-Paix's Play-
"P-Paix? W-What a nice name."
Dumadagundong pa rin sa isipan ko ang nanginginig na boses ni Nicoleen nang malaman niya ang pangalan ko. She's obviously denying the fact that she knows me. Wala akong duda doon. Did I go overboard? Hindi naman 'diba? Siya naman ang may gustong malaman ang pangalan ko. So, all I did was tell her. Ayoko magsinungaling para sa ikapapanatag ng loob niya, pero matapos kong sabihin iyon, nakaramdam na naman ako ng matinding kunsensya. Here I go again with this conscience, it only works big time when it comes to something connected with Yara.
It's not my fault, isn't it? Fate is just so damn cruel right now. Pinipilit na pagtapuin ang landas namin kahit na ginawa ko na ang lahat para umiwas dito. I tried. Halos isang taon na ang lumipas mula nung huli kong pinayagan ang sarili ko na makita ang taong nagdadala ng mga mata ni Yara. Hindi na rin nakakapag-takang nagulat siya. But when I looked unto her eyes that time, I saw fear. Takot siya, hindi sa kahit kanino kundi sa'kin. I suddenly wondered why.
"Anong nangyari? Bakit parang tahimik kayong umuwi nung bisita mo?" nagtatakang tanong ni Suzanne nang matagpuan niya kong nakapangalumbabang nag-iisip sa dining room. "Nag-LQ kayo?" pang-aasar pa nito.
"Hindi." malamig kong sagot. I don't want to deal with this brat.
"Oh? Mukhang nagaway nga kayo ah? Bad mood?" patuloy na panunuya niya at humagikgik.
"Hindi nga." inis na pag-uulit ko.
"I know you so damn well, bro. Alam ko kapag may bumabagabag sayo."komento ni Suzanne at umupo sa tabi ko. "You may look so cold outside but you can't actually stand anyone being angry with you – lalo pag babae. So, tell me."
I hate the fact that someone like this brat can see through me. Naiinis ako dahil tama siya. Kahit na alam kong napakagaspang ng ugali ko, ayokong may taong natatakot sa'kin. It makes me worried. Bumabalik na naman ba ako sa dati kong gawi? Shutting everyone away from me?
"Kahit ano pang hindi niyo napagkasunduan, ikaw ang unang kumausap sa kanya. Tandaan mo, babae pa rin siya. There's no excuse in being a gentleman."
Nagmamagaling na naman 'tong batang 'to. Although, her words makes sense. A mere 17 year old lecturing me, huh? Ridiculous.
"Wala kang alam sa nangyayari, Suzanne. Just let me handle it, okay?" pakiusap ko na lang. Alam ko namang hindi magpapatalo sa usapan, kaya umalis na rin ako sa dining room at iniwanan siya.
Kapag malaman ba ni Suzanne kung sino si Nicoleen, mararamdaman niya rin kaya itong nararamdaman ko? Would she be at the midst of hating and liking seeing her with Yara's eyes?
Umiling ako. Hindi na dapat madamay pa si Suzanne dito. Maybe I, myself, is enough. Walang magagawa ang pagmumukmok ko, kailangan ko nang tapusin ito. Tutal aalis na rin naman siya, we won't have any reason to see each other anymore. We have no reason to start with anyway. I have to wrap this up and go our separate ways. Papalakad pa lang sana ako papunta sa guest room nang tumunog ang door bell. Who is it? Gabing-gabi na ah?
"Ako na magbubukas." prisinta ko.
Natigilan ako sa pagpihit ko pabukas ng pinto. An unfamiliar face appears before me. Isang lalaki na maayos ang tindig at hindi hamak na mas malaking tao kaysa sa'kin. Intimidation and pride hits me. Ayokong-ayoko sa mga taong mas matangkad sa'kin. Sino ba 'to? Higanteng kakatok sa tapat ng pintuan namin sa gitna ng gabi?
"Who are you?" preskong tanong ko.
"Ah, Pasensya na po. Nakaka-abala po ba ako?" at nagtatagalog pala ang higanteng 'to. Nakakaabala ka talaga, obvious ba? "Andito lang ako para sunduin si Ms. Nicoleen."
"Si Nicoleen?" gulat na turan ko.
"Yes. Ako yung pinaki-usapan ng Daddy niya na bantayan siya dito sa Paris." mabilis na paliwanag niya. "Nandyan ba siya –"
"Justin Montalban, right?" biglang sulpot ni Nicoleen sa likod ko. Nilingon ko siya, hatak-hatak niya na ang mga maleta niya at tila ba walang emosyong tumingin sa'kin. "Thank you for everything, P-Paix Montengero. We need to go. Salamat talaga. It's nice meeting you here." hindi niya ko matitigan sa mata nang sabihin niya 'yon. Tinalikuran niya ko at lumakad na siya paalis kasama yung tour-guide kuno niya.
I sighed. "Whatever." nasabi ko na lang at binagsak pasara ang pinto.
We shouldn't meet each other again, Nicoleen. Live well.
-Nicoleen's Play-
'Dug. Dug. Dug'
Naririnig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib ko habang papalayo kami sa bahay ni Stalker boy – I mean, Paix. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin matapos kong malaman kung sino talaga siya. Sino mag-aakalang siya pala 'yon? The same Paix who resented me because I have his dead girlfriend's eyes. Kaya pala sa tuwing titignan niya 'ko, I can read pain deep with in him. He knows who I am from the start. Sinadya niya bang itago sa'kin 'yon? But he was so nice to me.
Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Damn. I'm sorry, Yara. I was terrified. Dapat hinanda ko na ang sarili kong makaharap siya at tuparin ang hiling mo pero – It turns out that I'm not that ready yet. Tuwing naaalala ko yung matinding galit niya sa'kin nung gabi bago ka mamatay, natatakot ako. Tama bang pinagkatiwala mo ang mga matang 'to sa'kin? What if I cause him more misery instead of making him smile? Yara, tulungan mo 'ko, please.
"Miss Nicoleen?" tawag pansin sa'kin ng katabi kong kanina ko pa pala dinededma habang nasa taxi kami. "Okay lang po ba kayo?" tanong niya at inabutan ako ng panyo. Ngayon ko lang namalayan na tumutulo pala ang luha ko.
"Okay lang ako. Salamat." sagot ko saka pinunas sa mga luha ko yung panyong iniabot niya. Bakit ba 'ko umiiyak? Hinga ng malalim, Nicoleen. Wag kang over-acting. Ugh. "Ikaw yung Justin Montalban na sinasabi ng sekretarya ni papa, right?" pagiiba ko sa usapan.
"Yup." tipid niyang sagot at pareho na kaming natahimik. Ano nga namang paguusapan naming when it's obviously the first time we've met.
"Paix Montenegro." putol niya sa katahimikan. Gulat na napatingin ako sa kanya. "Siya yung boyfriend ng donor ng mga mata mo 'di ba?" dagdag niya pa kaya lalong napa-awang ang bibig ko. Kilala niya si Paix?
"Paano mo – ?"
Bahagya siyang humagikgik at bumaon ang naglalaliman niyang dimples. Teka, bakit doon ba 'ko naka-tingin? "Bakit? Hindi mo na ba 'ko nabobosesan, Miss Nicoleen?" pagpapahiwatig niya at nanatiling nakangiti.
"K-Kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko. Today's full of surprises! Sino siya?
"Nurse mo 'ko." hindi na niya pinatagal ang pagtataka ko. "Don't you remember? I used to play piano for you para makatulog ka sa hospital bed mo." pagpapaliwanag niya.
Biglang luminaw saakin ang lahat. Totoo palang tunog ng piano ang naririnig ko tuwing gabi sa ospital. Akala ko pinapatugtog lang sa radyo o cd player.
"Ikaw. Ikaw pala yung nakakainis na nurse na 'yon?" hindi ko napigilan ang pag-ratiyada ng bunganga ko. Naiinis naman talaga ako sa kanya eh, siya palagi ang ngpapatulog sa'kin. And I hate sleeping back then – kasi wala namang magbabago dahil bulag ako noon. But today's a different story!
"Ako nga." tumango siya at tumawa ulit. Showcasing his dimples again na hindi ko maiwasang titigan. "Nakakapag-tampo ka naman. Isang taon rin akong naka-assign sa'yo noon pero hindi mo kilala ang boses ko?" pabirong pagtatampo niya.
I suddenly felt at ease. Nahawa ako sa pag-ngiti niya kaya natawa na rin ako. " Sorry. Masyado lang siguro akong na-excite na nakakakita na 'ko kaya marami na kong nakakalimutan." naglahong bigla ang mga ngiti sa labi ko. "Nakalimutan ko ring hiram ko lang 'tong mga matang 'to."
"Are you that burdened about it?" biglang sumeryoso ang tanong niya. "Hindi mo naman kasalanan na namatay si Yara, di ba? Why are you taking the responsibility? Hindi mo ba makalimutan yung mga sinabi ni Paix nung gabing 'yon?"
He was there. Tatlo nga lang pala kaming nasa hallway noong nag-hihingalo si Yara, that's why he knew the whole story, right? At ang mga sinabi niya, napaisip ako. Hindi ko nga ba makalimutan? Those words that breaks my heart a million times over and over again every time I'm reminded of it.
"Wala kang karapatang humingi ng tawad o umiyak. Wala ka ngang kasalanan, pero ikaw - ikaw ang naging dahilan kaya mas lalo niyang tinanggap na mamamatay na siya! Ikaw. Kaya siya hindi lumalaban dahil alam niyang mawawala siya ng may mas mabuting dahilan! Kaya oo, wala kang kasalanan!"
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga katagang iyon. That was the first time I felt as if my existence really do exists. Not in a good situation but – I felt the pain. Sa mga taon na nanirahan ako sa dilim na para bang wala akong nararamdaman, iyon ang unang pagkakataon na may naramdaman akong kakaiba sa sarili ko. Buong buhay ko puro awa ang pinaparamdam sa'kin ng mga tao. Paix Montenegro was the first person to make me feel the pain and resentment. It wasn't good but I felt it again and again.
Sa lalim ng iniisip ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad kasama si Justin sa hallway ng hotel. Nandito na pala kami, ni-hindi ko namalayan.
"That's your room." turo ni Justin sa pinto kung saan kami huminto at binigay sa'kin ang susi. "Sleep well. Papasyal tayo bukas para naman mawala yang stress mo." nakangiting saad niya.
Tumango lang ako at pilit na nginitian siya. "Salamat, ha? Pasensya ka na sa'kin." tugon ko at akmang papasok na sa loob.
"Wait. One more thing." pigil niya sa'kin kaya't nilingon ko siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Take this." may binunot siya mula sa bulsa niya. "Pinabibigay 'to ni Mrs. Cardinal, ang mama ni Yara." wika niya sabay abot ng isang maliit na kwaderno sa'kin.
"B-Bakit daw? Ano'to?" naguguluhan pa rin ako.
"That's Yara's journal. Alam ng mama niya na may hiniling siya sa'yo, that's why she thought this might help you." paliwanag ni Justin. "Ang problema lang, may nawawalang pahina d'yan sa dulo. It was tore apart. She was hoping na baka may nabanggit sa'yo si Yara about that."
Yara's Journal. Pumasok ako ng kwarto habang hawak-hawak iyon nang mahigpit. As much as I want to read it out of curiousity, I'm scared too. Natatakot akong malaman ang mga bagay tungkol kay Yara – then find myself too attached to it.
And that missing page.