-Nicoleen's play-
Masayang nagsimula ang araw ko, hindi ko na nga namalayang oras na pala para bumalik ako ng kwarto. Ito ang pinakaayaw kong oras sa lahat, ang oras para matulog. Kahit ipikit o imulat ko kasi ang mga mata ko, dilim pa rin ang bubungad sa'kin. Wala pa rin akong makikita at lalo lang akong mawawalan ng pagasa.
"Miss Nicole, kailangan niyo na pong magpahinga." narinig kong sabi ng nurse. Bagong boses, malamang napalitan na naman yung nurse na nag-babantay sa'kin. Ilang nurse na ba ang nag-alaga sa'kin? Hindi ko na mabilang. Karamihan siguro sa kanila umalis na, iniwan akong napaglipasan ng panahon.
Hindi ako umimik, hinayaan ko lang na alalayan niya kong makahiga sa kama. Sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ko, natatanggap ko na ganito na lang ko habang-buhay. Pabigat at bilanggo sa dilim at mga gamot na hindi ko alam kung bakit pinapainom sa'kin. Wala rin akong ideya kung ilang taon na 'ko sa lugar na 'to. One or two? Wala akong maalala dahil matagal na akong sumuko sa pagbibilang ng mga araw at sa pagasang may makakaisip na bumisita muli sa'kin. . Pakiramdam ko inabandona ako, walang dumadalaw, walang kwenta, walang silbi.
"Blaaaag!"
Sumara na ang pinto, ibig sabihin nyan wala na yung nurse. Babalik lang naman 'yun kapag magpapainom ng kung anu-anong gamot. Nakakasawa na. Magreklamo man ako ngayon, wala ring mangyayari. Ganito naman araw-araw eh. Walang pinagbago. Madilim, tahimik at amoy ng gamot.
"Tawagin niyo si doc!!"
Mahihimbing na sana ako nang makarinig ako ng mga boses sa labas at sa kabilang kwarto. Kakaiba iyon, kadalasan kasi tahimik dito. Pumasok agad sa utak ko si Yara, halos magkatabi lang kasi kami ng kwarto. May nangyari kaya? Puro yabag at bulungan lang yung mga naririnig ko. Nangyayari lang naman 'to kapag - may emergency o naghihingalo? Hindi naman siguro si Yara 'yun di ba?
"Yara! Please, papasukin ninyo 'ko!" umalingawngaw ang sigaw na 'yun sa buong pasilyo at pati sa kwarto ko. Nakikilala ko ang boses na iyon. Para bang narinig ko na kani-kanina lang.
"Dito na lang po kayo, sir. Ang mga doktor na po ang bahala." boses ng nurse na kagagaling lang sa kwarto ko kanina.
"Si Yara." bulong ko. Ano kayang nangyari sa kanya? Hindi ko maiwasang magalala, natatandaan ko pa ang mga sinabi niya sa'kin kanina bago dumating yung boyfriend niya. Ayokong maniwala kaya inisip ko na lang nagbibiro lang siya. Pero ngayon, kinukutuban na 'ko.
"Alam mo, pakiramdam ko huling araw ko na ngayon." ito ang binungad niya sakin kanina. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, pero dahil nga bulag ko, hindi ko mawari kung binibiro niya lang ako o hindi. "Kung sakali mang ganun, may gusto sana akong hilingin sa'yo."
Tumawa ako sa pagaakalang hindi siya seryoso sa mga sinasabi niya."Ha? Tigilan mo nga yan, Yara. Puro ka kalokohan." nasabi ko na lang.
"Alagaan mo itong mga mata 'ko ah?" saad niya na tila binalewala ang pagtawa ko. Natigilan ako sa mga sinabi niya, unti-unting nabubuo sa'kin kung anong ibig niyang sabihin. "Sana, kapag nakita mo na ang mundo, ipaalala mo sa mga taong mahal ko na buhay pa rin ang mga mata ko. Kay mama, papa at kuya. At sana--- makita ng mga matang 'to na ngumiti si Paix kahit na alam kong mahihirapan siyang gawin 'yon."
Naging palaisipan sa'kin ang mga katagang iyon. Sa mga nangyayari ngayon, tila ba ipinapahiwatig ni Yara na alam niya na ang mga mangyayari. Hindi ko alam kung handa na ba 'kong makita ang mundo, pero hindi ko gugustuhing makita ito nang may magsasakripisyo ng buhay. Marami pa siyang dapat gawin. Marami pa siyang mga taong dapat makita. Hindi ako karapat-dapat sa mga matang iyon!
Dagli-dagli akong tumayo, hindi alintana ang dilim ng aking paningin. Hindi 'to pwedeng gawin ni Yara. Kailangan ko siyang pigilan. Pinilit kong lumakad patungo sa pinto, kahit na pasuray-suray, basta't makalabas lang ako at malaman ang lagay ni Yara.
Halos madapa ako nang mapihit ko pabukas ang pinto. Bilang ang bawat hakbang, kinakapa ang dilim patungo sa kabilang sulok. Isang pakiramdam ang nagpatigil sa paglalakad ko - may nakatingin. Bunga ng kawalang kakayahan kong makakita, tumalas ang pakiramdam ko. Nakakasigurado akong may nakatingin sa'kin, kakaiba sa kahit anong tingin, nakakapangilabot ito sa lamig.
"Masaya ka na ba?" narinig ko ang basag niyang tinig. It must be Paix, Yara's boyfriend. Dama ko sa tono ng pagsasalita niya ang pait. Sinabi rin siguro sa kanya ni Yara ang lahat. Naiintindihan ko kung galit siya, sino nga bang matutuwa kung mamamatay na ang taong mahal mo di ba?
Hindi ako umimik, pinakinggan ko lang ang sunod-sunod niyang pag-hikbi. It must be hard for him to endure all of this. Halos dalawang taon ko na rin kilala si Yara, madalas siyang nagpapacheck-up at nacoconfine dito kaya naging malapit kami. Sa mga kwento niya, nabubuhay ang paningin ko. She's like an angel sent from heaven to give me hope. Pero sino nga bang mag-aakalang kukunin siya agad dito? Ang daya di ba? Hindi ko naman hiniling na may mawala para matupad ang hiling kong makakita.
"Gusto niyang ibigay ang mga mata niya sa'yo." basag ni Paix sa katahimikan. "Isang malaking kalokohan di ba? But she seemed to be determined about that. Gusto ka niyang tulungan pero ni hindi niya matulungan ang sarili niya." mapait niyang sabi.
"I-I'm sorry." ito ang tanging nasabi ko sa gitna ng pagpatak ng mga luhang hindi ko alam kung bakit tumutulo.
"Bakit? May kasalanan ka ba?" tumaas ang tono ng pananalita niya. Napagitla ako at bahagyang napaatras nang marinig kong humahakbang sila palapit. "Wala kang karapatang humingi ng tawad o umiyak. Wala ka ngang kasalanan, pero ikaw - ikaw ang naging dahilan kaya mas lalo niyang tinanggap na mamamatay na siya! Ikaw. Kaya siya hindi lumalaban dahil alam niyang mawawala siya ng may mas mabuting dahilan! Kaya oo, wala kang kasalanan!"
Wala akong naitugon sa mga sinabi niya, ang tanging naramdaman ko lang ay ang panlalambot ng katawan ko at pagbagsak ko paupo. Isang bugso ng damdamin ang namayani sa'kin, hindi ko mawari kung ano iyon. Galit? Kunsensya? Totoo naman ang sinabi niya, wala akong kasalanan. Pero naging pabigat na naman ba ang kapansanan ko? Bakit ba - palaging ganito?
"Mr. Montenegro, pinapatawag po kayo ni Doktora at ng pasyente sa loob." putol ng nurse sa tensyon na namamagitan sa amin ni Paix.
Wala na akong narinig matapos 'non. Humakbang na sila papasok ng kwarto at dumagundong sa buong pasilyo ang pagsarado ng pinto. Napabuntong-hininga ako hindi dahil sa pagalis ni Paix, kundi dahil may mga buhay na naman akong nagambala dahil sa sakit ko.
"Ms. Nicoleen, pasok na po tayo sa kwarto ninyo." isang pamilyar na tinig muli ang narinig ko. Isa siya sa pinakamatagal na nurse na kilala ko dito. Hindi ko nga alam kung nurse ba talaga siya, ngunit hindi iyon ang mahalaga ngayon.
"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" tanong ng nurse matapos niya kong alalayan pabalik sa kwarto ko. Kadalasan kasi kinakausap ko pa siya, pero ngayon wala akong lakas para magsalita. "May masakit ba sayo?"
"Oo. Dito." sagot ko sabay turo sa dibdib ko. Mabigat na para bang nabibiyak--nababasag. "Sobrang sakit."
"Sandali lang. Tatawagin ko si doktora." tila nabahala siya sa sinabi ko, pero hindi iyon ang ibig kong sabihin.
"Huwag na. Gusto ko na matulog. Please. " pigil ko sa kanya Hindi naman ako nakarinig ng protesta kaya payapa akong humiga at pinikit ang mga mata ko. Nagsimula na namang tumutog ang malambing na musikang ilang taon nang nakakapagpatulog sa diwa ko. Wala akong ideya kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Piano? Imposible. Imposibleng magkaroon ng piano sa hospital room ko. Kung meron man o wala, sa palagay ko, malapit ko na ring malaman.
Sa isang iglap, natahimik ang diwa kong kanina'y gulong-gulo pa sa mga pangyayari. Unti-unting naglalaho ang paninikip ng dibdib ko, parang lumulutang ako kasabay ng malambing na musikang iyon.
Matapos ng kagimbal-gimbal na gabing iyon, natagpuan ko ang sarili kong bumalik sa dati kong sistema. Gigising sa dilim at matutulog sa dilim. Lumipas ang mga minuto, oras, araw, linggo at buwan, wala akong naging balita sa nangyari. Tinatanong ko rin yung mga nurse kung kamusta na si Yara pero hindi sila sumasagot. Tahimik ko na lang na ipinagda-dasal na sana ayos na siya. At sana hindi niya nakuhang iwanan si Paix sa ganitong sitwasyon.
Nagaalala ba ko? Oo. Matapos kong marinig ang mga hinaing niya, I felt guilty. Nanakawin na nga sa kanya ang buhay ng mahal niya, maiiwan pa sa'kin ang mga mata nito. Cruel, isn't it? Kaya ayoko mangyari iyon. Ayokong maging habang-buhay na mapait na alaala sa mata ng taong ang tanging ginawa lang naman ay nag-mahal. Nakaka-inggit nga si Yara, maraming nagmamahal sa kanya. Bakit kaya napaka-unfair ng mundo? Kung sino pa yung maraming nagmamahal, sila pa yung nauunang mawala. Samantalang yung mga walang nagmamahal, tinitiis lahat ng pagdurusa para lang mabuhay.
Napukaw ang malalim kong pag-iisip nang pumihit pabukas ang pinto. Kilala ko ang presensyang iyon. Malamig. Malungkot. Hindi ko maipaliwanag pero kilala ko na agad kung sino siya. Si Paix. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa kinalalagyan ko.
"Ipinabibigay ni Yara. Basahin mo pagkatapos ng operasyon."malamlam niyang sabi. Hindi ko man siya nakikita, nakikinikinita ko ang malungkot niyang anyo. Inilagay niya sa kamay ko ang isang nakatiklop na papel.
"S-Si Yara?" nauutal kong tanong. Alam ko na ang sagot pero gusto ko iyong marinig mula mismo sa kanya. "Nasaan siya?"
"Masaya na siya. Pinakawalan ko na siya." tipid na sagot niya. Dama ko pa rin ang pait sa mga katagang sinasambit niya.
"Okay ka lang ba?"
"How I wish. Just live well, Nicoleen."
Matapos ng mga huling katagang iyon. He left. Kasabay ng pagsuko ni Yara, sumuko na rin siguro siya. Mahigpit kong pinanghawakan ang kapirasong papel na iyon at nagsimulang umagos ang luha mula sa mga mata kong mabubuhay nang muli. Sana sa pag-mulat ko sa bagong mundo - matupad ko ang mga kahilingan ni Yara. Iingatan ko ang mga matang iyon, hinding-hindi ko siya bibiguin.