-Paix's Play-
Ugh. Wala na akong magawa kung hindi mapabuntong hininga sa sobrang inis. Bakit? Take a good look on who's beside me and you'll know why.
"Wow. Lumilipad na!" malakas na hiyaw ni Nicoleen.
Sino nga namang magaakalang hindi ko lang sa airport makikita 'to? Pati ba naman sa eroplano? At katabi ko pa! This is really getting into my nerves right now. Out of all the places, out of all the people - bakit dito at siya pa?
Nilingon ko ulit siya, para siyang batang namamangha sa lahat ng bagay na nakikita niya. Nagsisi-tinginan na nga dito yung mga pasahero dahil sa sobrang ingay niya eh. Nakakahiya. Kapag minamalas ka nga naman. Bakit ko pa kasi nakatabi 'to?
"Stalker ba kita?" bigla-biglang baling niya sa'kin.
Anak ng tokwa! Ano? Ako? Ako ba kausap niya? Stalker? Nahihibang na ba siya? Hah! What a delusional fella! Paix Montegro? Stalking a former blind girl? Does that even make sense?
Sinubukan ko siyang tignan ng masama pero isang inosenteng titig lang ang itinugon niya sa'kin, mukhang malabong pinagtitripan niya lang ako. She looks so damn innocent.
Sigh. Bahala na nga. "Hindi." nagtitimpi kong sagot.
Buong akala ko okay na yun para mapatahimik siya, but she opened her precious little mouth again.
"Bakit nakita kita sa airport kanina?" isang nakaka-yamot na tanong niya na naman.
"Baka hinihintay ko ang flight ko, di ba?" pamimilosopo ko sa kanya, halta na sa tono ko ang inis. Alam kong hindi dapat pero ganito lang talaga ako.
For someone as innocent as her, it's normal to be curious. Wala dapat akong ipagtaka sa mga ikinikilos niya. But every time I focus unto those eyes, I'm reminded again. Hindi dapat ako nakikipagusap sa kanya.
"Eh bakit katabi kita?" muling banat ni Nicoleen na inilingan ko na lang. She just won't stop asking. Nakakairita na.
"Tanong mo sa stewardess." tipid na sagot ko at pumikit.
Napanatag ako nang manahimik siya. Salamat naman at nakumbinsi ko rin siya sa mga sagot ko. Kung itatanong niya pa yung nangyari kanina, baka hindi ko alam kung ano ang -
"Paano mo nalaman yung pangalan ko?" and there it goes.
Sandali akong napaisip. Like, s**t! Oo nga, bakit ko pa kasi nasabi nang malakas yung pangalan niya? Pa'no ko malulusutan 'to ngayon?
For some stupid reason, I don't wanna be a petty stalker in her eyes - but I also don't like the idea of revealing myself to her. Tama nang nag-krus ang landas namin dito, pero sa oras na bumaba na kami sa eroplanong 'to, I won't give a damn about her.
Iginala ko ang mga mata ko. Looking for a perfect escape plan and - jackpot!
"Naka-imprint sa manggas ng blouse mo." palusot ko sabay turo sa balikat niya. Thankfully, mabilis akong nakahanap ng solusyon sa katangahan ko kanina. "Satisfied now?" sarkastiko kong sabi.
Nanahimik siya sa wakas at ngumuso na parang batang natalo sa labanan ng jolen sa kanto. What a relief! Akala ko mabubuko na ko don ah? Phew!
Just when I thought my world can come to peace, I found her staring at me. Ano bang problema niya? Namumukhaan niya ba ko? Imposible. Bulag siya noon, di ba? Imposible. Imposible!
What exactly is her deal?
-Nicoleen's Play-
Paris! Nalalanghap ko na ang romantikong hangin. Over-acting mang pakinggan dahil nasa eroplano pa rin ako, I just can't hide my excitement! Ito ang unang beses kong masisilayan ang ganda ng mundo. After so many dark years, finally!
Napawi ang ngiti ko nang mapabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko. Ugh! Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sa stalker na 'to. Napaka-pilosopo kasi, eh halata namang nagda-dahilan lang siya kanina.
"Sino ka ba?" bulong ko sa isip ko. Napakapamilyar kasi ng boses niya. Kakilala ko kaya siya noong bulag pa 'ko?
Nakapikit na siya ngayon. Sa haba ng oras na nandito kami sa eroplano, ngayon ko lang siya napagmasdan. He looks like he's around my age. Fierce looking, mukhang hindi marunong ngumiti at galit sa mundo. Sayang! Gwapo pa man din sana.
Natigilan ako sa inisip kong iyon. Just when did I know the perception of 'gwapo' ? Isn't this the first time since I opened my eyes to the world? Naramdaman ko ang pagangat ng init sa mga pisngi ko. Ano bang ginagawa ko? Nahihibang ka na ba, Nicoleen?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip. Nakalapag na pala ang eroplano, nagsisibabaan na ang mga pasahero. Puminta ang ngiti sa mga labi ko.
'Paris, here I come!' hiyaw ko sa isipan ko.
Lumingon ako sa tabi ko, wala na si stalker s***h sungit s***h pilosopo boy. Siguro bumaba na. Hindi man lang ako ginising? Ayos talaga, napaka-gentleman! Mabilis akong kumilos at bumaba ng eroplano. Inasikaso ko agad ang pagkuha ko ng luggage ko. I can't wait to explore this place! Sana lang makita ko agad yung taong binayaran nila mama na mag-tour sa'kin.
Dagli-dagli kong binuksan ang cellphone ko, naka-save agad doon ang number ng secretary ni papa. Isn't it weird? Imbes na number niya ang nandito, yung sa sekretarya niya ang nilagay niya? Absurd.
"Kring!" Just in time! Mukhang magaling tiyumempo ang sekretarya ni papa, ah? Nasa labas na kasi ako ng airport.
"Hello? Secretary Dalis?" bungad ko. Kinabisado ko talaga lahat ng pangalan ng mga empleyado sa kompanya namin. I want to impress my father. Ngayong may silbi na 'ko, papatunayan kong pwede na niya kong ipagmalaki. So they wouldn't abandon me again.
"Ms. Nicole?" parang ninenerbyos ang boses niya.
"Yes?"
"A-About po sa tutuluyan ninyong hotel." panimula niya.
"Oh? Saang hotel mo ba 'ko napa-reserve?" excited kong tanong.
"I'm so sorry, Ma'am. Puro full po kasi lahat ng hotels, hindi po ako makahanap." maagap na pagpapaliwanag niya. Napaawang ang bibig ko. Just what?
"What? What do you mean?" gulat na gulat na tanong ko. Oh no, this can't be happening.
"Just hang on a little longer, please. Hahanap po talaga ako, I'll contact you again." pagpapanatag niya sa kalooban ko, pero walang epekto iyon. Pano ako kakalma? Aamagin ako sa lamig dito sa Paris?
"Ma'am, wag nyo po ako isumbong sa dad nyo ah?" pahabol niya.
Gusto ko pa sana siyang sagutin pero -
"Toot. Toot. Toot" 'yan ang sunod kong naring. Curse this life! Akala ko mag-eenjoy ako, pero simula pa lang pala palpak na. Dapat pala hindi ko tinanggihan yung pinapasama nilang nurse sa'kin. Saan ako pupulutin nito? Sandamakmak na kamalasan na inabot ko sa eroplano pa lang, ilan pa kaya dadanasin ko dito?
Hila-hila ang dalawang naglalakihang maleta ko, naglakad ako papunta sa isang sheltered bench. Gustuhin ko man kasing kumuha ng taxi at maghanap ng hotel na pansamantalang matutuluyan, natatakot ako. I didn't expect I'll feel this way. Ito yung matagal ko nang pinapangarap pero nakakagulat ang lahat. Seeing faces doesn't actually help - it adds up to my frustration. Hindi tulad noong bulag pa ako, wala akong nakikita kaya ni ekspresyon nila hindi nakakaapekto sa'kin. Now when I realized there are too many eyes around me, I freeze and my knees starts to tremble. What a frightening world this is.
Pinilit kong hindi umiyak pero naiiyak na talaga ako. Kung hindi ba naman isa't kalhating tanga yang sekretarya ni papa, hindi ako kakabahan ng ganito. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang malakas at malamig na ihip ng hangin. Napapikit ako. The same feeling struck me again. Cold. Lonely. Alone.
"Beeep!" nagising ang diwa ko sa tunog na 'yon. Busina ba ng kotse 'yun?
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko upang alamin kung saan galling ang tunog na iyon. To my surprise, it was an unpleasant view. Si Stalker boy na nakasakay sa pulang sports car. He's looking at me with an annoying expression. Nangaasar ba 'to? Anong akala niya ikina-gwapo niya na 'yan?
"Oh, anong problema mo?" masungit kong tanong sa kanya sabay ismid.
"Wala. Baka ikaw meron." maangas niyang baling sa'kin. Hayan na naman siya. Pilosopo talaga 'tong kumag na 'to eh! Natuyo na ata lahat ng luha ko sa inis sa kanya.
"Ewan ko sa'yo. Stalker!" malakas kong sigaw. Sapat na para pagtinginan kami ng nasa paligid namin. Hah! Akala niya makakanti niya 'ko dito? Nabasa ko sa mukha niya ang pagka-yamot. Aba, sa wakas naka-ganti na ako. Victory!
"Look. Unang-una, hindi ako stalker. Pangalawa, I'm thinking of helping you and be a gentleman for good dahil na-overheard ko mula sa naka-louspeak mong cellphone na wala kang matutuluyan - but never mind. Nagbago na ang isip ko." prangkang sagot niya.
Lagot! Nagalit nga siya. Teka, ano daw 'yun? Tutulungan niya 'ko? Naka-loudspeak pala yung tawag ni Secretary Dalis kanina? Napatingin ako sa cellphone kong halos hindi ko naman alam kung paano gamitin.
"Wait!" pigil ko sa kanya nang akma na niyang paaandarin yung sasakyan niya. "Tutulungan mo ba talaga ako? Promise?" paninigurado ko. No choice na ako, desperado na akong makawala sa lamig dito. Sabagay, mas mabuti na 'to kasi atleast nagkakaintindihan kami ni Stalker boy kaysa naman pumunta pa 'ko sa tour guide office, mapapa-english ako ng di oras. "Hindi ka naman masamang loob 'no?"
"Didn't I say that already? At mukha ba 'kong masamang tao? " tila naiinis pang sagot niya. He looks willing in spite of his annoyed tone. Nakakapagtaka, pakiramdam ko may kilala akong katulad niya. I just can't remember it clearly.
"Ano? Sasakay ka ba o hindi?" pukaw niya ulit sa'kin. "You're wasting my time."
"Sasakay na, sasakay na!" mabilis kong sagot saka hinila ang dalawang maleta ko. "Baka gusto mo 'kong tulungan no?" sarkstikong pahiwatig ko habang hirap na hirap na hinihila ang mga bagahe ko.
Napa-buntong hininga siya bago bumaba mula sa sasakyan niya. "Bakit kasi parang buong bahay mo dinala mo dito sa Paris?" panunuya niya.
"Aba, sorry ah? First time makaalis ng Pilipinas eh." inis kong tugon. Mainit pa rin ang dugo ko sa kanya kahit na alam kong wala na kong ibang aaasang tutulong sa'kin kundi siya.
There's something weird about him. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano, pero sa tuwing titingin ako sa kanya - I can read pain.
Those eyes - while looking at me - there was pain.