Round Five: Lost in translation

2355 Words
-Paix's Play- "Kuya, sino ba 'yan?" bungad agad sa'kin ni Suzanne – the only cousin I knew for the past 20 years of my existence – pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto kung saan ko pinatuloy si Nicoleen. Wait. It's not like what you're thinking. Binuhat ko lang siya papasok ng kwarto dahil nakatulog siya sa loob ng kotse ko habang papunta kami dito sa residence namin. Napagod siguro kaka-tantrums at kakasungit sa'kin. I know I promised that I won't give a damn about her, but do you expect me to just stare and watch a helpless girl in the roads of a foreign country? Not to mention that it was her first time here? It's crazy, I know. May kunsensya pa rin pala ako kahit papaano. Kahit ako nagugulat sa sarili 'ko. "Hey, nakikinig ka ba? Sino ba 'yun? Girlfriend mo?" untag ulit ni Suzanne, hindi ko kasi siya sinagot. Halata namang iniintriga niya lang ako para may maisumbong siya. Nagbuntong-hininga ako at umiling. "No. Just an acquaintance that I'm trying to help." tipid kong sagot. I don't want her to put a different idea about it. "Oh? Himala. Marunong ka na palang tumulong ngayon? So, you also have a heart now." sarkastikong dagdag pa nito at tinawanan pa 'ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at humakbang papunta sa kusina. "Wala ka bang pagkain dito? Nagugutom na 'ko." pag-iiba ko sa usapan sabay bukas ng refrigerator na puro junk food ang laman. Chocolates. Ice cream, Pizza. "This is what you eat every day?" Tumango-tango siya. "Yup. Hindi ako marunong magluto eh." tila walang paking sagot nito. "Hindi uso maids dito, Kuya. Kaya kung gusto mong kumain, magluto ka." "You're almost 18 and you still don't know how to cook? Wow." panunuya ko sa kanya. But that didn't bother her. What a spoiled brat. "Fine. Ako magluluto. Like I have any choice." Just like that, I was forced to do the chores and cook. Sanay na 'ko. Sa tuwing pupunta ako dito, wala talaga akong aasahan kay Suzanne. That little brat doesn't know anything except for shopping and going to bars every single night. Hindi ko nga malaman kung nagaaral nga siya dito o nagbabakasyon lang. Unknowingly, I suddenly froze. Napatitig ako sa mga hinihiwa kong carrots. Yara loves carrots, especially when I put it in her vegetable salad. Sa aming dalawa, ako lang naman ang marunong magluto. But I didn't love her less because of that. Nakakapagtaka nga eh, mas gusto ko kasi yung mga babaeng mas marunong magluto kaysa sa'kin – but I fell for her. Sa tuwing pinagluluto ko siya, I feel happy. Tama na nga. What's the sense of remembering all those memories now? She's gone. There's no use in sulking over it again. Nagpatuloy ako sa pag-hiwa. Ayoko mang gumawa ng salad, iyon lang ang magagawa ko dahil sa limitadong sangkap sa kusina. As I thought, ni hindi man lang naggo-grocery si Suzanne. Pasaway talaga. "Wow! Yara's -" Speaking of which, here's the brat. Natigilan siya at napa-takip ng bibig. Alam niya rin kasing paborito 'to ni Yara. When Yara & me came here, they're both very close. "Don't look at me like that." puna ko sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kunwari na lang ay nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. "Gutom ka na ba?" Tumango lang siya bilang tugon, haltang naapektuhan siya nang mabanggit niya si Yara. "Kuya, don't you miss Ate Yara?" biglang tanong ni Suzanne habang nakapangalumbabang nanonood sa'kin. I smiled bitterly. "I do. I always do." "Bakit ka ba pumunta dito? You should've stayed there, together with the memories. Gusto mo na ba siyang kalimutan agad?" malungkot ang tono niya. Alam kong nagtataka lang siya kung bakit ako narito. To tell you the truth, nagtataka rin ako sa sarili ko. Naisipan ko na lang bigla, nag-book ako at hindi ako nagpapigil kahit tambak ang iniwan kong trabaho sa pilipinas. "There are things you still can't understand," saad ko. "Kahit ayaw ko siyang kalimutan, kailangan eh. I have to move on. Because regardless of how many times I delayed it, the pain won't heal easily." -Nicoleen's Play- Nagising ako sa ibabaw ng malambot na kama. Teka, nakatulog ba 'ko? Nasaan na ba 'ko? Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng kwartong kinalalagyan ko. It doesn't look like a hotel room though. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko. Namataan ko ang mga maleta ko sa tapat ng closet, bumalik ang alaala ko sa mga nangyari kanina sa airport. "Si Stalker boy." bulong ko at napabuntong-hininga. Nakakahiya naman, malamang binuhat pa 'ko papunta dito sa kwarto. Bakit ba kasi napakaantukin ko? Epekto ba 'to ng gamot na iniinom 'ko? On the contrary, I felt relieved. Kahit pala saksakan ng pilosopo at angas yung lalaking 'yon, may awa pa rin siya. 'Never judge a book by its cover.' ika nga nila. Sisiguraduhin kong makakapag-pasalamat ako ng maayos sa kanya. "Ting!" halos napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pagtunog na galing sa hand bag ko. Tunog ba yun ng cellphone ko? Nag-text na kaya yung engot na sekretarya ni Papa? Kumaripas ako para dukutin ang telepono ko. Katulad ng inaasahan, siya nga! Thank goodness! "Ma'am, nakapag-book na po ako ng hotel. Pwede na po kayo mag-stay doon ngayong gabi. Sorry po talaga." iyan ang text niya. Aba, pasalamat siya may natitira pang kabaitan sa kaibuturan ng puso ko matapos ng lahat ng kamalasang dinanas ko rito. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sa wakas, wala na akong aalalahanin pa at makakapag-enjoy na ko dito sa Paris! The vacation starts after this long tiring day! Tuluyan akong napatalon sa tuwa at hinawi ang kurtina. Saglit na nawala sa isip ko ang tuwa nang matanaw ko ang magandang tanawin na tinatakpan lang pala kanina ng kurtina. "Wow!" bulaslas ko. Tanaw mula dito ang Eiffel Tower at dahil gabi na, kumikinang sa mata ko ang mga ilaw nito at ng mga katabing building. "Ang ganda." wala akong ibang nausal kundi iyon. Hindi ko pa nakikita ang Eiffel Tower dahil nga bulag ako. Obviously. Noong sumailalim ako sa rehabilitation nabasa at nakita 'ko ito sa mga libro at internet. Pero iba pala talaga ngayong nakikita ko na ito, right before my eyes -- I can instantly tell this is indeed the Eiffel Tower. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko ngayon. Parang gustong sumabog sa tuwa ng puso ko. Yara. Are you seeing this? Thank you for these eyes. Because of you, I could never ask for more. "I can see that you're enjoying the sight." "Ay! Anak ng magandang kabayo!" gulat na bulaslas ko at napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si stalker boy! Tahimik kong usal sa isipan ko. May dala-dala siyang tray, aba't mukhang dinalhan ako ng hapunan. Wow! Gentleman na siya ngayon? Nilapag niya 'yon sa side table ng higaan ko at lumapit sa gilid ko. "Siguro naman nakatulog ka na nang mahibing no?" may pagka-sarkastiko pa rin ang tono niya pero ayoko nang pasinin 'yon. Magpapasalamat na lang ako sa - "Hindi mo naman siguro nilawayan yung unan saka bedsheet." dagdag pa nito kaya umakyat na naman ang dugo sa ulo ko. He just can't be nice to me, can he? "Wag kang magalala, nakatulog ako ng mahimbing. Salamat ha!" inis na sagot ko sa kanya at muling binaling ang tingin ko sa tanawin sa labas. "Isa pa, aalis na rin ako ngayong gabi. May nahanap nang hotel yung sekretarya ni papa." Sandali siyang hindi umimik, akala ko tuloy di niya ako pinakikinggan. Napaka-mean talaga nitong lalaking 'to kahit kailan. "Salamat talaga ah." "Bukas ka na umalis, ako na maghahatid sa'yo sa hotel mo bukas." nagulat ako sa pag-piprisinta niya. Ano daw? "Ha?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko, nagiging gentle man na naman siya? "Don't make me repeat myself. Anyway, delikado rito tuwing gabi. Baka mapano ka, kunsensya ko pa." komento niya at akmang tatalikuran na ako. "W-Wait." pigil ko sa kanya at nilingon naman niya ako. "Can I ask you a favor?" Unlike how I imagined it, hindi siya nainis. "Ano yun?" "Can you go with me outside?" tanong ko. I was crossing my fingers behind me. "Bakit? Saan ka pupunta?" usisa niya, parang nagdadalawang isip pa. "Kasi mula ng lumapag ako dito, hindi pa ko nakakapag-ikot." nahihiyang sabi ko. "So, gusto mo kong maging tour guide mo?" paglilinaw niya. Tumpak! Natatakot kasi akong umalis mag-isa, mahirap na baka mapano pa 'ko. "Hindi naman. Ikaw na rin nagsabi di ba? Delikado dito pag gabi." palusot ko, pero ang totoo kanina pa ko nangangating hilingin 'yon. "Palusot pa." mahina niyang bulong pero rinig ko. "Sige, kumain ka muna tapos sasamahan kita." pagpaparaya niya. Yes, victory! Sinuot ko ang pinaka-makapal na damit na nahanap ko sa maleta ko. Randam ko ang lamig sa labas kaya hindi na ako nakipag-sapalaran pang mag-dress o pumorma. Kung anong ganda ng paligid dito, nakakamatay naman ang lamig na mararanasan mo. Lumabas ako ng kwarto, nasa labas na pala siya. Medyo nahihiya na rin ako sa kanya kasi masyado ko na siyang inaabala. Pasalamat na lang ako at tanging kasungitan alng ang di kaaya-aya sa ugali niya. He seems to be a good guy, I'm sort of confident about it. Antipatiko nga lang talaga. "Lalabas ba tayo o tititigan mo lang ako d'yan?" untag niya sa'kin. "Ah, oo. 'Lika na." yaya ko at inunahan ko siyang lumabas ng pinto. Bakit ba kasi lagi akong napapatitig sa kanya? He really reminds me of someone – especially that voice. Naglakad kami palabas ng gahiganteng gate nila. Hindi kalayuan sa kanila, natatanaw ko na ang mga nagniningning na ilaw ng mga gusali. They're sparkling before my eyes like I've never imagined before! Sa sobrang tuwa ko, binilasan ko ang lakad ko. Not aware of my sorroundings – focused on the enchanting lights – I run. Pakiramdam ko unang beses kong pinanganak sa mundo. Iyong mga naririnig at nahahawakan ko lang dati, nakikita ko na. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. The first set of tears from these eyes – from Yara's eyes. Maya-maya, bumalik na 'ko sa katinuan ko. Lumingon ako sa paligid ko, napakaraming tao. Sinubukan kong hagilapin si stalker boy pero hindi ko siya makita. Naiwan ko ba siya kaninang tumakbo ako? Lagot! Saan ako pupulutin nito? "Stalker boy?" nakakahiya mang isigaw 'to sa gitna ng maraming tao, wala akong magagawa. Hindi ako pwedeng mawala dito. Come to think of it, hindi ko pa natatanong ang pangalan niya. Ang tanga ko talaga. "Stalker booooy!" malakas na sigaw ko ulit kaya pinagtitinginan na ko ng mga tao. Kinabahan akong bigla. Paano 'pag di ko na siya mahanap? Ayoko maging palaboy-laboy dito! "Stalker boy, please. Hanapin mo 'ko." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na maramdaman ang paa ko, para akong lumulutang sa kinalalagyan ko. Wala akong marinig kundi ang malakas na t***k ng puso ko. Mangiyak-ngiyak na 'ko, akala siguro ng mga tao dito nabubuwang ako kaya ako sumisigaw ng stalker boy. Maka-alis na nga dito – "Ay! Anak ka ng stalker boy!" nagulantang ako nang may humablot ng kamay ko. "Bakit ka ba tumakbo?" narinig kong boses nung humawak ng kamay ko. Inangat ko ang tingin ko, and to my surprise, si STALKER BOY! Napatalon ako sa tuwa at napayakap sa kanya. "Stalker boy!" tuwang-tuwa kong bulaslas. "H-Hey." saway niya sa'kin, saka ko lang napagtantong nakayakap pala ako sa kanya, mabilis akong bumitaw. "Ah, sorry." sabi ko na lang. Nadala lang ako sa tuwa ko, hindi ko namalayang niyakap ko na pala siya. "Saan ka ba nagsu-suot? Bakit ka tumakbo?" bumalik na naman ang pagiging masungit niya. Ang sama ng tingin niya sa'kin. Ugh. "Sorry na. Na-excite lang kasi ako." naka-ngusong paliwanag ko. "Ngayon ka lang ba nakakita ng mga ilaw? Para kang bata." natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Gusto ko siyang sagutin. Oo eh, ngayon lang ako naka-kita ng mga iyan. I just can't help but be amazed. "Never mind. Halika na nga." sabi niya na lang na para bang natunugan niyang na-offend ako sa sinabi niya. Huminto kami sa harap ng isang coffee stall. Tamang-tama 'to, maninigas na kasi ako sa lamig dito kahit na makapal na 'tong damit ko. "Black coffee or white?" tanong niya sa'kin. "White." tipid kong sagot. "Un café et un café au lait, s'il vous plait." sabi niya sa babaeng nagtitinda sa stall. Napanganga ako. Wala kasi akong naintindihan. Hanggang lingunin niya 'ko ulit dala-dala yung dalawang kape, "O? Bakit nakanganga ka d'yan?" sita niya sa'kin. "Marunong ka mag-french?" mangha kong tanong. Amazing! Amazing! "Hindi halata?" Here goes Mr. Pilosopo to the rescue. Inabot niya sa'kin yung kape ko at nagpatuloy lumakad. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanya habang iniinom at nilalasap ang unang libreng kapeng natikman ko sa Paris. Surely, today's full of firsts for me. "Saan tayo pupunta?" "Sa tabing dagat." tipid na tugon niya. "Bakit? Wala naman nang sunset ah?" usisa ko. "Bakit, sunset lang ba pwedeng tignan sa tabing dagat?" sarkastiko niyang sagot. Wala na yata akong makukuhang matinong sagot sa lalaking 'to. "Ano ngang gagawin natin doon?" pangungulit ko. "May fireworks display doon tuwing gabi. Since first time mo dito, dapat makita mo." paliwanag niya. Nakarating kami sa tabing dagat. Maraming taong nagaabang doon, mukhang totoo nga ang sinasabi ni Stalker boy – bakit nga ba stalker boy pa rin tawag ko sa kanya? "Pwede ba 'ko mag-tanong?" nag-aalangang tanong 'ko. "Ano 'yun?" malamig na tanong niya. "Ano bang pangalan mo? Kasi sa dami ng naitulong mo sa'kin, naisip ko, ni hindi ko pa pala alam ang pangalan mo." nilakasan ko na ang loob ko na tanungin. Siya kasi ang unang taong nag-magandang loob sa'kin dito. I want to remember this experience. Tinitigan ko siya, parang nag-iisip siya. Nag-aalangan ba siyang sabihin sa'kin? "Hindi bale kung ayaw mong sabihin, okay lang – " "Do you really want to know?" may paghahamon ang tono niya. Anong nangyari sa kanya? Bakit naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya? "O-Oo." "Paix. I'm Paix Montenegro." I looked at him in shock. Tama ba ang pagkakarinig ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD