in my heart. Wala akong pakialam kung manatili ang sakit sa puso ko habang buhay, ang mahalaga manatili siya dito – sa puso ko. It's not like I'm blaming that blind girl, but everytime I look at her; I'm reminded of my loss. I get reminded of the pain. Ang mga matang iyon, iyon ang magsisilbing alaala ng taong hinding-hindi ko na maibabalik.
"One, two, three – four. Oh! Five! Ang dami." isang nasasabik na tinig ang nagpagising sa diwa kong malalim ang iniisip. Hindi ko agad binigyang pansin iyon, pinagpatuloy ko lang ang pamamahinga ng mga mata ko. Kulang pa ako sa tulog, as you can see. Hindi ko na sasayangin ang oras ko sa paglingon sa katabi kong sa tansya ko'y isang bata na first time sasakay ng eroplano.
Matagal na tumahimik ang mundo ko, pero hindi rin nagtagal 'yon."WOAH! LUMIPAD! LUMIPAD!"
Anak ng siyam na kalabaw! Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw na 'yon. Sa inis ko, liningon ko ito. Balak ko sanang sindakin para matahimik na ang mundo ko – pero natigilan ako. I blinked my eyes. Namamalik-mata ba 'ko? Napaawang ang bibig ko. Is fate playing dumb with me? How can this happen? What on earth is this girl doing here at the same airport with me?
-Nicoleen's Play-
Maraming airplanes. Hindi ko akalain na gahigante pala ang itsura ng mga 'to. I always envision things through my imagination, but now that I can see – it feels odd. Ofcourse, I've been under rehabilitation for almost a year. Pero parang lahat bago sa paningin ko, nakakapanibago. Hindi naman sa ayaw ko, masyado lang akong nagugulat. It's overwhelming to the extent that things frightened me the most.
Walang takot kong haharapin ang lahat ng ito. Alam ko namang wala akong ibang kakapitan. As I clearly remember, ni-isa sa mga magulang at kapatid ko, hindi nagpakita noong operasyon ko maliban sa isang kapatid ko daw kuno na hindi naman nagpakilala sa'kin. Sumulyap lang siya mula sa malayo na para bang awang-awa sa'kin. They just paid for the expenses and send me off to a vacation in Paris as a celebration gift. Ang galling, hindi ba? Gusto pa nga nilang samahan ako ng isang nurse sa biyahe na 'to pero hindi ako pumayag. Gusto kong danasin lahat magisa. Gusto kong matutunan na tumayo nang ako lang. Nung magka-malay ako, tanging pamilya ni Yara ang nasa tabi ko. I suddenly felt lucky and thankful. Binigyan ako ng pagkakataon ni Yara na maramdaman lahat ng hindi ko pa nararanasan. I don't think I can ever repay her – unless her wish was granted.
"Nicoleen, alam kong sa pamamagitan mo – mapapasaya ko pa rin yung mga taong mahal ko. You living with my eyes would make them feel like I'm still watching over them, that's why I'm thankful to you. But among them, there's one that's hard to please. Nakilala mo na siya, he's Paix. He's one difficult child. I spend years changing him, well – he did change. But he's the reason why I'm afraid to leave. Alam kong hindi siya handa. Natatakot akong pag-alis ko, bumalik siya sa dati. The miserable and pitiful Paix I first met. I wouldn't want that. That's why, I'm asking you this Nicole. Kahit na masyado nang labis itong mga hinihiling ko sa'yo, naglakas ng loob pa rin akong isulat 'to. Please be with Paix. Guide him. Don't let him turn back to his old self again. Please. This is the last thing I ask of you. It won't be easy I'm sure. I'm sorry for giving you this burden. Just make him smile from the bottom of his heart again, I want you to see it with my eyes. My eyes lives within you. I'll be forever thankful to you, Nicoleen. Goodbye. - Yara"
Iyon ang laman ng sulat niya sa'kin. Hindi man niya ako pinipilit na gawin iyon, pero pakiramdam ko kailangan kong maisakatuparan ito. It wasn't an obligation to begin with, it's a request that I'll voluntarily accept. Hindi bilang kabayaran sa mga matang ito kundi para sa isang kaibigang maagang nawala sa'kin. Just wait, Yara. I promise, I won't disappoint you.
"Nicoleen?" hindi ko alam kung namali lang ako ng rinig pero may tumawag sa pangalan ko? Nabaling ang tingin ko sa katabi ko sa upuan, nakatitig siya sa'kin na para bang nakakita siya ng multo. Pamilyar saakin ang boses niya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"