Round One: Her Eyes

2625 Words
To see how beautiful the world is That was my dream back then. Back then - Before I knew how tragic it was, Before they gave me her eyes. Before I met him. Everything seems to be hopeless. I only knew one color, and that was black. I was never contented. But I wished I have been. Because if I didn't ask for anything more back then. This wouldn't happen. And I won't get played with. ROUND ONE: HER EYES -Paix's Play- Kasabay ng malakas na pagbagsak ng ulan mula sa madilim na kalangitan ang mga pagbulong ko ng isang panalangin. Kung maaari lang sana na ako na lang ang nasa sitwasyong ito at hindi na ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko akalain na makakayang itago sa'kin ni Yara ang lahat sa loob ng apat na taon. I didn't know how sick she was and how badly she's hurting right now.Nasa gitna siya kanina ng pag-amin sa'kin tungkol sa kalagayan niya nang biglang mahimatay siya harapan ko. Wala siyang malay pero hindi ko malimutan ang paghabol niya sa hininga niyang pilit na kumakawala mula sa kanyang bibig. Ang buong akala ko'y simpleng asthma lang ang sakit niya mula noong pagkabata niya ngunit sa kalagayan niya ngayo'y mukhang isa ito sa balak niyang ipagtapat sa'kin kanina. Eventhough I'm scared to learn the truth, I know we must face this together. Maya-maya bumukas ang pintuan ng hospital room, nakita ko ang doktora na lumapit sa higaan kung saan payapang natutulog si Yara. Nang makita niya ko, hindi ko maipinta ang lungkot sa mukha niya. "Hi, you must be Mr. Paix Montengero. Yara told me a lot of things about you. I'm Dr. Feliz, pasyente ko na siya eversince she was 9." formal na pakilala ng doktora ngunit hindi mabura sa kanyang mukha ang lungkot habang nakikipagkamay sa'kin. "How is she, doc?" Umiling siya at muling ibinaling ang tingin kay Yara. "I'm sorry, Mr. Montengero. Wala nang pagasa si Yara. I already told her about this a week ago, and I think you ought to know. She's in the verge of dying and her heart can't take it anymore." Hindi ako nakapagsalita agad. Mabagal na rumihistro sa utak ko ang mga kataga ni Dr. Feliz. I know I should expect the worst but not as worst as this. Wala akong maintindihan, ayaw tanggapin ng isipan ko ang mga sinabi niya. "Walang pagasa? Wha-What do you mean doktora? Just what the heck is wrong with her heart?" nanginginig ang boses ko, nararamdaman ko ang paninigas ng aking mga kalamnan. Umiling muli ang doktora, nakikita kong may pumipigil sa kanya para sabihin ang tunay na kundisyon ni Yara. This is insane! "Puwede naman sigurong operahan, di ba? Marami namang successful na heart transplant! Please! Just save her!" Narinig ko ang pag-buntong hininga ng doktora, hindi nawala ang lungkot sa mga mata niya nang magsimula siyang magsalita muli. "Mr. Montenegro, Listen and calm down." utos niya, and so I did. For atleast sinubukan kong kontrolin ang mga emosyong tila sasabog na sa dibdib ko. "Yara- I mean, Ms. Cardinal, Alam kong hindi pa niya nasasabi sayo ang mga detalye tungkol sa sakit niya," "Nakiusap siya saakin na wag ko mababanggit sayo o kahit sa pamilya niya ang lahat." Nakikita kong mahirap sa parte ng doktora ang ginagawa niyang pag-bubunyag sa tunay na lagay ni Yara. Pero, ano nga ba? Bakit kailangan pang itago ni Yara ang lahat saakin at sa pamilya niya? We can face it together-kaya ko siyang alagaan hanggang gumaling siya. "Miss Cardinal is suffering from congenital heart disease, Mr. Montenegro. It is a heart disorder since birth." paliwanag ng doktora."At first, she got better so her family didn't actually give much attention to it as she grew older. Pero naramdaman niya na ito habang lumilipas ang panahon, so she came to me without the knowledge of anyone. Pero huli na ang lahat, complications already arise and we can't perform the surgery. It was too late, I'm sorry." Parang sirang-plakang paulit-ulit na dumadagundong sa tenga ko ang lahat ng sinabi ng doktora. Hindi ko na nabigyang pansin ang pagtapik niya sa balikat ko at paglalakad palayo. I gaze into the space out of disbelief and regret. How come? How come I didn't notice the hardship she's going through? Pakiramdam ko, sinaksak ako ng libong kutsilyo sa dibdib. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Nang pumihit ako para tignan si Yara, nakita kong gising siya. Nakatingin saakin - an apologetic gaze. Nakikita ko ang mga luhang babagsak na galing sa mga mata niya. "Papaix," may pagsusumamo sa tono ng pag-tawag niya. She was looking at me, as if na ito na ang huling pagkakataon niya para titigan ako. Damn, Yara! Don't look at me like that! "I-I'm Sorry," narinig kong sabi niya nang magtangka akong talikuran siya at lumakad palayo dahil sa bigat ng nararamdaman ko. I felt her soft hands holding mine. Lalo akong nasasaktan. To think na bilang na ang mga araw, mga araw na mararamdaman ko ang lambot ng mga kamay niyang 'yon. "I know, dapat sinabi ko na agad sayo Papaix. Baby, I'm sorry." tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina niya pa sinusubukang pigilan. Hindi ko rin natiis ang lahat at hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. "I thought it would be better na hindi ninyo na malaman. Tutal, wala naman na 'kong pagasa. You can just move on and forget about me." "No, Yayara. Hindi!" napasigaw na tutol ko at niyakap ko na siya ng tuluyan. I can never imagine life without her. "May pagasa pa, Baby. Meron pa. Hindi ako papayag, pupunta tayo sa ibang hospital. Let's ask for second opinion. Hahanap tayo ng paraan, gagawin ko lahat! Just Please, have a little faith in me. Please? Don't say something like that again." "I already did, Paix. But - " "No buts! I can't lose you! Hindi ako papayag na mawala ka sa'kin. Ayoko." I said with all determination, kissing the tip of her nose. "Kahit sarili kong puso, Yara. Ibibigay ko sa'yo. Just don't die on me now. You can't do this to me, lumaban ka para sa'kin. Ikaw na lang ang meron ako. So, Please -" Yes, technically Yara is my only life simula ng makilala ko siya. Nagbago ang isang basag-ulo at walang direksyon sa buhay na si Paix Montenegro nang makilala niya ang isang madaldal at weirdong babae na si Yara Marie Cardinal. Siya, siya ang nagpabago sa sirang-sira kong buhay. Siya ang pumilit saakin na subukang maniwala sa nilalang na kahit kailan ay di ko pinaniwalaan. It was God. Natuto akong magsimba, magdasal, at umiwas sa gulo. It was all because of Yara. The sweet and energetic girl na nanganganib na mawala saakin ngayon. God, Why? Bakit kung kelan nakahanap na ko ng dahilan para magbago, saka mo siya pilit na kukunin sa'kin? Ito ba ang gusto mong kabayaran para sa mga nagawa kong kasalanan noon? Isn't this just so unfair? Wala siyang kasalanan, ako na lang sana. Ako na lang ang parusahan ninyo. Ako naman ang masama eh. Yara is a nice sweet girl. Marami pang may kailangan sa kanya. May pamilya pa siya, may kapatid, may pangarap. Hindi katulad ko, walang tinuturing na pamilya, kapatid o pangarap. Ang gusto ko lang maging masaya si Yara. Siya lang ang rason kung bakit ako nabubuhay, paano ako magpapatuloy kung mawawala siya?Is it possible, God? Minsan lang naman ako humiling. Can I wish for her life? Pagbibigyan ninyo ba ko? Please. Wag mo na siyang kunin sa'kin. Wag muna. I know I owe her to you, you let her into my life to make me closer to you. Pero hindi ko maipinta ang buhay ko nang wala siya at hinding-hindi ako papayag. She's all I got, she's my whole world. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pagbabantay kay Yara. Nasa states ang mga magulang niya at ang kuya Yxel naman niya may business trip. Kaya pansamantantalang ako muna ang magbabantay magisa hanggang maka-book na sila ng flight pauwi. Sinabi ko na rin ang lahat sa kanila, katulad ko'y gulat na gulat din sila at hindi makapaniwalang naitago ito ni Yara sa'ming lahat. Sa pagmulat ng mga mata ko, agad na hinanap ko si Yara. Wala siya sa hospital bed kaya nakaramdam ako ng konting panic sa isipan ko. Where is she? Pati ang dextross na dapat nakakabit sa kanya, putol na. Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Ginala ko ang mga mata ko sa pag-babakasaling nasa paligid lang siya at nag-lalakad lakad, pero wala akong Yara na nakita. Nag-tanong tanong ako sa mga nurses at doktor na nadadaanan ko, pero ni isa sa kanila walang nakakita sa kanya. Gusto kong magalit at sigawan sila dahil palpak ang security system nila pero wala na akong panahon para d'on. Kailangan ko munang mahanap si Yara. Pagod na pagod man na akong akyat panaog sa mga floors ng ospital, hindi ako pwedeng tumigil. Hindi na ako nag-elevator dahil wala na din akong oras na maghintay. Hanggang sa nakarinig ako ng nagtatawanang boses sa hagdanan papunta sa rooftop ng ospital. I'm quite sure na tawa iyon ni Yara, I know her that much. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdanang iyon hanggang marating ko ang pintuan ng rooftop. Lalo akong naging siguradong boses iyon ni Yara. Carefully, sumilip ako san aka-awang na pinto. Hindi ko naiwasang mapangiti nang makita kong nakangiti si Yara. Ibinaling ko ang tingin sa kausap niya, naka-wheelchair ito. It was a girl with a long black hair, she's smiling brightly and she seem to be enjoying their conversation but I felt something weird about her. I just can't explain what or why. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila upang hindi ko magambala ang masaya nilang paguusap. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yara nang makita niya akong paparating. Nang makalapit ako, agad niyang dinagit ang braso ko at kumapit. "Oh! Na-sundan mo pala ako!" nakangising sabi niya at mukhang nagpapa-cute pa. There was no trace of sadness in her expression. Tila ba gusto niyang kalimutan ko ang mga nalaman ko kanina. Pero imbes na magalit, ngumiti na lang ako sa kanya. I don't have the heart to be angry at her anymore. Masyado na siyang nahihirapan, she has gone through enough. Dapat intindihin ko na lang na gusto niyang mag-explore, alam kong gusto niyang maging normal pa rin ang mga kilos niya sa kabila ng mga pinag-daraanan niya ngayon. Pinisil ko ang pisngi niya at ngumuso, "Pasaway ka. Nagalala ako nung mawala ka sa kama mo, yun pala nakikipag-tsismisan ka lang?" "Eeh! Kasi naman eh!' parang batang reklamo niya dahil pinisil ko ang pisngi niya. "Ah! Oo nga pala!" mabilis niya kong hinila sa harapan ng babaeng naka-wheelchair. "Papaix, meet Nicoleen, Nicole for short. Matagal ko na siyang kakwentuhan kapag nasa ospital ako. And Nicole, Meet Paix, boyfriend ko." Tumingin ako sa babaeng naka-wheel chair na 'yon. At kinilabutan ako nung makumpirma kong may kakaiba nga sa kanya. It's not about her face or anything, infact she's quite pretty. She have that rosy cheeks, pointed nose, high cheek bones - but her eyes, it was blue. Oo. At mukhang may lahi nga siya. Pero bukod doon, mas nakaagaw ng pansin ko ang mga mata niya - it wasn't focused. Nakangiti siya pero malayo ang tingin. It was then I realized - this girl is blind. "Hi, Paix. Nice to meet you!" Narinig kong sabi niya. Her voice is sweet. Hindi mo akalaing ang isang napakagandang dalagang tulad niya ay bulag pala. How unfortunate. "Hi. Nice to meet you too." Maikli kong sagot, pinilit kong ngumiti kahit na medyo nagulat talaga ako. "You know what? Lagi kang nakukwento sa akin ni Yara. Lagi niyang sinasabi na swerte siya sayo." sambit ni Nicole. "Nicole! Ano ka ba? Bakit mo pinagkakalat yung mga pinaguusapan natin? Kasi naman e!" maktol ni yara at asal bata na idinukdok ang mukha niya sa braso ko na para bang nahihiya sa sinabi ni Nicoleen. No, mas maswerte ako. Dahil nang makilala ko si Yara, nagbago ang ikot ng mundong ginagalawan ko. Nagawa kong magbago. Tumawa ako at hinawakan ang kamay ni Yara, "Aba, talagang maswerte siya. Ang gwapo-gwapo kaya ng boyfriend niya." Isang malakas na palo sa braso ang binitawan ni Yara sa akin, "Eeh! Ang yabang-yabang mo! Mahiya ka nga! Naririnig ka ni Nicole noh! Hmp!" Matagal din kaming nakipag-kwentuhan sa babaeng naka-wheel chair - or rather, kay Nicoleen. Nakwento ni Yara na bulag na ito mula pagkapanganak dito. Madalang na lang daw may dumalaw sa kanya at nasa ibang bansa ang mga magulang niya. But inspite of that, I wonder why she's brightly smiling. If it was me, I'll be depressed. Parang si Yara rin ang babaeng iyon, gusto ko magalit dahil hindi nila iniintindi ang kalagayan nila. Anong masaya sa pagkakaroon ng limitasyon sa pagkatao mo? Anong masaya sa panganib na mawala ka sa mundo nang tuluyan? Paano ka magiging masaya kung hindi mo na makakasama ang mga taong mahal mo? Bumalik na kami sa kwarto ni Yara nang makaramdam siya ng paghihina, marahil ay napagod siya. Hinatid muna namin si Nicoleen sa kwarto bago kami dumiretso dito. Iniwan ko muna siya sa kwarto para bumili ng pagkain sa labas. Pero sa pag-balik ko, nakita ko siyang nakaupo lang sa paanan ng kama. Malalim ang iniisip, at hindi napansin ang pag-pasok ko sa kwarto. Tinabihan ko siya sa pagupo pero hindi pa rin niya ko nilingon. "Baby. May problema ba? May masakit ba sa'yo?" nagaalalang tanong ko saka tinapik ang balikat niya. Nakita ko siyang umiling, tumingin siya saakin. Isang napakamakahulugang tingin 'yon. Parang may ibig sabihin. "Baby. Kung sakali mang mamatay ako. Gusto ko sanang i-donate ang mga mata ko kay - " "Ano ba Yara!?" Nagalit ako sa mga narinig ko mula sa kanya, bumalik nanaman sa'kin ang katotohanang sinabi ng doktora. "Stop talking like that! Hindi ka mamamatay - " "Damn, Paix! Face it! Mamamatay na ako! Narinig mo naman ang mga doktor, 'di ba? Wala na akong pag-asa! Kaya nga mas mabuting i-donate ko ang mga mata ko kay Nicoleen! Mas magagamit niya 'to! Mas kailangan niya dahil mabubuhay pa siya! Ako hindi na! Naririnig mo ba 'ko? Hindi na ako mabubuhay kahit anong gawin ko! Natatakot din ako!" It was like a bomb. Sumabog na lahat ng nasa kaloob-looban ni Yara. Some part inside me is waiting for this moment. Gusto kong ipakita niya sa'kin na ayaw niya mamatay, gusto kong iparamdam niya sa'kin lahat ng sakit at takot na nararamdaman niya ngayon. Alam kong kailangan kong tanggapin pero - I just can't! "Paix. Wala na. Wala nang pagasa! Hindi ko na din alam ang gagawin ko." Halata ang pang-hihina sa boses niya. Gusto kong suntukin ang sarili ko nang makita kong umiiyak na naman siya. "Let's face this, Papaix. Kahit ayaw ko, kailangan kitang iwanan." "Pagod ka na ba, Yara?" Wala sa wisyo na naitanong ko. "Pagod ka na ba sa'kin? Ayaw mo na ba sa'kin? Bakit mo ba gustong iwan ako? Pwede naman nating labanan yan ng magkasama, di ba? 'Di ba, Yara?" Ngumiti nang bahagya si Yara. It wasn't a sweet smile, it was bitter. Malungkot ang mga mata niya. "I'm scared, Paix. Kasi habang lumalaban ako kasama ka, nasasaktan ka rin. Tapos sa huli, wala akong magagawa kundi iwan ka." Niyakap ko siya ng mahigpit. Making her feel that I wont ever let her go. "Wala akong pake kung masaktan ako, Yara. Basta. Please. Labanan natin 'to." "Paix... I..." Maya-maya naramdaman ko ang pag-bagsak ng ulo ni Yara sa balikat ko. Naalarma ako bigla. Nang tinignan ko siya ay nakapikit na siya at namumutla ang mga labi. "Yara? Yara! Wake up! Baby? Wake up, please!" No response? s**t! "Nurse? Doktora? Tulong!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD